PROACTIVE AT AGRESSIVE PROGRAM IKAKASA VS COVID-19

0

IKINUKONSIDERA ng liderato ng COVID-19 Task Force na gamiting sistema sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19 ang modelo ng Taguig City.

Sa eksklusibong panayam ng SAKSI Ngayon kay Testing Czar Vince Dizon, inihalimbawa nito ang ginawa ng Taguig local government sa pangunguna ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, na simula pa noong Marso ay nagsagawa na ng contract tracing, testing at paggagamot sa mga may sakit.

“On track po tayo sa target na 1 million tested individuals, nag-aaverage ng 25,000 per day, at sa programa at sistema ng LGU ng Taguig sa pamumuno ni Mayor Lino Cayetano ay mas lalong mapapabilis ang testing at solusyon sa COVID-19 pati sa ibang lugar. Tulung-tulong po tayo,” sabi ni Testing Czar Vince Dizon sa SAKSI.

Kasabay nito, ibinahagi sa SAKSI ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang kanilang isinakatuparang programa kontra COVID 19.

Ayon kay Mayor Lino, maliban sa kanilang mabilis na reaksyon sa pagtugon sa mga nadapuan ng COVID-19, nagsasagawa rin sila ng proactive stance laban sa sakit at kasama rito ang pagkalap at pagbabahagi ng mga impormasyon sa mga awtoridad at kinauukulang mga personalidad.

“Hindi lamang po kami proactive dito sa Taguig, kundi kami rin po ay agressive,” ayon sa alkalde.

Ipinaliwanag ni Mayor Cayetano na simula noong Marso ay nakipagkasundo na sila sa mga ospital at medical schools para tugunan ang COVID-19 pandemic, kasama na riyan ang Red Cross, Endorun Colleges at Research Institute for Tropical Medicine at ang Taguig Pateros District Hospital na mayroong 90 COVID-19 beds.

“Pero ang importanteng component po ng aming programa ay ang agressive information & action para sa mga hindi nagpupunta sa health centers at reintegration kasi maraming nawalan ng hanapbuhay,” sabi pa ni Mayor Cayetano.

Samantala, tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa liderato ng COVID-19 TF at ng Department of Health (DOH) na nakahanda ang Kamara na magpasa ng kinakailangang batas upang tugunan ang pangangailangang pinansyal at iba pa sa paglaban o pagtugon sa COVID-19. (DAVE MEDINA)

Read More

Sa mga turista sa Ilocos Region PAMAMASYAL SA BAGUIO PWEDE NA SA SET. 22

0

MAGSISIMULA na ang tourist-favorite Baguio City na tumanggap ng kanilang bisita mula sa Ilocos region simula Setyembre 22.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga residente ng Region 1 na nagnanais bumisita sa Baguio City, kilala bilang summer capital ng bansa dahil sa malamig na klima ay kailangan lamang na magrehistro sa online at magpakita ng patunay ng hotel reservation.

Ito’y makaraan ang inspeksyon ng precautionary protocols na ipinatutupad sa Baguio City.

“Beginning Sept. 22, our City of Baguio will be open para sa mga bisita galing sa Region 1,” ayon kay Sec. Roque.

“You can come and enjoy the city of Pines,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, sinabi ni Contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang local government ay kailangan gumamit ng VIS.I.T.A app o Visitors Information and Tourist Assistance app para ma-manage ang pagdating ng mga turista.

Idinagdag pa nito na kailangan na makipag-ugnayan ang mga ito sa Department of Tourism at pribadong sektor, partikular na ang tour operators para makontrol at maisaayos ang mga bibisitang turista.

Kailangan naman na isailalim ng mga turista ang kanilang sarili sa swab test o antigen test. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Kapag sumablay si Gierran PHILHEALTH LUSAW SA DISYEMBRE

0

GANITO umano ang posibleng kahinatnan ng state insurer kasunod ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) chief Dante Gierran na mayroon itong hanggang katapusan ng taon para walisin ang korapsyon sa kanyang bakuran.

Si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Gierran ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang kapalit ng nagbitiw na si Ricardo Morales.

Nauna nang inihayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng paglusaw o pagsasapribado ng PhilHealth sa gitna ng isyu ng katiwalian at anomalya.

“The deadline given to Attorney Gierran is a deadline to clean up the organization. File all the cases that need to be filed, suspend, terminate, whatever you need to do in order to cleanse the ranks of PhilHealth,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Kaagad namang nilinaw ni Sec. Roque na hindi naman ibig sabihin na ang termino ni Gierran ay hanggang katapusan lamang ng taon.

Matatandaang, nangako si Gierran na tutugunan niya ang korapsyon sa PhilHealth sa loob ng dalawang taon.

“Sigurado ‘yan, kakayanin. Kakayanin ko talaga ‘yan,” diing pahayag ni Gierran.

Ang PhilHealth ay nabalot ng mga kontrobersiya ng katiwalian sa ilalim ng pamumuno ni Morales.

Mandato ng PhilHealth na ipatupad ang universal health coverage, o siguruhing makapagpapagamot ang mga Filipino sa pamamagitan ng paggarantiya ng bayad mula sa pampublikong pondo sa mga ospital.

Bubuo rin ng sariling management committee si Gierran na bubusisi sa operasyon ng PhilHealth.

Kaya ang apela ni Gierran sa publiko ay “Give me a chance to lead.” (CHRISTIAN DALE)

Read More

20 milyon Pinoy lang ang sagot ng gobyerno COVID-19 VACCINE ‘DI LIBRE SA LAHAT

0

DALAWAMPUNG milyon sa 110 milyong Filipino lamang ang libreng pababakunahan ng gobyerno kapag nagkaroon na ng bakuna sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ito ang pahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje sa pagdinig ng House committee on appropriation sa P203.1 billion pondo ng ahensya sa 2021.

“Hindi ho natin babakunahan lahat. Ang una pong isinalang-alang natin, pati yung mapo-produce na vaccine next year cannot be able to cover the global demands,” ani Cabotaje sa pagtatanong ni Quirino Rep. Junie Cua.

Ayon sa opisyal, P12. 9 billion ang kailangan para mabakunahan ang may 20 milyong Filipino subalit P2.5 billion lamang ang inilalaan ng mga ito na pondo dahil may pag-uusap na umano na ang natitirang halaga ay uutangin sa Land Bank of the Philippines.

Kabilang sa mababakuhan umano nang libre ang mahihirap na matatanda, medical health workers at barangay health workers kaya ang karagdagang bakuna na kailangan ay popondohan na umano ng pribadong sektor.

Subalit ayon sa mga ulat, kasama sa mga nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na unang mabakunahan ay ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Indikasyon ito na bukod sa mga nabanggit ay magbabayad na ng sarili ang mga tao para magkaroon ng proteksyon sa COVID-19 na patuloy na nanalasa sa buong mundo sa kasalukuyan.
Wala pang ibinibigay na petsa ang DOH kung kailan magkakaroon ng bakuna dahil sa Oktubre pa lamang umano magkakaroon ng clinical trial sa Pilipinas.

Maging sa magiging presyo ng bakuna ay wala pang ideya ang ahensyang pinamumunuan ni Secretary Francisco Duque III. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

Humirit ng ceasefire sa bangayan sa pondo sa Kamara LRAY CAMP UMATRAS

0

MISTULANG unang kumurap ang kampo ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte matapos umanong humingi ang mga ito ng ‘ceasefire” sa hidwaan nila ng kampo nina Negros Oriental Rep.

Arnulfo “Arnie” Teves at dating Negros Occidental Rep. Albee Benitez.

Ayon sa impormante sa Kamara, hindi na magsasalita ang dalawang kampo matapos “humingi ng ceasire” ang kampo ni Villafuerte na nakipagbungguan kay Teves na nagsiwalat sa budget hearing sa Kamara na may P11.8 billion umano ang Camarines Sur sa ilalim ng 2021 national budget habang P8 billion naman sa Taguig City na kinakatawan ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Imbes na sagutin nang diretso kung totoo o hindi ang nakuhang impormasyon ni Teves, kinaladkad nito sa usapin si Benitez kaya hinamon ng huli si Villafuerte na ipaliwanag kung bakit ang national government ang gumastos sa pagpapagawa ng kapitolyo ng Camarines Sur sa halagang P425 million.

Lalong lumala ang hidwaan nina Teves at Villafuerte nang magsagutan ang mga ito sa viber thread ng mga kongresista subalit natigil nang mamagitan na sa kanila si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

“I hope everybody is a witness to this conversation.

Walang kasuhan ha? Walang ethics-ethics ha? That day will come. Alam naman ng lahat [ang] pagkabading mo,” viber message ni Teves sa thread ng mga kongresista.

Sinagot naman ito ni Villafuerte ng “..Ikaw ‘ata bading kasi puro hambog gawa mo! Tapang mo. Kanina na sana ‘di ba? Ikaw lang kilala ko naghahamon [sa] Viber.

Gawin mo! Duwag ka naman. Puro ko daldal! Baka umiyak ka ulit”.

Hindi dito natapos ang mainit na sagutan ng dalawang mambabatas nang mag-message ulit si Teves ng…”Baka nakalimutan mo, ‘di ka lumaban kay Andaya. Don’t worry.

We will meet in person. I hope you workout enough. I don’t like word wars. ‘Pag nagharap na lang tayo.”

Dahil dito namagitan na si Defensor pero bago tumigil nang tuluyan ang dalawa ay nag-message si Teves ng “You know I don’t lie. Let that faggot prove Albee and Lord’s involvement. Boss Mike, kilala mo ako. Sige lang. I hope he will be man enough when we meet. Lahat ng sinabi ko totoo.

“Who’s the faggot and the bansot,” ang sagot naman ni Villafuerte bago sila tumigil sa kanilang hidwaan at tuluyan nang nanahimik.

Ilang mamamahayag kasama na ang Saksi Ngayon ang nag-follow-up sa nasabing isyu subalit wala nang sumagot sa magkabilang kampo.

“Nanghingi daw sila ng ceasefire,” ayon sa impormante ng Saksi Ngayon at nang tanungin kung sino ang humingi ng ceasefire ay sinagot ito ng “sila LRay daw”.

IPADEDEKLARANG VACANT?

Ayon sa impormante, posibleng may kinalaman ang hininging ceasefire ng kampo ni Villafuerte sa banta umano ni Deputy Speaker Paolo Duterte na ipadedeklara nitong bakante ang Speakership at Deputy Speakership position sa Kamara ngayong Lunes.

Sa nag-leak na viber message ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi nito nagustuhan na nadadamay ito sa nasabing usapin kahit nananahimik ito.

“Sinabihan ko kayo nananahimik lang ako kasi di na ako kinakausap nina Speaker ngayon nadamay ako. I will ask the Mindanao bloc to declare the seats of the speaker and deputy speakers vacant ngayon Monday di mamatay ang Mindanao dahil walang budget,” ayon sa text message umano ni Duterte sa gitna ng away nina Villafuerte at Teves.

Kabilang sina Duterte at Villafuerte sa 22 Deputy Speakers ng Kamara.

Sa statement naman na inilabas ni Duterte, kinumpirma nito ang naturang text message sa isa nilang kasamahan sa Kongreso dahil sa kanyang pagkadismaya sa awayan sa Kongreso.

“The text message that I sent to another lawmaker — and is now making the rounds — was an expression of my personal dismay upon hearing the concerns of my fellow lawmakers. It was the same message that I sent after one congressman from the Visayas bloc dragged my name into the issue even after I have already strongly made myself clear over this issue,” ani Duterte.

“Now as Congress continues to be hounded by the issue of budget — something that finds its way up to the current House leadership, how it treats its members, how it approves allocations and budgets with fairness or lack of it — let me reiterate my position. I do not want to get involved, however, I wish to help my fellow lawmakers find answers to their questions or remedies to the budget that they proposed for their people,” dagdag pa nito.

Gayunpaman, sinabi ng anak ng Pangulo na may kapangyarihan ang mga miyembro ng Kamara na magpalit ng liderato kung nanaisin nila upang masiguro na maihatid ang serbisyong inaantay ng kanilang mga constituent.

“If the members of Congress will push for a change in House leadership, as a reaction to their sentiments, obviously I would be among the casualties because I am a deputy speaker. I am ready to accept the consequences,” ani Duterte. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

IKA-83 MALASAKIT CENTER BINUKSAN SA ORIENTAL MINDORO

0

BINUKSAN na sa publiko ang ika-83 Malasakit Center na matatagpuan sa Oriental Mindoro kasabay ng panawagan ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa publiko na “mag-bayanihan at magmalasakit sa kapwa” lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Mismong si Go ang nagpasinaya sa pinakabagong Malasakit Center sa provincial hospital ng Calapan city sa Oriental Mindoro sa pamamagitan ng isang virtual conference nitong Biyernes. Ito ang ika-43 Malasakit Center sa buong Luzon, ikaapat sa MIMAROPA at kauna-unahan sa Oriental Mindoro.

“Bukas na sa wakas ang pinakaunang Malasakit Center sa inyong probinsya. Ito po ang ika-83 sa buong bansa. Matutulungan na rin sa wakas ng opisinang ito ang ating mga kababayan sa kanilang pangangailangang pangkalusugan,” Sinabi ni Go.

“Zero balance ang target natin dito sa Malasakit Center kaya dapat lamang na hindi na matakot ang ating mga kababayan diyan sa Oriental Mindoro na pumunta sa Oriental Mindoro (Provincial) Hospital para magpacheck-up, at magpagamot dahil tiyak na matutulungan kayo ng Malasakit Center,” dagdag ng senador.

Ang Malasakit Center ay utak ni Go matapos niyang masaksihan mismo ang kahirapan ng mamamayan na nagkakasakit sa bansa na humingi ng financial assistance sa mga tanggapan ng gobyerno. Dahil sa Malasakit center, pinagsama-sama nito ang lahat ng ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth.

“Natutunan ko po ito kay Pangulong Duterte nung Mayor pa po siya ng Davao City. Marami pong lumalapit sa kanya sa…City Hall. Nagdadala po ng hospital bills ang mga pasyente. Alam ni Governor ‘yan, alam ng Mayor ‘yan. Lalapit po ‘yan, hawak ‘yung bill, hihingi ng tulong. Alam ninyo, dun ko nakita ‘yung puso ni Mayor Duterte sa mga mahihirap. ‘Yung ibang pasyente po, hindi residente ng Davao City. Ang sinasabi ng COA, bawal daw gamitin ‘yung pera ng Davao City sa mga hindi residente ng Davao City,” ani Go.

“Pinagalitan ako ni Mayor. Kinuha niya ‘yung bill at sabi niya, ‘Bong, kung hindi mo ito matutulungan itong mga kababayan natin na mga taga-Surigao, taga-GenSan City, hindi na ako uupo dito bukas sa City Hall, dahil para sa akin Pilipino rin mga ‘yan. Hindi ko matiis uupo dito at tatanggihan ko lang sila, hindi na ako babalik dito kung tatanggi lang ako’,” dagdag pa niya.

Kaya nang maupo si Pangulong Duterte, dito raw niya naisip na palaganapin ang naturang Center sa buong bansa para mapagaan ang buhay ng mga taong nagkakasakit. (CHRISTIAN DALE)

Read More

ROTATIONAL BROWNOUT NAGBABANTA SA LUZON

0

NANGANGAMBA ang isang senador na posibleng maranasan ng bansa ang kakapusan ng supply ng kuryente partikular sa Luzon.

Nagpahayag ng pangamba si Senador Win Gatchalian na posibleng manumbalik ang rotational brownouts, lalo na sa kalakhang Luzon, sakaling maubos na ang natural gas na sinusuplay ng Malampaya natural gas field, na ginagamit ng ilang planta sa bansa sa nakalipas na mahigit dalawang dekada.

Inihalimbawa ni Gatchalian ang Malampaya natural gas field, pangalawang pinakamalaking pinagkukunan ng suplay ng natural gas ng Luzon upang gumawa ng kuryente, ay napipintong maubos na pagsapit ng 2024.

Upang mapigilan ito, inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 1819 na nagsusulong sa isang “national energy policy and framework for the development and regulation of the midstream natural gas industry.”

Layunin ng panukala na manghikayat ng mga mamumuhunan sa pribadong sektor para mapalawak pa ang merkado na papabor sa mga ordinaryong mamimili.

Kabilang sa midstream natural gas industry ang transportasyon at pag-iimbak ng natural gas o Liquified Natural Gas (LNG). Sakop ng industriya ang mga tanker ship na naghahatid ng natural gas sa mga terminal ng LNG o kaya’y mga imbakan nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Kailangan nating magmadali dahil baka magsisi tayo sa huli kung hindi tayo kikilos ngayon pa lang at para na rin maiwasan natin ang rotational brownout pagsapit ng 2024 sakaling wala na tayong mapagkunan na suplay mula sa Malampaya gas field,” ani Gatchalian.

Inihalintulad ng senador ang senaryo sa naranasang krisis sa kuryente noong 1990s kung saan ang buong Metro Manila at kalapit na mga probinsya ay nagkaroon ng arawang brownout na hindi bababa sa apat na oras dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.

“Ang pagkakaroon ng Midstream Natural Gas Industry Development Act ay mag-uudyok ng mga mamumuhunan sa industriya nang sa gayon ay makakaasa tayo ng sapat na suplay ng kuryente sa murang halaga,” paliwanag ni Gatchalian.

Sa mga nakaraang taon, dumarami na ang local at foreign companies na nagpahayag ng interest na magtayo ng integrated LNG facilities sa bansa.

Sang-ayon si Gatchalian sa pagkakaroon ng mga LNG terminal projects at sinabi pa niya na dapat ay maisaayos ito bago ang napipintong pagkaubos ng suplay mula sa Malampaya sa 2024. (NOEL ABUEL)

Read More

90M PINOY, DAPAT MAY NATIONAL ID SA 2022

0

INAASAHAN ni Senador Sonny Angara na bago matapos ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 ay natapos na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagrehistro sa 90 milyong Filipino para sa Philippine Identification System ID (PhilSys ID) o ang national id system.

Muling iginiiit ni Angara ang importansiya ng PhilSys ID registration para sa mga social services ng gobyerno.

Sa datos naman ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, ngayon taon ay limang milyong Filipinos mula sa low-income households ang mairerehistro sa PhilSys ID at dagdag na siyam na milyon ang pre-registered.

Sa PhilSys roadmap ng NEDA, 42 milyon ang marerehistro sa sa 2022 at 24 milyon sa 2023 upang makumpleto ang proseso.

Tiniyak din ng NEDA na magsisimul ang registration sa ikaapat na quarter ng taon at magiging full implementation sa 2021.

Binigyang-diin ni Angara na hanggang sa ngayon maraming Pinoy ang walang sariling bank account dahil sa kawalan ng proof of identification card.

“The PhilSys ID would make it easier for Filipinos to open bank accounts, as well as for other transactions, both government and private. This is in line with our push for cashless, paperless and digital transactions, which should be supported,” diin ni Angara.

Sinabi pa ng senador na nahirapan din ang pamamahagi ng financial assistance sa ilalim ng Bayanihan 1 dahil sa kawalan ng database. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

PAGTATAKDA NG MINIMUM INTERNET CONNECTION SPEED, LUSOT NA SA SENATE COMMITTEE

0

INAPRUBAHAN na ng Senate Committee on Public Services ang Senate Bill No. 1831 o ang proposed Better Internet Act na naglalayong mapaganda ang Internet services sa bansa.

Alinsunod sa panukala, obligado ang Internet service providers na palawakin ang kanilang coverage at magtakda ng minimum Internet connection speed.

Pangunahing may-akda ng panukala sina Senators Grace Poe, Ralph Recto at Manny Pacquiao.

Batay sa panukala, mandato ng National Telecommunications Commission (NTC) na obligahin ang telecommunication entities at Internet Service Providers (ISPs) na palawakin pa ang service coverage ng kanilang fixed at mobile Internet sa lahat ng unserved at underserved areas sa bansa sa loob ng tatlong taon.

Nakasaad din sa panukala ang pagtatakda ng speed thresholds na hindi bababa sa 10 Megabits per second (Mbps) para sa fixed broadband at 5 Mbps sa mobile broadband sa mga highly urbanized areas at 5 Mbps at 3 Mbps sa fixed at mobile broadband sa iba pang lungsod.

Sa rural areas, minimum speed na 3 Mbps para sa fixed at 2 Mbps sa mobile ang itinatakda.

Pinagbabawalan din sa panukala ang mga service providers na mag-alok ng Internet service speeds na hindi naman kayang ibigay.

Inaatasan din ang NTC na magsagawa ng taunang review sa pagtupad ng mga service providers sa mga probisyon ng panukala. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More