IGALANG NG PECO ANG BATAS

0
BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA

WALANG organisasyon, negosyo at kahit sinong personalidad sa bansa ang “exempted” sa pagsunod sa batas ng bansa at proseso sa labanang legal, sapagkat tayong mga Filipino ay nagpapasya at kumikilos alinsunod sa tinatawag ng mga abogado na “rule of law”.

Matatawag na kriminal, o pusakal, ang lumabag sa batas at sa labanang legal.

Kahit sari-sari store ay kailangang magpasakop sa batas.

Nagkakaintindian ba tayo?

Sa ganitong sitwasyon, palagay ko, hindi masama kung nagpayo ang More Electric and Power Corp. (More Power) sa Panay Electric Company (PECO) na igalang at sundin ang itinakda ng batas habang patuloy ang legal battle sa pagitan ng dalawang power firms.

Huwag masamain ng PECO ang paalala ng More Power sa nasabing kumpanya na natapos ang prangkisa ng operasyon nito sa Lungsod ng Iloilo.

Inaantay ng More Power at PECO ang inaasahang paglabas ng desisyon ng Supreme Court (SC) tungkol sa legalidad ng expropriation case na nakarating na sa mataas na korte.

Habang hindi pa tapos ang laban sa SC, kinastigo ni More Power president at CEO Roel Castro ang inihayag ng PECO na may biased ang judges sa Regional Trial Court (RTC) at SC sa More Power, kaya, pumabor ang desisyon ng ­dalawang korte sa More Power.

Igiit ni Castro na ang mga desisyon ng korte (RTC man, o SC) ay palaging nakabatay sa mga totoong pangyayari at ebidensiyang inilatag ng magkatunggaling mga partido.

Dahil sa ganyan, asahang “objective” at “independent” ang mga hukom at mahistrado sa pagresolba at pagde­desisyon sa mga kasong hawak nila, birada ni Castro.

Ayon sa legal counsel ng PECO na si Atty. Estrela ­Elamparo, ang totoong “main fight” ng kanyang kliyente ay sa SC.
Tapos, idiniin pa ni ­Elamparo na siya at ang PECO ay naniniwalang ­idedeklarang “unconstitutional” ng pinakamataas na korte sa bansa ang ginawang pagtake-over ng More Power sa assets ng PECO.

Ganoon naman pala ang pananaw ng kampo ng PECO.

Kaya, wasto lamang na igalang ng PECO ang batas.

Sa labanang ito ng dalawang kumpanya, nanawagan si Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano kay Pangulong Rodrigo Duterte na pumagitna sa ‘banggaan’ ng dalawang kumpanya dahil mayroon itong paniwala na biased ang korte sa bagong distribution utility.

Mali ito dahil wala sa kapangyarihan ng pangulo na makialam sa operasyon ng hudikatura ng bansa mula sa mababang korte hanggang SC.

Tiniyak ng tagapagsalita ng mataas na korte na si Brian Hosaka na walang basehan ang akusasyong biased ang SC.

Ani Hosaka, ang SC ay binubuo ng 15 mahistrado kung saan ang desisyon nito ay nakabase sa desisyon ng mayorya na isinaalang-alang ang facts, applicable laws at jurisprudence sa kasong nakasalang sa mataas na korte.

Para sa kaalaman ng ­publiko, ang More Power ay nabigyan ng prangkisa ng ­Kongreso noong Disyembre 11, 2018 na nagsasabing 25 taon ang operasyon ng More Power upang maging solong

distribution utility sa lungsod ng Iloilo.

Pinalitan ng More Power ang PECO.

Ngunit, Pebrero 14, 2019 nang maging ganap na batas ang prangkisa ng More Power dahil sa ganitong petsa na rin isinabatas ni Duterte ang Republic Act 11212.

Samantala, idiniin ni Regional Trial Court – Branch 23 Judge Emerald Requina – Contreras na wala nang “legal ground,” o “legal basis” ang PECO na kuwestiyunin at tutulan pa ang R.A.11212 dahil isa na itong ganap na batas at nag-expire na rin ang prangkisa ng kumpanyang ito noong Enero 19,2019.

Naglabas din ang korte ng “writ of possession” para ilipat ang distribution system’s asset ng PECO sa More Power.

Ngunit, ito ay hindi nakabatay sa pagbibigay pabor sa More Power, kundi para matiyak na hindi mapuputol ang serbisyong nararapat matikman ng mamamayan ng Iloilo City.

Nakatakdang mag­desisyon ang korte suprema hinggil sa isyu.

Nang pumasok ang More Power sa Iloilo City, umabot sa 70,000 reklamo mula sa mga konsyumer ang natanggap nito sa loob ng 5 buwang operasyon nito.

Ayon kay Castro, ang natanggap nilang napakaraming reklamo ay pagpapakita at pagpapatunay na hindi maganda ang kalagayan ng sistemang pang-elektrisidad sa Iloilo City sa napakatagal na panahon.

Dahil sa marami ang ­problemang tinanggap, isinara ng PECO sa publiko ang kanilang “hotlines” at ang “consumer complaints.”

Kaya, nang magtake-over ang More Power ay ginawang 24/7 ang hotline, naging aktibo sa social media at mayroon ding face to face complaints desk bilang patunay na gusto ng More Power na resolbahan ang mga suliranin.

“Nagkaroon ng delayed action sa mga reklamo, PECO were never open, kaya natambak ‘yung mga problema ng mga consumer, but under our watch we are transparent and we are now addressing all the complaints,” pahayag ni Castro.

Kung ikukumpara ang pagtugon ng More Power sa mga problema sa power service sa lalawigan, mahirap ito ihambing sa PECO dahil ang huli ay nagsara umano ng kanilang pintuan sa kanilang mga kustomer mismo.

Read More

ETO NA NAMAN ANG CHINA

0
DPA Ni BERNARD TAGUINOD

 

 

HINDI lang ang komunistang gobyerno ni Chinese President Xi Jinping, ang nangbababoy sa lahing kayumangi o sa lahing Filipino, kundi maging ang kanilang mamamayan na nagnenegosyo sa ating bansa.

Tulad na lamang itong mga nasa likod ng beauty products na gawang China na ang nakatalang address ay 1st Flr.. 707 Sto. Cristo St., San Nicolas, Manila Province. P.R. China”.

Hindi lang direktang pambababoy sa mga Filipino ang gumawa ng produktong ito, kundi direktang pag-a­angkin na sa Pilipinas, ang ating bansa na ipinaglaban ng mga ninuno natin para makalaya tayo sa mga sumakop sa atin sa mga nakaraang panahon.

Ibig lang sabihin nito na kahit ang mamamayan ng China ay itinuturing na bahagi ng kanilang bansa ang Pilipinas. Malamang ay nagsimula ito noong sakupin nila ang ating teritoryo sa West

Philippine Sea (WPS) na hindi man lang pinalagan ng mga lider ng ating bansa.

Nanumpa ang mga halal na opisyal na ipagtatanggol ang ating soberenya pero parang tinalikuran na nila ang sinumpaan nilang ito nang i­pagkatiwala ng mamamayang Filipino sa kanila ang pamumuno sa ating bansa.

Nararapat lang na ipa-deport ang mga Chinese nationals na ito na nasa likod ng ibinebentang produkto para ipamukha natin sa kanila na hindi kailan man naging ­probinsya ng China ang Manila at hinding-hindi ito mangyayari kahit ano pa ang mangyari.

Palagay ko nagtitimpi lang ang mga Filipino dahil sa kanilang loob ay naghihimagsik sila sa ginagawa ng China sa atin at huwag sana nilang hayaang sumabog ang ­tinitimping galit ng lahing Filipino.

Eto pa, mukhang inangkin na rin ng tuluyan ng China ang Scarborough shoal na bahagi ng probinsya ng Zambales dahil pinostehan na ng Chinese Coast Guard ang fishing ground na ito ng mga Filipino.

Mantakin niyo, sila ang dayo sa ating bansa pero sila ang pa ang may tapang na kumpiskahin ang “fish ­aggregating devices’ na inilagay ng mga mangingisdang Pinoy sa tradisyunal na ­fishing ground nila.

Hindi ko alam kung epekto ito ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na “inutil” sila sa kaso ng WPS dahil wala raw kakayahan ang kanyang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makipag-giyera sa bansang ito.

Mukhang lalo silang nagsasamantala dahil sa pag-amin ng Pangulo na wala siyang kakayahan kaya hindi na ako magtataka na mas lalong magiging agresibo ang bansang ito at maging ang kanilang mamamayan para sakupin na tayo.

At alam niyo ba, ­kamakalawa lang ay sabay-sabay na umalis sa China ang mahigit 1,300 fishing boats na ang destinasyon ay sa South China Sea, para mangisda. Mangisda o magnakaw ng isda sa mga Filipino, Vietcong, Indonesian, Malaysian?

Sa dami ng mga barkong pangisdang ito na malalaki, malamang pag-alis nila sa ating karagatan ay maubos na ang isda na para sana sa mga Filipino pero hinahayaan natin na pagnakawan nila ng harap-harapan.

Sa mga nakaraan, kahit ang mga taklobo na inalagaan ng mga Pinoy scientist sa Scarbourouh shoal ng deka-dekada na ay inubos na ng mga dayunang ­mangingisdang ito….dahil hinayaan natin silang pagnakawan tayo ng harap-harapan.

Read More

P.6-M NATANGAY NG AKYAT-BAHAY

0

CAVITE – Mahigit sa P.6 milyong halaga ng cash at mga alahas ang natangay ng mga akyat-bahay sa isang apartment sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Arestado ang isa sa mga suspek na si Yasser Hassan ng Sampaguita St., Bacoor City habang pinaghahanap ang tatlo pa nitong kasama na kinilalang sina Sherwin Argana, at dalawang tinukoy lamang sa mga alyas na “Alvin” at “Diamia,” pawang mga residente sa Brgy. Zapote 1, Bacoor City, Cavite.

Peronal namang dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga biktimang sina Nadine Tulop, Marjelyn Navarro, Analie Casia at Aravian Sebastian, magkakasama sa Burgos Building, Brgy. Zapote 1, Bacoor City.

Ayon sa ulat ni P/Cpl. Edilberto Reyes Jr., ng Bacoor City Police Station, natutulog ang mga biktima sa kanilang mga kuwarto nang pumasok ang mga suspek dakong alas-12:15 ng madaling araw noong Huwebes sa pamamagitan ng pagdaan sa fire exit at tinangay ang tinatayang P416,550 halaga ng mga alahas at P192,300 cash o kabuuang P608,800.

Umaga na nang mapuna ng mga biktima na nawawala ang kanilang mga alahas at cash kaya ipinagbigay-alam sa kanilang barangay at sa isinagawang follow-up operation ay naaresto si Hassan habang pinaghahanap pa ang mga kasamahan nito.

Nabatid na hindi na nabawi ng mga biktima ang cash at mga alahas na tinangay ng mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

P13-B SHABU, KEMIKAL SINUNOG SA CAVITE

0

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P13 bilyong halaga ng shabu at kemikal ang sinira sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng umaga.

Sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition ang tinatayang 2,103,904,93 gramo o 2.10 tons ng hinihinalang shabu, marijuana, cocaine, ectasyepedrine, ketamine, diazepam, methyl ephedrine, nalbuphine, MDA (Methylenedioxyamphetamine), GBL (Gamma-Butyrolactone) 2C-B, liquid ecstasy at expired na mga gamot.

Ang Thermal Decomposition o Thermolysis ay proseso na sinusunog ang mga kemikal sa 1,000 degrees centigrade.

Ang sinunog na droga at mga kemikal ay mula sa iba’t ibang anti-drug operations ng Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies ng pamahalaan, at ipinag-utos ng korte na sunugin.

Nabatid na ito ang pinakamalaking volume ng mga sinunog na ilegal na drag sa kasaysayan ng PDEA, sa panunungkulan ni PDEA Director Wilkins Villanueva.

Si Justice Jose Midas Marquez, Court Administrator ng Supreme Court of the Philippines, ang panauhing pandangal sa nasabing seremonya ng pagsunog ng mga ilegal na droga. (SIGFRED ADSUARA/JOEL O. AMONGO)

Read More

OPERATION HANAP-COVID SINIMULAN SA CALABARZON

0

SINIMULAN na ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon) ang paghahanap sa mga barangay na kumpirmadong may mataas na aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon, sa pamamagitan ng estratehiyang bara-barangay.

Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, tinawag niya itong “Coordinated Operations to Defeat Epidemic” o CODE COVID-19, na ang bawat barangay ay mahigpit na susubaybayan at titiyakin ang pag-access sa mga isolation facility  kasama ang birthing facility, laboratory at dialysis center.

Ang bilang ng mga mangagagawa sa bawat barangay ay isasaalang-alang din gayundin ang pagkakaroon ng Barangay Health Emergency  Response Team (BHERT) at mga tauhan ng Philippine National Police.

Ang CODE strategy ay ang mahigpit na pakikipag-ugnayan ng mga kinatawan ng DOH, local government units, mga komunidad upang matiyak na maayos na nakahanda sa pagbabalik sa general community quarantine o GCQ.

“Dito ay magfo-focus tayo sa barangay level and we will address it through a more stringent enforcement of health protocols including localized lockdowns, curfews, staying at home and lesser social interactions to prevent the spread and transmission of the virus.” ayon kay Janairo.

Dagdag pa nito, ‘pag ang estratehiyang ito ay naipatupad na at nalaman kung sino ang mga nagpositibo ay saka sisimulan ang massive swab testing.

“Once these are all in place, we will begin the massive swab testing immediately sa identified barangays. Magkakaroon tayo ng active case finding at magha-house-to-house tayo to check kung mayroong mga taong may COVID symptoms sa kanilang mga bahay. Kapag mayroong nagpositibo na miyembro ng isang pamilya ay kailangang i-lockdown ang bahay at walang palalabasin upang hindi makahawa pa ng iba.  We will isolate residence who are positive with COVID-19 including their close contacts,” pahayag ni Janairo.

Dagdag ni Janairo, libre ang swab testing sa mga residente ng matutukoy na mga barangay.

Noong Huwebes, nakapagtala ng 15,292 COVID-19 cases sa CALABARZON at 10,086 active cases. Mayroon namang 4,789 recoveries at 420 deaths ang iniulat. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

PAGTATAYO NG MAKESHIFT HOSPITAL PINATITIYAK

0

IGINIIT ng isang senador ang pangangailangan na maglagay ng mga makeshift hospital sa iba’t ibang lokal na pamahalaan para sa mga pasyente na may banayad na sintomas at sa mga
gumagaling sa sakit upang mapagaan ang pasanin ng mga ospital at iba pang medical facilities.

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na mahalaga sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng mas maraming ospital para matulungan ang lahat ng nagkakasakit.

“Hindi na natin dapat hintayin pang mapuno ang ating mga ospital. Dapat manguna na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa programang pagpapatayo ng mga
pansamantalang pagamutan para mas maging mabilis ang tugon lalo na’t pataas nang pataas ang bilang ng kaso ng COVID-19,” sabi ni Gatchalian.

Ipinaalala rin nito sa DILG na tiyakin na ang lahat ng barangay sa buong bansa ay nakasusunod na magtayo ng Barangay Isolation Units (BIUs) at pakilusin ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).

Samantala, umapela rin si Gatchalian sa mga ospital na patuloy na palawakin ang kanilang patient capacity sa COVID-19 cases.

Inihalimbawa pa ng senador ang datos ng Department of Health (DOH) na ang bilang ng COVID-19 ward beds sa National Capital Region (NCR) para sa may mild cases at asymptomatic ay aabot sa 82% capacity.

Habang ang isolation beds sa NCR, kahalintulad ng Intensive Care Unit (ICU), ay nasa 70 porsiyentong okupado at ang ICU beds ay umabot sa 70% capacity.

“My fear really is the capacity of the hospitals to treat patients, especially in the NCR because it is the hotbed. By loosening up the economy under GCQ, hospital capacity might be put under
pressure and if we don’t increase capacities for our hospitals, we will definitely see around 90% or even more in terms of our isolation and ICU capacities,” paliwanag ni Gatchalian. (NOEL ABUEL)

Read More

PAGLIKHA NG NAT’L REFERRAL SYSTEM SA COVID-19, APRUB SA BAYANIHAN 2

0

INIHAYAG ni Senador Richard Gordon na inaprubahan ng Kongreso sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na magkasamang magtayo ng National Referral System para sa corona virus 2019 (COVID-19) ang Philippine Red Cross (PRC) at Department of Health (DOH).

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Gordon, chairman at CEO ng PRC na malaki ang maitutulong ng sistema upang makabangon ang Pilipinas sa masamang epekto ng COVID-19.

Tulad ng nakatala sa panukala, mabibigyan ng sistema ang pasyente sa mabilis at episyenteng pamamaraan na hanapin at makakuha ng serbisyo ng pagamutan, klinika, isolation center at iba pang health facilities,  blood banks, convalescent plasma facilities at ambulance systems.

“Kalimitan, hindi alam ng mga tao ang gagawin kapag nagka-COVID o nagkaroon ng problema sa kanilang katawan. Kailangan mayroon tayong referral service para may matatawagan ang tao at may magsasabi kung ano ang dapat gawin, at saang isolation facility o ospital dapat dalhin. Right now, hindi masyadong formalized iyong referral system. I congratulate the Senate and the House for putting this amendment by this representation on the bill,” ayon kay Gordon.

Iginiit din ni Gordon na sinoman mapatunayang nag-discriminate sa kumpirmado at suspected COVID-19 patients ay parurusahan.

Alinsunod sa amendments ni Gordon, “any person found to have committed any act or series of acts against a person declared confirmed, suspected, probable, exposed, or recovered of the COVID-19 virus, returning OFWs, health workers, frontliners, other service workers, or indigent shall be penalized with imprisonment of six months and a fine of P100,000.”

Naunang ipinanukala ni Gordon na biyayaan ng P1 milyon ang pamilya ng isang public at private health workers na namatay sa virus habang nagtatrabaho at P100,000 naman ang ibibigay sa health works na lubhang naapektuhan ng sakit. (ESTONG REYES)

Read More

DRUG MATRIX ANGLE NG PNP PAMPAGULO LANG – AFP

0

PAMPAGULO lang para sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pinalutang ng Philippine National Police (PNP) na anggulong may kinalaman sa droga ang pagpatay sa apat na mga tauhan ng Philippine Army Intelligence Unit sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo, ang tagapagsalita ng AFP, malinaw na desperado ang mga pulis para bigyang katuwiran ang pagpatay sa apat na sundalo noong Hunyo 29.
Sa pagdinig sa Senado nitong Miyerkoles (August 19), iprinisinta ni Police Brig. Gen. Manuel Abu, director ng BARMM Regional Police, ang isang ‘drug matrix’ kung saan kasama si Cpl. Abdal Asula, isa sa mga napatay na Army intelligence operatives.

Naniniwala ang maraming senior military officers ng AFP na kasinungalingan ang alegasyong sangkot sa illegal drugs si Cpl. Asula.

Ayon kay AFP Education, Training and Doctrine Command chief MGen. Arevalo, nag-iimbento lamang ang mga pulis para makalusot sa criminal and administrative liabilities ng mga ito.

Diin ni Arevalo, malinaw sa pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente, base sa mga nakasaksi sa pangyayari, sadyang pinatay ang apat na sundalo.

Nakikita nito na may pagtatangka sa bahagi ng mga pulis na mag-imbento ng kung anu-anong kuwento para bigyang katuwiran ang kanilang ginawa.

Bukod kay Asula, napatay rin sa insidente sina Army Maj. Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod at Sgt. Jaime Velasco.

Ayon pa sa isang heneral, “..for the sake of argument na totoong sangkot sa droga ang mga sundalo, makatwiran ba ang kanilang ginawa? Tama ba ang pamamaraan nila sa ginawang pagpatay?”

Giit ni Arevalo, pawang paninira sa reputasyon ni Corporal Asula ang ginagawa ng mga pulis para mabaling ang atensyon mula sa “senseless killing” ng mga sundalo.

Una na rin aniyang ipinagpilitan ng mga pulis na “self defense” ang kanilang ginawang pamamaril sa mga sundalo. (JESSE KABEL)

Read More

DE LIMA ‘UTAK’ NG PANINIRA KAY DUTERTE -MALAKANYANG

0

PINAGTAWANAN lang ng Malakanyang ang ginagawa ng ilang sektor na patuloy na nagpapakalat ng pekeng balita hinggil sa Singapore trip ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa kanyang kalusugan.

Kasabay nito ay itinuro nila ang kampo ni Senador Leila de Lima na nasa likod umano ng mga paninira.

Tila hindi umano nakuntento ang mga ito sa kabila ng mga inilabas ng Malakanyang na video atlarawan ni Pangulong Duterte kasama ang kanyang pamilya sa Davao.

“It is preposterous that certain quarters have continued to peddle the false narrative of the Singapore trip in relation to President Rodrigo Roa Duterte’s health, notwithstanding the release of the video of PRRD, photos with his family and the Chief Executive’s Talk to the Nation Address, which clearly demolished the circulating bogus information,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, si Senador Leila de Lima umano ang nasa likod ng paninira at nagpapakalat ng pekeng balita ukol sa kalusugan ni Pangulong Duterte.

Sinasabing kahit nakakulong si De Lima ay patuloy nitong pinagagalaw ang kanyang mga tauhan o galamay para sirain ang Pangulo.

Kabilang sa mga sinasabing galamay ni De Lima ang kanyang consultant na si Atty. Josef Leroi Garcia at Atty. Dino de Leon na abogado niya sa kanyang mga kaso na may kinalaman sa droga.

Pinakahuling ginawa ni Garcia ang pagpapakalat ng pekeng balita sa pamamagitan ng Facebook account nito na nagsasabing may medical jet na nagpabalik-balik sa Davao City at Singapore.

Kasabay ng kanyang post, kumalat ang pekeng balita na nagkasakit ang Pangulo at nagpagamot umano sa nasabing bansa.

Napag-alaman na si Garcia ay kilalang masugid na tagasuporta ni De Lima simula pa noong nanungkulan ang senadora sa Commission on Human Rights, Department of Justice hanggang maupo ito sa Senado.

Samantala, abogado rin ni De Lima si De Leon na naghain naman ng health disclosure case laban sa Pangulo sa Korte Suprema na ibinasura ng huli noong Mayo 2020. (CHRISTIAN DALE)

Read More