OCD, AFP, PNP INALERTO SA SUPER TYPHOON ROLLY

PINAGHAHANDA ng pamahalaan ang Office of Civil Defense, mga kasapi ng Armed Forces of the Philippine at Philippine, National Police at maging alerto sa posibleng malawakang pinsalang idudulot ng Bagyong “Rolly” na kasalukuyang nasa signal no.3 na sa Cantaduanes at inaasahang tatama sa Central Luzon. Nitong Sabado, pinasimulan nang pakilusin ng pinuno ng lahat ng commander ng puwersa ng military na naka-deploy sa north of Manila sa posibleng disaster response operations habang papalapit ang Typhoon Rolly na may international name na “Goni”. Ayon kay Major General Arnulfo Marcelo Burgos, Jr.,…

Read More

P1.6-B SHABU NASABAT SA 2 CHINESE

NUEVA ECIJA – Arestado ang dalawang Chinese national sa Cabanatuan City sa lalawigang ito noong Biyernes makaraang matunton na ang mga ito ang importer ng P1.6 bilyong halaga ng umano’y shabu na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins Villanueva, natunugan ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpuslit ng ilegal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Nabatid na tinimbrehan ng BOC ang PDEA hinggil sa kahinahinalang kontrabando na dumating sa paliparan noong Oktubre 24 na idineklara umanong “work…

Read More

AYAW MAGPAKASAL, SEAMAN BINARANG

DAVAO CITY – Lumaki ang tiyan at nagkulay dilaw ang balat ng isang seaman nang tumanggi itong magpakasal sa babaeng nakilala niya sa social media na isa umanong mambabarang. Ang 48-anyos na si Hermalito (apilyedo itinago), residente ng Barangay Maa, nitong lungsod, ay sumangguni sa San Pedro Police Station noong Miyerkoles, upang ipa-blotter ang babaeng si alyas Marimar, taga Barangay 5-A Bankerohan sa nabanggit na lungsod. Sinabi ng seaman sa duty desk officer, hinihinala niyang si Marimar ang may kagagawan ng kanyang sakit dahil nagbanta itong siya ay ibabarang kapag…

Read More

MGA MAGSASAKA PATULOY NA KINAKAWAWA

HINDI ko lubos maisip kung papaano aasenso ang mga magsasaka sa ating bansa kung walang proteksyon at tulong, totoong tulong, mula sa national government lalo na ang Department of Agriculture. Mahigit isang taon pa lamang simula nang ipatupad ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law pero lugmok na lugmok na ang mga magsasaka sa kahirapan dahil patuloy na binabarat ang kanilang ani. Sa amin sa Cagayan Valley, maraming magsasaka ang napapailing na lamang dahil kahit puhunan ay hindi na bumalik sa kanila ngayong panahon ng anihan dahil halos…

Read More

HAMON KAY SECRETARY GUEVARRA

MUKHANG malaki ang tiwala at paghanga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Justice Menardo Guevarra kaysa kay Dante Jimenez kung paglaban at pagsugpo laban sa katiwalian, korapsyon at pandarambong ang pag-uusapan dahil kay Guevarra pa ipinatrabaho ng pangulo ang imbestigasyon laban sa mga tiwali, korap at mandarambong na opisyal at kawani ng buong pamahalaan. Ang totoo pa nga, pinalakas at pinatibay pa ni Duterte ang kawalan ng tiwala nito sa ­Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na pinamumunuan ni Jimenez dahil ­pangalawang ulit nang ­benalewala ng pangulo ang nasabing ahensiya. Ang una ay…

Read More

May kaso kaya ginagamit ang Kongreso – solon BELGICA INUPAKAN SA ‘COVER-UP’

BINAKBAKAN ni House committee on appropriation chairman Rep. Eric Yap si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica dahil sa mistulang paggamit nito sa Kongreso para hindi mapag-usapan ang kanyang kasong graft. Para sa mambabatas, pambabastos nito sa institusyon ng Kongreso. Sa virtual press conference, hindi nagustuhan ni Yap ang alegasyon ni Belgica na may mga congressman na sangkot sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) subalit hindi ito nagbanggit ng pangalan. “Sana nilabas niya ang pangalan ng mga involved. Unfair ang ginawa niya,” pahayag ni Yap…

Read More

GOBYERNO NALUNOD SA KORAPSYON – SOLON

HINDI na ipinagtaka ng mga milintanteng mambabatas na nalunod sa katiwalian ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil bine-baby umano nito ang mga opisyal na isinasangkot sa corruption. “Etong usapin sa corruption isa ito sa banner na kampanya ni Pangulong Duterte. In fact in six months buburahin niya itong corruption. Pero anong nangyari, nalunod sa corruption ang gobyerno ni Pangulong Duterte,” ani ACT party-list Rep. France Castro. “Ano ba ang nangyari? Nakita naman natin yung ginawa niyang pambe-baby dun sa mga nai-involved sa corruption katulad nina (Isidro) La Pena, (Nicanor)…

Read More

WEEKEND SHUTDOWN NG MRT NAUDLOT

IPINAGPALIBAN ng Department of Transportation ang nakatakda sanang weekend shutdown at repair works sa MRT 3. Inaprubahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang rekomendasyon ng operator ng MRT na huwag munang ituloy ang temporary shutdown mula ngayong October 31 hanggang Nobyembre 2. Magsasagawa sana ng repairs sa riles, ayon kay DOTr-MRT3 director for operations Michael Capati. Paliwanag ng DOTr, ito’y para protektahan ang mga mangaggawa na kikilos doon, dahil matatapat ito sa kasagsagan ng inaasahang pagpasok ng bagyong Rolly sa bansa. Bunga nito, tuloy ang operasyon ng tren sa mga…

Read More

PONDO SA BAYANIHAN 2, PINAGAGAMIT SA AYUDA

HINILING ni Senador Grace Poe sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na gamitin nang tama ang pondo sa Bayanihan 2 at ibigay kaagad ang kinakailangang ayuda sa mga nawalan ng trabaho at nagsarang negosyo. Sa pahayag, sinabi ni Poe na inatasan na ang Department of Budget and Management (DBM) na kaagad ipalabas ang pondo sa Bayanihan 2 direkta sa mga ahensiya na magpapalabas sa mas mabilis na tulong sa mga taong matinding hinagupit ng COVID-19 pandemic. “We expect the funds to get to the hands of concerned agencies on time and…

Read More