AMASONA PATAY SA SAGUPAAN SA MINDORO

0

CAMP CAPINPIN, TANAY, RIZAL – Patay sa engkwentro ang isang babaeng teroristang NPA sa pinagsamang pwersa ng mga sundalo at pulis noong Lunes sa Brgy. Gapasan, Magsaysay, Occidental Mindoro.

Nakasagupa ng mga militar ang mga teroristang kasapi ng Platoon Serna ng NPA Sub-Regional Military Area 4 D’s MAV na nagtatago sa malalayong lugar sa probinsya.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 9mm Pistol, talong improvised explosive devices o IED, isang rifle grenade at subversive documents ng Bayan Muna, Anakpawis, Bayan at Anakbayan pamphlets.

Ayon kay Lt. Colonel Alexander Arbolado, commanding officer ng 4th Infantry Battalion, ang mga materyales na narekober ng mga sundalo ay “supported the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict or NTF ELCAC’s claims on the controversial issue against the Makabayan Bloc’s underground connection to the terrorist organizations.”

Pahayag naman ni Colonel Jose Augusto Villareal, commander ng 203rd Brigade ng Mindoro, “No words will ever be enough to express our disgust over the Makabayan Bloc’s unacceptable act in conniving with the NPA terrorists which blatantly pushes our countrymen off a cliff of tragic deaths here in Mindoro and other parts of our country”.

Sinigurado ng militar na ang tanging pamilya ng napatay na babae lamang ang makakukuha ng kanyang katawan, hindi ang mga nagpapanggap na kapamilya at posibleng gamitin sa maling ideolohiyang itinuturo ng kanilang samahan.

Sinabi naman ni Maj. Gen. Greg Almerol, commander ng 2nd Infantry military, “AFP-PNP, as well as the local government unit’s close collaboration, coordination, and partnership, will be the game-changer in our quest for lasting peace, prosperity and development which every Filipino citizen truly deserves.”

Aniya pa “We do not rejoice in killing our fellow Filipinos, however, we have a solemn duty to protect the greater number of peace-loving citizens of our country.”

Patuloy pa rin ang panawagan ng militar sa natitirang mga NPA na sumuko na upang mapabilang sa programa ng gobyerno na E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program na siyang solusyon ng gobyerno sa problema sa mga rebeldeng NPA.

Sa ngayon, nananatiling naka-high alert ang mga miyembro ng AFP-PNP sa checkpoints upang masukol ang tumakas na iba pang mga terorista. (CYRILL QUILO)

Read More

NAGTULAK NG SHABU, LOLA ARESTADO

0

RIZAL – Arestado ang isang lola at isa pang kasama sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Rodriguez sa lalawigang ito, ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit ng Provincial Police Office, sa pangunguna ni P/Lt. Jackson Aguyen sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director Joseph Arguelles.

Kinilala ang mga suspek na sina Lola Elsa Catorse at Richard Perez, kapwa nasa hustong gulang, nadakip sa Metro Drive, Metro Montaña, Brgy. Burgos ng nabanggit na bayan dakong alas-11:45 ng gabi noong Setyembre 17.

Nakuha sa dalawang suspek ang 22 pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu at P500 buy-bust money.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)

Read More

4 PATAY SA CLAN WAR

0

NORTH COTABATO – Apat katao ang patay habang limang iba pa ang sugatan sa bakbakan ng magkalabang pamilya sa Pagalungan, Maguindanao noong Biyernes.

Alitan sa lupa at mga pananim ang dahilan umano ng rido o away ng pamilyang Impos at Magao sa Barangay Kalbugan, Pagalungan, alas-6:00 ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Amir Impos, Norodin Magao, Alex Galang at Robin Magao habang limang iba pa ang nasugatan sa insidente.

Sa report ng Maguindanao PNP, una umanong binaril at napatay ng mga miyembro ng pamilyang Magao si Amir Impos.

Agad namang gumanti ang mga Impos at sinalakay ang kalabang pamilya.

Dahil naman sa takot na maipit sa gulo ay agad na lumikas ang kanilang mga kapitbahay patungo sa mga ligtas na lugar.

Humupa lamang ang barilan ng magkabilang panig nang mamagitan ang mga opisyal ng bayan, Muslim elders at mga lider ng MILF at MNLF.

Nabatid na miyembro rin ng dalawang Moro Fronts ang mga sangkot sa sagupaan. (BONG PAULO)

Read More

MARINE SOLDIER PATAY, 4 SUGATAN SA ROADSIDE BOMB

0

MAGUINDANAO – Isang marine soldier ang patay habang apat namang mga kasamahan nito ang nasugatan matapos na sumabog ang isang roadside bomb sa Barangay Limpongo sa bayan ng Datu Hoffer sa lalawigang ito, noong nakaraang Linggo.

Sa ulat na nakarating kay 6th ID, Division Public Affairs Office Chief Lt. Col. Dingdong Atilano, ang improvised explosive device na sumabog ay kagagawan ng Dawlah Islamiya groups, alas-8:00 ng gabi habang binabagtas ng sasakyan ng marines ang nasabing lugar para mag-reinforce sa isinasagawang focused military operations sa lugar.

Kinilala ang namatay na sundalo sa pangalang Private Angot na kabilang sa Navy’s 5th Marine Battalion sa ilalim ng 1st Marine Brigade na nagbabantay sa mga bayan sa hangganan ng Maguindanao at Lanao del Sur.

Tinawag naman ni Atilano na desperadong pag-take sa tropa ng pamahalaan ang pambobomba ng mga terorista upang i-divert ang atensiyon ng mga sundalo sa focused military operation sa mga lugar na pinagkukutaan sa local terrorists.

Ito dahil sa patuloy na tinutugis ng mga sundalo ang grupo ng Dawlah Islamiya na nakipag-alyansa na sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ayon naman kay 6th ID Commander of Joint Task Force Central, Major General Juvymax R. Uy, nagpaabot na sila ng pagkikiramay sa pamilya ng sundalo na nagbuwis ng buhay para maprotektahan ang mamamayan laban sa mga teroristang grupo na naghahasik ng karahasan sa bahaging ito ng Mindanao. (BONG PAULO)

Read More

1 PATAY, 1 NAPUTULAN NG PAA SA AKSIDENTE

0

CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang babaeng motorcycle rider habang kinailangang putulin ang kaliwang paa ng isang lalaki makaraan ang aksidente sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas ang biktimang si Joanna Rose Alvarez y Misahon, 29, ng Blk. 9, Lot 2, Ph 2, Vineyard Subd., Brgy. San. Agustin 1, Dasmariñas City ngunit idineklarang dead on arrival habang kinailangan namang putulin ng mga doktor sa Silang Medical Specialist ang kaliwang paa ng biktimang si Gariel Autor, 27, ng #811 Kundiman St., Brgy. Sampaloc, Manila.

Hawak na ng pulisya ang driver ng isang Isuzu Crosswind Wagon (XPB 106) na si Jessa Angela delos Santos Suñiga, 22, ng Blk. 2, Lot 38, Seamans Village, Brgy. Sampaloc 3, Dasmariñas City at ang driver ng Mitsubishi L300 Exceed refrigerated van (DAG 2677) na si Arian Hernandez, 24, ng Brgy. San lucas 1, San Pablo City.

Sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-7:20 noong Biyernes gabi, binabagtas ng biktimang si Alvarez ang Aguinaldo Highway ng naturang lungsod ngunit pagsapit sa Brgy. Agustin 2 nang bumangga siya sa likurang bahagi ng Isuzu Crosswind na minamaneho ni Delos Santos.

Bunsod nito, malubhang nasugatan sa ulo at katawan ang biktimang isinugod sa ospital ngunit hindi umabot nang buhay.

Sa kabilang dako, kapwa naman binabagtas nina Patrolman Kevin Paredes at biktimang si Autor habang lulan ng motorsiklo, ang kahabaan ng Bgry. Lalan 1, Silang, Cavite patungo sa direksiyon ng Timog dakong ala-10:20 noong Biyernes ng umaga.

Ngunit pagsapit sa tapat ng Petron Gas station ay nasagi ang motorsiklo ni Autor ng Mitsubishi L300 na minamaneho ni Hernandez.

Bunsod nito, naipit ang kaliwang paa ng biktima na kinailangang putulin dahil sa matinding pinsala. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

2021 BUDGET, BULAG SA IMPRASTRAKTURA PARA SA HEALTH SECTOR

0

ISANG porsiyento lamang ng kabuuang P1 trilyong budget para sa imprastraktura sa susunod na taon ang mapupunta sa Health Sector.

Ito ang naging puna ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa budget prioritization na anya’y bulag sa kakulangan sa health facility sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“This is pandemic denialism,” saad ni Recto.

“Parang after World War II, giba ang Maynila, pero ni isang kusing wala kang ilalaang pera para sa reconstruction,” dagdag pa ng senador.

Iginiit ng senador na dapat mabago ang Build-Build-Build blueprint upang maisama ang mga kailangan sa paglaban sa pandemya.

“If we are willing to spend P1 trillion on BBB, why not also have a BBB for our local hospitals? There is nothing in the budget to increase bed capacity at the local level – district, provincial or regional hospitals,” diin ni Recto.

Sa National Expenditure Program para sa 2021, P1.039 trilyon ang laan para sa infrastructure program kasama na ang P87 billion na standby “unprogrammed appropriations.”

Bahagi nito o P15.6 billion na katumbas ng 1.5 percent ang laan sa health facilties.

“The pandemic is a CT-scan which gave us an image on how bad the internal structure of our public health system is,” paalala pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

SOLON SA DBM: MALIIT PA ANG P1-B SA NAWALA SA OVERPRICED PPEs

0

KINONTRA ni Senador Risa Hontiveros ang pagtanggi ng Department of Budget and Management (DBM) na nasa P1 bilyon ang nawala sa pera ng gobyerno dahil sa overpriced personal protective equipment (PPE).

Sinabi ni Hontiveros na maliit pa ang P1 bilyon nilang pagtaya sa aktwal na nawala sa kaban.

“Maaring mas mahigit pa sa isang bilyon ang nakuha sa kaban ng bayan. Higit sa isang bilyon na dapat ginamit na lang para sa ayuda, sa pagtaas ng sahod, at napakarami pang iba,” saad ni Hontiveros.

Ipinaliwanag ng senador na batay sa report ng DBM, mula Abril hanggang Mayo, umabot sa 5.1 milyong PPEs na tinatayang P10.2 bilyon halaga ang inorder ng Department of Health at nagpapatuloy ang procurement.

“This means the DBM and DOH were procuring PPE sets for P2,000 each. However, also in May, the Palace reported that during their Inter-Agency Task Force meeting, the government procured PPE sets worth P1,100 each. There’s a huge discrepancy there. Where is the extra P900 going? That’s around P4 billion worth of PPE sets that is unaccounted for. Mukhang may nagsasayang ng pera ng mamamayan. Mukhang may kumikita talaga,” diin ng senador.

Muling iginiit ni Hontiveros ang kanyang Senate Resolution 479 upang imbestigahan ang alokasyon ng COVID-19 fund sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

“We need this audit to inform our budget deliberations in the Senate. I will also have the agencies submit documents related to the aforementioned questionable procurements for our budget hearings. The public can be assured that we will hold them to account,” diin pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

LACSON KAY HONASAN: INTERNET CONNECTION, GAWING EXCELLENT

0

HINILING ni Senador Panfilo Lacson sa dati nitong kasamahan sa Senado na si Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Gringo Honasan na targetin na maging excellent ang rating ng internet connection sa bansa.

Ito ay nang punahin ni Lacson ang pahayag ni Honasan na ‘not so bad’ ang internet connection sa Pilipinas.

“With all due respect to a highly regarded Cavalier and distinguished former Senate colleague, ‘not so bad’ may sound worse than ‘not so good’,” saad ni Lacson.

Ipinaalala ni Lacson na sa panahon ng pandemya, napakahalaga para sa lahat ang koneksyon sa internet.

“In the middle of a pandemic when the order of the day is virtual communication, what we want to hear, at least realistically, is ‘good enough’,” diin ni Lacson.

“Of course, it goes without saying, ‘very good’ or even ‘excellent’ is what we all want to hear from DICT. Clearly, there is much room for improvement,” dagdag pa ng senador.

Naniniwala naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nagiging conservative lamang si Honasan sa kanyang rating.

“He was being conservative. He could not say it was good but also not say really bad,” diin nito.

Samantala, sinabi naman ni Senator Sonny Angara na dapat magkaroon ng mahahalagang hakbangin ang DICT para ayusin ang telecommunication services sa bansa.

“The national broadband program is a step in the right direction towards these goals. I think we have to be better so we can be like Japan and Singapore and Hong Kong,” diin ni Angara. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

1-METRONG DISTANSYA MANANATILI – MALAKANYANG

0

MANANATILI ang one-meter physical distancing sa pampublikong transportasyon.

Ito ang inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos pag-aralan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng parehong panig na dapat manatili na one-meter ang social distancing sa pampublikong transportation at ang mga nagsasabi na pupwede naman itong pababain basta nakasuot ng face mask, face shield, walang salitaan at walang kain at pag gamit ng mga sanitizer sa mga pambublikong transportasyon.

“Nagdesisyon na po ang Presidente kahapon. Ang desisyon po ng Presidente, mananatili po ang one-meter social distancing sa pampublikong transportasyon,” ayon kay Sec. Roque.

“Uulitin ko po ang desisyon ng ating Presidente ay panatilihin po muna ang one-meter social distancing sa mga pampublikong transportasyon na sasamahan din ng pagsuot ng mask, ng face shield, bawal po ang salita at bawal po ang pagkain at pagsa-sanitize po ng mga pampublikong transportasyon,” ang dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Nauna nang sinabi ni Sec. Roque na isinulong ni Transportation Sec. Arthur Tugade sa meeting ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili sa “one meter rule” ang physical distancing habang wala pang desisyon ang Pangulo kung maaari na itong maibaba sa 0.75 metro na lamang.

Nagpasya ang DOTr na unti-unti nang magpatupad ng mas maliit na distansiya sa pagitan ng mga pasahero simula noong Setyembre 14 upang pataasin ang passenger capacity ng mga public utility vehicle (PUVs) kabilang ang apat na railway lines sa Metro Manila.

Pero tinutulan ito ng 17 Metro mayors at ilang medical experts dahil sa pangambang mas tumaas pa ang bilang ng magkakaroon ng COVID-19.

Nagkaroon din ng pagsalungat dito sina Health Secretary Francisco Duque III at DILG Secretary Eduardo Año. Idinepensa naman ni Tugade ang desisyon na bawasan ang social distancing sa public transport, at iginiit na ito’y produkto ng research at simulation ng Philippine National Railways (PNR). (CHRISTIAN DALE)

Read More