HYBRID ELECTIONS, ‘DI ISUSUKO NI SEN. MARCOS

HINDI susukuan ni Senador Imee Marcos ang pagsusulong ng hybrid elections kahit mistulang kapos na sa panahon upang maisakatuparan ito sa Presidential Elections sa 2022. “Ako hindi ako sumusuko dahil gusto ko may pagbabago ang halalan,” diin ni Marcos. Sinabi ng senador na sa tantya ng Commission on Elections upang tuluyang maipatupad ang isinusulong na pagbabago sa sistema ng halalan sa 2022, dapat pagsapit ng Enero 2021 ay mayroon nang batas para rito. Sa panukala ni Marcos, magkakaroon ng manual na bilangan sa lebel ng bawat presinto na ihahambing din…

Read More

CHINESE WORKERS SA INFRA PROJECTS, NILINAW NG MALAKANYANG

NAGPALIWANAG ang Malakanyang sa publiko hinggil sa kinukuwestiyong partisipasyon ng Chinese nationals sa ilang proyektong pang- imprastraktura sa bansa. Napaulat kasi na may 31% ng mga manggagawa sa Estrella-Pantaleon Bridge ay Chinese habang 69% ay mga Pinoy ganundin sa Binondo-Intramuros Bridge kung saan, 55% ay mga Pilipino at 45% naman ay Chinese workers. Paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque, 100 percent donation ang dalawang ginagawang tulay mula sa pamahalaang China kaya’t hindi naman aniya marahil masama na bigyan sila ng flexibility sa mga manggagawang kanilang kinuha. Aniya, kung ang proyekto…

Read More

MULING PAGBUBUKAS NG BORACAY, PINATITIYAK NA LIGTAS

HINIKAYAT ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health, ang mga lokal na awtoridad at tourism stakeholders na protektahan ang buhay, kaligtasan at kalusugan ng mamamayan habang maingat na binabalanse ang pagsusumikap na buksan muli ang ekonomiya sa Boracay Island at tumanggap ng mga turista, sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Binuksan na po ang Boracay, kaya pakiusap ko lang, sundin po natin ang mga patakaran para maproteksyunan ang ating kalusugan at ang inyong kabuhayan. Importante na makabalik tayo sa normal na pamumuhay pero mas importante na maprotektahan…

Read More

TIPS PARA SA CLEAR, SOFT SKIN

Ni Ann Esternon Paano ba maa-achieve ang pagkaroon ng clear, soft skin? Marami sa atin ang ramdam na hindi achievable ang pagkakaroon ng magandang kutis lalo na kung matagal na natin itong problema. Ang isang una at kailangan nating gawin para ma-achieve ang magandang kutis ay magkaroon tayo ng kontrol sa negatibong emosyon dahil ang kondisyon ng ating kutis ay naka-match sa kung paano tayo mag-isip o mag-react sa mga bagay-bagay. Kung tayo ay laging masaya ang kutis natin ay naggo-glow. Dito ay naiiwasan natin ang pagkakaroon ng kulubot na…

Read More