DUTERTE HANDA NANG LUSAWIN ANG PHILHEALTH

HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipanukala sa Kongreso na i-abolish na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng alegasyon ng malawakang korapsyon sa state health insurer. “Itong PhilHealth, I am going to propose to Congress to abolish the— Kung i-privatize mo naman, susmaryosep, walang pera. Sinong insurer niyo? Sabihin ng mga kapitalista sa insurance, ‘kami ang magbayad? Wala kayong pondo,’” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi. Tinukoy ng Punong Ehekutibo ang kakulangan ng pondo ang dahilan kung bakit nagbebenta na ang Pilipinas…

Read More

Paghihigpit sa Metro Manila kailangan pa rin GROWTH RATE NG COVID-19 PUMALO SA 200%

UMAKYAT sa 200% ang growth rate ng COVID-19 cases sa Metro Manila at kabilang ito sa mga dahilan kung bakit may ilang lugar ang isinailalim sa quarantine classification. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang growth rate at average daily attack rate ay ang factors na kinonsidera ng pamahalaan para sa quarantine classifications. “Kinukumpara ‘yung figures every two weeks. ‘Yung daily attack rate po, ilan ang nagkaroon per 100,000. At ‘yung growth rate, gaano kabilis nag-doble din ‘yung mga kaso,” ayon kay Sec. Roque. “Mataas pa. Ibig sabihin po…

Read More

Hindi sapat ang sorry lang PLDT, SMART PAGMULTAHIN – SOLONS

HINDI sapat ang sorry kundi dapat pagmultahin ang PLDT, Smart, Sky Cable at Cignal dahil sa perhuwisyo na idinulot nito sa kanilang mga customer sa isang linggong service maintenance. Ito ang iginiit ng mga mambabatas sa Kamara dahil malaki umano ang epekto ng telecom outage na ito sa public services, banking, financial transactions, online classes, online selling, and e-commerce na gumagamit ng internet services ng PLDT at Smart. “Anong gagawin ng mga mamamayan at mga negosyong nakakonekta sa PLDT, Smart, Sky Cable, and Cignal TV? Isang linggo silang lahat nakatunganga?…

Read More

HANS CACDAC SA UP UP PILIPINAS

ALAMIN ang mga benepisyo na nakahanda para sa mga OFW mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ang lahat ng katanungan ng mga OFW ay maipararating kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa kanyang nakatakdang pagdalo bukas ng gabi sa UP UP PILIPINAS Teleradyo ng Philippine Air Force. Kabilang sa mga imbitadong media panel sa hanay ng online broadcaster ay sina Bhong David (Netherlands) Bong Concha (Jeddah, Saudi Arabia) Junel Tomes (DYAB -Leyte) at Florante Rosales (FR New-Pinoy TV). Ang UP UP Pilipinas OFW segment nina Col Gerry Zamudio at…

Read More

LACSON SA PDEA: SUNUGIN NA LAHAT NG NAKAIMBAK NA DROGA

HINILING ni Senador Panfilo Lacson kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva na sirain na ang lahat ng mga nakaimbak na droga sa kanilang tanggapan. Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Villanueva na nasa 2.1 toneladang droga ang kanilang winasak noong Agosto at sa Nobyembre ay mayroon pa silang 300 kilo na susunugin na bahagi ng nasabat na droga sa magnetic lifter sa Cavite. “Between now and November… you have enough time to destroy some more. I hope kaya bang i-zero ito? Maiwan na lang gramo-gramo.…

Read More

LABORERS NG INIREREKLAMONG STEEL FACTORY BINISITA NG DOLE

NAGSAGAWA ng routine and complaint inspection ang mga kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Central Luzon sa pabrika ng Real Steel Corporation na matatagpuan sa bayan ng San Simon, Pampanga at inalam ang kalagayan ng mga manggagawa rito. Base sa naobserbahan ng DOLE, maayos na naasikaso ng management ng steel factory ang mga empleyado. Nabatid pa na maganda at nasa airconditioned barracks ang mga ito at sagana sa supply ng pagkain habang patuloy na nasa health quarantine ang buong probinsiya dulot ng coronavirus pandemic. Ito ang nasaksihan…

Read More

OKRA SINIMULAN NG E-EXPORT SA JAPAN

Pinangunahan ni Department of Agriculture Secretary William Dar ang ceremonial send off ng Okra export na patungong Osaka Japan, kungsaan na may 300 magsasaka ang nakinabang mula sa 14 na bayan sa lalawigan ng Tarlac kasama ang mga young farmers na sina Jeff Fernandez, Rap Pelayo ng Jel Farms, at dating Candaba Mayor Jerry Pelayo, sa Pairpags Center NAIA Road,Pasay City. Kuha ni Jhay Jalbuna 42

Read More

GUMAWA NG VIRAL LEARNING MODULE SA FB, PINAKAKASUHAN

PABOR si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kasuhan ang mga taong gumawa ng learning module na naging viral dahil sa paggamit ng dirty names. Iyon ay dahil maraming kabataang mag-aaral ang nakakita ng nasabing materyales sa Facebook. Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na pinag-uusapan na ng pamahalaan ang “punishing” laban sa mga taong nasa likod ng kontrobersiyal na materyales, dahil naging viral sa Facebook, isang platform na ginagamit ng mga kabataan. “About a good percentage of our studentry is really dependent already [on] Facebook…

Read More

MECQ SA LANAO AT MARAWI CITY

INILAGAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Lanao del Sur kabilang na ang Marawi City sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Oktubre 1 hanggang Oktubre 31, 2020. Habang ang Iloilo City ay inilagay naman sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) simula rin sa Oktubre 1. Matatandaang, inilagay ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Iloilo City sa ilalim ng MECQ at mananatili ito hanggang Setyembre 30, 2020. Sa kabilang dako, mananatili naman ang Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) classification. Ang…

Read More