JIMENEZ, AMINADONG MAKUPAD ANG PACC

0

MISMONG pinuno ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang umaming napakakupad nito sa pag-iimbestiga laban sa mga korap na opisyal sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Dante Jimenez, noong 2018 nagsimula ang PACC na magsagawa ng imbestigasyon sa PhilHealth.

“The PACC has been investigating PhilHealth since we started receiving complaints in 2018 when we started to work. We’re ready to file with the Ombudsman initial complaint against some PhilHealth officials,” pahayag ni Jimenez.

Nong Oktubre 4, 2017 itinatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PACC sa pamamagitan ng Executive Order No. 43 (EO 43).

Binubuo ito ng chairman at apat na commissioners kung saan ang mayorya ay kinakailangang mga abogadong limang taon nang aktibo sa propesyon.

Layunin ng PACC na imbestigahan ang mga opisyal ng pamahalaan na itinalaga ni Duterte sa ehekutibong sangay ng pamahalaan.

Bago pa man itayo ang PACC, nadiskubreng P154 bilyon na ang nawalang pera sa PhilHealth mula 2014 hanggang 2018.

Walang naibalita ang PACC tungkol dito.

Hindi nagsalita sina Jimenez at Commissioner Greco Belgica kahit kailan tungkol dito.

Ngayong pumutok ang napakalaking kaso ng korapsyon sa PhilHealth tungkol sa nawaldas na P15 bilyong pera ng ahensiya, “overpriced” ng milyun-milyong halaga ng mga computer equipment na kasama sa proyektong information technology (IT) at pamimigay ng milyun-milyong ayudang pinansiyal sa ilang ‘pili’ at ‘paborito’ ng PhilHealth para sa mga pasyenteng ginagamot dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID – 19), sa pamamagitan ng bagong latag na Interim Reimbursement Mechanism (IRM), ay biglang lumantad sa media si PACC Commissioner Belgica na nagsabing 36 opisyal ng PhilHealth ang kakasuhan ng ahensiya.

Ayon kay Belgica, labing-isang miyembro ng Board of Directors ng PhilHealth ay kasama sa 36.

Ngunit, ayaw banggitin ni Belgica ang mga pangalan ng 36 opisyal kahit pampublikong isyu ang korapsyon at pandarambong sa pamahalaan.

Gayunpaman, hindi natuloy ang pagsasampa ng mga kasong kriminal ng PACC dahil gusto ni Duterte ng malalim at malawak na pagsisiyasat tungkol sa iskam sa PhilHealth at hindi paspasang imbestigasyon tulad ng ginawa nina Jimenez at Belgica.

Nagbuo ng task force si Duterte na ipinahawak sa Department of Justice (DOJ) sa halip na sa PACC.

Ang aksyong ito ni Duterte ay pinaniniwalaang nawalan ng tiwala ang pangulo sa PACC dahil lumilitaw na hindi siya nakumbinsi sa inanunsiyo ni Belgica sa media.

Idiniin ni Belgica na “Marami na kaming inimbestigahan, kinasuhan, pinatanggal at pinakulong, pero ang isyu ng PhilHealth, grabe po ito. Grabe ang nakawan, grabe ang kakapalan, grabe ang kawalanghiyaan.”

Ayon kay Jimenez, hindi pa pinal ito dahil iniimbestigahan pa ng PACC ang P3 bilyong lingguhang inilalabas ng PhilHealth.
“We are still undergoing investigation of all those complaints, including the P3 billion funds allegedly being released weekly,” saad ni Jimenez. (NELSON S. BADILLA)

Read More

Duterte bigo kay Belgica sa misyon kontra korapsyon PACC KULELAT SA PHILHEALTH SCAM

0

NANGUNGULELAT ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa paghabol sa mga sangkot sa talamak na katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay matapos ideklara ng minorya sa mababang kapulungan ng Kongreso na “failure” ang PACC sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa katiwalian sa kanyang pamahalaan.

Sa virtual press conference ng minority bloc sa Kamara, kapwa din binalaan nina House minority leader Bienvenido Abante at ACT party-list Rep. France Castro si PACC Commissioner Greco Belgica na huwag tangkaing ‘ilibre’ sa kaso ng katiwalian sa PhilHealth ang ilang mga sangkot dahil kung hindi ay lalong bibiguin ng mga ito ang kanilang pangulo sa kampanya laban sa katiwalian.

“Apat na taon ang Duterte administration at nakita ang kaliwa’t kanang controversy sa corruption. ‘Yung PACC dapat magsilbi talaga sa totoong functions niya,” ani Castro.

Gayunpaman, hindi ito naramdaman sa kaso ng PhilHealth dahil mistulang walang ginawa ang ahensya nang mabunyag ang dialysis scam noong nakaraang taon at maging ang iba pang katiwalian na nadatnan ng kanilang administrasyon sa nasabing state insurance firm.

“Sa bahagi ng Makabayan, failure, hindi natupad ang pangako ni Pang. Duterte na lilinisin niya sa corruption ang ating gobyerno dahil kaliwa’t kanan ang nangyayaring corruption sa administrasyon,” dagdag pa ni Castro dahil hindi ginagawa ng PACC ang kanilang trabaho.

Ayon naman kay Abante, gigisahin umano nito si Belgica kung ano ang naitulong nito at ng PACC sa kampanya ng Pangulo laban sa katiwalian sa pamahalaan simula nang manungkulan ang mga ito.

“Since the time it was organized and created, ilan na po ba ang nademanda. Ilan na ang na-charge sa [Office of the] Ombudsman,” ayon naman kay Abante at bakit patuloy pa aniya ang katiwalian sa gobyerno.

Sinabi ng kongresista na mandato ng PACC na tulungan si Pangulong Duterte sa kanyang misyon laban sa katiwalian subalit nakalulungkot aniya na marami pa rin ang anomalya at walang report sa accomplishment ng nasabing komisyon.

Nangangamba naman si Castro na maliliit ang posibleng habulin ng PACC dahil ngayon pa lamang ay mistulang iniiwasan umano ng komisyon na mapanagot ang matataas na opisyal ng

PhilHealth lalo na si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

“Sinasabi nila (PACC), iimbestigahan ang PhilHealth pero parang iniitsapuwera na si Gen. Morales. Kung honest to goodness ang [laban] sa corruption sa gobyerno, dapat walang pipiliin,” dagdag pa ni Castro.

Ipinaliwanag ng mambabatas na bagama’t maraming katiwalian ang dinatnan ni Morales sa PhilHealth ay nangyari ang kontrobersya sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) at overprice na

IT projects sa ilalim na ng kanyang pamumuno.
“Pakiusap sa PACC, dapat walang sacred cow dyan. Whoever it might be, gaano kataas ‘yan, executive lahat ‘yan eh,” ani Abante. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

P18-B PER DAY NAWAWALA SA MECQ SA NCR – MALAKANYANG

0

HINDI na naitago pa ng Malakanyang ang kaakibat na hindi magandang epekto kung patatagalin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) lalo na sa National Capital Region.
Ito’y sa kabila na wala pa namang pasya kung ano ang susunod na quarantine protocol na ipatutupad sa Agosto 18.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, dito pa lamang sa Metro Manila kasi ay nasa P18 bilyong piso na ang nawawala sa kada araw dahil sa MECQ.

Bagama’t mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nagsabing ang pinakamabisang paraan para mapababa ang numero ng virus ay patagalin ang MECQ o kaya ang ECQ, hindi na aniya

talaga kakayanin pa ito ng ekonomiya.

Bukod aniya sa wala nang mapagkukunan pa ng ayuda ay baka naman mamatay na ang mga tao kung hindi maghahanap-buhay sakalit tumagal pa ang MECQ.

“Kung ang tao naman ay hindi makakapagtrabaho, baka mamatay dahil sa kawalan ng hanapbuhay. So, unless si Dr. Leachon po ay pupuwedeng magbigay ng ayuda sa lahat ng nais niya na

mapasailalim pa sa MECQ ng dalawang linggo, eh hindi na po talaga kakayanin,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ilalim kasi ng MECQ ay limitado pa rin ang pagbubukas ng komersiyo habang tigil din ang operasyon ng pampublikong transportasyon na ang tinatamaan ay mga tsuper ng jeep.

Giit ni Sec. Roque, kailangang magtrabaho para mabuhay na siya namang ginagawa na rin ng iba pang mga bansa.

“Kaya nga po ang mensahe po ng ating Presidente, matagal pa po itong COVID, iyan na po ang sinasabi ng WHO, kinakailangan po mabuhay tayo despite and in spite of COVID,” ani Sec. Roque.

“Kinakailangang ingatan po natin ang ating buhay para po tayo ay makapaghanapbuhay. Kaya po nating gawin iyan at ginagawa naman po iyan ng buong daigdig. At hindi lang naman po Pilipinas

ang nagkaroon ng surge, 70% po ng mga bansa sa buong daigdig ay nagkaroon ng surge; 70% ng buong daigdig, lumalaban, pinu-pursue po ang pang-araw-araw na buhay nila despite and in spite of COVID,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

Read More

RUSSIA’S VACCINE BUBUSISIIN PA NG FDA

0

KAILANGAN pa rin dumaan sa tamang proseso ang iniaalok ng bansang Russia sa Pilipinas na bakuna na na-develop nito laban sa COVID.

Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, may batas na pinaiiral sa Pilipinas ukol sa paggamit ng isang gamot for public consumption na dapat sundin.

Kailangan aniyang dumaan ang COVID vaccine sa Food and Drugs Administration at hindi maaaring ibigay sa publiko ang isang gamot nang hindi nasusuring mabuti ng FDA.

Dapat aniyang masunod ang batas ukol dito lalo’t for mass distribution ang kaukulan ng isang gamot at kabilang dito ang clinical trials na handang gastusan ng pamahalaan.

“Ang sabi po ni Presidente, nagpapasalamat siya. He is grateful doon sa offer ng Russia. Pero sinabi rin niya na kinakailangan din nating sundin ang batas na umiiral sa Pilipinas dahil nga po walang gamot na pupuwedeng ibigay sa publiko na hindi dumadaan sa FDA. Ang FDA naman po ay hindi mag-iisyu ng permit to utilize sa isang gamot kung wala po iyong clinical trial,” paliwanag ni Sec. Roque.

Nauna rito, nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nasabing alok ni Russian President Vladimir Putin habang nagpahayag ito ng kahandaang makatulong sa clinical trial sa gitna ng mataas na kumpiyansa sa Russia para mawakasan ang COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Bilang post-COVID-19 growth areas FARM AT ECO-TOURISM PAUNLARIN

0

HINILING ni Senador Cynthia Villar sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kabilang ang local government units na gumawa ng estratehiya upang umunlad ang farm tourism at eco-tourism na posibleng maging growth areas pagkatapos ng pandemya ng corona virus 2019 (COVID-19).

Sa pahayag, sinabi ni Villar na may ilang aktibidad at paglalakbay na may kinalaman sa agrikultura at kalikasan ang maaaring maging growth areas na magbibigay sigla sa panunumbalik ng turismo, isa sa sektor na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“We all know that the ongoing lockdowns all over the country and the world has really hit the travel and tourism sector hard. All the industries related to it, especially hotels and airlines, are really reeling until now. Increased interest and popularity of farm tourism and eco-tourism will provide the much-needed impetus to the sector,” ayon kay  Villar, chair ng Senate Committees on Agriculture at Environment.

“After being locked down for months, people are longing to get reconnected to nature. Filipinos have also turned to gardening and growing their food. They can continue to do or pursue those interests and experiences when they visit a farm or a natural tourist attraction when things go back to normal or when quarantine eases,” dagdag pa nito.

Hinikayat din ng senadora ang Department of Agriculture (DA) and Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makipagtulungan sa Department of Tourism (DoT), local government units (LGUs) o tourism boards at associations upang makabuo ng istratehiya at support mechanism sa mga negosyo at entrepreneur na nasa farm tourism at eco-tourism.

Ayon sa mga travel expert, naging ‘in-demand’ ang mga destinasyon sa natural surroundings. Ang eco-tourism at agri-tourism – kung saan pinagsama ang pagsasaka at kalikasan – ay magpapalakas sa turismo sa ilalim ng new normal.

Bukod sa mga negosyo, ang lokal na komunidad, kabilang ang mga magsasaka at mangingisda, ang pinakamalaking makikinabang sa travel trend na ito.

Ayon kay Villar, primary author at sponsor ng Republic Act No. 10816 o ang Farm Tourism Development Act of 2016, na may legislative framework ito at kailangan lamang ng industry players ang suporta at gabay mula sa pamahalaan sa kanilang pagkilos sa bagong normal set up.

Dahil sa bagong batas na ito, dumarami ang bilang ng mga magsasaka, may-ari ng mga sakahan at farming communities na ma-enjoy ang mga benepisyo nang gawing farm tourism site ang kanilang bukid. (ESTONG REYES)

Read More

42 POLICE TRAINEES, NAGPOSITIBO SA COVID-19

0

PATULOY na dumarami ang bilang ng mga pulis na tinatamaan ng COVID-19 sa Calapan City Police Station sa Mindoro.

Ito’y matapos madagdag ang 42 police trainees na kasalukuyang sumasailalim sa field training, sa mga nagpositibo sa virus, bukod pa sa limang pulis na nauna nang nagpositibo nitong nakalipas na weekend at isang civilian personnel gayundin ang isang bilanggo sa kanilang tanggapan.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19, agad hiniling ni Calapan City Mayor Arnan Panaligan sa Regional Inter-Agency Task Force at kay Mindoro Governor Humerlito Dolor na magpatupad ng dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa kanilang lungsod.

Kailangan aniyang higpitan ang mga ipinatutupad na quarantine protocol at makapagsagawa ng epektibong contact tracing, matapos mabatid na nakapag-duty pa sa kanilang kabayanan ang mga

nabanggit na police trainees bago natuklasang positibo sila sa COVID-19.

Naka-isolate na ang mga ito sa City Treatment and Isolation facility sa Calapan City Hall Complex. (NICK ECHEVARRIA)

Read More

COVID-19 UPDATE: KASO SA PILIPINAS HALOS 140,000 NA

0

SUMAMPA na sa 139,538 ang confirmed cases ng COVID-19 sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pagtatala ng halos 3,000 karagdagang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) nitong Martes (August 11), mayroon nang 139,538 confirmed cases sa bansa. Sa bilang na ito, 68,794 ang aktibong kaso.

Ayon sa DOH, 2,987 ang bagong napaulat na kaso mula sa datos ng 74 out of 99 licensed laboratories.

Nadagdagan naman ng 19 ang mga nasawi kaya 2,312 na ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Nakapagtala naman ng 280 karagdagang bilang ng mga gumaling.

Dahil dito, umakyat na sa 68,432 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas. (D ANIN)

Read More

SAPAT NA SUPPLY NG FACE SHIELDS TINIYAK

0

TITIYAKIN ng pamahalaan na may sapat na suplay ng face shields sa buong Pilipinas.

Ito’y matapos na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield para sa mga mananakay simula sa Agosto 15.

Magkatuwang na pangangasiwaan ng Department of Trade and Industry, at Department of Health ang suplay ng face shields sa bansa.

“Sisiguraduhin naman po ng ating DTI at DOH na dahil ginawang mandatory ‘yan sa pagsakay sa pampublikong sasakyan, magkakaroon po ng supply ang buong Pilipinas,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Nauna rito, inanunsyo ng Department of Transportation na ang mga pasahero ng lahat ng uri ng public transport ay kinakailangan na magsuot ng face shields kasama ng anti-virus masks simula Agosto15.

Hinikayat ng pamahalaan ang publiko na mandatory na magsuot ng face shields sa ibabaw ng face masks bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang public transport ay nananatiling suspendido sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan gaya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal dahil sa umiiral na modified enhanced community quarantine.(CHRISTIAN DALE)

Read More

SCHOOL BUILDINGS GAGAMITIN DING QUARANTINE FACILITIES

0

PINAPAYAGAN ng Department of Education na gamitin ang public schools bilang quarantine facilities hanggang katapusan ng taon.
Ito’y dahil na rin wala namang face-to-face classes ngayon.

“Dahil nga ang target natin ay minimum 10 ang ite-trace natin — at kung meron tayong 6,000 new cases, that means 60,000 (contacts) — gagamitin natin ang mga public school. Pumayag naman po si Secretary Leonor Briones na gamitin ang mga public schools hanggang December 31 ng taong ito,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nauna rito, kinansela ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang physical classes simula pa noong Marso matapos kumpirmahin ng Department of Health ang local COVID-19 transmissions.

Noon pa man ay pinayagan na ng DepEd ang local governments na gamitin ang public schools bilang quarantine sites para sa mga suspected COVID-19 patients, na may pahintulot ng regional heads at ‘subject’ sa terms and conditions.

Habang sarado naman ang mga campus na limang buwan na ngayon, ay itinutulak ng DepEd ang blended learning kung saan bahagi ang paggamit ng virtual, radio, TV, at printed modules — para sa public elementary at high schools simula Agosto 24.

Nauna rito, nais ng DepEd na ipagpatuloy ang school-based learning sa low-risk areas, subalit nagdesisyon si Pangulong Duterte na ipagbawal ang lahat ng face-to-face classes hanggang ang bakuna kontra coronavirus ay available sa lahat ng mga Filipino.

Samantala, sinabi ni isolation czar at Public Works Secretary Mark Villar na naghahanda ang pamahalaan ng 300 quarantine facilities na mayroong mahigit 2,000 beds sa pagtatapos ng buwang kasalukuyan. (CHRISTIAN DALE)

Read More