OFW NA-MILD STROKE, NAKIKIUSAP NA MAKA-UWI NA SA PILIPINAS

ISANG liham ang aking natanggap mula sa isang OFW na nagmamalasakit sa isang kapwa OFW mula sa bansang Kuwait. Humihingi siya ng tulong para kay Nanay Arsenia Tungol, 66 taon gulang na isang Household service workers sa loob ng mahigit 22 taon. Masasabing hindi na maganda ang kalusugan ni Nanay Arsenia simula ng ito ay na-mild stroke noong Nobyembre 2020. Ngunit kahit na anong kagustuhan ni Nanay Arsenia na makauwi sa Pilipinas, ay hindi niya magawa dahil sa kanyang kinakaharap na travel ban. Diumano ay humiram ng halagang 500 Kuwait…

Read More

PAGBABAYAD NG MGA BILLS, MAS PINAGINHAWA NG BAYAD

HALOS mag-iisang taon na mula nang binalot ng ­pandemyang COVID-19 ang mundo. Tila pansamantalang huminto ang mundo noong mga unang buwan, ngunit kinalaunan ay natutunan at nakahanap din tayo ng paraan na magpatuloy sa buhay sa kabila ng pandemya. Ito ang siyang nagbigay daan sa pagkakaroon ng bagong normal. Hindi lamang mga indibidwal ang umangkop sa bagong normal. Maging ang mga negosyo at mga kumpanya ay nagkaroon din ng bago nitong normal upang makapagpatuloy sa operasyon nito. Kabilang sa mga kumpanyang tagumpay sa pagsabay sa bagong normal ay ang Bayad…

Read More

SC, DOJ COLLAB MAKAKATULONG PARA MARESOLBA ANG PAGPATAY SA MGA ABOGADO, HUKOM

IKINATUTUWA natin ang ginawang hakbang ng Korte Suprema upang tugunan ang patuloy na pag-atake laban sa mga miyembro ng law profession, kabilang ang 56 na miyembrong napatay mula pa noong 2016. Ang pang-56 na nasawi ay si Atty. Winston Intong, na binaril malapit sa kanyang bahay sa Malaybalay, Bukidnon noong nakaraang linggo, isang araw matapos na makipagpulong ang Supreme Court, Department of Justice, at Integrated Bar of the Philippines sa iba pang mga stakeholders tungkol sa isyu – para talakayin ang pangangailangan ng kagyat na hakbang sa usaping ito. Pinasasalamatan…

Read More

Aksyon ng WBA kay Pacquiao, insulto sa Pilipinong mambabatas

NITONG nakaraang Biyernes at Sabado, niyanig ng dalawang malalaking balita ang daigdig ng boking. Una, ipinahayag ng World Boxing News (WBN), sinasabing may ­pinakamaraming bumibisitang independent ­boxing news website, na hindi na nito kinikilala ang World ­Boxing Association (WBA) bilang isang opisyal na nagbibigay ng titulo sa mga bokingero. Hindi ito masyadong nagbigay ng malaking epekto sa boksing sa daigdig dahil ang WBA gaya ng World Boxing Council (WBC), International Boxing Federation (IBF), World Boxing Organization (WBO), at iba pa ay isa lamang sa mga organisasyong nag-gagawad ng pagkiklala o…

Read More

LIVE-IN PARTNER PATAY SA AMOK NA MAGSASAKA

SAMAR – Target ng malawakang manhunt operation ang isang 51-anyos na magsasaka makaraang patayin sa saksak ang kanyang kinakasama habang tatlong iba pa ang nasugatan sa insidente sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Eastern Visayas PNP, kinilala ang suspek na si Liberato Cabubas, naninirahan sa Barangay Moboob, sa bayan ng San Jorge. Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Jennifer Santiago, 40, health worker at residente rin sa nasabing barangay. Lumitaw sa pagsisiyasat, umuwing lasing si Cabubas na bigla na lamang nilapitan ang biktima at pinagsasaksak. Nasugatan…

Read More

BARANGAY CAPTAIN PATAY SA AMBUSH

LAGUNA – Dead on arrival sa pagamutan ang isang barangay captain makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa bayan ng Bay sa lalawigang ito, nitong Linggo. Ayon sa ulat ni Laguna Provincial Police Director, Col. Serafin Petalio kay Calabarzon Police Regional Director, Brig. Gen. Felipe Natividad, kinilala ang biktimang si Barangay Captain Arnold Martinez, 54, ng Brgy. Tranca. Napag-alaman, dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang nag-ikot bandang alas-9:30 ng umaga sa Bitin-Sto. Tomas Road sa Brgy. Tranca. Pagkaraan ay bigla na lamang pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas patungong…

Read More

Niyayang mamitas ng prutas 6-ANYOS GINAHASA’T PINATAY NG LASING

BATANGAS – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 6-anyos na batang babae na matapos halayin ay pinatay ng isang 23-anyos na construction worker sa bayan ng Bauan sa lalawigang ito. Batay sa report ng Bauan Police, natagpuan noong Biyernes ang bangkay ng biktimang si Angel Caguete na walang saplot at nakagapos ng pinagpunit-punit na blouse nito ang mga paa at kamay sa magubat na lugar sa Barangay Sta. Maria. Nakapulupot naman sa leeg nito ang pinunit na maong shorts nito. Ang biktima ay nawala noong Enero 24 at noong Sabado ay…

Read More

DIALYSIS SA PGH SASAGUTIN NG FOUNDATION

MAGANDANG balita sa mahihirap na sumasailalim sa dialysis treatment ngayon dahil ilang araw na lang ay magiging libre na rin ang kanilang hemodialysis sa Philippine General Hospital (PGH). Ayon kay Pitmaster Foundation Inc., Executive Director Caroline Cruz, nakausap na nila ang mga opisyal ng PGH at nagpirmahan na ng memorandum of agreement (MOA) ang dalawang panig hinggil sa pagkakaloob ng libreng dialysis treatment para sa mga nangangailangang pasyente. “Sa kasunduan namin ng PGH, sasagutin ng Pitmaster ang pagpapa-dialysis ng mga mahihirap na pasyente sa kanilang ospital,” ayon kay Cruz. Sinabi…

Read More

Himok sa utility companies WALA MUNANG PUTULAN

SA gitna ng nararanasang pandemya, hinimok ng isang senador ang pamunuan ng mga public utility na magpakita ng malasakit sa maliliit na consumers na hindi pa makapagbayad ng kanilang utang sa nakonsumong kuryente o tubig simula nang magsimula ang panahon ng COVID-19 pandemic, at pag-aralan ang posibilidad na palawigin pa ang kanilang no disconnection policy para sa mga ito. Ang panawagan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ay kasunod na rin nang mga ulat na nakatakdang magputol na ng serbisyo ang ilang public utilities upang mapigilan na lalong mabaon sa utang…

Read More