P.4-M SHABU NASABAT SA BUY-BUST

SWAK sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng mahigit sa P.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation noong Huwebes ng gabi sa Caloocan City. Kinilala ang suspek na si Ordy Delos Santos y Florez, 21, may kinakasama, istambay, ng #632, 5th Ave., 2nd St., Brgy. 118, Caloocan City. Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon laban sa suspek alas-7:00 ng gabi noong Huwebes sa Julian Felipe St., Brgy. 8, Caloocan City makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya na talamak ang shabu sa nabanggit…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA AMBUSH SA TONDO

PATAY ang isang 37-anyos na tambay habang malubha naman ang kasama nito nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang gunman sa Balut, Tondo, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang napatay na si Jay-Ar Castalome y Garbez, binata, ng #2280 Malaya St., sakop ng Brgy. 124 sa Balut, Tondo. Habang ang kasama nitong si Alfredo Roy Elgarico, 28, binata ng #171 Younger St., Balut ay patuloy na inoobserbahan sa Chinese General Hospital. Base sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:16 ng gabi nang mangyari ang insidente sa #171 Younger…

Read More

DRUG SYNDICATE NASA LIKOD NG EX-COP KILLING

HINIHINALANG hitman ng isang malaking sindikato sa droga ang nasa likod nang pamamaslang sa isang 48-anyos na dating pulis-Maynila na tinambangan kasama ang asawa, habang lulan ng motorsiklo sa Tondo, Manila noong Huwebes ng umaga. Ayon sa source, ang biktimang si Dranreb Capistrano y Castro, residente sa #406 Lallana St., Velasquez, Tondo ay isa sa mga dapat italaga sa PRO-5 noong Hunyo 21,2013 ngunit minabuti na lamang nitong mag-AWOL (absent with-out official leave). Huling assignment ni Capistrano ay sa Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7 ngunit magmula nang…

Read More

MALABON COVID-19 CASES PUMALO NA SA 5,275

ISA na namang COVID-19 patient ang namatay sa Barangay Catmon, Malabon City noong Huwebes, ayon sa ulat ng City Health Department. Habang walo naman ang nadagdag na confirmed cases nitong Oktubre 15 at sa kabuuan ay 5,275 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa Malabon, 161 dito ang active cases. Ang mga bagong nagkasakit ay mula sa Barangay Baritan (1), Catmon (3), Hulong Duhat (1), Santulan (2), at Tonsuya (1). Nadagdagan naman ng 41 ang mga pasyenteng gumaling. Sila ay mula sa Barangays Baritan (8), Bayan-bayanan (2), Catmon (3), Concepcion…

Read More

3 BRGY. SA NAVOTAS, ZERO COVID NA

NAITALANG zero COVID-19 na ang Barangay Bagumbayan North, Bagumbayan South at San Rafael Village, ayon kay Mayor Toby Tiangco. Anim naman ang gumaling sa COVID-19 sa lungsod noong Oktubre 15, ngunit may nadagdag na limang bagong kumpirmadong kaso. Sumampa na sa 5,031 ang tinamaan ng COVID sa Navotas. Sa bilang na ito, 144 na ang namatay, 114 ang active cases at 4,773 ang gumaling. “Natutuwa po tayo na pababa na ang bilang ng mga nahahawaan sa ating lungsod. Nagpapasalamat din tayo sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa ating…

Read More

BAN SA NON-ESSENTIAL OUTBOUND TRAVEL, INALIS NA

BINAWI na ng Pilipinas ang ban sa non-essential outbound travel epektibo Oktubre 21. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa idinaos na 79th meeting, binawi ng IATF ang restriksyon ng non-essential outbound travel ng mga Filipino epektibo Oktubre 21, 2020. Papayagan din ang mga ito na makaalis ng bansa “subject to the submission of confirmed roundtrip tickets” at sapat na travel at health insurance para sa mga magbibyahe ng may tourist visas, execution ng immigration declaration na kinikilala ang panganib na kaakibat ng pag-byahe at negative Antigen result na…

Read More

IATF: 15-65-ANYOS PWEDE NANG LUMABAS

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), araw ng Huwebes, ang adjustment ng age-based stay-at-home restrictions. Ang mga taong may edad mula 15 hanggang 65 ay pinapayagan nang lumabas ng bahay sa panahon ng community quarantine. “Persons from 15 to 65 years of age are now allowed to go out,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. Aniya, maaaring magpatupad ang Local Government Units (LGUs) ng mas mataas na age limit para sa minors, depende sa sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang hurisdiksyon. Gayundin, ang IATF…

Read More

SENADOR DISMAYADO SA MABABANG PASSING RATE NG LET

DISMAYADO si Senador Win Gatchalian sa mababang passing rate ng Licensure Examination for Teachers (LET) nitong mga nakaraang taon kaya binigyang-diin nitong dapat nang iangat ang kalidad ng pagtuturo at pagsasanay ng mga guro. Sa isang pagdinig sa Senado, ibinahagi ni Professional Regulation Commission (PRC) Board for Professional Teachers Chairman Dr. Rosita Navarro na wala pang limampung porsiyento (48.86%) ang average passing rate sa mga kumuha ng LET sa unang pagkakataon mula 2014 hanggang 2017. Kahit noong nakaraang taon ay mababa ang naitalang passing rate para sa mga kumuha ng…

Read More

Sa pagtiyak ng DOLE sa 13th month pay, manufacturers humirit TAAS-PRESYO SA NOCHE BUENA PRODUCTS

KASABAY ng pagtiyak ng Department of Labor na dapat bayaran ang lahat ng manggagawa ng kanilang 13th month pay ay humirit naman ang mga manufacturer ng taas-presyo sa Noche Buena products. Dahil dito, inaasahan na magkakaroon ng pagtaas sa mga produktong karaniwang inihahanda sa araw ng Pasko, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Sinasabing nasa 3 hanggang 4 porsiyentong dagdag-presyo ang hinihingi ng mga manufacturer partikular ang mga gumagawa ng ham, fruit cocktail, pasta, tomato sauce, elbow macaroni, creamer at sandwich spread. Subalit inihayag ni Trade Undersecretary Ruth…

Read More