NANUMPA na na ang ika-46 Pangulo ng Amerika na si Joseph “Joe” Biden at ang kauna-unahang babaing Vice President na si Kamala Harris na ikinatuwa ng mga world leaders na nabanas sa dating Pangulo na si Donald Trump. Ang tanong, ano ang pakinabang ng mga Filipino sa bagong administrasyon ng Amerika sa susunod na apat na tayo bukod sa tulong pinansyal ng bansang ito, hindi lamang sa ekonomiya kundi sa national security forces. Makaaasa ba ang mga Filipino sa bagong administrasyon sa Amerika na mababawi na natin ang mga teritoryong…
Read MoreDay: January 22, 2021
34 taong paghahanap ng hustisya MENDIOLA MASSACRE
(BERNARD TAGUINOD) MAILAP pa rin hindi lamang ang hustisya para sa mga biktima ng Mendiola Massacre, kundi ang ipinaglalabang sariling lupa ng mga magsasaka sa bansa, 34 taon makalipas ang madugong trahedya na naganap sa labas mismo ng Palasyo ng Malacañang. Ito ang itinatangis ng mga militanteng grupo na sumugod sa Mendiola, Manila para gunitain ang ika-34 taong anibersaryo ng Mendiola Massacre kung saan 13 magsasaka ang namatay. “Thirty four (34) years after her brutal death, justice remains elusive and farmers still landless,” ani Zenaida Soriano, national chairperson ng Amihan…
Read MoreDUTERTE NAGPAREHISTRO PARA SA NAT’L ID SYSTEM
OPISYAL nang rehistrado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa National Identification System. Sa katunayan ay sinadya pa ng mga taga-Philippine Statistics Authority si Pangulong Duterte sa Malakanyang. Sa photo release ng Malakanyang, makikita na sumailalim sa biometric information ang pangulo at pagkatapos dumaan sa nasabing proseso ay nag-thumbs up ito. Kasabay naman ng punong ehekutibo na nagparehistro sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go. Agosto 2019 nang lagdaan ni Pangulong Duterte upang maging isang ganap na batas ang Philippine Identification System Act. Tiniyak ng pangulo na mabibigyan…
Read MoreVACCINE PASSPORT IBIGAY NANG LIBRE
HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang Department of Health (DOH) na mag-isyu ng standard vaccine certificate na ipamimigay nang libre sa nabakunahan upang makatulong sa mabilis na pagbabalik sa trabaho ng overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng hanapbuhay sanhi ng pandemya. Sa kanyang manipestasyon sa ginanap na ikatlong pagdinig ng Senate Committee of the Whole hinggil sa vaccination program ng pamahalaan, sinabi ni Poe na dapat walang sisingilin sa sinoman sa pagkuha ng sertipiko na katunayan na may bakuna na. “The standard document that our people will carry as…
Read MoreDOJ, NANINDIGANG ‘GUILTY’ SI DE LIMA
NANINDIGAN ang Department of Justice (DOJ) na “guilty” si Senadora Leila de Lima sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga. Malinaw ito sa matinding pagtutol ng prosekusyon sa paghingi ni De Lima ng “Demurrer to Evidence” at pagbabasura ng kanyang kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205. Isinumite ni De Lima, sa pamamagitan ng kanyang mga abogado, ang nasabing mosyon noong Enero 5. Naniniwala ang senadora na nararapat lamang ibigay ng Muntinlupa RTC ang Demurrer to Evidence at ibasura na ang kasong kriminal laban sa kanya dahil mahina…
Read MoreDALAW SA PRESO, KALABOSO SA SHABU
KALABOSO ang isang lalaki na dumalaw sa kanyang mga kaibigan na nakakulong sa Fairview Police Station 5 ng Quezon City Police District (QCPD), matapos mahulihan ng dalawang sachet ng umano’y shabu noong Huwebes ng gabi Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin ang arestado na si Glen Kevin Zuñiga, 27-anyos, residente ng Brgy. West Fairview. Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi noong Enero 21, si Zuñiga ay dumalaw sa kanyang mga kaibigan na sina Edwin Legarda at Renald Custodio na kasalukuyan na nakakulong sa PS-5 dahil…
Read MoreNawalan ng raket sa pandemya BUHAY TINAPOS NG ENTERTAINER
NAGBIGTI ang isang 21-anyos na entertainer dahil sa matinding depresyon nang mawalan ng raket dahil sa pandemya sa COVID-19, sa inuupahang kuwarto sa Malate, Manila, iniulat ng pulisya kahapon. Kinilala ang biktimang si Joshua Dela Paz, live-in partner, naninirahan sa panulukan ng San Andres at Adriatico street sa Malate. Base sa ulat ni Det. Mark Daniel De Guzman ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-3:47 ng hapon nitong Huwebes nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa kumot sa inuupahan nilang kuwarto. Ayon sa ka-live in, mula nang mag-pandemic, hindi na…
Read MoreQC RESIDENT NAKAREKOBER SA UK COVID VARIANT
INANUNSYO ng Quezon City government nitong Biyernes, ang residenteng nag-positive sa UK COVID-19 variant, ay negatibo na base sa isinagawang pinakabagong swab test. Ayon kay Dr. Rolly Cruz, pinuno ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), ang mga doctor sa quarantine facility kung saan nanunuluyan ang pasyente. ay nagsagawa ng final assessment bago pa man ideklarang fully recovered na ito. “After that, he would be allowed to reunite with his family and reintegrate with the community,” ani Cruz. Ngunit sinabi ni Cruz na mananatili pa rin ang pasyente sa…
Read MoreBULACAN NAKAPAGTALA NG 96% RECOVERY RATE SA COVID-19
LUNGSOD NG MALOLOS- Sa lahat ng probinsiyang nakapalibot sa National Capital Region (NCR), ang lalawigan ng Bulacan ang umani ng mga papuri mula sa pamahalaang nasyunal dahil sa pagkakamit ng pinakamababang infection rate at nakapagtala ng pinakamataas na recovery rate na 96 porsyento at walang namatay sa nakalipas na mga buwan kaugnay ng kaso ng Coronavirus disease o COVID-19. Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando, isang paraan ang disiplina sa sarili na siyang pinakamabisang panlaban sa nasabing nakamamatay na virus habang hinihintay pa ang bakuna. Muling binigyang diin ng gobernador…
Read More