P216-B IPINAGKALOOB NG USAID SA PINAS

TINATAYANG nasa mahigit Php216 billion o katumbas ng ($4.5 billion) ang naipagkaloob ng United States Agency for International Development o USAID sa Pilipinas para isulong ang mga target na pagbabago sa bansa. Kamakailan ay lumagda rin ang US government, sa pamamagitan ng USAID at National Economic Development Authority (NEDA) ng panibagong five-year bilateral assistance agreement na nagkakahalaga ng $150 million para sa pangangalaga ng kalikasan. Sa nasabing kasunduan ay lalong pinalalim ng United States at Pilipinas ang kanilang commitment na pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagsusulong ng sustainable use…

Read More

DISKRIMINASYON TUTULDUKAN

HINDI na maaaring tanggihan ng mga employer ang mga aplikanteng Moro, Katutubo at maging ang mga taong mula sa ibang relihiyon matapos aprubahan ng Kamara ang panukalang batas na nagbabawal na i-discriminate ang mga ito. Sa botong 208 pabor at walang tumutol, lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 8243, o ang “Equality and Non-Discrimination on Race, Ethnicity, and Religion Act.” Inakda ito ng 88 congressmen sa pangunguna nina Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan, Basilan Rep. Mujiv Hamatan, AnakMindanao party-list Rep. Amihilda Sangcopan at iba pa.…

Read More

SOBEJANA, OPISYAL NANG UMUPO BILANG IKA-55 AFP CHIEF OF STAFF

OPISYAL nang iniluklok ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang ika-55 AFP chief of staff si Philippine Army commanding general Lt. Gen. Cirilito Sobejana, kahalili ni outgoing AFP chief Gen. Gilbert Gapay na nagretiro na sa serbisyo. Sa isinagawang Change of Command at Retirement Ceremony ngayong araw sa Camp Aguinaldo ay ginawaran ng pagbati ng Department of National Defense si LTGen. Sobejana sa kanyang panunungkulan ngayon bilang Chief of Staff at chairman of the Joint Chiefs of the Armed Forces of the Philippines. Sa mensahe ni Defense Secretary Delfin Lorenzana: ”…

Read More

P8-B NATANGAY SA INVESTMENT SCAM

LAGUNA – Arestado sa San Pablo City ang isang lalaking kabilang sa isang big time investment scam syndicate na nambiktima sa mga investors ng halos P8 bilyong halaga sa Mindanao. Nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si Dexter Auditor sa San Pablo City, Laguna nitong Huwebes. Ayon kay NBI Laguna District Office chief, Atty. Danilo Daganzo, nakakulimbat ang suspek ng halos P500 milyon mula sa mga investor na pinangakuan ng 400 porsyentong kita sa Tagum Rigen Marketing and Wellness Products na nambiktima sa…

Read More

STEPDAD HULI SA BARIL, NABUKING SA RAPE

BULACAN – Nagkaroon ng lakas ng loob ang isang 18-anyos na dalaga na ipagtapat sa pulisya ang panggagahasa ng kanyang stepfather na nagbantang papatayin siya at ang kanyang ina, makaraang arestuhin ng Paombong Police ang suspek dahil sa pag-ingat ng baril. Base sa report ni P/Major Almer Eustaquio, chief of police ng Paombong Municipal Police Station, kinilala ang suspek na si Eduardo Coronel, residente sa Barangay Pinalagdan, Paombong, Bulacan. Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms dahil sa nakumpiskang baril, at rape dahil sa panggagahasa…

Read More

CHINESE TIMBOG SA DRUG BUST

NASAKOTE ang isang Chinese national sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City Police noong Miyerkoles ng gabi sa isang kilalang commercial complex. Batay sa ulat na inilabas ng Southern Police District (SPD), na pinamumunuan ni P/BGen. Eli Cruz, kinilala ang dayuhan na si Li Hui, kasalukuyang nanunuluyan sa Unit 629, Tower D, Brgy. 76, Pasay City. Ayon sa ulat, nagsilbing poseur buyer ang isang operatiba at nang makabili ng umano’y shabu sa suspek ay kumilos ang mga awtoridad upang ito…

Read More

LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA UST APRUB SA MANILA LGU

APRUBADO na kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang balak ng University of Sto. Tomas na makapagdaos ng limitadong face to face classes para sa kanilang medical, allied health programs. Napag-alaman, inaprobahan ng alkalde ang plano ng pamunuan ng UST sa kabila ng COVID-19 pandemic sa bansa. Ayon kay Moreno, nakipagpulong siya sa UST officials para ipakita at ipaalam kung paano maipatutupad ang health and safety protocols, contingency plan sa mga estudyante at faculty staff upang hindi makapag-develop ng mga sintomas ng COVID-19. Nalaman na isang joint memorandum circular…

Read More

VALENZUELA ACTIVE COVID CASES UMAKYAT SA 181

ISA pang COVID-19 patient sa lungsod ng Valenzuela ang namatay noong Pebrero 3, ang ika-266 na binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya. Kasabay nito, muling lumobo ang active cases sa lungsod na umabot na sa 181 matapos na 31 ang magpositibo sa swab test habang tatlo lamang ang nakarekober. Umabot na sa 9,326 ang tinamaan ng COVID sa Valenzuela at sa bilang na ito ay 8,879 na ang gumaling. Samantala, walang nadagdag sa talaan ng mga COVID positive sa lungsod ng Navotas at pito ang gumaling noong Pebrero…

Read More

EX-POLICEWOMAN HULI SA MALVERSATION

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police district ang isang dating policewoman na wanted dahil sa kinakaharap na kasong malversation, makaraang matiyempuhan sa tinutuluyang bahay sa Soler St., Sta. Cruz, Manila nitong Huwebes ng hapon. Kinilala ni P/Lt. Col. John Guiagui, station commander ng MPD-Station 3, ang suspek na si Evelyn Guerrero Tacadena, 28, dating miyembro ng PNP-CIDG-DSOU sa Camp Crame, at residente sa #1421 Soler St., Brgy. 305, Sta. Cruz, Manila. Batay sa ulat ni P/Major Innocencio Richard Villanueva, bandang ala-1:00 ng hapon nang isagawa ang “Manhunt Charlie” kay…

Read More