Solon sa DepEd BINILING P33.444-B COMPUTERS NASAAN?

0

HINAHANAP ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga biniling computer ng Department of Education (DepEd) sa nakaraang limang taon na nagkakahalaga ng P33.444 billion.

Ayon kay House deputy majority leader Bernadeth Herrera, mula noong 2016 ay sinimulan ng DepEd ang DCP o DepEd Computerization Program na unang pinondohan ng P4.858 billion.

Ipinagpatuloy ito noong 2017 kaya binigyan ng P6.626 billion at noong 2018 ay lumaki pa ito sa P8,647 billion at bahagyang bumaba sa P4.38 billion noong 2019 at muling lumaki sa P8.99-B ngayong 2020.

“Nasaan na ang mga computer na iyan na binili ng DepEd gamit ang pera ng taumbayan? Nagastos ba nang wasto ang ibinudget na pera para sa DepEd Computerization Program mula 2016 hanggang 2020?,” tanong ni Herrera.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos mamroblema ang DepEd sa online learning kung saan kailangan ng mga public school teacher at mga estudyante ang computer.

“Most of these computers should now be issued to the teachers and students, instead of being idle at the campuses. Are the computers still at the campuses?,” ayon pa sa mambabatas.

Nais din ng mambabatas na magsumite sa Kongreso ng report ang DepEdat maging ang Philippine National Police (PNP) kung ilang unit ng computers ang ninakaw sa kanila.

Kasunod ito ng mga report na nalansag umano ng DepEd at PNP ang mga online seller na nagbebenta ng mga computer na may tatak ng ahensya ngayong panahon ng pandemya.

“Are detailed and reliable inventories of those computers being done? How many of those computers are usable, inoperable, for repairs, for disposal as scrap?,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

Nganga sa benepisyo 91K SENIORS TINABLA NG DSWD

0

IKINABAHALA ni Senador Risa Hontiveros ang pagbasura ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa benepisyo ng mahigit 91,000 lola at lolo na hindi mabibigyan ng pensiyon sa 2021 national budget.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na noong nakaraang taon, tanging 84% ang nabigyan ng pensiyon at hindi pa lahat sa mga ito ay nabigyan, pero ngayon kinaltasan pa.
“There is an alarming neglect of our senior citizens. Parang isinantabi natin sila.

“Ang mga lolo’t lola natin ang pinakabulnerable sa lipunan, may pandemya man o wala. Pensyon na lang ang inaasahang pantawid sa pang-araw-araw na gastos, kasama na ang gamutan. Imbis na taasan ang halaga, binawasan pa natin sa gitna ng krisis,” himutok ng mambabatas.

Sinabi ni Hontiveros na maraming pamilya ang nakikipagbuno ngayon upang makakain at makahulagpos sa kasalukuyang kahirapan sa gitna ng pandemya.

“Higit 50,000 senior citizens ang naghahanap pa ng trabaho sa gitna ng pandemya, despite having the highest COVID-19 mortality risk. Di na alintana ang panganib sa kalusugan para lang patuloy na suportahan ang sarili at ang kanilang mga pamilya,” aniya.

“Pero kahit magbukas pa ang ekonomiya, habang wala pang vaccine, hindi pa din sila makakalabas as clearly stated by the IATF guidelines. It is even more urgent that we distribute the social pension immediately. Obligasyon ng gobyerno na protektahan ang mga senior citizens,” giit pa ng senador.

Ayon kay Hontiveros, tinatrabaho ng kanyang tanggapan ang panukalang badyet ng DSWD katulong ang Coalition of Services of the Elderly.
“Ngayong budget deliberations, sisiguraduhin natin na hindi maiiwan ang mga lolo’t lola. Siguraduhin nating naalagaan at nasusuportahan ang pangangailangan nila,” aniya. (ESTONG REYES)

Read More

AFP AT PNP NASA HOT PURSUIT OPERATION SA DINUKOT NA FIL-AM

0

NAGKUKUMAHOG ngayon ang mga operatiba ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para mabawi ang dinukot na Filipino-American businessman sa Sirawai, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Maj. Gen. Generoso Ponio, commander ng Army’s 1st Infantry Division, katulong ang PNP at iba pang security forces ng gobyerno ay tinutugis nila ang mga armadong kalalakihan na tumangay kay Rex Triplet, 64-anyos na tubong Sirawai, Zamboanga del Norte.

Sa impormasyong ibinahagi ni Sirawai Municipal Police Station Chief Maj. Matinong, kasama ng biktimang si Rex Triplet, ang 23-anyos na asawang si Celsa Maani Triplet, nang maganap ang pagdukot.

Ayon kay Maj Matinong sakay ng kanilang kulay itim na XRM motorcycle ang mag-asawa na pauwi na sana nang harangin ng apat na armadong kalalakihan na nakasuot ng camouflage uniforms at armado umano ng M203 automatic rifle at tatlong short firearms.

Nagawang makatakas ng asawa ni Triplet at nakahingi ng tulong sa mga lokal na opisyal ng Barangay Tapanayan.

Sinasabing kinaladkad ang biktima papasok sa magubat na bahagi ng Barangay Tapanayan na nasa bayan din ng Sirawai.

Agad namang rumesponde si Lt. Roy Malayo, deputy chief ng Sirawai police at ipinag-utos ang isang hot pursuit operation laban sa mga suspek. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng panibagong kidnapping incident sa lalawigan. (JESSE KABEL)

Read More

KONSEHAL, 2 EX-KONSEHAL ARESTADO SA P6.8-M SHABU

0

COTABATO CITY- Aabot sa P6.8 milyong halaga ng ipinagbabawal na droga ang nasabat ng otoridad sa isang konsehal at tatlong kasama ito sa inilunsad na buy-bust operation ng PDEA BARMM sa bahagi ng

National Highway sa Purok 4, Barangay Matampay sa lungsod ng Marawi, kahapon ng tanghali.

Ang mga inaresto ay kinabibilangan ni Tagoloan Lanao Sur incumbent Councilor Simpanor Capal Salic,

dalawang dating konsehal ng nasabi ring bayan na sina Malic Pangoca Hadjisalikk, alyas Peping at Esnaira Capal, alyas Nai at isa pang kinilala bilang si Rodrigo Sequino, alyas Jojo.

Nakumpiska ng PDEA sa operasyon ang humigit kumulang 1 kilo ng suspected shabu na may national average price na P6.8 M, 3 cellular phones, mga ID, white Toyota Hilux, black Toyota Fortuner, P1. 8 milyong boodle money at OR ng mga nasabing sasakyan.

Katuwang ng PDEA sa operasyon na isinagawa alas-12:15 ng tanghali, ang Lanao Del Sur PPO,

Maguindanao PPO, Marawi MPS, 1403rd at 1402nd 14RMFB, PIU LDSPPO at mga kasundalohan ng 82IB, at 55IB ng 103rd Brigade. (BONG PAULO)

Read More

18 INMATES, JAILGUARD SA BULACAN NAGPOSITIBO SA COVID-19

0

CITY OF MALOLOS, Bulacan – Labing-walong preso at isang jail guard sa Bulacan Provincial Jail ang muling nagpositibo sa coronavirus disease at kasalukuyan nang naka-isolate.

Ayon kay provincial warden Ret. Col. Marcos Rivero, ang 18 detainees at prison guard ay sumalang sa swab test nitong nakaraang Biyernes makaraang makitaan ng sintomas.

Ang mga preso ay nasa edad 50 pataas na mayroong lagnat at ubo at naka-isolate sa isang selda habang ang jail guard ay naka-home quarantine sa sa bayan ng Pandi.

“Ang instruction ni Gov. Daniel Fernando ay panatilihin ang pag-inom ng vitamins, panatilihin ang pagiging-malinis ng isolation facility at mag-suob para sa mabilis na recovery ng mga apektadong inmates,” ani Rivero.

Ayon kay Rivero, ang 18 preso ay nahawa sa kapwa preso na namatay sa sakit na tuberculosis at pneumonia na kalaunan ay nagpositibo rin sa nasabing infectious disease.

“Kaya agad na pinag-utos ni Gov. Fernando na ipa-swab test ang lahat ng inmates na may nararamdamang lagnat at ubo,” sabi ni Rivero.

Patuloy ang isinasagawang monitoring sa kondisyon ng mga naturang preso na asymptomatic at kung meron mang magiging symptomatic ay agad ililipat ng selda upang i-quarantine at para hindi kumalat sa buong piitan ang nakamamatay na virus.

Pinasalamatan ni Rivero ang Provincial Government sa pangunguna ni Gob Fernando sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa inmates sa nasabing provincial jail.

Nabatid na ipinagbawal pansamantala ni Rivero ang dalaw sa kulungan mula pa noong Marso.

Noong July 17, 2020 ay 18 ding inmates or Persons Deprived of Liberty (PDL) at tatlong jail guards ang nagpositibo sa COVID-19 na pawang magagaling na ngayon.

Samantala, base sa tala ng Provincial Health Office (PHO), 64 na bagong covid patient ang nadagdag kaya pumalo na sa kabuang 3,893 ang kaso sa lalawigan ng Bulacan.

Sa 3,893 na bilang ay 2,422 ang nakarekober 1,382 ang active cases kung saan 853 ang symptomatic at 529 ang asymptomatic habang 89 na ang nasawi. (ELOISA SILVERIO)

Read More

PHYSICAL DISTANCING REDUCTION SUSPENDIDO

0

SUSPENDIDO ang implementasyon ng 0.75 meter na distancing sa mga pampublikong transportasyon at ibabalik ito sa sa one meter.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque base sa anunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Nakatakda namang magdesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usaping ito sa susunod na linggo.

Sa ilalim ng bagong protocol na ipinalabas ng Department of Transportation noong nakaraang linggo, ang kasalukuyang one-meter distance ay magiging 0.75 meters simula Setyembre 14.

Maaari itong mabawasan ng hanggang 0.5 meters matapos ang dalawang linggo at 0.3 meters matapos ang susunod pang dalawang linggo.

Ngunit tinutulan ito ng iba’t ibang grupo partikular ng mga healthcare worker na umapela sa IATF para ibasura ang panuntunan ng DOTr na bawasan ang isang metrong physical distancing sa mga pampasaherong sasakyan.

Nag-aalala ang grupong Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na dahil sa pagbabago sa panuntunan sa physical distancing ay lalong tataas ang mga dadapuan ng virus at tuluyan nang hindi makakarekober ang bansa.

Sinabi ni Dr. Carmela Kasala, opisyal ng HPAAC, na sa pagpapaluwag ng physical distancing, maaaring isipin din ng publiko na pawala na ang virus na puwedeng mapunta sa kawalang disiplina.

Iginiit niya na ang droplets buhat sa pagsasalita, paghatsing at pag-ubo lalo na kung hindi mapigilan ay maaaring kumalat sa hangin at maipasa ng mas mabilis lalo na kung dikit-dikit.

Sa katwiran ng DOTr na mahigpit naman ang tagubilin na palagiang magsuot ang mga pasahero ng face mask at face shield, sinabi ng grupo na hindi tiyak ang proteksyong maibibigay ng mga ito at magiging mabisa lamang kung may angkop na physical distancing. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Babala ni Sotto AHENSYANG BABALEWALA SA SENATE REPORT, IIYAK SA BUDGET

0

“IIYAK sila sa budget deliberations sa amin at sa budget hearings, ginagarantiyahan ko sila.”

Ito ang mistulang babala ni Senate President Vicente Sotto III sa mga ahensyang hindi aniya kikilala sa Senate report hinggil sa anomalya sa PhilHealth.

Aniya, dadaan sa butas ng karayom ang budget ng mga sangkot na ahensya ng pamahalaan na hindi kikilalanin ang inilabas na rekomendasyon ng Senate report.

Kasabay nito, ipinagkibit-balikat ni Sotto ang mistulang palusot ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na wala itong kinalaman sa anomalya sa PhilHealth.

“Ikinalulungkot kong sabihin na napakasagwa ng mga palusot nila. Napakasagwa. Anong akala nila, hindi namin binasa ang PhilHealth Law?,” giit ni Sotto.

“Hindi naman talaga bumuboto ang iyong chairman eh. Non-voting, nakalagay doon. O anong klaseng palusot ‘yung dahil hindi pumirma, talagang hindi pipirma, alam niya hindi pipirma. Ang tanong dito, ang ibig mong sabihin, balewala ‘yung mga Zoom meeting na um-attend siya? Zoom meeting na nagbu-bull session ‘yung executive committee at saka ‘yung members ng board? Nandoon siya, may pruweba na um-attend siya,” dagdag nito.

Paliwanag pa ni Sotto na walang kuwenta ang dahilan ni Duque na hindi ito nakikialam sa PhilHealth at tanging kinatawan lamang nito ang dumadalo sa pagpupulong ng ahensya.

Nanindigan si Sotto na hindi nabalewala ang mga pagdinig na isinagawa ng Senate Committee of the Whole tungkol sa mga nangyayari sa PhilHealth. (NOEL ABUEL)

Read More

PUBLIC TRANSPORT PINADARAGDAGAN

0

PINAYUHAN ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang Department of Transportation (DOTr) na dagdagan ang tumatakbong public transportation imbes na bawasan ang ipinatutupad na physical distancing at kung maaari bigyan sila ng subsidy.

Isinagawa ni Go ang naturang apela matapos sabihin ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 na habang kinikilala nila na dapat nang unti-unting palakasin ang ating ekonomiya, ang desisyon ng DOTr na bawasan ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan ay masyado pang maaga at napakamapanganib.

“Sang-ayon ako sa rekomendasyon ng mga eksperto at mga doktor na pansamantalang ipagpaliban sana ang pagpapaluwag ng health protocols tulad ng pagpapaikli ng distansya ng mga tao sa pampublikong sasakyan,” sabi ni Go.

“Huwag nating isugal kung may posibilidad na mas kumalat ang sakit. Ayaw nating tumaas muli ang numero ng nagkakasakit, lumala ang sitwasyon at tuluyang bumagsak ang ating healthcare system,” anang senador.

Ayon kay Go, dapat na sundin at pakinggan ang naging komento ng medical experts dahil sila ang mas nakaaalam tungkol sa kalusugan bilang mga frontliner ng bansa sa paglaban sa coronavirus (COVID-19) pandemic.

“Kapag nakita kasi ng mga tao na pumayag na tayo na luwagan ang physical distancing measures sa public transportation, baka pumasok sa isip ng tao na pwede na palang maging kampante sa iba pang lugar.

Mahihirapan tayo na limitahan lang sa transportation aspect ang polisiyang ito,” sabi ni Go.

Sinabi ng mambabatas na batay sa pag-aaral ng mga eksperto, ang physical distancing ay isa sa pinakaepektibong paraan upang makaiwas sa transmission ng COVID-19.

At upang matugunan naman ang pangangailangan ng publiko at transport sector, dapat na humanap ng paraan upang matulungan sa kanilang kabuhayan ang public utility vehicle drivers nang hindi nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at ang buhay ng mga pasahero.

Iginiit ni Go sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan na ang iba pang PUVs na makabiyahe sa lansangan.

Matatandaang inanunsyo ng DOTr na itinutulak nito ang plano na unti-unting bawasan ang 1-meter rule sa PUVs, simula sa 0.75 meters para makarekober at kumita ang public transport sector. (ESTONG REYES)

Read More

Panawagan sa mga senador PONDOHAN ANG ‘TEACHING SUPPLIES ALLOWANCE ACT’ NG MGA GURO

0

DAPAT tiyakin ng mga senador na maglalaan sila ng pondo para sa teaching supplies allowance ng mga guro sa pampublikong sistema ng edukasyon kung ipapasa ang Senate Bill 1092.

Ito ang panawagan ni Senador Richard Gordon sa mga kapwa niya kasapi ng Senado upang magkaroon ng kabuluhan ang naturang panukalang batas.

Layunin ng S.B. 1092, o Teaching Supplies Allowance Act of 2019, na maging regular ang allowance ng mga guro sa mga gamit nila sa pagtuturo upang hindi na ibabawas ng mga guro sa kanilang sahod ang pambili ng chalk, bond paper at iba pa.

“Bakit ang mga teacher pa ang magbabayad ng chalk, ng mga papel nila kung minsan? It’s really about time that we do this,” saad ni Gordon.

Aniya, “I am in support of this bill and I would like to be co-author…. [However,] kung ‘di mapapasok sa GAB (General Appropriations Bill) and later on sa General Appropriations Act (GAA), there might be rank demoralization again, pagtatawanan tayo. And I don’t think that is the intention of this bill. …

[W]e should all really join hands in making sure that this is funded under the General Appropriations bill and later on the GAA.” (NELSON S. BADILLA)

Read More