BABAE NAHAGIP NG JEEP, PATAY

CAVITE – Minalas ang isang 35-anyos na babae nang mahagip ng isang pampasaherong jeep sa gilid ng kalsada sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Isinugod sa Gen. Trias Maternity Hospital ang biktimang si Jocelyn Fulgencio ngunit dakong ala-1:30 ng umaga nang ideklara itong patay na. Hawak na ng pulisya ang driver ng ng Isuzu jeepney na may plakang DLH 411, na si Rodrigo Puri, 26-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-12:05 ng madaling araw nitong Sabado nang mangyari ang insidente.…

Read More

3 TULAK TODAS SA BUY-BUST

CAVITE – Patay ang tatlong hinihinalang tulak matapos nakipag-palitan ng putok sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan. Kinilala ang mga napatay na sina Jomarie Hara, alyas “Jojo Muslim”, 24, ng Tropical Village, Pabahay 2000, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City; Reymark Chaves, alyas Mac-Mac, ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite, at Jeffrie Cornejo, alyas Jeff, tinatayang 35-40 anyos, ng Gen. Mariano Alvarez (GMA). Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong ala-1:30 noong Biyernes ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation…

Read More

LOLO NA DADALO SA BUROL, SINUNDO NI KAMATAYAN

CAVITE – Pinaglalamayan na ang 76-anyos na lalaki nang masagasaan ng motorsiklo habang papatawid patungo sa simbahan kung saan ibuburol ang kanyang kamag-anak sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito. Isinugod sa Poblete Hospital ang biktimang si Fernando Catacutan, may asawa, ng Brgy. Taywanak, Ilaya, Alfonso, Cavite ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa matinding pinsala sa ulo, habang hawak na ng pulisya ang driver ng motorsiklo na si Rey Laurio, 36, construction worker, ng Brgy. Taywanak, Ibaba, Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Boyet Soriano ng Alfonso…

Read More

13 PATAY, 7 SUGATAN SA POLICE OPS SA SULTAN KUDARAT

SULTAN KUDARAT – Umabot sa 13 katao ang namatay, kabilang ang isang pulis, habang pito ang sugatan sa isinagawang joint law enforcement operation ng PNP at military sa lalawigang ito, nitong Sabado ng umaga. Target ng police operation ang dating barangay kapitan na si Datu Pendatun Kato Talusan na kasama sa mga napatay, kabilang ang 11 kasamahan nito, ayon kay Maguindanao Police Provincial director, Col. Donald Madamba. Isang pulis naman ang napatay sa insidente na kinilalang si Sgt. Reynel Pido habang apat na kasamahan nito mula sa CIDG-BAR, ang nasugatan,…

Read More

TONY FALCON, AKA AGENT X-44 PUMANAW NA

(CREMA LIMPIN) MARAMI ang nabigla sa pagpanaw ng tinaguriang James Bond ng Pilipinas. Sa edad na 86, tuluyan nang namaalam ang actor na si Tony Ferrer na higit na kilala noon bilang si Tony Falcon: Codename Agent X-44, ang counterpart ni Agent 007 ng Britanya. Sa pagpanaw ni Antonio Laxa sa tunay na buhay, tanging mga “reconstructed films” na lamang niya ang makakapagpakilala sa mga nabibilang sa millennial generation sa tatak ni Agent-X-44. Sumakabilang-buhay si Tony, ngayong Sabado ng umaga (ika-23 ng Enero) sa kanyang tahanan sa Pasig City. Inulila…

Read More

KYUSI PUGAD NGA BA NG MGA KRIMINAL?

PABORITONG pinagtataguan o pugad nga ba ng mga kriminal ang Quezon City? Napansin kasi ng PUNA na halos araw-araw sa press release na inilalabas ng Quezon City Police District (QCPD) ay puro wanted persons ang mga nahuhuli sa area of responsability nila. Lalo nitong pagpasok ng bagong pamunuan ni QCPD Director BGen. Danilo ­Macerin. Marahil sa laki siguro ng nasasakupan nila (Quezon City) na may mahigit isang milyong populasyon at may anim (6) na distrito, ang ­Quezon City ang itinuturing na pinakamalaki at isa sa pinakamayamang siyudad sa buong bansa.…

Read More