IKA-15 ng Marso 2008 ay ipinagdiwang ng bansa ang ika-487 taong pagkakatuklas sa Pilipinas. Nasabing petsa noong 1521 nang nadiskubre ng Portuguese na manlalayag na si Fernando Magallanes ang bansang tinawag na “Perlas ng Silangan.”
Lingid sa kaalaman ng marami, noong tatlong dibisyong kampeon pa lamang si Manny Pacquiao ay sinimulan na niyang gunitain ang napakahalagang petsa sa kasaysayan ng bansa, noong siya ay nasa Las Vegas, ang itinuturing noon pa na boxing capital sa mundo. Dito rin niya nakamit ang kanyang ika-apat na korona, ang WBC super- featherweight.
Ang biktima niya noon ay ang magiging mahigpit niyang kaaway sa ibabaw ng ring na si Juan Manuel Marquez ng Mehiko. Sinupil ng ating kababayan ang mapagmalaking Latino sa nagkakaisang hatol matapos ang 12 round na sagupaan.
Ang naturang pagtutuos ay pangalawa sa apat na beses nilang paghaharap matapos ang kanilang unang laban noong 2004 na natapos sa tabla nang si judge Bert Clements ay nagkamaling iskoran ang unang round ng 10-7, imbes na 10-6 ayon sa 10-point scoring system na ipinatutupad sa boksing kapag napatumba ng isa ang kanyang katunggali ng tatlong beses sa isang round.
Dahil sa maling iskor ni Clements sa unang round, nakapagsumite siya ng kabuuang tablang iskor na 113-113. Sa isang huwes ay panalo si Pacquiao, 115-110, habang wagi si Marquez sa ipa pang hurado, 115-110.
Ganoon pa man, tinanggap ng maginoong Pilipino ang resulta na nagkaloob sa kanya ng pang-apat niyang korona matapos gapiin si Charchai Sasakuk ng Thailand sa walong round, KO rin si Lehlo Ledwaba ng Aprika sa anim na round, at Marco Antonio Barrera, 11-round TKO.
Ang pangalawang laban nina Manny at JuanMa ay una lamang sa dalawa pang laban na natapos sa 12 round.
Ang Mexican-American na si Antonio Margarito ay isa pa sa dalawang nakalaban ni Manny na hindi natulog bago natapos ang 12 round sa makasaysayang pangongolekta niya ng kampeonato sa walong dibisyon.
Lahat ng anim pang tinalo ni Manny, maliban kina Marquez at Margarito, ay pawang tulog nang hubdan niya ng korona – Sasakul, Ledwaba, Barrera, David Diaz, Ricky Hatton at Miguel Cotto.
Naagaw ng Pambansang Kamao ang titulo ng WBC lightweight kay Diaz sa pamamagitan 9th round TKO, IBO/RING junior-welterweight kay Hatton (2 round KO), at WBO welterweight kay Cotto (12 round TKO).

Naagaw ng Pambansang Kamao ang titulo ng WBC lightweight kay Diaz sa pamamagitan 9th round TKO, IBO/RING junior-welterweight kay Hatton (2 round KO), at WBO welterweight kay Cotto (12 round TKO).(EDDIE ALINEA)