Kahit walang cash advance sa Western companies PINAS MANANATILI SA GAVI VACCINE ALLIANCE

MANANATILING miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance ang Pilipinas sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ito magbibigay ng cash advance sa Western countries para lamang makasiguro ang bansa na makakukuha ng madidiskubreng COVID-19 vaccine. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ipinahihiwatig lamang ng pahayag na ito ng Pangulo kung bakit humihingi na ang Western companies ng reservation fee gayong isinasailalim pa sa clinical trial ang mga dinidiskubreng covid vaccine. Hindi aniya maunawaan ng Punong Ehekutibo kung bakit maagang humihingi ng bayad ang ilang Western…

Read More

GOV’T OFFICIALS HINDI DAPAT BALAT SIBUYAS

HINDI dapat nagiging ‘balat sibuyas’ ang mga government official, dahil pumasok kayo sa larangan ng serbisyo publiko dapat ay handa kayo sa lahat ng klaseng PUNA. Tulad na lamang yang isyu ng pagtatambak ng buhangin o dolomite riyan sa Bay Walk ng Manila. Kung alam nyong makakabuti yan sa mga tao ituloy nyo yan. Alam naman natin na walang nagnanais na masira o muling masalaula yang Manila Bay dahil napakahalaga po niyan sa ating mga Pinoy. Kung babalikan po natin ang maraming taon na nagdaan ang ganda ng dalampasigan ng…

Read More

HINDI PALA SILA KASAPI NG CPP

IPINAKITA ng mga kongresistang bahagi ng Makabayan Bloc sa mababang ­kapulungan ng Kongreso ang kapangyarihan ng mambabatas sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan. Ipinakita ng pangkat ni ­Bayan Muna Rep. Isagani Zarate na puwede nilang komprontahin at sitahin ang opisyal ng pamahalaan tulad ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) ­Undersecretary Lorraine Marie Badoy sa ginawa nitong “red-tagging” laban sa mga kongresistang “leftist,” o Makabayan Bloc. Ginamit ng mga kaliwang mambabatas ang pagdinig sa Committee on Appropriations bilang ‘oportunidad’ para batikusin nang batikusin si Badoy sa ginawa nito dati laban sa…

Read More

YAMOT NA YAMOT NA SA POEA AT STAFFHOUSE

SUNOD-SUNOD na sulat sa pamamagitan ng email ang aking natanggap mula sa grupo ng mga manggagawa ng Mahara Human Resources na nasa Jeddah, Saudi Arabia. Puno ng sama ng loob ang kanilang liham at tila baga tuluyan ng nagtampo sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil sa napabalitang pagtanggal ng suspension order laban sa kanilang ahensya sa Pilipinas na Staffhouse International Resource Corporation. Nuong aking bineripika sa website ng POEA ay lumabas na nanatili pa rin na suspended ang document processing ng Staffhouse International Resource Corporation. Gayunpaman, ay bibigyan ko…

Read More

Sikreto ng tambalang Danny Floro-Baby Dalupan

“COACHES are hired to be fired.” Noong unang panahon ang mga katagang ito ay itinuturing lamang na salawikain. Malimit na binibigkas ng pabiro o hindi dapat sundin…Hindi batas! Sa pagkalat ng mga ligang propesyonal sa Estados Unidos, Europa, Asya at maging sa Pilipinas, ang kawikaang ito ay naging batas, bagamat di nasusulat. Kalakarang sinusunod ng lahat ng koponan, kabilang ang Philippine Basketball Association (PBA). Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito sa panahong ito. Noong araw, ang isang tao ay nagiging coach dahil kaibigan siya ng may-ari ng unibersidad o kolehiyo.…

Read More

SC ruling pabor sa More KAPAKANAN NG CONSUMERS NANAIG

TAGUMPAY ng buong Iloilo City ang desisyon ng Korte Suprema sa may 2- taong legal battle sa pagitan ng dalawang power firm sa naturang lungsod na More Electric and Power Corp (More Power) at Panay Eectric Company (PECO). Makaaasa na umano ang may 65,000 power consumer ng ligtas, de-kalidad at maayos na serbisyo sa kanilang kuryente. Ayon kay More Power President Roel Castro, ang desisyon ng SC na kumakatig sa More Power ay maituturing na validation na kailanman ay hindi maaaring magtagumpay ang mga fake news at propaganda dahil bandang…

Read More

PDU30 DUMISTANSYA SA TERM SHARING SA KAMARA

HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco. Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte ang una nang naging arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno sa Kamara de Representantes. Ayon kay Sec. Roque, ang desisyon ay nasa hanay ng mga miyembro ng Kongreso kasabay ng pagpapahayag ng pasubali na walang dahilan para mamagitan sa ngayon ang presidente sa dalawang kongresista.…

Read More

Eleazar suportado ng Palasyo TRAVEL PASS SA PAPASYAL SA TAGAYTAY

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga residente ng Metro Manila na kailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass mula sa Philippine National Police kung pupunta ng Tagaytay City. Suportado ng Malakanyang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, na iginiit na kailangan ang travel authority matapos ihayag ng Tagaytay City government na hindi na ito requirement. Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) habang ang Cavite ay nasa ilalim naman ng modified general community quarantine (MGCQ). “MGCQ to…

Read More

2/3 NG PUVs PAYAGAN NANG MAKABIYAHE

HINIKAYAT ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang Department of Transportation (DOTr) na payagan nang magsagawa ng “last patrol” ang mga jeepney bago simulan ang modernisasyon ng public transport sector. Sa pahayag, sinabi ni Recto na malaki ang naitulong ng jeepney sa atin noon laban sa mananakop kaya dapat nang payagan ngayon upang makatulong sa paglaban sa virus na nasakop ang ating pang-araw araw-na pamumuhay. Aniya, nakakaawang matunghayan na tanging 1/3 lamang ng jeepney sa National Capital Region (NCR) ang pinayagang bumiyahe. “For every jeepney denied to operate are hundreds…

Read More