PINAS NAKIKIDALAMHATI SA LEBANON

NAKIISA ang Pilipinas sa mga mamamayan sa Lebanon na dumaranas ngayon ng matinding pagdadalamhati dahil sa pagsabog sa port of Beirut nitong Martes. “Our thoughts and prayers are with the Lebanese people,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Sec. Roque na kaisa sila ng mga pamilya at kaibigan ng mga Filipino na nasawi at nasugatan sa nasabing pangyayari. Sa kabilang dako, iniutos na sa Deparment of Foreign Affairs na tulungan ang mga Filipino na apektado ng pagsabog sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Beirut. Sa ulat, kabilang ang…

Read More

PAGBABALIK NG DEATH PENALTY GUMULONG NA

TINUGUNAN na ng House Justice committee ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng batas para ibalik ang parusang kamatayan sa bansa lalo na sa mga sangkot sa ilegal na droga. Sa pamamagitan ng virtual hearing, sinimulan ni Leyte Rep. Ching Veloso ang pagdinig sa 13 panukalang batas na nagsusulong na ibalik ang parusang kamatayan kasama na ang House Bill (HB) 1588 na inakda ni House majority leader Bienvenido Abante at HB 2026 ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers. Ani Abante, sinomang tao na nakagawa ng karumal-dumal…

Read More

Kapag ni-regulate ang socmed KULUNGAN MAPUPUNO NG NETIZENS

MAPUPUNO ng netizens ang mga kulungan sa bansa kapag nagtagumpay si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na i-regulate ang social media na ginagamit umano ng mga terorista sa kanilang krusada laban sa gobyerno. Ito ang pinangangambahan ng mga militanteng mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso kaugnay ng plano ni Gapay na isama sa Implementing Rules and Regulation (IRR) sa Anti- Terror Law ang pagre-regulate sa social media. Ayon kina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, sa social…

Read More

5,000 EDAD 130, MIYEMBRO PA RIN NG PHILHEALTH

NANANATILING kabilang ang limanlibong 130-taong gulang sa 109 milyong kasapi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Inamin ito ni Ricardo Morales, ang retiradong heneral mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginawang pinuno ng PhilHealth ni Pangulong Rodrigo Duterte mula noong Hulyo 2019, sa harapan ng 23 senador. Ngunit, banggit in Morales sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa malaganap na korapsiyon sa PhilHealth ay hindi maaaring basta tanggalin ang mga 130-anyos sa database ng ahensiya dahil posibleng buhay pa ang 5,000 na mga ito. Ani Morales, walang dokumentong…

Read More

LUGI SA PHILHEALTH PALAKI NANG PALAKI

IBINABALA ni Senador Juan Edgardo “sonny” Angara na kung hindi kaagad aaksiyon ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) laban sa sistematikong korapsiyon sa ahensiya, tiyak na malulugi ito ng P90 bilyon sa taong kasalukuyan at inaasahang malulugi ng P147 bilyon sa 2021. Sa pahayag, sinabi ni Angara, chairman ng Senate committee on finance, na kundi matatakpan ang butas sa PhilHealth upang mapigilan ang paglulustay sa ahensiya, tuluyan na itong mababangkarote. Nabulgar sa ginanap na pagdinig ng Senado sa malawakang korapsiyon sa PhilHealth, na naglahong parang bula ang mahigit…

Read More

‘Hokus pokus’ sa PhilHealth PANAHON PA NI PNOY P153-B naglaho sa all case rate policy – Rep. Defensor

NAGSIMULA ang mafia sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pamamagitan ng all case rate policy na ipinatupad mula noong 2011. Ito ang isiniwalat ni House committee on public account chairman Rep. Mike Defensor sa pagdinig na kanyang ipinatawag hinggil sa iba’t ibang katiwalian sa PhilHealth. “Itong case rate policy ay nagsimula sa administrasyon ni Pangulong Aquino. From 2011 (binuo ang polisiya) nagtuloy-tuloy po ‘yan at nagugulat na lang tayo.. dito na lang nagsimula ang problema sa PhilHealth na ang lalaki…

Read More

PALASYO PINAKIKILOS VS KORAPSYON SA PHILHEALTH

HINILING ni Senador Panfilo Lacson na kumilos si Pangulong Rodrigo Duterte upang magsagawa ng drastikong hakbang at malutas ang malawakang korapsiyon at mismanagement sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sa virtual press conference, sinabi ni Lacson na hindi na kailangan ni Pangulong Duterte na magtakda ng “blanket’ trust and confidence sa kanyang mga opisyal dahil nadidiskaril ang pondo ng gobyerno. Nitong Martes, iginisa ng Senate Committee of the Whole ang mga opisyal ng PhilHealth sa pamumuno ni president at CEO Ricardo Morales hinggil sa kaso ng overpricing at mismanagement sa…

Read More

2,855 HEALTH WORKERS KAILANGAN NG GOBYERNO

PANAHON na para mag-hire ang gobyerno ng karagdagang 2,855 health workers para tumulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic. Ito, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles ay dahil patuloy na nakikita ng bansa ang pagsirit ng bilang ng virus infections. Nabatid na 9,365 ang kailangan na health workers para tumutok sa pandemya. Sa ngayon, ang pamahalaan ay mayroon nang napunan na 6,510 positions o katumbas ng 69.51 percent. “Tayo po sa pamahalaan ay actively nagre-recruit pa po ng health workers,” ayon kay Nograles. Ang mga health worker ay headlines sa balita…

Read More

DFA: 2 PATAY, 6 PANG PINOY SUGATAN SA BEIRUT BLAST

PATAY ang dalawang Filipino at sugatan ang anim na iba pa sa pagsabog na nangyari sa kapitolyo n Lebanon na Beirut kamakalawa, Martes. Ayon sa Spokesman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Ed Meñez, ang mga namatay na Filipino ay nasa bahay ng kanilang mga amo nang mangyari ang pagsabog. Sa ulat na natanggap ng DFA, tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Beirut na nakikipag-ugnaya na sila sa mga Filipino community sa Lebanon upang malaman ang tunay na kalagayan nila roon at maibigay ang kinakailangang tulong sa mga…

Read More