Hudikatura pinuri ni Nograles COVID-19 ‘DI HADLANG SA PAGSULONG NG HUSTISYA

0

PINURI ng bagitong mambabatas na si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang Hudikatura dahil hindi naging balakid ang pandemya sa COVID-19 sa pagganap sa kanilang tungkulin para maitaguyod ang hustisya sa bansa.

Ginawa ni Nograles ang papuri matapos i-report ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado M. Peralta na umaabot sa 825 kaso ang kanilang niresolba mula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso.

Bukod dito, sinabi ni Peralta na umaabot sa 67,481 hearings ang ginawa ng trial courts sa buong bansa na kinasasangkutan ng 45,336 persons deprived of liberty (PDLs) sa pamamagitan ng video conferencing.

Dahil dito, umaabot sa 60,532 PDLs ang napalaya hanggang noong Agosto 21.

“We thank the judicial branch for refusing to be held hostage by the difficult circumstances we are now in. Habang gumagalaw ang mga korte natin may pag-asa na magpapatuloy ang reporma at hustisya,” ani Nograles.

Ayon sa Harvard-trained lawyer na si Nograles, nararapat lamang itong gayahin ng ibang sangay ng gobyerno para hindi mabalam ang kanilang pagganap sa kanilang tungkulin.

Pinasalamatan din ni Nograles ang Korte Suprema dahil sa pagpapaluwag sa mga kulungan sa buong bansa sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

“Dahil sa agarang aksyon ng SC, kasama na ang mga trial court natin, naiwasan natin ang pagsabog ng COVID-19 sa ating mga kulungan,” ayon pa sa legal aid advocate na si Nograles na isa sa mga unang nanawagan na paluwagin ang mga kulungan upang maiwasan ang hawaan dito ng COVID-19.

Si Nograles ang nasa likod ng Lakbay Hustisya Foundation, na nag-donate ng 40 computers sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kaya nailunsad ang e-dalaw at nagamit ito sa online hearings.

“Patuloy po tayong naghahanap ng paraan para madagdagan pa ang mga computer na ibibigay sa mga kulungan natin nang mas marami pa sa mga kababayan nating PDL ang makinabang,” ayon pa kay Nograles. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

P500 DAILY HAZARD PAY SA MEDICAL FRONTLINERS, PINATITIYAK

0

HINIMOK ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang Department of Health (DOH) na tiyaking naibibigay sa medical front- liners ang kanilang P500 daily hazard pay.

“Araw-araw nilang hinaharap ang COVID, nag-aalaga at nagpapagaling sa mga may sakit, tinitiis nila na hindi makasama ang pamilya, nahihirapan sa commute, at araw-araw ring nakikipagsapalaran sa posibilidad na mahawa ng COVID,” saad ni Pangilinan.

“May mga nagsusumbong po sa amin na hindi naibibigay ang hazard pay ng mga nurses, medical technologists, at iba pang mga health worker sa ating mga public hospitals. Yung iba naman daw, hindi fixed o hindi buo, merong P150, merong P250, at meron ding P450,” diin nito.

“Yung iba, nagsisipag-resign na lang at pumapasok sa call center,” dagdag pa ng senador.

Ipinaalala ng mambabatas na alinsunod sa batas, minimum na P500 ang arawang hazard pay para sa lahat ng frontliners, kabilang na ang health care workers tulad ng doctors, nurses, at medical technologists.

Nakasaad din anya sa Administrative Order 26 na saklaw ng minimum daily hazard pay na P500 ang lahat ng government workers na obligadong mag-report sa trabaho, regular man, contractual o casual.

“Ang dami nang sakripisyo ng ating mga frontliner. Mano bang suklian natin ang kanilang serbisyo ng binibigay naman ng ating mga batas?” diin ng senador. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

IMPLEMENTASYON NG BAYANIHAN PPE PROJECT, PINABUBUSISI

0

NAIS ni Senador Risa Hontiveros na siyasatin ng Senado ang implementasyon ng Bayanihan PPE Project na ang layunin ay palakasin ang pagtangkilik sa lokal na produksyon ng dekalidad na Personal Protective Equipment sa mga health worker.

Iginiit ni Hontiveros na kailangang palakasin pa ng gobyerno ang proteksyon sa mga healthworker sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng de kalidad na PPE na gawa ng local manufacturers.
Sa kanyang Senate Resolution No. 506, iginiit ni Hontiveros ang pagbusisi sa proyekto makaraang mapaulat na nasa 10 milyon lamang sa 57.6 milyong piraso ng PPE na buwanang ginagawa ng Confederation of Philippine Manufacturers of PPEs (CPMP) ang bahagi ng Bayanihan PPE Project.

“Bakit natin pipiliin ang imported PPEs na may kwestiyonableng kalidad kung kaya naman nating mag-produce ng dekalidad sa halos kaparehong presyo? Hindi praktikal ang mag-import pa, habang padami nang padami ang health workers na nagkakasakit,” tanong ng senador.

Muli ring iginiit ni Hontiveros ang kanyang panukalang Pandemic Readiness and Protection Act of 2020 o Senate Bill No. 1796 na nag-oobliga sa pamahalaan na bigyang prayoridad ang qualified local manufacturers para sa pagbili ng PPEs, medisina at iba pang kailangan ngayong pandemya. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

DESIGNATED SURVIVOR BILL, PINAAAKSYUNAN SA SENADO

0

HINIKAYAT ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang mga kasamahan sa Senado na simulan na ang pagtalakay sa kanyang panukalang “Designated Survivor” upang matiyak ang katatagan ng operasyon ng gobyerno at maiwasan ang posibilidad ng constitutional crisis at leadership vacuum.

Ipinaliwanag ni Lacson na dahil sa mga nakalipas na insidente tulad ng terorismo, higit nang kailangan ang pagtalakay sa limitasyon ng 1987 Constitution hinggil sa line of succession.

Nagbabala ang senador na kung hindi mareresolba ang isyu hinggil sa line of succession na nagtatapos sa Speaker of the House of Representatives, posibleng magkaroon ng constitutional crisis kung ang apat na top elected officials ay mawala.

“A constitutional crisis is possible if all four top elected officials, God forbid, die in one event such as the SONA due to a terrorist attack in the Batasang Pambansa, or any occasion where the President and all three officials in the line of constitutional succession are present,” saad ni Lacson.

Kung mangyari anya ito, hindi malinaw kung sino ang aakto bilang Pangulo hanggang sa susunod na halalan.

Sa kasalukuyan, ang line of presidential ay kinabibilangan ng Vice President, Senate President at House Speaker, alinsunod sa 1987 Constitution.

Sa panukala ni Lacson, sa pagtatapos ng line of succession batay sa konstitusyon, maaaring ikonsidera ang most senior Senator, batay sa haba ng kanyang serbisyo; most senior Representative batay sa haba ng serbisyo; at ang miyembro ng gabinete na itinalaga ng Pangulo.

Nakasaad sa panukala na bago ang mga public o private activity na dadaluhan ng Pangulo, Vice President at ranking officials, magtatalaga ang Punong Ehekutibo ng miyembro ng gabinete na hindi kasama sa okasyon.(DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

DUTERTE NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG NAT’L HEROES DAY

0

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko sa pagdiriwang ngayong taon ng National Heroes Day.

Sa naging mensahe ni Pangulong Duterte, sinabi nito na ngayon ay pagbibigay puri at pagbubunyi hindi lamang sa mga ninuno na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa kundi maging sa kabayanihan ng mga nagbuwis ng kanilang buhay para labanan ang iba’t ibang uri ng kaaway.

Ang kasalukuyang hamon aniya na kinahaharap ng publiko na krisis sa pangkalusugan ang nagpatindig sa mga tinatawag na modern day heroes na ayon sa Pangulo ay ang mga Filipino frontliner sa Pilipinas at sa ibang bansa na nakikipaglaban sa pandemya na dala ng COVID-19.

Kaya umaasa ang Pangulo na ang katapangan ng mga Pilipinong bayani noon at ngayon ay magsisilbing inspirasyon sa lahat na harapin at malagpasan ang lahat ng pagsubok lalo na ang “most unfavorable situations”. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Malacanang sa publiko: PANINIRA SA GOBYERNO ‘WAG PATULAN

0

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na dedmahin at huwag pakinggan ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pinalalabas na napakalala na ng kondisyon ng bansa dahil sa COVID-19.

Sinabi Presidential spokesperson Harry Roque, totoong seryoso ang kondisyon sa kasalukuyang sitwasyon pero natutugunan naman aniya ito ng mga polisiyang ipinatutupad ng gobyerno.

Sinabi ni Sec. Roque na kung ikukumpara sa ibang mga bansa ay mas naging epektibo ang mga inilatag na panuntunan ng pamahalaan dahilan upang hindi naman gayun kataas ang death rate ng Pilipinas hindi kagaya sa mayayamang bansa gaya ng Amerika at ibang mga nasyon sa Europa.

Kaya’t kung nakikita man aniya ang pagtaas sa kaso ng mga tinatamaan ng virus, karamihan naman sa mga ito ay asymptomatic at mild habang napakababa ng death rate.

Giit ni Sec. Roque, kung magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan ang mga kritiko ng administrasyon ay hindi kataka- taka na hindi talaga malalaman ng mga ito kung ano-ano ang ginagawang pagtugon ng gobyerno laban sa pandemya. (CHRISTIAN DALE)

Read More

MAY E-TABLET NA SA MAYNILA

0

MASAYANG-MASAYA na ipinamahagi ni Yorme Isko Moreno ng lungsod ng Maynila ang binili nilang electronic tablet (E-tablet) para magamit ng mga estudyante sa kanilang isasagawang distance learning ngayong pasukan.

Kung itinuloy lang ng Department of Education o DepEd ang pagbubukas ng klase noong Agosto 24 at hindi iniurong sa Oktubre a-5, saktong-sakto lang ang pagdating ng mga e-tablet sa lungsod.
Ang pamahalaang lokal ay naglaan ng kabuuang 994 ­milyong pisong halaga na budget para ipambili ng laptop at e-tablet. Handog nila ito para sa mga estudyante at pampublikong guro sa lungsod ng Maynila.

Kamakailan, si Yorme ang mismong namigay nito sa mga magulang dahil alam niyang importante ito sa ngayon dahil wala namang isasagawang face to face classes ang mga eskwelahan dahil sa pandemya ng COVID-19.

Kaya palakpakan natin si Yorme Isko sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga estudyante at mga guro. Agad-agad nila itong inasikaso at hindi na pinadaan pa sa butas ng karayom ang pagbili ng e-tablet. Mas inintindi ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod ang pangangailangan ng mga batang mag-aaral.

Buy local din ang ginawa ng Maynila. Hindi na sila kumuha ng iba pang brand ng e-tablet kundi yung gawang Pinoy na kayang-kaya rin naman makipagsabayan sa mga kilalang global brand. Mas mura ang halaga ng e-tablet na Made in the Philippines at tiyak na makatutugon ito sa requirements at specifications ng DepEd.

Hindi natin maintindihan ang ibang lokal na pamahalaan sa Metro Manila. Sa gitna ng pandemya na ikinabagsak ng ating ekonomiya, isinulong ng ­administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tangkilikin ang sariling atin.

Marami naman ang e-tablet at laptop na gawang Filipino, tatak Filipino at mga kumpanyang ang may-ari ay mga negosyanteng Filipino pero hindi sila tinangkilik ng ibang mga lungsod sa

Kamaynilaan at sa halip global brand na ibinebenta pa raw sa mahigit 35 mga bansa ang ipinilit na mabili at makuha ng iba para maipagamit sa kanilang mga public school students.

Tama ba ako Quezon City Mayor Joy Belmonte?

Kaya ang siste, nagkanda-hetot-hetot ang proyektong pagbili ng e-tablet. Yung ibang lungsod gaya ng QC ay walang maipakitang gadget hanggang ngayon sa kanilang mga ­constituents. Umaasa pa man din ang mga estudyante at mga guro na maibibigay ito bago man lang magsimula ang pasukan. Paano kung Agosto 24 nga nagbukas ang klase, eh di walang gagamitin sa distance learning

ang mga pobreng estudyante?

Klaro na naunahan na naman kayo ni Yorme Isko. Pero sa Pasig City ay paparating na rin daw ang kanilang e-tablet na pinondohan ng halagang 1.3 billion pesos. Tiniyak ni Mayor Vico Sotto na mabilis nilang ipamamahagi ang mga gadget na ito para pakinabangan na rin ng mga estudyante sa mga public schools.

Sa Quezon City kasi ay usap-usapan pa rin hanggang sa ngayon ang mabagal nilang pag-aksyon sa mga proyektong may kinalaman sa pandemya. Kasama na dito ang pagbili ng e-tablet at iba pa na makakatulong sana sa pagtugon sa hindi masugpo-sugpong COVID-19 sa lungsod.

Take note, ang QC pa rin ang may pinakamataas na kaso sa mga nahawahan ng COVID-19. Sa ipinalabas na datos ng Department of Health ay umabot na pala sa mahigit 20 libong taga QC ang nahawahan ng sakit. Taliwas ito sa iniuulat ng pamahalaang lungsod na mahigit sampung libo pa lang.

Pero anoman ang tamang numero, hindi maitatanggi na ang Quezon City ang nananatiling ‘epicenter’ ng COVID-19 sa Pilipinas. Nasa lungsod din ang may pinakamaramig bilang ng mga namatay sa naturang sakit.

Sa Navotas, iniulat ni Mayor Toby Tiangco na ‘flattening of the curve’ na ang kanilang lungsod sa COVID-19.

Hindi natin maintindihan bakit kaya pumapayag si Mayor Belmonte na maungusan ang QC ng ibang lungsod sa National Capital Region? Nababalewala tuloy ang pagmamalaki niya na isa raw siya sa mga pinaka-popular at may pinakamataas na approval rating kung ang pag-uusapan ay ang mabilis na pagkilos sa COVID-19 pandemic.

Kaya sana walang katotohanan ang napapabalitang pagkakaroon ng ‘pandemic mafia’ sa QC Hall. Kapag kasi sinamahan ng extra-curricular at dinisenyo na may ‘tongpats’ ang proyekto, wala itong patutunguhan kundi ang kabiguan at kapalpakan sa halip na serbisyo sa mamamayan.

Umayos na sana ang mga taga-Quezon City Hall. Bukas makalawa ay eleksyon na. Kayo rin, baka hindi na naming kayo makita sa inyo-inyong mga opisina.

Read More

LABATT NASSER MUSTAFA, TINATAWAGAN NG PANSIN NI VICE MAYOR HATULAN

0

LABIS-LABIS ang aking kasiyahan at pasasalamat sa mga opisyales ng ating pamahalaan sa pagbibigay pansin sa aking inilathalang kaso ng ­dalawang sawimpalad na OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.

Una rito ay si Jasmine Remetrio na ilang araw matapos na makapagsumbong at ­humingi ng saklolo ay ini-report na namatay dahil sa pagkakahulog sa building.

Nailibing na ang kanyang bangkay sa Cagayan De Oro nitong nakaraang Agosto 23,2020. Ang pamilya Remerio ay ­humihingi ng hustisya upang masusing imbestigahan ang dahilan ng pagkamatay ni Jasmine dahil hinala nila na may “foul play” na naganap. Gayundin, sila ay nanawagan sa ahensya na matulungan sila sa kanilang kinakaharap na suliraning ­pinansiyal.

Nakatanggap ako ng kopya ng sulat mula kay Atty. Eric D. Dollete, hepe ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Legal Assistance Department na kung saan ay kanyang ipinag-uutos kay Rosalyn T. Ompoc ng Skyhigh Manpower Recruitment Intl. na magpaliwanag sa ginawa nitong aksyon ukol sa sitwasyon ni Jasmine C. Remetrio.

Samantala, nasa kustodiya na ng Philippine Embassy sa Riyadh Saudi Arabia si OFW Angel na aking inilathala na ni-rape at inabandona sa tabi ng basurahan. Ibinalita sa akin ng masipag at aking nirerespetong si Ambassador Adnan Alonto ang kanilang pagsaklolo kay OFW Angel mula sa kanyang ahensya.

Matapos kasi na matagpuan na namamalimos si OFW Angel, ay may nagmagandang loob na dalhin siya sa kanyang ahensya sa Riyadh. Ngunit ayon sa kanyang sumbong ay pinagsabihan siya ng tauhan ng kanyang ahensya na kapag may magtatanong sa kanya mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay dapat sabihin nito na siya ay naglayas mula sa kanyang amo kung kaya siya ay napahamak samantala ang katotohanan ay inabandona siya ng kanyang employer sa lugar na hindi nya nalalaman.

Samantala, humihingi ng tulong para sa kanyang ­constituent ang aking kaibigan na si Vice Mayor Glenn Chio Hatulan ng Municipality of Tupi, South Cotabato. Ayon sa kanyang mensahe sa akin, ang kanyang tinutukoy ay si OFW Atyt Ocasiza na kasalukuyang nasa Riyadh Saudi Arabia. Diumano ay matagal na itong nag-report sa POLO – Riyadh ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nabibigyan ng pansin.

Si OFW Atyt Ocariza ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng kanyang ahensya na EJM GLOBAL MANPOWER. Diumano ay tuluyan na siyang pinabayaan at hindi inaasikaso ng kanyang ahensya matapos na isumbong nito na siya ay ibinenta ng kanyang amo sa ibang employer. Wala rin umanong aksyon na ginagawa ang kanyang Saudi Recruitment Agency na ABDUL WAHED ­RECRUITMENT OFFICE.

Maraming beses na rin siya nagreklamo ukol sa hindi pagpapasweldo ng kanyang employer na umaabot na sa limang (5) buwan. Kung ­tutuuisin ay lagpas na sya ng 4 na buwan sa kanyang 2 taon na kontrata ngunit ayaw pa rin siya pauwiin ng kanyang employer.

Ako ay nanawagan kay Labor Attache Nasser Mustafa na kung maari ay kanyang bigyan pansin ang reklamong ito ni OFW Atyt Ocasiza na matagal ng ipinarating sa kanyang opisina.

                                                                                                                                                           oOo

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin  sa e-mail  address  saksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com o tumawag sa  (02)84254256.

Read More

50 TAON IN SPORTS WRITING AND COUNTING

0

MATATAPOS na ang Agosto at bukas ay simula na ng huling apat na buwan ng taon na nagtatapos sa bre, na ibig sabihin ay umpisa na rin ng mahabang pagdiriwang ng Pilipinas ng panahon ng Kapaskuhan.

Pinakamahaba po tayong magdiwang ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo sa mundong ibabaw na tumatagal hanggang sa pagunita ng Tatlong Hari sa Enero.

Hindi ko po balak talakayin sa kolum na ito kung paanong ang Kapaskuhan ay ipinagdiriwang sa mahirap na bansang ito. Ang tema natin sa araw na ito ay kung bakit  ang buwan ng Agosto ay napakahalaga sa buhay ng kolumnistang ito bilang isang mamamahayag.

Noong Sabado, ika-29 ng Agosto, tumuntong na ang kolumnistang ito sa kanyang ika-81 taong gulang. Opo, ako po ay ganoon na katanda. Super senior citizen na, wika nga ng marami, na ang kahulugan sa panahong ito ng pandemya ay bawal nang lumabas ng bahay. Huhulihin at ikukulong kapag lumabag at kung makulit at pasaway ay malamang mabaril ng mga sundalo at pulis sa checkpoint, ayon sa direktiba ng Pangulong Duterte.

Itong buwan ring ito ginugunita ko ang ika-62 taon ko bilang trabahador ng kumpanya ng dyaryo na nagmula noong 1958, nang ako ay unang kunin ng  TVT (Tribune-Vanguardia-Times)na pag-aari ng pamilya Roces, bilang isang newspaper carrier o nagrarasyon ng kopya ng pahayagang MANILA TIMES at TALIBA tuwing madaling araw, mula Lunes hanggang Linggo, at DAILY MIRROR sa hapon.

Nasa kolehiyo na ako noon kaya binigyan ako ni Mr. Chino Roces, na kung tawagin namin ay “Tatay” (ang kapatid niyang babae, si  Dna. Isabel, ay “Nanay” ang tawag ng lahat ng mga empleyado), ng isang maliit na kuwarto na mailing section para gawin kong paliguan bago pumasok sa eskuwela.

Ang walang kamatayan kong bisikletang pang-rasyon ng dyaryo ang gamit ko rin para makarating sa UE mula sa Florentino Torres St. Ganoon din pabalik sa tanghali para sa delivery ng Mirror at pabalik muli sa school para sa evening classes.

Mula sa pinakamababang posisyong iyon, nakuha kong  umasenso bilang janitor, clerk sa circulation  department, traffic-in-charge sa collection department, hanggang sa advertising deskman.
Makaraan ang 13 taong palipat-lipat sa iba’t ibang departamento, nairekomenda ng noon ay sports editor na si Tony Siddayao at natanggap bilang sportswriter. Ni hindi ko pinangarap na maging reporter. Ang pangarap ko lang noon ay magkaroon ng mataas-taas na posisyon sa alinmang departamento para magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap.

Wala kasi akong kinuhang subject sa journalism sa aking pag-aaral. But as fate would have it, wika nga ng mga Kano, naging isang reporter ako. Pero bago dumating ang magandang suwerteng ito, dumaan ako sa mahigpit na pagsasanay mula kay Ginoong Siddayao, na naging kumpare at kaibigan kong matalik at tutor sa sportswriting.

Maigsi ang naging stint ko bilang Times reporter. Humigit-kumulang na isang taon lamang. Ngunit sapat iyon para tanghalin ako bilang isang beterano sa bagong yugto ng buhay ko.

Salamat sa pagtuturo ni Mirror sports editor Gus Villanueva noon, Bert Cuevas ng Chronicle, Manolo Inigo ng Evening News, Iking Gonzales ng Herald at maging si Teddy Benigno ng French News Agency (AFP). Kung kaya nga nang ideklara ni Pangulong Marcos ang Martial Law noong 1972, kinilala na ako bilang batikang sportswriter.

Ilang buwan lamang matapos ideklara ang Military Rule, kinuha na ako ng noon ay general manager ng bagong tatag na Philippines News Agency. Tatlong taon mula noon, nahirang akong tagapagsalita (Information Officer) ng kampo ni Joe Frazier noong laban niya kay Muhammad Ali para sa world heavyweight championship na tinawag na “Thrilla in Manila.”

Ang Thrilla ang pinakatampok na international ­coverage sa aking career bilang sportswriter. Ilan sa mga ito ang 1984 Los Angeles  Olympic Games 1988;  Seoul Olympic Games at  1996 Atlanta

Centennial, Olympic Games; 1974 World Women’s Softball ­Championship in  Bridgeport, Connecticut; 1974 World Cycling Championships in Montreal, Canada; 1978 World Men’s Basketball Championship in Manila; 1978 World Chess Championship between Anatoly Karpov and Viktor Korchnoi in Baguio City; 1979 World Golf Championship; 1981 World Road Cycling Championships in Prague, Czechoslovakia; 1981 World Track Cycling Championships, Bruno, ­Czechoslovakia; 1981 World chess Olympiad in  Malta; 1992 World Men’s Softball Championships in Manila; 1992 World Chess Olympiad in Manila; ,1993 World Speed Shooting Championships, Fresno, California; 1993 International Practical Shooting Confederation World Shoot, Bisley,

England; American Handgunners World Shoot Off, Montrose, Colorado; 1986 Seoul Asian Games; 2002 Busan Asian Games; Southeast Asian Games from 1977 till 2019; plus  sprinkling of World Little League Softball and Bronco Baseball Championships.

Read More