FACE-TO-FACE CLASSES ‘DI SA LAHAT NG SCHOOL

0

NILINAW ni Senador Imee Marcos na hindi nito isinusulong ang face-to-face classes sa buong bansa at sa halip ay sa mga lugar lamang na walang kaso ng COVID-19 virus.

Ito ang tugon ni Marcos kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año hinggil sa isinusulong nitong one-hour face-to-face classes sa bawat linggo bilang bahagi ng blended learning.

“We are hardly rushing. We are among the last countries, if not the last, following Nigeria in October, to reopen our schools! The fact is that face-to-face classes have been proven not to be superspreaders, provided strict health protocols are in place,” sabi ni Marcos.

“And no, I am not invoking wholesale school openings and the return to a full in-school schedule. What mothers, teachers and students – as well as their community and local leaders – look forward to is the option to start even one-hour face-to-face classes a few times a week, as part of the blended learning effort,” dagdag pa nito.

Dapat aniyang magtaguyod ang IATF ng mga parameter para sa pagbubukas ng paaralan, datos ng impeksyon sa lugar, silid-aralan para sa physical distancing at bentilasyon, paghuhugas ng kamay, mahigpit na pagsubaybay sa pagsunod at payagan ang mga local school boards, kabilang ang LGUs, DepEd, at mga parent-teacher associations na magpasya sa blended learning. (NOEL ABUEL)

Read More

KAHIRAPAN, EKONOMIYA ‘DI PRAYORIDAD SA P4.506-B 2021 BUDGET

0

NADISMAYA nang husto si Senadora Leila de Lima sa ipinasang P4.506 bilyong badyet ng pamahalaan dahil pinabayaan ng kanyang mga kapwa mambabatas na hindi taasan ang pondo laban sa kahirapan, ayuda sa mga manggagawa, suporta sa mga negosyante at iba pa.

Sa ipinasang General Appropriations Bill (GAB) ng Senado noong Nobyembre 23 para sa P4.506 bilyong pondo na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na aprubahan ng Kongreso, idiniin ni De Lima na ang mga hakbang upang maresolbahan ang kahirapan at ang bumagsak na ekonomiya at masamang epekto nito sa mga manggagawa at sektor ng micro, small, medium enterprises (MSMEs), ay hindi man lang itinaas ang pondo.

Ang P4.506 bilyon ay pondong gagamitin ng pamahalaan para sa taong 2021.

Ayon sa mambabatas na pinuno ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Development: “Centerpiece to this year’s budget should be the poverty alleviation and social amelioration, along with the economic recovery program. However, it appears that the welfare component has taken a back seat to other programs of the government”.

“There is barely any change in the DSWD aid programs. There is less assistance for affected workers and Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs). The Pantawid Pamilyang Pilipino Program or the 4Ps has increased only by P5.3B, representing what is mostly increase in operating costs… We also need to address the needs of many of our senior citizens,” patuloy ng senadora.

Ang pinagdiskitahan nang husto ng mga mambabatas ay ang kuwestyonableng badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ngunit ang napabalitang ibinawas lang sa mahigit P613.7 bilyong pondo ng DPWH ay mahigit P63 bilyon, samantalang umabot sa P135.8 bilyon ang muling pinondohang proyekto ng DPWH (may pondo na para sa 2020, ngunit binigyan uli ng pondo para sa 2021) at P396.4 bilyon ang “lump sum” (mga proyektong walang detalye) na badyet ng nasabing kagawaran.

Idiniin ni De Lima, itinaas pa ang pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Office of the President (OP) kaysa pondong panggastos laban sa tuminding kahirapan at huminang ekonomiya dulot ng mga bagyo at hindi matapos-tapos na problema sa coronavirus disease (COVID-19). (NELSON S. BADILLA)

Read More

Utol naka-eskapo GUNRUNNER ARESTADO SA BATANGAS

0

BATANGAS – Arestado ang isang hinihinalang gun runner habang nakatakas ang kapatid nito makaraang makumpiskahan ng iba’t ibang klase ng armas sa bayan ng Ibaan sa lalawigang ito, nitong Lunes.

Ayon sa ulat kay P/Col. Rex Arvin Malimban, provincial director ng Batangas, ni P/Maj. Rix Villareal, hepe ng Intelligence Unit, kinilala ang nadakip na si Florante Gupit Rocio alyas “Popong” habang nakatakas si Eleazar Gupit Rocio, parehong residente ng Barangay Pangao, Ibaan Batangas.

Ayon sa ulat, nagpalabas si Hon. Shy Marie Sandoval, acting Presiding Judge ng Municipal Trial Court ng Ibaan, Batangas, ng search warrant hinggil sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban sa mga suspek.

Agad sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng PIU-Batangas PPO, OPD- DEU, SWAT 1st BPFMC, CIDG Batangas, RSOU – RID4-A at Ibaan MPS bandang alas 10:30 ng umaga noong Sabado, ang bahay ni Florante at nakumpiska ang (1) rifle bag na asul, (1) cal. 5.56 Colt M16 rifle with serial number 9000409, (1) short magazine ng M16 rifle, (20) live ammos, (2) ling magazines ng M16 rifle, (1) rifle bag na itim, (1) cal. 5.56 bushmaster with serial number SH1231174, (1) magazine Colt cal. 45 pistol, (8) live ammos ng Colt caliber 45 pistol, (1) Ruger cal. 40 pistol with serial no. 348-72968, (19) live ammos para sa cal. 40 pistol, (1) itim na CZ pistol na may (1)( CZ Shadow, (2) cal. 9mm pistol na may serial No.C983423, at (1) magazine ng cal.9mm pistol CZ Shadow.

Kasunod nito, mabilis namang pinuntahan ng mga operatiba ang bahay ni Eleazar ngunit agad itong nakatakas.

Nakuha naman sa bahay nito ang (1) US Carbrine cal. 30 M2 with serial No.7161843, (1) magazine para sa US Carbrine cal. 30 M2, (8) live ammos ng cal. 30, (1) magazine ng cal. 9mm, (6) live ammos ng cal. 9mm, (1) itim na magazine pouch para sa 9mm magazine at (1) stainless magazine ng cal. 9mm. (CYRILL QUILO)

Read More

1 PATAY, 6 SUGATAN SA KOTSE VS VAN *Lady rider pisak naman sa tanker

0

QUEZON – Patay ang isang 21-anyos na binata makaraang sumalpok ang minamaneho niyang kotse sa kasalubong na Hi Ace van sa Maharlika highway sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Paul Guno Badillo, taga Sampaloc 2, Sariaya.

Batay sa report ng Sariaya Police, magkasalubong na tinatahak ng kotseng Wigo ng biktima at ng van na minamaneho ni Alvin Regalario Dela Cruz, ang kalsada nang mangyari ang insidente sa Barangay Sto. Cristo habang kalakasan ang ulan dakong alas-11:00 ng gabi.

Ayon kay Dela Cruz, nag-overtake umano si Badillo kaya napunta sa kanyang linya ang kotse ng biktima na nagresulta sa head on collision.

Sa lakas ng impact, kapwa bumaliktad ang dalawang sasakyan at tumama pa ang kotse sa isang poste ng kuryente.

Sugatan din ang driver ng van at ang limang pasahero nito na pawang pauwi sa Sto. Tomas, Batangas mula sa bayan ng Calauag.

Isinugod ang mga ito sa iba’t ibang ospital sa bayan ng Candelaria.

Samantala sa lalawigan ng Quezon, patay ang isang babaeng rider habang sugatan ang angkas niyang dalawang dalaga nang masagasaan ng isang trailer truck sa diversion road ng Maharlika Highway sa Brgy. Santa Catalina sa bayan ng Atimonan, noong Linggo ng hapon.

Ang biktimang si Melanie Cadiz, 32-anyos, ay agad binawian ng buhay makaraang magulungan ng tanker trailer truck na minamaneho ni Roy Aceras Buat, taga Pili, Camarines Sur.

Sugatan naman dahil sa pagkatumba ng motorsiklo ng mga back rider na sina Jacquelyn Ogayre, 18, at Donna Seboc, 16, kapwa ng Atimonan.

Batay sa report ng Atimonan police, tinatahak ng tanker ang highway patungong direksyon ng Bicol nang may mag-overtake na isa pang truck.

Bunsod nito, lumipat sa kanang linya ang tanker sa 4 lanes na highway kung saan nagkataong nag-overtake din ang motorsiklo ng mga biktima.

Nawalan ng kontrol sa manibela ng motorsiklo ang nasawing biktima, natumba at nagulungan ng truck.

Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng truck na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

Nanggoyo ng security agencies WANTED PERSON NALAMBAT SA LAGUNA

0

LAGUNA – Isang wanted person na umano’y nambibiktima ng mga security agency, ang naaresto sa San Pedro City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga.

Ang suspek na si Ronald Candido, marketing manager ng Pacman Legendary Security Agency Inc., ay hindi lumaban nang arestuhin ng magkasanib na puwersa ng Laguna Provincial Intelligence Unit at lokal na pulisya sa kanyang tirahan sa Barangay Sampaguita, San Pedro City, Laguna.

Inaresto ng mga operatiba ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Municipal Trial Court, Branch 83 at 84, Caloocan City, na may petsang Nobyembre 23 para sa bouncing check at estafa o paglabag sa BP 22, ayon kay Lt. Col. Jesus Lintag, hepe ng pulisya ng lungsod.

Inirekomenda ng korte ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Candido.

Samantala, hinimok ng pulisya ang mga biktima, lalo na ang mga tauhan ng mga security agency na magpunta sa istasyon para sa pagsampa ng naaangkop na kaso laban kay Candido na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Ayon sa ulat, nakumbinsi ng suspek ang mga security agency na makuha nang advance ang kanyang kita kapalit ng isang kontrata.

Gayunpaman, natuklasan ng mga ahensiya na labag sa batas ang nasabing kontrata.

Read More

7 arestado ILEGAL NA SABONG PATULOY SA CAVITE

0

CAVITE – Mistulang naging kalakaran na sa lalawigang ito ang tupada dahil sa kabila na mahigpit pa ring ipinagbabawal ay ginagawa pa rin, patunay ang pitong sabungero na nasukol ng mga tauhan ng Cavite Police, habang marami ang nakatakas sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa Gen. Trias City.

Kinilala ang mga arestado na sina Jose Tomagan, Felisisimo Herrera, Noel Coronado, Wilson Abalos, Rodolfo Reyes, Jerryl Cobrado at Mark Christian Sanez, pawang ng General Trias City.

Ayon sa ulat ni Corporal Franz Zorilla, dakong alas-1:20 ng hapon noong Linggo nang nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga awtoridad makaraang nakatanggap sila ng tawag na may isinasagawang tupada sa Brgy. Pasong Kawayan 2 ng nabanggit na lungsod.

Ngunit pagdating ng mga awtoridad sa lugar, nagtakbuhan ang mga sabungero at tanging pito katao lamang ang naaresto.

Nakuha sa lugar ang dalawang tari, isang buhay at dalawang patay na sasabunging manok at P2,200 pusta.

Nahaharap ang mga arestado sa kasong illegal gambling. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

LEGASIYA NI BONIFACIO PATULOY SA MGA OBRERO

0

IPINAGPAPATULOY ng mga obrero ang legasiya ni Gat Andres Bonifacio na nakipaglaban, hindi lamang para sa bayan kundi sa karapatan ng tulad niyang uring manggagawa.

Ito ang pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite sa ika-157 taong kaarawan ni Bonifacio kahapon, Nobyembre 30.

“Ang mga obrero ng ating panahon na lumalaban para sa kanilang mga karapatan, sila ang mga Andres Bonifacio ng ating panahon. Sila ang nagpapatuloy sa dakilang pakikibaka para sa makatarungang reporma, hustisyang panlipunan, at tunay na kalayaan,” ani Gaite.

At tulad aniya ni Bonifacio, target ng gobyerno ang mga obrero na nakikipaglaban para magkaroon ng makatarungang sahod, regularisasyon sa trabaho at iba pang karapatan sa paggawa.

Ipinaalala ni Gaite sa gobyerno na tulad ni Bonifacio ay hindi isusuko ng mga manggagawa ang kanilang karapatan hanggang sa magtagumpay ang mga ito tulad ng dakilang bayani.

“As long as the myriad of issues besieging labor, such as contractualization, low wages, lack of benefits, union-busting, and exploitative working conditions amongst others is not addressed then they will continue to fight on, and be inspired by revolutionary obreros like Gat Andres Bonifacio,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

ILANG OPISYAL NAG-ALAY NG BULAKLAK SA MONUMENTO NI BONIFACIO

0

PINANGUNAHAN nina Caloocan City Mayor Oca Malapitan, Defense Sec. Delfin Lorenzana at National Historical Commission of the Philippines chair Rene Escalante ang pag-aalay ng bulaklak sa Bonifacio Monument Circle.

Pagkatapos ng simpleng pag-aalay sa dambana ni Bonifacio ay inantabayanan ng mga dumalo ang virtual na mensahe ni Pangulong Duterte kaugnay ng selebrasyon.

Ayon kay Mayor Oca, bagamat simple ang selebrasyon ng Bonifacio Day ngayong taon dahil tayo ay humaharap sa pandemya, mananatili pa rin ang pagpupugay para sa katapangan at kadakilaan ni Bonifacio.

Kasama ring dumalo sa selebrasyon sina Lt. Gen. Erickson Gloria ng AFP, NPD Dir. Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, Caloocan Police chief Col. Samuel Mina, BFP-Caloocan Supt. Aristotle Banyaga, Vice Mayor Maca Asistio, Coun. Enteng Malapitan, Coun. Lanz Almeda, City Administrator Oliver Hernandez at iba pang opisyales ng pamahalaang lungsod ng Caloocan. (FRANCIS SORIANO)

Read More

3 TIRADOR SA PRITIL MARKET TIMBOG

0

NANINIWALA ang mga awtoridad na lutas na ang nakawan sa loob mismo ng opisina ng market master sa palengke ng Pritil sa Tondo, Manila makaraang matimbog ang tatlong kawatan, kabilang ang isang16-anyos na binatilyo, noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga arestado na sina Jeffrey Laxamana y Anon, 33, ng #1904 Franco St., Tondo; Christopher Lugto y Lopez, 27, ng #1663 Tioco St., Tondo, at ang menor de edad na si alyas “Kamote”.

Batay sa ulat ng MPD-Raxabago Police Station 1, isang Errol Castanares, 38, assistant market master, ang nagreklamo hinggil sa umano’y pagnanakaw ng mga suspek.

Dahil dito, masusing imbestigasyon ang isinagawa ng pulisya at sa pag-review sa footage ng CCTV na nakakabit sa panulukan ng Zamora at Herbosa streets sa Tondo, namataan ang mga suspek na tangay ang kanilang mga nakulimbat.

Ayon sa report ng pulisya, sinikwat umano ng tatlong suspek ang construction materials na nakalagay sa opisina ng market master, kabilang ang isang rolyo ng electrical cable na P11,000 ang halaga, (1) unit ng electric circuit braker na P1,500 ang halaga, at isang canvas na kulay asul.

Bunsod nito, agad sinalakay ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito. (RENE CRISOSTOMO)

 

Read More