PAGLUSAW SA PHILHEALTH, TINUTULAN

0

MALI ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na lusawin o isapribado, ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa garapalang korapsyon.

Pananaw ito ng Nagkaisa Labor Coalition, ang pinakamalaking alyansa ng mga pederasyon at unyon ng mga manggagawa sa maraming panig ng bansa, dahil idiniin ng pangulo nito na si Atty.

Jose Sonny Matula na hindi PhilHealth ang gumawa ng korapsyon, kundi ang mga opisyal dito.

Ani Matula, ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon at pandarambong ang dapat parusahan at hindi ang mismong PhilHealth.

Ang pahayag ng Nagkaisa ay reaksyon sa pasya ni Duterte na lusawin o ibenta sa mga kapitalista, ang PhilHealth dahil sa garapalang korapsyon at pandarambong sa kabila na inilagay niya ang retiradong heneral na si Ricardo Morales.

Wala na si Morales sa PhilHealth ngunit patuloy pa ring nabubunyag sa media ang iba pang porma ng korapsyon sa nasabing ahensiya

Idiniin ni Matula na ang solusyon ni Duterte ay desisyon ng isang “quack doctor.”

Ipinaliwanag ng lider-manggagawa na pangulo rin ng Federation of Free Workers (FFW) na ang pribatisasyon ng isa sa mga institusyong gumagastos sa mga bayarin ng mga mayroong sakit ay “cure worse than the disease.”

“Privatizing PhilHealth, or worse, dissolving it, based on allegations of massive corruption is not the solution.

If privatization is the most sensible argument against corruption, incompetence, and patronage system in state bureaucracy, then most, if not all public institutions and government offices, should have been privatized or dissolved a long time ago.

The solution to the current mess in PhilHealth is to thoroughly investigate allegations of massive and systemic corruption and hold both the appointees and the appointing powers accountable,” patuloy ni Matula.

Patuloy ding nag-iimbestiga ang Task Force PhilHealth sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga opisyal ng state health insurer. (NELSON S. BADILLA)

Read More

Sa muling pagbiyahe ng provincial buses POLICE VISIBILITY PINAIGTING NG JTF COVID SHIELD

0

INIUTOS ni Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng Joint Task Force COVID Shield ang pagpapaigting ng police visibility sa mga bus terminal ngayong ibinalik ang bus operation ng mga Metro Manila bound provincial buses.

Sa koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) na pinamumunuan ni General Camilo Pancratius Cascolan, inatasan ng JTF COVID Shield ang lahat ng concerned police commanders na palakasin ang police visibility sa lahat ng passenger bus terminal na pinayagang bumiyahe papunta at pabalik ng Metro Manila simula September 30.

Ayon kay Lt. Gen. Eleazar, makatutulong ang presensiya ng mga pulis sa mga bus terminal sa pag-iral ng disiplina at kaayusan oras na magsimulang dumagsa ang mga pasahero sa mga terminal ng bus.

“We need to ensure that both the bus company employees and the passengers will observe the minimum health safety standard protocol especially on the aspects of wearing face masks and face shields and the observation of physical distancing inside the passenger buses,” ani PLt. Gen. Eleazar.

Una rito, pinayagan na ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang pagbabalik operasyon ng 12 modified provincial bus routes sa Metro Manila mula Pampanga, Batangas, Laguna at Cavite simula nitong Miyerkoles.

Pinaboran naman ni Cascolan ang police marshalling sa mga public transportation upang matiyak na maipatutupad ang mga itinakdang quarantine at health protocols gaya ng one-meter physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield at pagkuha ng body temperature.

“Our presence in bus terminals and other possible bus stops is not only for peace and order purposes but also in compliance with the mandate given to us to protect as many people from coronavirus infection by strictly implementing the quarantine rules,” ayon kay Eleazar.

Inatasan din ng heneral ang mga pulis na pag-aralan ang area at humanap ng lugar kung saan maaring dumulog ang mga pasahero na gustong humingi ng tulong o magsumbong ng mga lumalabag sa quarantine protocols.

Maaari rin aniyang dumulog ang publiko sa PNP at JTF COVID Shield sa pamamagitan ng mga hotline na: PNP Helpline 16677, 0998-849-0013 for Smart users, 0917-538-2495 for Globe users and PNP-Highway Patrol Group Hotline 0926-225-5474. (JESSE KABEL)

Read More

MALAKANYANG PABOR SA POSTAL VOTING

0

POSIBLENG idaan sa mail at postal voting lalo na sa mga senior citizen at persons with disabilities o PWD’s ang darating na 2022 national elections.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, baka kailanganin ng bansa na magpatupad ng ganitong pamamaraan ng halalan na ginagawa na rin aniya ng iba’t ibang mga bansa.

Hindi naman inaalis ni Sec. Roque ang posibilidad na baka maikonsidera sa kauna-unahang pagkakataon ang panukalang ito.

Iyon nga lamang, nakasalalay pa rin sa Comelec ang pinal na desisyon at hindi aniya ito panghihimasukan ng Malakanyang.

Sa kabilang dako, hindi maaring maging opsyon ng gobyerno ang pagpapaliban ng eleksyon dahil lamang sa may kinakaharap ngayong krisis sa pangkalusugan.

Sa kanyang pagkakaalam, hangga’t hindi aniya inaamyendahan ng mga mambabatas ang 1987 constitution, mananatiling labag sa batas ang mungkahing temporary postponement ng eleksyon.

Inanunsyo na mismo ng Comelec, na sa halip na ipagpaliban ang halalan ay mas mabuting ipatupad na lamang ang modified form of election dahil sa pamamagitan nito ay bahagyang mababawasan ang physical contact ng bawat isa.

Sa ilalim aniya ng new normal, malaki ang posibilidad na magkakaroon ng mga pagbabago sa voting system at mga ginagawang pangangampanya ng mga kandidato para sa 2022 election. (CHRISTIAN DALE)

Read More

GOV’T ASSETS IBEBENTA PARA PONDOHAN ANG UHC

0

MAAARING magbenta ng iba pang ari-arian ang pamahalaan maliban sa real estate assets sa Japan kung kakailanganin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang maraming pondo para sa mga pangunahing programa nito.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat ikabahala ang publiko dahil tinitiyak naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na pondo ang state health insurer para sa implementasyon ng universal health care program.

“Dahil nga po sa Universal Healthcare Law, kung kulang po iyan ay tutustusan po galing sa kaban ng taumbayan. Kaya nga po, kung kinakailangan, ibebenta iyong mga properties na iyan. At hindi lang naman po Roppongi, marami pa tayong ibang properties na pupuwedeng ibenta,” ayon kay Sec. Roque.

“So in other words, sinasabi lang ni Presidente, ‘Sagot ko ang inyong kalusugan,’ dahil iyan ang batas na sinertify [certified] niyang urgent noong iyan po ay tinatalakay sa Kongreso, paninindigan po niya iyong obligasyon ng estado na pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino. If it means having to sell assets, why not,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Inamin ni Sec. Roque na walang paraan para masabi kung hanggang kailan tatagal ang pondo ng PhilHealth dahil sa malawakang korapsyon sa tanggapan lalo pa’t wala namang nagsasabi ng totoo sa PhilHealth.

Nitong Lunes, sa public address ni Pangulong Duterte ay inamin nito na kaya nagbebenta na ng mga ari-arian ang PhilHealth, tulad ng property sa Japan, dahil kailangang makalikom ng pondo ang ahensiya.

Isa umano ito sa mga dahilan kaya kailangan na itong buwagin at palitan ng bago. (CHRISTIAN DALE)

Read More

LGUs ang magpapasya – Malakanyang INTERNET CAFES IPINAGAGAMIT SA ONLINE CLASSES

0

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa mga Local Government Unit (LGU) ang pagpapasya kung papayagan nitong magamit ang mga internet cafe sa kani-kanilang mga lugar para sa online schooling ng mga estudyante.

Ito’y sa harap na rin ng nakatakdang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong eskuwelahan sa darating na Lunes, Oktubre 5.

“Bukas naman talaga iyong mga computer repairs. Ang binigay na po sa mga kapangyarihan ng mga mayor dito sa Metro Manila ay iyong mga internet café. Pero ever since po iyong mga computer shop bukas po iyan,” lahad ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Kung tutuusin aniya ay pang-gaming talaga at pang-social media ang mga internet cafe kaya’t nasa bawat Local Government na aniya ang desisyon kung papayag ang mga ito na gawin din itong pang online learning.

“Well, okay po sana iyan, kaya lang hindi naman ganyan iyong negosyo ng internet café talaga, pang-gaming po iyan at saka pang-social media ‘no,” ani Sec. Roque.

Isa namang nakikita ni Sec. Roque sa mga internet cafe ay ang limitadong espasyo ng mga ito lalo na ang mga nasa bara-barangay lang.

Ito aniya ang tiyak sa magiging concern ng mga alkalde at mula duon ay maaaring gamiting barometro kung papayagan o hindi ang mga internet cafe sa online education. (CHRISTIAN DALE)

Read More

PATROL nakipagkaisa sa IBP-QC sa pagtulong sa PDLs NAG-AMBAG NG TABLETS SA QCPD

0

NAKIPAGKAISA ang PATROL party-list sa Integrated Bar of the Philippines (IBP-Quezon City) sa pamamahagi ng mga tablet sa Quezon City Police District (QCPD) na makatutulong nang malaki sa pag-aasikaso sa kaso ng mga bilanggo nito tungo sa kanilang kalayaan ngayong panahong nakararanas ng pandemyang coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Ang partidong PATROL (Public Alliance for Transformation and Rule of Law) ay kilalang isa sa mga nangunguna sa pagtitiyak ng seguridad at kaayusan ng mamamayan at bansa.

Binubuo ang PATROL ng mga “volunteer professionals” at “stakeholders” na ang adbokasiya ay tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan.

Ayon kay PATROL Representative Jorge “Patrol” Bustos, kailangan ng mga yunit ng Philippine National Police (PNP) tulad ng QCPD na maging “well-equipped” upang makaagapay at makakilos sa mga pagbabagong nagaganap tulad nang idinulot ng COVID-19 upang maihatid ang katarungan sa PDLs.

“We are honored and grateful for this opportunity to give and be of service to help in decongestion of detention facilities in police stations. We thank the IBP-QC for this opportunity to extend this kind of assistance and we hope this will further improve the rendition of public service where it truly matters,” pahayag ni Rep. Patrol Bustos.

Binigyan ng PATROL ng labindalawang tablet ang QCPD sa simpleng seremonyang dinaluhan nina retiradong General William Macavinta (kinatawan ni Bustos), QCPD District Director Ronnie Montejo at IBP-QC President Atty. Donna Jane M. Alagar.

Ayon kay Atty. Alagar, ang “pioneer donation from PATROL will help in the decongestion of detention facilities during this new normal as having more equipment in the police stations will entail more hearings with the PDLs, thus would “administer speedier justice.”

“We need to protect and ensure that our modern-day heroes continue doing their job to administer justice swiftly, and we thank PATROL for their generosity and for heeding this call of support.

We hope we will be able to translate this to a more efficient and productive way of conducting hearings,” patuloy ni Atty. Alagar.

Namahagi na rin sa mga nakalipas na araw ang PATROL ng mga kagamitang nakatulong sa kaligtasan ng COVID-19 frontliners tulad ng personnal protective equipment (PPE).

Read More

FIRST MEGA QUARANTINE FACILITY SA NCR, BUBUKSAN SA NOBYEMBRE

0

NAKATAKDANG buksan at mag-operate sa darating na Nobyembre ang isang pampublikong mega quarantine facility na matatagpuan sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ito ay ang Solaire/PAGCOR mega quarantine facility na ilalaan para sa mga asymptomtatic at mild cases.

Tinatayang may 600 bed capacity ang pasilidad habang may tent ding nakalaan para matuluyan ng mga health worker.

Sinasabing P225 milyon ang ginugol sa pagpapatayo nito, ayon sa pamunuan ng Solaire, na sa ngayon ay nasa 180 beds na ang natatapos.

Sa kabilang dako, ang paalala naman ni Sec. Roque ay “No walk in policy” sa nasabing quarantine facility at ang kailangang gawin ay ang makipag-ugnayan pa rin sa mga LGU. (CHRISTIAN DALE)

Read More

PLDT, SMART, SKY, AT CIGNAL PINAGPAPALIWANAG SA IATF

0

BINATIKOS ng tatlong kongresista ang anila’y mga pagkukulang ng PLDT, Smart, Skycable, at Cignal TV tungkol sa kasalukuyang “emergency maintenance” ng mga kable nitong nakalatag sa ilalim ng dagat.

Nanawagan sina Reps. Lawrence Fortun, Alfredo Garbin Jr., at Bernadette Herrera sa IATF na mag-imbestiga at patawan ng karampatang parusa ang apat na kumpanya.

Giit ng mga mambabatas, 7 hanggang 15 araw na abiso dapat ang ginawa ng internet service providers para mapaghandaan ang hindi bababa sa limang araw na service maintenance.

Pinuna ni Garbin ang posibleng impact ng telecom outage sa public services, banking, financial transactions, online classes, online selling, and e-commerce na gumagamit ng internet services ng PLDT and Smart.

“Anong gagawin ng mga mamamayan at mga negosyong nakakonekta sa PLDT, Smart, Skycable, and Cignal TV? Isang linggo silang lahat nakatunganga? Isang linggong walang kita? Isang linggo hindi makabayad ng bills at mga utang?” punto ni Garbin.

“Hindi pwede ang sorry lang sa ganyan. Milyun-milyong tao at libu-libong mga negosyo ang apektado tapos sorry lang? Bukod sa rebate, magbayad kayo ng multa,” ani Garbin, kasapi ng House Committee on Legislative Franchises.

“Harap-harapang panloloko.

Harap-harapang holdap.

That is what internet subscribers experience when they religiously pay for internet subscriptions that promise strong and efficient signal, but get very poor signal, and at times no signal at all.

Ang daming panahong hindi ka makakuha ng matinong signal at hindi mo nagagawa ang iyong trabaho o hanapbuhay, ngunit pinagbabayad ka nang buo.

Hindi ka naman makahindi dahil lalo kang mapeperwisyo dahil tutuluyan ka nilang putulan.

Anong tawag dyan? Di ba holdap?” ani Cong. Fortun.

Inalala rin ni Fortun na maaaring maapektuhan nito ang livestreamed sessions ng Kamara at Senado, pati na rin ng mga provincial board, city council at municipal council, kasama na rin ang mga virtual press briefing ng DOH, IATF, at Malacanang. (CESAR BARQUILLA)

Read More

COCO LEVY TRUST FUND BILL LUMILINAW SA SENADO

0

PUMASA na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang batas para sa pagbuo ng trust fund ng coconut farmers sa bansa sa pamamagitan ng pagbebenta ng assets na nabili gamit ang coco levy fund.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1396 o ng “Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act,” inaatasan ang pamahalaan na ipagbili ang P75 bilyong coconut levy assets sa susunod na limang taon upang makabuo ng trust fund para sa coconut farmers.

Ayon kay Senador Cynthia Villar, chairperson ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform at principal sponsor ng panukalang batas, sa oras na maisabatas ito, mabibiyayaan nito ang may 3.5 milyong coconut farmers mula sa 68 coconut producing provinces.

Ang mga ito na may-ari ng hindi tataas sa 5 ektaryang sakahan ay kabilang sa pinakamahirap na sektor sa bansa.

“The coconut farmers are the poorest in the country. They earn only about P1,500 a month. This fund which rightfully belongs to the coconut farmers, should be plowed back to them for their own direct benefit,” ayon kay Villar.

Inaasahan na ipapasa ng Senado sa third at final reading ang coconut levy bill sa kanilang sesyon ngayong Miyerkoles.

Kumpiyansa rin si Villar na agaran itong maisasabatas dahil natugunan na ang ‘concerns’ sa dating na-veto na bersyon ng panukalang batas.

Ayon kay Villar, kapag naisabatas, agad na ililipat ng Bureau of Treasury ang P10 billion sa trust fund; P10 billion sa second year; P15 billion, third year; P15 billion, fourth year; at P25 billion sa fifth year.

Kapag naisabatas, gagamitin ang P5B trust fund sa mga programa bukod sa mga programa ng PCA na bibigyan ng hiwalay na budget.

Kabilang dito ang 15% sa pagtatanim at replanting ng hybrid coconut seedlings at produksyon ng hybrid coconut seedlings ng Philippine Coconut Authority.

Sa ilalim ng panukala, muling bubuuin ang Philippine Coconut Authority Board na kinabibilangan ng mga kalihim ng Department of Trade and Industry, Budget and Management Finance, DOST at PCA, at tatlong farmer-representatives mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. (NOEL ABUEL)

Read More