QUEZON – Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang lima pa sa karambola ng tatlong motorsiklo sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Isa sa mga nasawi ay isang menor de edad na si Mico Paulo Javier, 16, na siyang nagmamaneho sa isa sa mga motorsiklo, habang angkas ang isa pang menor de edad na si Joshua Villegas Victoria, 16, na nasugatan din sa insidente. Nasawi rin ang nagmamaneho sa nakabanggaang motorsiklo na si Joseph Peñana, 25, at sugatan din ang angkas nito na si Mark…
Read MoreDay: November 27, 2020
P100-M ‘di rehistradong computer sets, gadgets kumpiskado 2 CHINESE ARESTADO SA OMB RAID
BULACAN – Sinalakay ng mga tauhan ng intelligence agents ng Optical Media Board (OMB) ang isang establisiyemento dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9239 o mas kilala bilang Optical Media Act of 2003, at tinatayang P100 milyong halaga ng computer sets, gadgets at mga TV na mayroong storage devices, ang nakumpiska habang dalawang Chinese national at isang Filipina ang arestado noong Huwebes ng hapon sa bayan ng Guiguinto sa lalawigang ito. Ayon kay OMB chairman, Atty. Christian D. Natividad, ang mga inaresto ay kinilalang sina Quan Xi Gua at…
Read MoreChopper na sinakyan ng 4 sugatang sundalo, nag-crash MEDEVAC TRAGEDY
LANAO Del Sur – Binawian ng buhay ang isang sugatang sundalo nang bumagsak ang isang Huey helicopter ng Philippine Air Force sa bayan ng Madalum sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon, habang apat na iba pa ang sugatan sa insidente. Ngunit agad na nilinaw ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine na sadyang kritikal ang lagay ng nasabing nasawing sundalo dahil sa dami ng shrapnel na tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito kasunod ng pagpapasabog ng improvised explosive devise ng kalabang mga terorista. Ito ang dahilan…
Read MoreNakunsensya nang arestuhin ang ama SUSPEK SA RAPE-SLAY SA 12-ANYOS, SUMUKO
QUEZON – Sumuko sa National Bureau of Investigation sa Lucena City noong Huwebes ang umano’y totoong pumatay sa 12-anyos na dalagita na natagpuan ang walang saplot na bangkay at tadtad ng taga sa Barangay Punta, sa bayan ng San Narciso sa lalawigang ito, noong nakaraang linggo. Inamin ng sumukong suspek na si Allan Mendeja, 35, na siya ang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen na ikinamatay ng 12-anyos na biktimang si Vheanne Banico. Si Mendeja ay anak ng unang arestadong suspek si Artemio Mendeja, 66, na siyang itinuro ng mga residente na nakita malapit sa…
Read MoreDRUG GROUP LEADER NABITAG NG PDEA
NUEVA ECIJA – Nadakip ng mga tauhan ni Philippine Drug Enforcement Agency chief, Director General Wilkins Villanueva, ang lider ng isang drug group sa isinagawang anti-narcotic operation ng PDEA R03 sa nasabing lalawigan. Ayon kay Director Derrick Carreon, PDEA-PIO chief, nadakip sa dragnet operation ang 49-anyos na si Elizalde Ramos Vicente alyas Zaldy (target listed), lider ng Zaldy drug group, residente ng Brgy. Marcos Village, Biglang Sibol, Palayan City, ng nasabing lalawigan. Si Vicente ay nasukol ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PDEA3–Nueva Ecija Provincial Office, at local police sa Brgy. Marcos…
Read MoreMANILA COURT ROOMS KAKABITAN NG CCTV
MARIING iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na lagyan ng closed circuit television (CCTV) camera ang lahat ng court rooms sa lungsod ng Maynila. Ito ay matapos ang pakikipagpulong ng alkalde sa mga bagong hukom na itinalaga sa Manila Regional Trial Court (RTC) at napag-usapan ang ilang mga hakbang upang maprotektahan ang mga hukom at mga kawani ng RTC at Metropolitan Trial Court (MTC). Sa nasabing pulong, inihayag ng alkalde ang paglalagay ng CCTV cameras bilang dagdag-proteksyon. Layunin din ng mga CCTV camera na ma-monitor ang mga nangyayari…
Read MoreHEALTH WORKERS NAGKASA NG ‘BLACK FRIDAY’ PROTEST
NAGSAGAWA ang grupo ng health workers ng ‘Black Friday’ protest sa harap ng Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue, Ermita, Manila para hilinging maibigay na sa kanila ang kanilang mga benepisyo. Bandang alas-12:30 ng tanghali nang magsagawa ng kilos-protesta ang health workers na mga miyembro ng UP Workers Union. Ayon sa grupo, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ibinibigay ang kanilang Special Risk Allowance, ang kanilang COVID 19 hazard pay at iba pang benipisyo. Bitbit ang mga placard, lumabas ng PGH ang health workers at isinigaw ang kanilang mga…
Read MoreMAG-ASAWANG TIAMZON GUILTY SA KIDNAPPING
IKINAGALAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine ang ibinabang hatol na reclusion perpetua sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon ng Quezon City Regional Trial Court kaugnay sa kasong pagdukot sa isang army officer. Ito ang kinumpirma ni AFP Public Affairs Office Chief Navy Capt. Jonathan Zata batay sa dokumentong kanilang nakuha mula sa korte kung saan ginawaran ang mag-asawa ‘in absentia’ ng reclusion perpetua o 40- taong pagkakakulong at pagbabayad ng mahigit P200,000 danyos sa complainant na si Lt. Abraham Claro Casis. “The conviction of the Tiamzons is…
Read MoreDA naglabas ng SRP sa agri goods PRESYO NG BILIHIN TULOY SA PAGSIRIT
NAGPALABAS ng bagong Suggested Retail Prices (SRP) ang Department of Agriculture (DA) para sa pangunahing agricultural commodities na ibinebenta sa Metro Manila sa wet markets, ngunit isinama rito ang supermarkets para maproteksiyunan ang mga konsumer. Ang updated SRP ay nakapaloob sa DA Administrative Circular (AC) No. 17 na nilagdaan ni Agriculture Secretary William Dar noong Nobyembre 26. Ito ay magsisilbing panuntunan ng retailers at consumers sa gitna ng Luzon-wide price freeze na ipinatutupad dahil sa pandemic at mga kalamidad na nanalasa sa bansa. Ang DA-AC 17 ay nagpapawalang bisa sa…
Read More