POCKET SEND OFF NG LSIs IKINAKASA

0

POCKET send off ang isa sa plano ng Technical working Group (TWG) ng Hatid Tulong Initiative Program para sa susunod na batch ng mga uuwing Locally Stranded Individuals (LSIs).

Ayon kay ASEC Joseph Encabo, kasama si Col. Gerry Zamudio ng Philippine Air Force,  sa programang UP UP Pilipinas, layon ng Pocket Send Off ang mas kontrolado at sistematikong
pagpapauwi sa mga LSI.

Sa nasabing sistema, by region o lalawigan ang send off sa isang araw o linggo hanggang sa dahan-dahang maubos ang mga LSI na naghihintay at naproseso na makauwi sa kani-kanilang mga
probinsya.

Ayon kay ASEC Encabo, kapag ang LGUs ay humiling ng isang hatid tulong assistance, aalamin sa kanila mismo kung ilan lamang ang bilang ng LSI na kayang tanggapin sa quarantine facilities upang hindi sumobra ang mga ito.

Aniya pa, manggagaling na rin sa  LGUs ang listahan ng LSI upang mapatunayan na sa kanilang probinsya sila talaga uuwi.

Samantala, idinagdag ni Col. Gerry Zamudio na ipinakikita ng Hatid Tulong Initiative Program na ang konsepto ng whole of nation approach and good governance ng NTF ELCAC ay aktibong gumagana  sa panahon ngayong krisis para tugunan ang pangangailangan ng ating mga apektadong kababayan.

Malaki naman ang pasasalamat ni Asec Encabo kay Lt. Gen. Allen T Paredes, Commanding General ng Philippine Air Force, sa pagpapahiram nito ng mga eroplano na naghatid at maghahatid pa sa mga LSI sa kanilang mga destinasyon. (DAVE MEDINA)

Read More

REGULAR TESTING SA MANGGAGAWA HIRIT SA EMPLOYERS

0

INIHAYAG ni Senador Joel Villanueva na dapat magsilbing aral ang pagbagsak ng ekonomiya na umabot sa 16.5% sa ikalawang yugto ng taon bilang babala sa pamahalaan na hindi lamang
lockdown ang pagtugon upang mapigilan ang pagkalat ng corona virus 2019 (COVID-19).

Sa pahayag, hinikayat ni Villanueva ang policymakers sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ikonsidera ang pagpapatupad ng matinding disease monitoring sa lugar-pagawaan matapos kilalanin ng Department of Health (DOH) na ito ang ilan sa lugar na nagkakahawahan ng COVID-19 bukod sa komunidad.

Dahil dito, hinikayat din ni Villanueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ipagpatuloy ang labor inspections upang matiyak na estriktong sinusunod ang minimum health
standards sa lugar-pagawaan at himukin ang employer na ipatupad ang regular, randomized testing sa manggagawa.

“If infections spread in the workplace and remain undetected, asymptomatic workers could bring the disease to their homes and communities. We will have uncontrollable spread of COVID-19 and we will be forced to do ECQs,” aniya.

Umapela rin ang senador sa pamahalaan na ikonsidera ang pagbibigay ng suporta sa mga employer na magpapatupad ng regular, randomized testing sa manggagawa upang makatulong na
mabawasan ang gastusin at palaging gawin ang ganitong pagkilos.

Hiniling din ng mambabatas sa Employees’ Compensation Commission na kaagad iproseso ang medical assistance claims ng manggagawa na inilagay sa quarantine. (ESTONG REYES)

Read More

Pagiging COVID-19 hotspot ng Pinas sa SE Asia DINEDMA NG PALASYO

0

BINALEWALA lang ni Presidential spokesperson Harry Roque ang ulat na ang Pilipinas ang bagong COVID-19 hotspot sa Southeast Asia matapos malagpasan ang Indonesia.

Inanunsyo ng Pilipinas na nakapagtala ito ng 3,561 bagong kaso ng may COVID dahilan upang umabot na ito sa kabuuang 119,460 habang ang Indonesia naman ay napaulat na mayroong 1,882bagong kaso para sa kabuuang 118,753.

Subalit, sinabi ni Sec. Roque na ang Pilipinas ay nakapagsagawa na ng tests para sa 1.5% (1.64 million) ng populasyon nito na 110 million habang ang COVID-19 tests naman ng Indonesia ayumabot lamang sa 0.34% (908,000) ng populasyon nito na 273 million.

Dagdag pa ni Sec. Roque, ang pagtaas ng bilang sa Pilipinas ay maaaring i-attribute sa agresibong ‘testing and tracing efforts’ ng pamahalaan.

“Dahil mas maigting ang ating pagti-test, hindi po totoo na mas maraming kaso tayo kaysa sa Indonesia,” ayon kay Sec. Roque.

“Hindi lang nalalaman ng mga Indonesian kung sinu-sino iyong mga umiikot na mayroon na pong sakit; at least tayo po, alam natin kung sino na po sila,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, sinabi ni Sec. Roque na ang mga bansa sa buong mundo ay nakararanas din ng pagsirit ng COVID-19 infections.

Tinukoy nito ang ulat ng Nikkei Asian Review noong Agosto 2 na may 126 bansa at rehiyon o may 70% ng buong mundo ang nakapagtala ng pagtaas ng bagong naiulat na kaso. (CHRISTIAN DALE)

Read More

IT, legal department, ospital tinukoy ng PACC SABWATAN UGAT NG KORAPSYON SA PHILHEALTH

0

TINUKOY ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na  sabwatan ng mga ospital, Information Technology at Legal Department ng Philippine Health
Insurance Corporation o PhilHealth ang pinagmumulan ng bilyun-bilyon pisong korapsyon pondo nito.

Sa Facebook video post ni Belgica, sinabi nitong matagal nang nangyayari ang nakawan ng pondo sa ahensya.

Aniya, taun-taon na lang na iniimbestigahan ang PhilHealth sa isyu ng korapsyon pero wala pa ring pagbabago.

Ito aniya ay dahil sa pagsasabwatan ng ilang departamento at ospital. Inihalimbawa ni Belgica na kung magpapadala ng billing ang isang ospital sa IT department ng PhilHealth sa pamamagitan ng Electronic Claims o E-Claims para sa ordinaryong sipon, sisingilin ito para sa sakit na pneumonia na may mataas na halaga.

Dahil wala namang validating mechanism o walang audit na ginagawa ay naloloko o nagpapaloko ang PhilHealth.

Dito umano pumapasok ang transaksyon sa pagitan ng IT department ng PhilHealth at mga ospital para paghatian ang sobrang kabayaran sa hospital billings.

Nakita rin ni Belgica na posibleng kasabwat sa anomalya ang Legal department ng ahensya dahil wala umano siyang nakitang kinasuhan na may kinalaman sa korapsyon sa nasabing tanggapan.

“Wala pong tanga sa gobyerno, mayroon lang po nagtatanga-tangahan,” dagdag pa ni Belgica.

Binanggit din niya na ang root cause ng nakawan sa PhilHealth ay dahil sa kawalan umano ng electronically audit na magba-validate sa claims ng mga ospital.

HUWAG TANTANAN

Samantala, hiniling ng isang mambabatas sa Kamara na huwag tantanan ang mafia sa PhilHealth hangga’t hindi naparurusahan ang mga nagpakasasa sa pondo ng mamamayang Filipino.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat, hindi dapat hayaan ng publiko na mamatay na lamang ang isyung ito nang walang maparurusahan dahil ang ginawa umano ng mga nagnakaw sa pondo ng PhilHealth ay isang uri ng ‘pagtataksil sa bayan”.

“Dapat mainit at hindi mamamatay na balita (ang PhilHealth corruption) hangga’t hindi mapaparusahan ang gumawa nito (pagnanakaw),” pahayag ng katutubong mambabatas.
“Nagbabayad ang iba’t ibang sektor ng lipunan para magkaroon ng pondo para sa kalusugan.

Kinaltasan pa ang suweldo ng taumbayan para ibayad sa PhilHealth tapos nanakawin lang,” ani Cullamat.

Base sa mga naunang report, umaabot sa P15 bilyon ang tinatayang ninakaw ng mafia sa PhilHealth subalit sa pagdinig ng House committee on public account ni Rep. Mike Defensor, P153.7
bilyon ang nawalang pondo mula nang ipatupad ang all case rate mula 2013 hanggang 2018.

“Treason ang ganitong laki ng lantarang pandarambong sa pondo na galing sa bulsa ng mamamayan,” ayon pa kay Cullamat kaya kailangang maparusahan umano ang mga magnanakaw
na ito dahil kung hindi ay tuluyang mauubos ang pondo ng mamamayan para sa kanilang kalusugan.

Sa panig naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, sinabi nito na ang katiwalian sa PhilHealth na paulit-ulit na lamang ay isa nang epidemya na kailangan ng agarang solusyon.

“Ang corruption sa PhilHealth is already an epidemic of corruption,” ani Gaite kaya hinamon nito si Pangulong Rodrigo Duterte na pagulungin na ang ulo ng mga corrupt official sa nasabing
institusyon.

Ayon sa mambabatas, noong 2019 humingi ang PhilHealth ng P153 bilyong pondo para ngayong taong (2020) subalit P71 bilyon lamang ang inaprubahan ng Kongreso.

“Mabuti na lang hindi ibinigay ang P153 Billion kundi napariwara na yun at napunta lang sa bulsa ng mga corrupt official,” ayon pa kay Zarate. (JOEL O. AMONGO/BERNARD TAGUINOD)

Read More

P174-B NAGLAHO RIN SA PHILHEALTH – SEC. ROQUE

0

MAY isang pagkakataong umabot diumano sa P174 bilyong piso ang nawala sa PhilHealth dahil sa misused of funds.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng kontrobersiya sa kasalukuyan sa ahensiya bunsod ng isyu ng katiwalian.

Ani Sec. Roque, batay sa impormasyong nakuha niya sa kanyang source, umabot sa gayung multi bilyong pisong anomalya ang naganap sa PhilHealth partikular nuong Wellmed scam.

Ito aniya ang iregularidad kung saan sinasabing talamak ang bogus benefit claims gamit ang mga non-existent kidney treatments.

Samantala, naniniwala naman si Sec. Roque na ang P15 bilyong pisong diumano’y napunta sa mafia na isiniwalat ni dating PhilHealth Anti-Fraud Investigator Atty. Thorsson Montes Keith ay may
katotohanan.

Bukod aniya sa crucial ang naging papel nito bilang anti fraud investigator, hindi lang naman si Atty. Keith ang nagsabing may gayong klase ng iregularidad na tumataginting sa P15 bilyong piso.
(CHRISTIAN DALE)

Read More

Nakabaon na sa ahensya ang korapsyon – Lacson PHILHEALTH MAFIA MAY ‘CORE GROUP’

0

INIHAYAG ni Senador Panfilo Lacson na bukod sa sistematiko ang pangungurakot sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), may core group ang mga ito kaya kahit magpalit ngpresidente at chief executive officer (CEO) ay hindi sila nagagalaw kaya patuloy ang pagnanakaw sa kaban ng ahensiya.

Sa panayam, sinabi ni Lacson na may mga pumasok na dokumento at sagot sa naimbitahan ng Senate committee of the whole na nagpapakitang may malaking problema at malaganap angcorruption sa PhilHealth.

Aniya, ang masama pa rito, kahit sa gitna ng pandemya ay hindi talaga natigil. “Unabated ang corruption. Parang hindi pinatawad ang health crisis na nangyayari sa ating bansa.”

“Isa lang ang puwedeng logical conclusion pagka-ganoon. Systemic at may core group na maski magpalit ng liderato, nariyan ang core group na mangangasiwa at nakakaalam ng corruption,” ayonkay Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na ang masama, kung papasok ang bagong president at bagong appoint na board members, kung ma co-opt sila ng sindikato sa loob, walang pagbabago.

“Mabuti na lamang sa situation ngayon si BM Cabading umalma. At si Atty Keith, job order ng anti- fraud, pati si Col Laborte, HEA, ito mga di makatiis nagsalita, di na raw nila masikmura kaya sila lumabas,” paliwanag ni Lacson.

Ayon kay Lacson, kailangan talagang magkaroon ng drastikong remedial measure na gagawin sa PhilHealth bukod sa structural na isasabatas ng Senado.

“Kasi systemic ang hinaharap na corruption dito. Pero hanggang walang nakikita ang nasa loob na makukulong, talagang hindi madadala. Kaya nilang lusutan eh,” paliwanag ni Lacson.

“Sa WellMed hanggang ngayon pending pa, nasa Ombudsman pa rin. Di ba dapat after 1 year dapat nasa Sandiganbayan na sana o may resolution na ang kaso? Systematic din ang mga, of course may due process na sinusunod. Unfortunately ang due process … talaga eh, talagang pagkatagal-tagal na nakaratay,” ayon sa senador.

Pinanigan din ni Lacson ang natuklasan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na aabot sa P153-P154 bilyon ang ninakaw sa ahensiya simula pa noong 2013.

“Napakalaki. Sabi ng PACC estimate mula 2013, P153-154B, mantakin mo,” giit ni Lacson.

“Parang sinong maunang mapagod, parang ganoon. E sila, sige mag-imbestiga kayo nang mag- imbestiga makakalimutan yan after 1 month. Kami tuloy lang kami siguro mag-lie low lang kami 2 buwan.

Pag nakalimutan ng tao, eto na naman kami,” dagdag pa niya patungkol sa miyembro ng sindikato. (ESTONG REYES)

Read More

GOBYERNO WALA NANG PANG-AYUDA

0

HINDI pa malaman ng gobyerno kung saan kukunin ang panibagong ayuda para sa mga mamamayan na hindi na naman maaring magtrabaho.

Ito’y matapos na muling isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang buon NCR at mga karatig lalawigan.

Para kay Sec. Roque, ito ang pinakakontrobersyal o problemang kinakaharap ngayon ng gobyerno sa desisyong ito makaraang pagbigyan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang hiling ng ilan medical frontliners.

Sinabi ni Sec. Roque na pabor aniya siya sa mungkahing ECQ ang solusyon sa pagkalat ng COVID-19, subalit kung wala naman aniyang ayuda, mamamatay naman sa gutom ang mamamayan.

Binigyang diin ni Sec. Roque na napakahirap ng nasabing desisyon dahil kailangang balansehin ng gobyerno ang ekonomiya at kaligtasan ng bawat mamamayan ng bansa. Kaugnay nito, hanggang modified enhanced community quarantine (MECQ) na lamang ang kayang ipatupad ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at mga karatig -lalawigan nito.

Sinabi ni Sec. Roque, na kung muling ipatutupad ang ECQ o total lockdown sa mga nasabing lugar ay hindi na ito kakayanin pa ng ekonomiya, lalo pa’t matindi ang ibinagsak ng gross domestic product ng bansa sa 2nd quarter ng taon. (CHRISTIAN DALE)

Read More

7-M DROP OUT STUDENTS AGAPAN

0

PINAAAGAPAN ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang may 7 milyong estudyante na inaasahang hindi makapag-aaral ngayong School Year (SY) 2020-2021.

Sa magkakahiwalay na pahayag, labis na nabahala sina Kabataan party-list Rep. Sarah Elago at BH party-list Rep. Bernadeth Herrera sa mga report na umaabot sa 7 milyon ang hindi nakapag-enroll ngayong papasok na school year.

“Nakakabahala ito dahil mga mahihirap na kabataan ang ito na mapagkakaitan ng edukasyon,” ani Elago kaya hiniling nito na dagdagan ang emergency funds para sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng Bayanihan 2.

Base sa nasabing panukala na pinagtibay na sa ikalawang pagbasa sa Kamara, halos P5 bilyon lamang ang ibinigay sa sektor ng edukasyon, kasama na ang mga primary, secondary at tertiary level
at mga ayuda sa mga guro.

“Hindi ito nakasasapat para isalba ang mga kabataang magdo-drop out,” ayon pa sa mambabatas at mayroon pa aniyang panahon ang Kongreso na dagdagan ang pondo ng sektor ng edukasyon
dahil nakatakdang pagtibayin pa lamang sa ikatlo at huling pagbasa ang Bayanihan 2.

Base sa mga report, umaabot lamang sa 20.7 million ang nag-enroll hanggang noong Hulyo 16, 2020 kaya kapos ito sa 7 milyon dahil umaabot sa 27.7 milyon ang estudyante sa bansa.

“This number is almost double the 3.6 million OSCY in 2017, the last year for which data are available,” ayon naman kay Herrera base aniya sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Ayon sa mambabatas, hindi dapat sukuan ng Department of Education (DepEd) ang 7 milyong kabataang ito dahil may dalawang linggo pa umano para gawan ng paraan ang problemang ito at
hingin ang tulong ng Local Government Unit (LGUs).

Sa Agosto 24 na ang pagbubukas ng klase sa buong bansa kung saan idadaan sa hybrid system ang pagtuturo sa mga kabataan dahil sa kinakaharap na problema sa COVID-19 pandemic.

“The LGUs play an important role in getting students enrolled. I encourage the LGUs, particularly barangays, to put up tarpaulins about the enrollment and if possible, to go house-to-house to
distribute the enrollment forms,” aniya.

Bagama’t nauunawaan umano ng mambabatas na kasama ang sektor ng edukasyon sa naapektuhan ng pandemya, kailangang hindi tumigil ang mga kabataan sa pag-aaral dahil ito lang
ang kanilang pag-asa. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

MANUFACTURERS NG COVID-19 SUPPLIES, BIBIGYAN NG TAX CUTS

0

PINABIBIGYAN ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ng tax cuts ang lahat ng gumagawa o nagmamanupaktura ng personal protective equipment (PPEs), test kits, ventilators at iba pang
medical products na ginagamit sa paglaban sa corona virus 2019 (COVID-19) upang matiyak ang sapat na suplay nito.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na lubhang nagmahal at kinapos ang raw materials sa paggawa ng PPEs at iba pang medical supplies dahil sa pandemya.

“Isiniwalat ng pandemya na wala dito sa Pilipinas ang gumagawa ng mga critical na mga medical supplies na ito. At the onset of the pandemic, the supply of these critical products and its raw
materials became scarce, inaccessible, and expensive. Kulang, di-abót, at di abot-kaya,” ayon kay Pangilinan sa kanyang paliwanag sa Senate Bill 1759.

“Kinumbinsi pa ng Board of Investments ang mga existing manufacturing firms na mag-repurpose ng kanilang operations. Kaya lang, nakikipagkumpetensya pa rin itong mga manufacturing firms sa mga substandard imported product, pekeng imported PPEs, at mas pinapaborang imported PPEs kaysa sa gawang Pinoy,” dagdag niya.

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas, ibinunyag ni Pangilinan kasama sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Risa Hontiveros ang pagkaantala sa pag-aapruba sa mas mura,
mas epektibo na Filipino-made COVID test kits. Ilang oras ang nakalipas, inaprubahan ito ng Department of Health kaya bumagsak ang halaga ng inangkat na test kits ng 26%.

“In order to avoid a similar dilemma in the future, this measure seeks to give incentives to local manufacturers and producers of these critical products and suppliers of critical services,” ayon kay
Pangilinan.

Nakatakda sa SB 1759 o ang Pandemic Protection Act of 2020, hindi sisingilin ng custom duties, VAT at iba pang buwis at bayarin na itinakda ng Bureau of Customs, Food and Drug Administration, at iba pang ahensiya ang pag-aangkat ng capital equipment, spare parts at accessories, raw materials at iba pang kailangan sa paggawa ng PPEs, test kits at ibang medical supplies vs virus.

Sakaling maisabatas ang panukala, exempted din sa Value Added Tax ang pagbebenta nito sa lokal na pamilihan na ilalagay sa website ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng isang Revenue Memorandum Circular.

Magagamit din ng manufacturers ang exemption kung lilipat sila sa bansa o magpapalawak ng operasyon kung makakamit nila ang requirements ng batas. (ESTONG REYES)

Read More