Defensor, iba pa nabiktima VELASCO BENGGADOR

(BERNARD TAGUINOD) BIKTIMA ng pambebengga ng bagong liderato sa Kamara sa pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at mga kasamahan nito sa BTS sa Kongreso. Halos ganito ang tumbok ng pahayag ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano matapos matanong sa isang ambush interview sa kanyang reaksyon sa pagsibak kay Defensor, hindi lamang sa chairmanship sa House committee on public accounts kundi sa kanyang vice chairmanship sa 5 pang komite. “Well sabi ko nga hindi panahon ngayon ng pambebengga, hindi panahon ng pamumulitika. Si…

Read More

‘MOTHER TONGUE’ POLICY SA K-12 IPAREREBYU NI GATCHALIAN

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng isang resolusyon upang suriin ng Senado ang pagpapatupad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) o “mother tongue” policy na mandato sa ilalim ng K to 12 Law (Republic Act 10533). Sa inihaing Senate Resolution No. 610 ni Gatchalian, nais ng senador na masuri kung epektibo nga ba ang paggamit sa MTB-MLE sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas simula nang ipatupad ito noong 2012. Ayon sa Senador, ilan sa mga nakitang hamon sa programa ang kakulangan ng textbooks na nakasulat sa mother tongue, pati na…

Read More

RESULTA NG PAGSUSURI SA SINOVAC VACCINE HINTAYIN

NANAWAGAN si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa publiko na hintayin muna ang resulta ng pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA) kung epektibo at ligtas ang anomang bakuna tulad ng Sinovac mula China. Sa pahayag, nilinaw ni Go na idadaan sa matinding pagsusuri ng eksperto ang lahat ng bakuna laban sa COVID-19 tulad ng Sinovac bago ito ipagamit sa publiko kaya nakatitiyak na ligtas ang gamot. Tiniyak din ni Go na bilang chairman ng Senate Committee on health and demography, palagi nitong ipinaaalala sa FDA at kay Vaccine czar…

Read More

KAWANI NG TRIKE REGULATORY BOARD, ITINUMBA

BIÑAN City – Binaril at napatay ng hindi kilalang suspek ang isang miyembro ng Biñan Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB) sa nabanggit na lungsod noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Biñan Police, pauwi galing sa duty ang 44-anyos na biktimang si Jonas Cerdena nang tambangan ito ng suspek, hindi kalayuan sa kanyang bahay sa Barangay San Antonio alas-8:00 ng gabi. Nalagutan ng hininga ang biktima habang isinusugod sa Ospital ng Biñan. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at inaalam ang motibo at mga responsable sa…

Read More

6 DRUG SUSPECTS NILIKIDA SA LAGUNA *2 high value target sa Quezon bumulagta

LAGUNA – Blangko pa ang pulisya kung sino ang mga suspek sa serye ng summary execution sa lalawigang ito, nitong nakaraang linggo, na ang mga biktima hinihinalang mga sangkot sa ilegal na droga. Pinakahuli sa mga biktima ay isang babae at isang lalaki na itinapon ang bangkay sa bangin sa bayan ng Cavinti noong Sabado ng umaga. Base sa pagsusuri ng SOCO, natuklasan na pinahirapan muna ang mga biktima bago binaril na ikinamatay ng mga ito. Hindi pa rin nakikilala ang dalawa na kasalukuyang nakalagak ang labi sa punerarya sa…

Read More

5 TULAK PATAY SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Patay ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang tatlong miyembro umano ng robbery holdup and motornapping gang, makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa buy-bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang mga napatay na sina Avril Castro, 33, binata, ng Brgy. Bagbag I, Rosario, Cavite, isang alyas CJ, at isang ‘di kilalang lalaki at alyas Fritz Malon Florentino ng Hotelier Village, Brgy. Bucandala 5, Imus City, Cavite. Bukod kay Florentino, ang tatlo ay pawang mga miyembro umano ng Bautista robbery…

Read More

Naka-uniporme ng MTPB NANGONGOTONG SA TRUCKERS SA R-10 TIMBOG

ARESTADO ang isang pekeng miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na matagal nang nangingikil sa mga truck na bumibiyahe sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 sa Tondo. Bunsod nito, pinuri ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si MTPB Chief Dennis Viaje at ang Manila Police District (MPD). Iniharap ng alkalde ang suspek na hindi na pinangalanan, habang nakasuot pa ng lumang uniporme ng MTPB. Kasabay nito, nagbabala ang alkalde sa lahat ng traffic enforcers na huwag masasangkot sa iregularidad dahil mahigpit na ipinatutupad…

Read More

VALENZUELA COVID DEATHS UMAKYAT SA 264 *Simbahan nakiisa sa Caloocan LGU sa pagsugpo sa COVID-19

ISA ang namatay dahil sa COVID -19 sa Valenzuela City noong Enero 23, ang ika-264 na binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya. Dalawampu’t isa naman ang bagong nagpositibo sa nasabing sakit sa siyudad at 76 ang gumaling, kaya’t 208 na lamang ang active cases sa lungsod. Sa lungsod naman ng Navotas ay walo ang gumaling, anim ang bagong nagpositibo at 83 ang active cases. Lima ang nakarekober sa COVID-19 sa Malabon City, walang naitalang bagong kaso at 56 ang active cases. Samantala, magtutulungan ang Diocese of Caloocan at…

Read More

510 ILLEGAL ALIENS HULI SA BI NOONG 2020

AABOT sa 510 dayuhan ang nahuli ng intelligence operatives ng Bureau of Immigration (BI), na pawang lumabag sa Philippine Immigration Laws. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang nasabing mga dayuhan ay naaresto sa enforcement operations na isinagawa ng mga ahente mula BI’s Intelligence Division sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sinabi ni Morente, kabilang dito ang maramihang pagkaaresto sa Chinese nationals matapos maaktuhan ang mga ito sa illegal online gaming at cybercrime activities. Subalit, ayon sa BI chief, ang bilang ng illegal aliens na naaresto noong nakaraang taon ay…

Read More