Muling inupakan ni Duterte ANAK NI ZARATE PAARAL NG NPA

INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bayan Muna Representative Carlos Zarate nang paggamit ng pera na kinolekta ng New People’s Army para bayaran ang pag-aaral ng kanyang anak sa Europa. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na duda siya kung paano napag-aral ni Zarate ang kanyang anak sa ibang bansa. “Sinasabi mo na si Sandro, anak mo, ginagastusan ng lola. You know, baka sabi mo talagang maloloko mo ang Pilipino lalo na kami dito. Ang lola tinignan namin, matanda na, wala namang income,”…

Read More

NTF kinalampag ng solon MAGHANDA SA BAGONG COVID STRAIN

INUSISA ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang paghahanda ng National Task Force (NTF) on COVID-19 para hindi makapasok sa Pilipinas ang bagong strain ng SARS-CoV-2 virus na nadiskubre sa United Kingdom (UK) na naging dahilan ng pagsasara at patuloy pang pagsasara ng mga border ng iba’t ibang bansa sa mga bumibiyahe mula roon. Ayon sa senador, ang bagong strain na tinawag ng mga dalubhasa na B.1.1.7, ay may mahigit 20 mutations mula sa kasalukuyang strain ng virus at pinaniniwalaang mas nakahahawa, at mas mabilis kumalat sa mas mataas na…

Read More

Kaya malakas ang loob pumatay NUEZCA MAY PADRINO?

(NOEL ABUEL) NANINIWALA si Senador Imee Marcos na posibleng may mga ‘padrino’ o protektor sa loob at labas ng serbisyo ang police sergeant na namaril at nakapatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac. Sinabi ni Marcos na hindi rin malayong regular na ‘hitman’ ang suspek na si Staff Sergeant Jonel Montales Nuezca kung kaya’t madali para rito ang basta na lamang bumaril. “Sino ang mga padrino nito? Malinaw na sanay na sanay mamaril at manakit ang pulis ng mga tao na parang target practice lang, gamit ang kanyang service firearm,” tanong…

Read More

NUEZCA TIYAKING NAKAKULONG

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine National Police (PNP) na siguraduhing nakakulong si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca at hindi makalalabas dahil ang nagawa nito ay ‘serious offense’. Binaril ni Nuezca ang mag-inang Sonya at Frank Anthony Rufino Gregorio, ng Paniqui, Tarlac sa gitna ng argumento, dahil umano sa “boga” at right of way. “I’d like to call the PNP: Be sure that he is detained ha. He should not be allowed to go out kasi serious offense ‘yan. There’s no bail. So hindi maka-bail ‘yan. Diretso-diretso na…

Read More

TRAVEL RESTRICTION SA UK TATALAKAYIN

PAG-UUSAPAN pa ng Inter-Agency Task Force kung magpapatupad ng travel restriction laban sa United Kingdom o pansamantalang hindi pagpapapasok ng mga indibidwal mula sa nasabing bansa dahil sa ulat na bagong strain ng coronavirus disease 2019. “Pag-uusapan pa po iyan sa IATF pero sa ngayon po, in place pa naman iyong ating mga protocols para sa lahat ng pumapasok ng Pilipinas kasama po [riyan] iyong mandatory quarantine habang hinihintay po ang resulta ng kanilang PCR tests,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa ulat, nagpatupad ang ilang mga bansa ng…

Read More

TURISTA MULA SA EUROPE, PANSAMANTALANG I-BAN SA PINAS

PABOR ang ilang senador na ipagbawal muna ang pagpasok sa bansa ng mga turista mula sa Europe dahil sa bagong strain ng COVID-19 na kumakalat doon. Sinabi nina Senador Grace Poe, Senador Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Joel Villanueva na dapat maging mabilis ang aksyon ng gobyerno upang maiwasan ang muling pagkalat ng virus sa bansa. “The government should act on this matter decisively and promptly. Considering tightening our borders will be for the good of nations concerned to contain the infection. It’s the vaccine that…

Read More

PAGSUSULONG NG DEATH PENALTY BILL, NABUHAY

DAHIL sa nangyaring pamamaril ng isang pulis sa kanyang kapitbahay na mag-ina sa lalawigan ng Tarlac, nabuhay ang usapin ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa mga nasasangkot sa heinous crime. Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, death penalty ang dapat na ipataw kay Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca dahil sa brutal nitong pagpatay sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio. “Yes I saw it already. That rogue cop deserves death penalty,” saad ni dela Rosa. Gayunman, aminado ang senador na hindi niya matantya kung may tsansa nang maipasa sa…

Read More

PACQUIAO TABLADO KAY DIGONG

PATULOY na nagtitiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III kaya’t malabong pagbigyan ang panawagan ni Senador Manny Pacquiao na palitan ang kalihim. “Well, all members of the Cabinet serve at the pleasure of the President po. Sa ngayon po, patuloy pa rin ang pagtitiwala ni Presidente kay Secretary Duque,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Hinikayat kasi ni Senador Pacquiao si Pangulong Duterte na palitan na si Sec. Duque para magkaroon ng comparison sa ibang mamumuno sa Department of Health (DOH) at para aniya maibsan ang…

Read More

PAGHIHIGPIT SA BENTAHAN NG EXPLOSIVES INIUTOS NI PDU30

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na i-monitor ang bentahan ng pampasabog para kontrahin ang mga pag-atake ng teroristang New People’s Army (NPA). Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang NPA, armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay kumukuha ng mga materyales ng pampasabog nito mula sa mining sites. “Karamihan diyan galing sa mina so that may double check tayo ngayon. It must be cleared by the police and…

Read More