OFW NA AYAW BAYARAN NG SWELDO, NAMATAYAN NG AMA AT WALANG PAMBILI NG KABAONG

LUHANG-LUHA akong nahabag sa pinagdaraanan ng isa nating kabayani na si Maribel Manabat na kasalukuyang nasa Khaldiya,Taif, Saudi Arabia. Siya ay naninilbihan bilang kasambahay at naka­rating sa Saudi Arabia noong Marso 1, 2019 sa pamamagitan ng kanyang ahensya na Pacific Star International. Sa simula ay naging maayos naman ang kanyang paninilbihan, ngunit tila nitong taon na ito ay tila nagkasunod-sunod ang dagok sa kanyang pamilya. Noon pa man ay ­inirereklamo nya ang hindi pagbibigay ng regular na sahod ng kanyang employer at lumala pa ito nang ­maging ang kanyang pagkain…

Read More

DAPAT MAKULONG ANG MGA KORAP NA KONGRESISTA

MASYADO nang mainit ang paksa hinggil sa mga kongresistang kumikita sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang pinakabagong isyu rito ay ipinasa ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng tinatayang labingdalawang mga korap na kongresista. Hindi ibinunyag ni Duterte ang kanilang mga pangalan dahil sa ibang sangay ng burukrasya kabilang ang mga kongresista. Hindi rin ibinunyag ni PACC Commissioner Greco Belgica ang kanilang mga pangalan. Hindi rin iimbestigahan ng PACC ang iginiit niyang mga korap na kongresista dahil ipinaalala…

Read More

DAVAO CITY 10 BESES NANGUNA SA COVID CASES

DAVAO CITY – Sampung beses nang nanguna ang lungsod na ito sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang ika-10 beses ay naitala nitong Huwebes, Nobyembre 26, ayon sa ulat ng Department of Health. Naitala rin ang pinakamaraming bilang ng mga namatay sa araw na ito, na umabot sa 11. Ayon sa DOH, may 137 bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod. Nasa pangalawa naman ang Quezon City na may 68 kaso; pangatlo ang Batangas, 59; pang-apat ang Laguna, 54, at panglima ang Cavite na may 47 bagong kaso. Sa…

Read More

Nakaw na cp, ibinenta sa may-ari ‘SELLER’ SYUT SA SELDA

CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang ibenta nito ang isang nakaw na cellphone sa mismong may-ari ng gadget sa Bacoor City sa lalawigang ito. Nakapiit sa Bacoor City Police ang suspek na si Reymart Quimat, walang trabaho, ng Sitio Tibag, Brgy. Panapaan 3, Bacoor City, makaraang ireklamo ng biktimang si Ronalyn Berbon, 25, ng nasabi ring barangay. Ayon sa reklamo ni Berbon kay Corporal Marvin Rae Caalor ng Bacoor CPS, nabalitaan niyang may ibinibentang cellphone sa kanilang lugar kaya nagbakasakali siyang ang cellphone niya ang ibinebenta. Ngunit bago nagtungo…

Read More

NP-AKG no. 2 most wanted LAPPAY KFRG MEMBER ARESTADO

ISANG kilabot na miyembro ng Lappay kidnap for ransom group ang nadakip ng mga tauhan ni BGen. Jonnel C. Estomo, pinuno ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group, sa isinagawang law enforcement operation sa Las Piñas City. Ayon kay BGen. Estomo, bandang alas-3:50 ng hapon noong Miyerkoles nang nadakip ng kanyang mga tauhan, sa pamumuno ni PNP-AKG Luzon Field Unit chief, P/Col. Villaflor Bannawagan, ang suspek na si Elpidio Escubido Edusma sa Saint Vincent St., Saint Joseph Subdivision, Pulang Lupa, Las Piñas City. Si Edusma alyas “Edwin” ay pakay ng…

Read More

Sino maghaharap sa 2020 PBA All-Filipino Finals?

PAGPAPASIYAHAN ngayong araw ng apat na koponang semifinalists – Barangay Ginebra, Talk ‘N Text, ­Meralco at Phoenix Super LPG – kung alin sa kanila ang maiiwan para magharap sa ­kampeonato ng 2020 PBA Philippine Cup bubble. Nangyari ito matapos malusutan ng Tropang Giga ang Fuel Masters, 102-101 at ng Bolts ang Gin Kings, 83-80, noong Miyerkoles sa Game 4 ng kani-kanilang best-of-five Final Four series para maitabla at palawigin ang serye sa sukdulang limang laro. Tabla na ang Tropang Giga at Fuel Masters at ang Gin Kings at Bolts, 2-2,…

Read More

Walang nasasapol na ‘big fish’ sa anti-corruption campaign DILIS LANG ANG KAYA NI DUTERTE – SOLON

INIHALINTULAD ng isang mambabatas sa dilis ang mga tatamaan ng ikinasang anti-corruption campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte. Naniniwala si Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na mabibigo ang kampanya ng pamahalaan dahil maliliit na tao lang umano na sangkot sa katiwalian ang sinibak sa puwesto habang malaya ang mga tinaguriang ‘big fish”. “Failure…kung bibigyan ng grado si Pangulong Duterte sa usapin ng pagsugpo sa graft and corruption…failed,” ani Gaite sa virtual press conference ng Makabayan bloc kahapon. Nauna rito, inanunsyo ni Duterte na humigit kumulang sa 800 government personnel ang…

Read More

Defensor kay Belgica “PUT UP OR SHUT UP!”

“HE should put up or shut up.” Ito ang mensahe ni House committee on public account chairman at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Grego Belgica matapos bigong pangalanan ang 12 congressmen na isinangkot niya sa corruption sa public works projects. Ayon kay Defensor, ito ang ikalawang pagkakataon na ginawa ni Belgica ang alegasyon laban sa mga mambabatas subalit hanggang ngayon ay ayaw niyang pangalanan ang mga ito at wala pang isinampang kaso. “If that is so, then he should just shut up. If he…

Read More

P4.5-T 2021 BUDGET BILL INAPRUBAHAN NG SENADO

INAPRUBAHAN ng Senado ang House Bill No. 7727 o ang panukalang P4.5 trilyong pambansang badyet para sa 2021 sa botong 22 pabor at walang negatibo at abstention sa ginanap na hybrid session nitong Huwebes. Sa pahayag, nagpasalamat si Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, sa lider at kasamahan sa Senado sa paghimay sa budget bill at nananatili sa schedule upang maipasa ang panukala sa tamang panahon sa kabila ng mga hamon tulad ng bagyo, baha, power outages at pandemya. Kinilala naman ni Angara ang amendments na inihain…

Read More