KUKUHA NG RFID, ‘WAG NANG HINTAYIN ANG ‘LAST MINUTE’ – MALAKANYANG

UMAPELA ang pamahalaan sa mga motorista na huwag nang hintayin pa ang “last minute” para makakuha ng radio frequency identification (RFID) stickers at maipakabit sa kanilang sasakyan. Bahagi ito ng paghahanda para sa cashless scheme sa major toll roads simula sa Disyembre. Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na iniurong ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsisimula ng cashless toll collection mula sa dating Nobyembre 2 at ginawang Disyembre 1 para payagan ang mga motorista na makapag-comply sa mga requirement. Sa halip na manual cash transactions, ang RFID system ay…

Read More

PUBLIC LIBRARY, GAMITIN SA DISTANCE LEARNING

IGINIIT ni Senador Sonny Angara na dapat gamitin ng gobyerno ang mga public library system para makatugon sa pangangailangan ng mga estudyante ngayong ipinatutupad ang distance o blended learning. Sinabi ni Angara na marami sa mga guro at estudyante ang hirap ngayon ang access sa distance learning tools tulad ng computers, smartphones o tablets at internet connectivity. Dahil dito, dapat simulan ng gobyerno ang paghahanap ng mga opsyon upang matulungan ang mga guro at estudyante partikular sa public school system at lahat ng resources para makatugon sa mga pangangailangan sa…

Read More

Marcos may payo sa mga negosyante ‘DI NABENTANG BULAKLAK MAARI PANG PAKINABANGAN

MAY panukala si Senador Imee Marcos sa mga negosyante ng bulaklak sa Dangwa flower market upang huwag mawalan ng pag-asa ang mga ito kung hindi maibebenta ang kanilang produkto dahil sa pagbabawal sa pagpunta sa mga sementeryo ngayong Undas. Ayon sa senadora, huwag munang ilibing ang truck-truck na di mabentang mga bulaklak dahil maari naman itong pagkakitaan pa para sa panibagong negosyo. Suhestyon ito ni Marcos dahil wala nang kinikita ang mga negosyante ay nabubulok pa ang mga bulaklak na ibinabagsak sa kanila mula sa Baguio City at maging sa…

Read More

INFORMATION LITERACY SAGOT SA COVID-19 ‘INFODEMIC’

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga pribado at pampublikong paaralan na paigtingin ang kanilang mga programa laban sa pagkalat ng mga maling impormasyon o minsinformation, lalo na ang mga bagay na may kinalaman sa COVID-19. Aniya, ang mahigit 25 milyong mag-aaral sa bansa ay mataas ang exposure sa iba’t ibang anyo ng media dahil sa distance learning. Babala pa ni Gatchalian, mas nanganganib ang mga estudyante na makatanggap ng mga maling impormasyon na maaaring magdulot ng kalituhan. Sabi ng mambabatas dahil ang media and information literacy ay saklaw ng…

Read More

MALABON COVID DEATHS PUMALO NA SA 211

BINAWIAN ng buhay ang isang pasyente mula sa Barangay Baritan nitong Oktubre 30, nabatid mula sa Malabon City Health Department kaya’t sumampa na sa 211 ang COVID-19 death toll ng lungsod. Samantala, 18 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 5,589 na ang positive cases, 142 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (1), Concepcion (2), Dampalit (1), Flores (2), Longos (2), Maysilo (1), Niugan (1), Panghulo (2), Tinajeros (3) at Tonsuya (3). Nabawasan ng tatlo ang datos ng mga kumpirmadong kaso…

Read More

SEA TRIPS SUSPENDIDO KAY ‘ROLLY’

SUSPENDIDO ang lahat ng biyahe ng sasakyang pandagat sa lahat ng lugar na maaapektuhan ng Bagyong “Rolly” na patuloy ang paglakas habang patungo sa Luzon. Ito ang kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balilo, Ayon kay Balilo, ayaw na nilang maulit ang nangyari noong Bagyong Quinta na maraming sasakyan pandagat ang nagkaproblema lalo na sa Bauan, Batangas. Dahil dito, maaga pa lamang ay inabisuhan na nila ang mga tripulante na maghanap ng mapagtataguan at i-secure nang mabuti ang mga barko. Sinabi ni Balilo, sinuspinde nila ang paglalayag…

Read More

22 NAVOTEÑO TUMANGGAP NG BIKE AT CP MULA SA DOLE

TUMANGGAP ang 22 Navoteño mula sa informal work sector ng libreng bisikleta at android mobile phones mula sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ito ay proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Emergency Program o FreeBis (Bisikletang Pangnapbuhay) ng DOLE. Pinangunahan ang turnover ng mga bisikleta at cellphone nina Navotas Congressman John Rey Tiangco at DOLE CAMANAVA Director Rowella Grande. Ayon kay Cong. JRT, maaaring gamitin ang mga ito ng mga benepisyaryo para makatulong sa kanilang online o loading business. Ang FreeBis bikes ay kumpleto na sa mga…

Read More

TRIKE DRIVER, DYOWA TIKLO SA P.3-M DROGA

ARESTADO ang isang tricycle driver at ang sinasabing dyowa nito nang makumpiskahan ng halos P.3 milyong halaga ng shabu at marijuana sa buy-bust operation sa Malabon City. Ibinalibag sa magkahiwalay na selda sina Anthony Morales, 39, ng Caloocan City, at Maria Kristina de Vega, 28, ng Gen. Luna St., Brgy. Ibaba. Bandang alas-5:45 ng umaga nang isagawa ang operasyon laban kay Morales sa Pureza St., Brgy. Tugatog. Nang tanggapin ni Morales ang P500 marked money mula sa isang undercover cop, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad siyang dinamba…

Read More

KALIGTASAN NG MGA TAUHAN PINATITIYAK SA PNP COMMANDERS

SA pakikipag-ugnayan kina Secretary of the Interior and Local Government Eduardo Año at Philippine National Police chief, General Camilo Pancratius Cascolan, pinayuhan ng Joint Task Force COVID Shield ang lahat ng police commanders sa mga lugar na sinasabing posibleng tamaan ni Typhoon Rolly, na tiyakin ang kaligtasan ng kani-kanilang mga tauhan at ayudahan ang Local Government Units (LGUs) sa kanilang disaster preparedness plans. Sinabi ni Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ipauubaya niya sa police commanders na gumawa ng kanilang mga stratehiya upang matiyak ang…

Read More