DRUG GROUP MEMBER ARESTADO SA BIÑAN CITY

LAGUNA – Arestado ang isang high value individual (HVI) na miyembro umano ng Peña drug group, sa buy-bust operation sa Biñan City sa lalawigang ito, noong Sabado. Ayon sa ulat ni Laguna Police Provincial Director, P/Col. Serafin Petalio II kay CALABARZON Regional Director P/BGen. Felipe Natividad, kinilala ang suspek na si Nilson Cinco Basalo, 36, vendor at residente sa Lot 4, Blk. 9, Citation Residences, Brgy. Sto. Tomas, Biñan City. Napag-alaman, nagkasa ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nakumpiskahan ng…

Read More

SALVAGE VICTIM ITINAPON SA BANGIN

QUEZON – Isang bangkay ng lalaking hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang nakasabit sa gilid ng matarik na bangin sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Ayon sa report ng Real police, nadiskubre ng mga dumaraan sa lugar ang bangkay ng hindi pa kilalang biktima na sumabit sa mga puno sa gilid ng bangin sa tabi national highway sa Barangay Maragondon. Nakasuot ito ng asul na sando at maong na short na may nakakabit na iba’t ibang mga susi. Ayon sa pulisya, tinatayang ilang araw na…

Read More

SK CHAIRMAN BINOGA SA AWAY-TRAPIKO

BULACAN – Sugatan ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman sa bayan ng San Miguel makaraang barilin ng isa sa apat na kalalakihang nakaalitan sa away-trapiko sa Brgy. Salacot sa lalawigang ito, noong Huwebes. Base sa report kay P/Brig. Gen. Valeriano T. De Leon, regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3), kinilala ang biktimang si John Mico Yamson, residente ng Barangay Tigpalas, San Miguel, na agad isinugod sa pagamutan. Mabilis namang nasakote sa follow-up operation ng pulisya ang isa sa mga suspek na si Karl Wyn Cruz y Juatco habang…

Read More

68th FAMAS Announcement of Winners

(FAMAS DIGITAL 2020 in cooperation with the Film Development Council of the Philippines) QUEZON CITY, PH –  Award –winning actor CHRISTIAN BABLES and award-winning actress JASMINE CURTIS-SMITH  has announced the winners and the Lifetime Achievement Awardees  during the 68th Famas AWARDS December 20, 2020, pre-recorded from the Seda Vertis North, Quezon City. It also marks the first year for FAMAS Digital Philippines launched later this year in partnership with IFLIX and WeTV Philippines via digital streaming platforms, YouTube, FB, IG, TWITTER for wider reach and more diverse audiences. The complete list of…

Read More

MERALCO WALANG DISCONNECTION HANGGANG ENERO 2021

Hindi magpapatupad ng disconnection ang Manila Electric Company (Meralco) hanggang sa katapusan ng Enero 2021 sa kanilang mga customer na hindi nakabayad ng kanilang electric bills. Ito ang tiniyak ng Meralco sa Kamara na ikinasiya naman ng Kapulungan dahil malaking tulong ito sa mga mamamayan na hindi makabayad ng kanilang electric bills dahil sa pandemya at kalamidad na kanilang naranasan. “The extended grace period being given to our fellow Filipinos during the holiday season will provide much needed reprieve to those reeling from the devastating effects of the pandemic and…

Read More

DRIVERS NABULAGA SA BALIK-TRUCK BAN SA VALENZUELA

NABULAGA ang 162 drivers sa unang apat na oras ng pagbabalik ng truck ban sa Valenzuela City. Ayon sa pamahalaang lungsod, hanggang alas-10:30 ng umaga noong Disyembre 18 ay 40 ang nahuli sa Gov. I. Santiago. Sa Lawang Bato naman ay 35 ang dinakma habang 28 ang nasakote sa MacArthur Highway. Sa Paso de Blas Road ay 17 pasaway ang hinuli; Sto. Rosario, Ugong, 16; M.H. del Pilar, 14; La Mesa, Ugong, 9, at sa Que Grande, Ugong, 3. Simula Disyembre 18, sa ilalim ang Ordinance No. 113 base sa…

Read More

PAROL VENDOR ISINALBA SA KLIYENTENG NAG-1-2-3

PINAKYAW ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 700 parol sa isang vendor sa Central Market makaraang mabalitaan ang pag-iyak ng huli nang magkansel ang buyer na omorder nito. Batay sa ulat ng Manila Public Information Office, nakita ng alkalde ang post sa social media ng parol maker na si Maximo Simon alyas “Lakay” at naantig sa pag-iyak nito nang hindi kunin ng buyer ang pinaghirapang parol na may malaking puhunan. Ayon kay Simon, bawat isang simpleng parol ay isang oras na tinatapos simula sa pagsibak ng kawayan, pagtatali…

Read More

COVID POSITIVITY RATE SUMIRIT SA NAVOTAS

ISA sa siyam na nagpositibo sa COVID 19 sa Navotas City nitong Disyembre 19 ang binawian ng buhay habang siyam din ang gumaling, kasunod nang muling pagtaas ng COVID positivity rate sa 8% mula Disyembre 9-15. “Kinukumpirma lang po nito ang sinabi ng mga eksperto na tataas ang mga kaso ng COVID-19 ngayong Kapaskuhan,” ani Mayor Toby Tiangco. “Kaya po hindi tayo nagsasawang magpaalala: mag-ingat at sumunod sa safety measures. Hanggang maaari, gawing online na lang ang mga reunion o party. Napakataas ng posibilidad ng hawaan sa mga pagtitipon. ‘Wag…

Read More

4 WILD BOAR HUNTERS, PATAY SA IED

NASAWI ang apat na mangangaso ng baboy-ramo matapos masabugan ng bomba na pinaniniwalaang itinanim ng mga teroristang Dawla Islamiya sa bukid ng Masalum, Lanao del Sur, iniulat kahapon. Naganap ang pagsabog sa Sitio Bangko, Barangay Tongan-Tongan, Madalum, Lanao del Sur. Kinilala ni Lanao del Norte Provincial Police Office spokesperson Maj. Salman Saad ang mga nasawi na sina Leo Baloro, 24; Nito Bacayan, 22; Lito Angcap, 22 at Francis Alcaba, 32, na taga Barangay Poblacion, Bacolod, Lanao del Norte. Nakaligtas naman ang dalawa pa nilang kasamahan na kinilalang sina Christopher Allen,…

Read More