ISINUSULONG NA CHA-CHA PRO-DYNASTY, PRO-CHINA — SOLON AT BAYAN MUNA

0

BINATIKOS nina House Deputy Minority Leader Carlos Zarate at Bayan Muna chair Neri Colmenares ang muling pagsisikap ng administrasyong Duterte na isulong ang Charter change.

Ayon kina Zarate at Colmenares, ang naturang Cha-cha ay may bagong nilalaman kung saan tinanggal ang constitutional provisions na magbibigay ng proteksiyon sa Pilipinas mula sa

expansionism ng China sa West Philippine Sea, gayundin ang pagkakaloob dito ng red carpet entry sa Pilipinas.

Hinikayat ng dalawang opposition figures ang mamamayang Filipino na maghanda sa matinding

laban sa pro-China at  pro dynasty Charter change sa mga nalalabing taon ni Presidente Duterte sa Duterte sa puwesto.

“The pronouncement of the Inter-Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform and the Department of the Interior and Local Government (DILG) as well as the League of Municipalities of the Philippines (LMP) to again push for amending the Constitution for economic reforms by allowing entry of foreign business makes this current Cha-cha the most dangerous because it will open up the country further to countries like China. The latest Cha-cha draft was RBH 15 and was approved by Pres. Duterte’s super majority in the House of Representatives overwhelmingly last year.

It deletes many provisions in the 1987 Constitution. Cha-cha results in the opening up of the Philippines to countries like China.

This Cha-cha is not only self serving but is also a China constitution,” pahayag ng Bayan Muna chairman.\

“It deletes the requirement under Section 2 Article XII of the 1987 Constitution that the “exploration, development and utilization of natural resources” can only be undertaken by the State through joint ventures” with Filipino citizens or corporations at least sixty percent of whose capital is owned by Filipinos”.

This means that there will no longer be a constitutional barrier to Pres. Duterte undertaking joint exploration with the Chinese government or 100% Chinese owned
corporations,” dagdag pa niya.

“This Cha-cha also deleted the provision under Section 2 that requires the President to ‘notify the Congress of every contract entered into in accordance with this provision’.  This opens up the
country to verbal agreements with China allowing China’s fishing in the West Philippine Sea.

Worse, this Cha-cha will  also delete the requirement under Section 7 Art. XIII of the 1987 Constitution that requires the government to protect Philippine “marine resources and subsistence
fishermen from foreign intrusion”.

China’s lobby in this Cha-cha undertaking must be very strong,” sabi pa ni Colmenares.

“While they cancelled the ABS-CBN franchise on the alleged cloud of doubt on the nationality of a Lopez owner, they’re hell bent on opening the country to more foreigners like big business from
China,” dagdag pa niya.

“The claim of the Inter Agency Task Force and the LMP that this Cha-cha is intended to distribute public funds to the provinces is also a lie.

Pres. Duterte is the only President in history to have centralized the largest amount of budget in the national government and the NCR. Pres. Rodrigo Duterte campaigned all over the country for federalism because he said he wants to ensure that funds are distributed to the provinces and the regions and not centralized in what he called ‘Imperial Manila’. Yet, his 2018 National Expenditure Program showed the complete opposite because He centralized more than 23% to NCR. Worse, he even decreased the regional allocation for Mindanao and Visayas in the 2019 budget,” pahayag ng progressive leader.

“We call on members of the House, even those loyal to Pres. Duterte, not to give away our country to foreigners. Presidents come and go, in a few years time, Pres. Duterte will no longer be there, but if we amend the Constitution, this will be with us for many years to come condemning our sons and daughter to the control of China.

We cannot sacrifice the future of the next generation of Filipinos in exchange for our loyalties to a temporary President.

Members of the House and the Senate must oppose this latest attempt at Cha-cha by Pres. Duterte.” “Worse, Pres. Duterte’s term ends in 22 months but he is not sure if his candidate is going to
succeed him because of his growing unpopularity. We are afraid that the cancellation of the elections is tempting during Cha-cha,” dagdag pa ng Makabayan chairman.

Samantala, sinabi naman ni Zarate na, “the Inter Agency Task Force’ promise of electoral reforms because Cha-cha under Pres. Duterte contained provisions that delete the constitutional prohibition of political dynasty and term extension is also a sham. In fact, several administration allies admitted that indeed term extension  is one of the main agenda of Cha-cha.”

“Considering that Pres. Duterte’s family controls many government position, it is a foregone conclusion that Pres. Duterte will support the deletion of political dynasty in the Constitution. I call
on my colleagues not to approve this Cha-cha but oppose any attempt by the administration and its allies to ram it down the throats of the Filipino people,” sabi ni Zarate.

Read More

‘LIFE’ SA 2 KIDNAPPERS NA NASAKOTE NG PNP-AKG

0

HINATULAN ng guilty ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215 ang dalawang akusado sa kasong kidnapping for ransom at carnapping sa promulgasyon nitong Miyerkoles, via video
conference.

Sa hatol ni Judge Rafael Hipolito, pinatawan ng reclusion perpetua at civil damages sina Christian Villacorta Rueda at Jiovani David Ojeda.

Gayunman, ang dalawa ay inabsuwelto ng korte sa kasong illegal possessions of explosive.

Ayon sa record ng korte, noong Hunyo 30, 2018, bumili ang bktimang si Joseph Estrada y Cubullan ng black Mitsubishi Montero (with conduction sticker BO P061) sa isang Christian V. Rueda.
Habang ginagamit ng biktima ang sasakyan, may natagpuan siyang susi sa loob nito at napansin may mali sa nasabing sasakyan kaya agad niya itong ipinaalam kay Rueda.

Noong Hulyo 28, 2018, si Mr. Rueda ay nag-text at tumawag sa biktimang si Estrada at sinabing kukunin niya ang susi.

Ayon sa napagkasunduan, dumating si Rueda kasama ang hindi kilalang lalaki na nagpakilalang mekaniko, sa bahay ng biktima lulan ng white Toyota Vios na hindi nakuha ang plaka, mula roon
ang biktima at ang suspek na si Rueda ay sumakay sa Montero at nagtungo sa Shell Gasoline Station sa Mindanao  Avenue, Quezon City, kasunod ang white Toyota Vios na minamaneho ng
mekaniko.

Ngunit pagkaraan ay sinuntok ang biktima at sinakal ng suspek na si Rueda saka puwersahang inilipat sa hulihang bahagi ng sasakyan at sinabing “PERA LANG ANG KAILANGAN NAMIN.”
Pagkaraan ay minaniobra ang sasakyan patungo sa Litex, Quezon City.

Habang bumibiyahe, huminto sila sa hindi nabatid na lugar, piniringan ang biktima at tinutukan ng baril sa ulo.

Kinuha ng suspek ang cellphone ng biktima at iba pang gamit nito saka inutusang tumawag sa kanyang pamilya para humingi ng P300,000 bilang kapalit ng kanyang paglaya.

Noong Hulyo 29, 2018, makaraan ang mahigit tatlong oras na biyahe, inalis ng mga suspek ang piring ng biktima kaya nabatid nitong sila ay nasa Tagaytay City na.

Pinaikot-ikot ng mga suspek ang sasakyan habang hinihintay ang kapatid na babae ng biktima na magpapadala ng pera sa Western Union, gayunman hindi nakapagpadala ng pera ang pamilya dahil sarado ang remittance center dahil araw ng Linggo.

Dahil sa pagkadismaya, inutusan ng mga kidnapper ang biktima na mag-withdraw ng pera sa kanyang BDO passbook savings account sa J.P. Rizal Avenue corner Puerto Rico Avenue, Nangka,
Marikina City, dakong alas-10:30 ng umaga noong Hulyo 30, 2018.

Ngunit habang nasa loob ng bangko kasama ang mga kidnapper, sumigaw ang biktima at humingi ng saklolo na nagresulta sa pagkakagulo ng mga tao.

Bunsod nito, tumakas ang mga suspek lulan ng black Mitsubishi Montero.

Habang tumatakas ang mga suspek, humiram ang biktima ng telepono at ipinaalam sa kanyang kapatid ang kanyang kinaroroonan.

Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Marikina City Police at dinala ang biktima sa MCPS Headquarters.

Dakong alas-3:30 ng hapon, ang biktima ay dinala ng mga tauhan ng MCPS sa Anti-Kidnaping Group ng PNP, na pinamumunuan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo.

Sa isinagawang debriefing, kinilala ng biktima ang isa sa mga dumukot sa kanya na si Christian Villacorta Rueda, ang dealer at may-ari ng Mitsubishi Montero (plate number BO P061) na siyang
nagbenta sa kanya ng nasabing sasakyan.

Noong Agosto 3, 2018, ang biktima ay bumalik sa AKG at sinabing nakatanggap siya ng text messages at phone calls mula sa mga kidnapper na humihingi ng P500,000 at nagbantang siya ay
papatayin pati ang kanyang pamilya.

Base sa nasabing impormasyon, ang PNP-AKG ay nagkasa ng entrapment operation para sa pagdakip sa nasabing mga suspek.

Makaraan ang serye ng mga negosasyon, nagtungo ang AKG operatives, kasama ang biktima, sa BCDA, C5 road, malapit sa Petron Gasoline Station, ayon sa instruksyon ng mga kidnapper, para
makuha ang napagkasunduang pera.

Habang ang biktima ay nakatayo malapit sa nasabing gasoline station, isang lalaki ang lumapit sa kanya, kinuha ang pera saka sumakay sa black Mitsubishi Montero.
Agad namang hinarang ng AKG operatives ang nasabing sasakyan na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek na positibong kinilala ng biktima bilang kanyang mga kidnapper. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

Read More

MGA SENADOR, NAGDADALAWANG-ISIP PONDOHAN ANG UHC

0

AMINADO si Senador Panfilo Lacson na marami sa kanila ang nagdadalawang-isip nang buhusan ng pondo ang Universal Health Care Law sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Being a consistent intervenor in augmenting the budgets of agencies based on justifiable need, the DOH and PhilHealth included, I can say for sure that I and many senators will have second thoughtsto pour in more funds into the UHC program,” saad ni Lacson.

Ito, ayon kay Lacson, ay maliban na lamang kung makikitaan ng kaseryosohan at sinseridad ang executive department na papanagutin ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa mga katiwalian
at iregularidad.

Ipinaalala pa ni Lacson na itinaas pa nila sa P74 bilyon ang pondo ng UHC ngayong taon mula sa P67 bilyon na nakasaad sa National Expenditure Program.

Kasabay nito, hinamon ni Lacson ang mga opisyal ng PhilHealth na magdeklara ng moratorium on corruption sa panahon ng pandemya.

“Who knows, they might actually learn that it feels good not to be corrupt, and thus develop anaversion to corruption,” pasaring pa ni Lacson.

Hinimok din nito ang iba pang tauhan ng PhilHealth na nagnanais labanan ang katiwalian na makipagtulungan sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ebidensya.

Hiniling din nito sa mga kagawad ng PhilHealth na tumutulong sa pakikipaglaban sa iregularidad na huwag mapagod.

“A corruption-free and more importantly, corruption-averse PhilHealth will not only ensure much- needed health benefits for all Filipinos in the long run. In the immediate term, it will ease the
concerns of lawmakers, myself included, that the budget we pass for PhilHealth to do its job will not be lost to greed,” diin pa ni Lacson. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

DEPED at CHED KINALAMPAG SA ONLINE LEARNING

0

NANAWAGAN si Senador Christopher Bong Go sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na isaalang-alang ang maraming bagay sa  isyu ng paglilipat sa online platforms sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ipinaliwanag ni Go  na hindi lang ang kakayahan ng gobyerno ang mag-a-adjust  sa new normal kundi dapat ding tingnan ang kapasidad ng mga estudyante sa “new norm of education” o ang
online education.

Aniya, hindi na lang ang pag-iisip kung paano makapag-aaral ang inaalala ng mga estudyante ngayon kundi kung paano sila mabubuhay sa pang-araw-araw na pangangailangan kung saan
marami sa mga nasa kolehiyo ang nagtatrabaho rin habang nag-aaral.

Iginiit din ni Go ang kanyang paninindigan na no vaccine, no face to face traditional classes sa mga eskuwelahan tulad din ng  posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na pare-pareho naman aniyang batid ang kahalagahan ng edukasyon subalit mas mabuti na unahin ng lahat ang “right to live” dahil mawawalan ng saysay ang lahat kung magkakasakit
naman ang mga estudyante. (NOEL ABUEL)

Read More

MGA BAGYONG PARATING, PAGHANDAAN NA RIN

0

SA gitna ng pagiging abala ng buong bansa sa pakikipaglaban sa COVID-19, iginiit ni Senador Ralph Recto na dapat ding pagtuunan ng pansin ng mga awtoridad ang paghahanda sa mga parating na bagyo.

Nagbabala ang senador na posible ring maging panibagong dahilan ng malawakang infection kung magkakaroon ng siksikan sa mga evacuation center kung may panibagong kalamidad na tatama sa bansa.

“Kung ang COVID-19 ay isang unos, may mga bagyo pang parating,” saad ni Recto.

“Kaya importante ang checklist of targets for the next two weeks, or up to the end of the month. Ano ba ang countable deliverables? Gaano kalaki ang dapat itaas sa bilang ng testing? Para alam
natin ang before and after. Pag klaro yan, a united people will work so that these can be attained,” diin pa ng senador.

Sa ngayon anyang puno ang mga ospital at evacuation centers at ginagamit ding quarantine facility ang mga paaralan, walang espasyo ngayon para sa mga biktima ng iba pang kalamidad.

Ngayon pa lamang anya ay dapat nang magplano ang national at local government units para sa pag-iimbak ng pagkain lalo na ng bigas.

Nanawagan din ito sa DSWD na ipagpatuloy ang prepositioning ng relief goods para sa mabilis na deployment kung kinakailangan.

Ipinaalala ni Recto na batay sa datos mula 2004 hanggang 2014, 14,150 ang nasawi sa pananalasa ng mga bagyo habang 46,691 ang nasugatan at 4,169 ang nawawala. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

Sa utos na itigil ang paniningil ng premium sa OFWs PHILHEALTH OFFICIALS DINEDMA SI DIGONG

0

MISTULANG binabalewala ng mga opisyales ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang paniningil ng premium sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Ito ang lumabas sa pagdinig ng House account committee na pinamumunuan ni Rep. Mike Defensor, kaugnay ng usapin ng health premium na patuloy na inirereklamo ng OFWs.

“Nagsabi ang Pangulong Duterte. Ang sabi ni Presidente, voluntary payment of premiums for OFWs, tapos pinatigil niya ito. Duterte orders make 3% premium payment of OFWs voluntary. Noong May 4 pa ito sinabi ng ating Pangulo,” ani Defensor.

Gayunpaman, hindi ito nasunod, ayon kay Atty. Thorrsson Montes Keith, dating hepe ng anti-fraud ng PhilHealth, dahil patuloy na pinagbabayad ang mga OFW bago sila makaalis para magtrabaho sa ibang bansa.

“Naglabas sila ng advisory…ganito ang advisory..payment of contribution voluntary for OFWs pero naglagay sila na..mayroong flexible payment. Yung title lang po ang voluntary pero sa laman po ng advisory magbabayad pa rin ang OFWs,” ani Keith kay Defensor.

“So ibig mong sabihin, nilalabag mismo nila ang utos ng ating Pangulo?,” tanong ni Defensor na sinagot naman ni Keith ng “opo sir, nilalabag ang utos ng Pangulo natin”.

Ikinadismaya ito ni Defensor dahil kapag hindi nakapagbayad nang buong premium ang mga OFW ay hindi sila bibigyan ng Overseas Employment Certificate (OEC) para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Dehadong-dehado aniya rito ang mga OFW dahil sinisingil din ang mga ito ng penalty na aabot ng 3% sa bawat buwan na hindi sila makapaghulog sa kanilang premium sa PhilHealth.

HUHUBARAN
NG MASKARA

Kung dati ay walang mukha ang mga miyembro ng mafia sa PhilHealth na nagpista sa pondo ng mga miyembro mula 2013, ngayon ay makikilala na ang mga ito.

Ito ang tiniyak ni Rep. Defensor kaugnay ng sinimulang imbestigasyon sa mga katiwalian sa PhilHealth.

Ayon sa mambabatas, makikilala ang mga miyembro ng sindikato sa mas malalim na pag- iimbestiga sa all case rate (ACR) policy na binuo noong 2011 at sinimulang ipatupad noong 2013 o
panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“Ang mga kasapi, ‘yan po ay makikita natin sa mas malalim na pag-iimbestiga ng komiteng ito.

Makikita natin kung sino ang mga kasabwat sa pagpapatupad ng ganitong sistema,” ani Defensor.

Una nang sinabi ni Defensor na nagsimula ang mafia sa ACR policy ng PhilHealth kung saan, nagtakda ang mga ito ng halaga ng kanilang bababayaran sa isang sakit na ipinagamot ng isang
miyembro, imbes na ang aktwal na hospital bill nito.

SOBRANG PONDO

Samantala, nangangamba naman si Marikina Rep. Estella Quimbo na mauuwi talaga sa katiwalian ang P45 Billion na inilalaan ng PhilHealth para bayaran ang hospital bill ng mga COVID-19 patient.

Sa interpelasyon ni Quimbo sa senior vice president for actuarial services ng PhilHealth na si Nerissa Santiago, nagulantang ang mambabatas dahil naglaan ang  mga ito ng P45 Billion na pondo na sobra aniyang laki.

Depensa ni Santiago, tinataya nila na aabot sa 209,000 ang COVID-19 case sa bansa kaya naglaan ang mga ito ng P45 Billion bagay na kinontra ni Quimbo.

Hindi aniya nakapagtataka na maubusan ng pondo ang ahensya sa ganitong gawain ng mga opisyales ng state insurance firm na nauuwi sa katiwalian. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

Sotto sa korapsyon sa PhilHealth MORALES, BINULAG O BULAG-BULAGAN?

0

NANINIWALA si Senate President Vicente Sotto III na binulag kundi man nagbubulag-bulagan si president at CEO Ricardo Morales sa katiwalian, korapsiyon at mismanagement sa loob ng
Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa online interview, sinabi ni Sotto na maaaring binulag si Morales ng mga opisyal at tauhan ng PhilHealth na matagal nang nakaupo sa ahensiya o binibigyan niya ng proteksiyon ang ilang opisyal nito.

“He is either blindsided, was blindsided or he is protecting them. There’s no in-between,” ayon kay Sotto.

“At the very least, I think he was blindsided. Now I hope the other side is not true, which is he knew that it all happened,” aniya.

Katulad ni Sotto, naniniwala si Senador Panfilo Lacson na “iniligaw” si Morales ng mga tauhan nito.

EBIDENSYA

Inihayag ni Lacson  na malakas ang ebidensiyang hawak ng Senado kabilang ang testimonya ng ilang testigo hinggil sa katiwalian, korapsiyon at mismanagement laban sa matataas na opisyal ng
PhilHealth.

Sa virtual press conference, sinabi ni Lacson na kayang bumuo ng malakas na ebidensiya laban sa mga sangkot na dapat panagutin sa kasong kriminal at administratibo.

Sinimulan ng Senate Committee of the Whole ang pag-iimbestiga sa katiwalian at anomalya sa PhilHealth kaya nabuglar na umabot sa P15 bilyon ang naibulsa ng sinasabing sindikatong mafia sa
ahensiya.

Sa ginanap na pagdinig, iginisa ng mga mambabatas ang mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni president at CEO Ricardo Morales, alinsunod sa testimonya ng mga pangunahing saksi.

Kabilang sa inungkat ng Senado ang panukalang P2.1 bilyonng halaga ng information technology project na natuklasan ng state auditor na may anomalya dahil overpriced; kuwestiyonableng
pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) at hinihinalang manipulasyon ng financial status ng ahensiya.

“The answer is yes. There’s a strong case that may be filed against those who should be held criminally and administratively liable. That’s clear — not only in the testimonies but also in the
documents,” ayon kay Lacson. (ESTONG REYES)

Read More

Panawagan sa PhilHealth mafia MORATORIUM SA KORAPSYON – LACSON

0

Ni: NELSON S. BADILLA

DINIRETSO na ni Senador Panfilo Lacson na manawagan sa mga korap na opisyal sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kabilang sa mafia na “moratoryum” muna  sa
korapsyon.

Ani Lacson, tumigil muna, o magmoratoryum muna, ang mga korap sa PhilHealth kahit ngayong nahaharap sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang bansa.

Ipinanawagan ng senador ang moratoryum dahil sa sobrang tindi ng mafia kung mangulimbat ng pera sa nasabing ahensya kahit nahaharap sa matinding virus ang bansa.

Ang nagbitiw na Anti-Fraud legal officer ng PhilHealth na si Atty. Thorrsson Keith ang nagbansag na mafia kung magdesisyon at umaksyon ang pamunuan ng PhilHealth sa mga proyekto ng ahensiya, partikular na sa proyektong information technology (IT).

Sa panayam sa isang television program, una sa mga binanggit ni Lacson na krimen ng korapsyon ay ang P45 milyong ibinayad ng PhilHealth sa isang pribadong dialysis center para sa mga pasyenteng nagkaroon ng COVID-19.

Nilinaw ng senador na ang mga dialysis center ay hindi nagke-cater o naggagamot ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ang paglabas ng pera ng PhilHealth, sa pamamagitan ng interim reimbursement mechanism (IRM) ay upang tulungan ang mga ospital na mayroong akreditasyon sa PhilHealth na matustusan ang paggamot at pag-asikaso ng mga ito sa mga pasyenteng nagkaroon ng COVID-19, bulalas ng senador.

Tinukoy rin ni Lacson na inabisuhan ni Etrobal Laborte si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na masyadong mahal ang sinasabing P326,000 information and technology equipment
ngunit, itinuloy ng PhilHealth-BAC ang pagbili gayung P62,000 lang ang totoong halaga ng aparato.

Si Laborte ang nagbitiw na chief executive assistant ni Morales.

Tinumbok din ni Lacson ang ibinunyag ni PhilHealth Board Member Alejandro Cabading na paulit- ulit na pag-endorso ni Morales sa mga “grossly overpriced” na produktong information and
technology.

Read More

EKONOMIYA SADSAD NA

0

SUMADSAD nang todo ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang quarter ngayong taon dahil sa epekto ng coronavirus contagion sa pamumuhay ng sambayang Filipino, ayon sa Philippine
Statistics Authority (PSA).

Inihayag ng PSA na bumagsak ng 16.5 percent ang ekonomiya ng bansa mula Abril hanggang Hunyo kasunod ng mga ipinatupad na community lockdown na bahagi ng hakbangin ng gobyerno na
mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa virtual press briefing, inihayag ng PSA na dahil sa pagbulusok ay itinuturing na nasa recession ang ekonomiya ng Pilipinas.

Una nang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na kapag nagkaroon ng magkasunod na quarters ng contractions, maituturing na itong technical recession.

Sinabi ni PSA Usec. Claire Dennis Mapa, pinaralisa ng mga lockdown ang domestic activities lalo na noong pinairal ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang high-risk areas mula Marso 17 hanggang Mayo 15 at sinundan ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Mayo 31.

BAD NUMBERS

Para naman sa isang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso, “bad number” ang naitalang

numero sa Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas na pinakamalala sa mga bansa sa Asya.

“This is a bad number,” pahayag ni House ways and means committee chairman Joey Salceda matapos umabot sa -16.5% ang GDP ng Pilipinas na mas malala sa -12.6% ng Singapore at  -5.3% ng
Indonesia na kabilang din sa labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ito ang pinakamalalang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas sa nakaraang 34 taon. (JESSE KABEL/BERNARD TAGUINOD)

Read More