40-ANYOS NA TANGKE, SINILIP SA NAVOTAS AMMONIA LEAKAGE

0

ANG mahigit 40-anyos nang tangke ang itinuturong dahilan ng pagsingaw ng ammonia sa TP Marcelo Ice Plant and Cold Storage na kumitil sa buhay ng dalawa katao sa Navotas City noong nakalipas na linggo, nabatid sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Napag-alaman, sa itaas na bahagi ng nurse tank ay may pressure relief valve at patuloy na inaalam kung nagkaproblema ang nasabing valve, ayon sa post-blast investigators.

Sinabi umano ng isang saksi na mahigit apat na dekada na ang nasabing tangke at bukod dito ay nasa labas umano ito kaya’t naiinitan.

Ibinasura ng BFP ang teorya na may naghinang sa tabi ng tangke na siya umanong dahilan ng pag-init nito, pagtaas ng pressure ng ammonia sa tangke at tuluyan nitong pagsabog.

Isasailalim din sa “swab test” ang laman ng tangke upang malaman kung purong ammonia lang ang laman nito at idaraan sa metallurgic examination ang iba pang ebidensya para matukoy ang pinsalang dulot ng kalumaan.

Inaasahang lalabas ang resulta ng pagsusuri sa susunod na linggo. (ALAIN AJERO)

Read More

TRIKE DRIVER PATAY SA TANDEM

0

HINDI na nakarating sa kanyang paboritong mamihan ang isang tricycle driver nang pagbabarilin at mapatay ng magkaangkas sa motorsiklo, sa Caloocan City nitong Huwebes ng gabi.

Agad nagkikisay si Mark Angelo Mamait makaraang apat na beses paputukan ng mga suspek.

Ayon sa ulat, kakain sana ng mami ang biktima matapos na maghatid ng pasahero nang tambangan ng nasabing tandem sa Langit Road, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Walang ideya ang ina ng biktima kung sino ang lumikida at bakit pinatay ang kanyang anak dahil wala naman umano itong kaaway. (ALAIN AJERO)

Read More

P1.3-M SHABU NASABAT SA DATING SUNDALO

0

TINATAYANG P1.3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang retiradong miyembro ng Philippines Marines sa Makati City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rufino Advincula Jr., 53, nadakip sa buy-bust operation sa West Rembo, Makati City.

Nakuha sa nasabing suspek ang walong sachet ng shabu na umaabot sa 200 gramo at tinatayang P1,360,000 ang halaga.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MARINHEL T. BADILLA)

Read More

VALENZUELA COVID CASES UMAKYAT SA 253

0

PATULOY ang pagtaas ng bilang ng active cases ng COVID-19 sa Valenzuela City na umabot na sa 253 noong Pebrero 10, matapos na 40 ang magpositibo sa nasabing nakamamatay na sakit.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), hanggang alas-6:00 ng gabi sa nasabing petsa, umabot na sa 9,558 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Umakyat naman sa 9,035 ang ‘recoveries’ sa lungsod makaraang tatlo ang gumaling.

Nanatili namang 270 ang pandemic death toll sa lungsod. Tatlo ang namatay sa COVID sa Valenzuela noong Pebrero 9.

Sa lungsod ng Navotas, nadagdagan ng 10 ang active cases na huling naitala sa 57, alas-2:00 ng hapon noong Pebrero 10.

Umabot na sa 5,657 ang nagpositibo sa COVID sa lungsod. Sa bilang na ito ay 5,424 na ang gumaling at 176 ang namamatay.

Samantala, ayon sa Malabon City Health Department, tatlo ang nadagdag na confirmed cases noong Pebrero 10 at 6,396 ang positive cases sa lungsod, 96 dito ang active cases. Habang13 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling.

Sa kabuuan ay nasa 6,056 ang recovered patients ng lungsod at 244 ang COVID casualties.

Walang inilalabas na updates ukol sa mga kaso ng COVID-19 ang Caloocan City simula pa noong Nobyembre ng nakalipas na taon. (ALAIN AJERO)

Read More

PINALAKAS AT PINATAPANG ANG AMLA

0

MARAMI-RAMI na ring naipasang batas ang Ika-18 Kongreso.

Kaya, hindi nakaiinis ang mga senador at kongresista kahit mayroong ilan sa kanila ang ikinabubuwisit ng mamamayang Filipino dahil sagad-saring taliwas sa interes at karaingan ng mamamayan ang kanilang isinusulong at ipinaglalaban sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Isa sa mga ipinasa ng ­Kongreso ay ang inamiyendahang Anti-Money Laundering Act (AMLA).

Ayon sa ilang senador, malakas at matapang ngayon ang AMLA.

Malalaman natin sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon kung totoo ito.

Ang layunin ng AMLA ay upang maparusahan ang mga taong sangkot sa paglalaba ng pera, o paglilinis ng perang galing sa ilegal at masamang negosyo at paraan.

Ang mga taong sangkot sa ilegal at masamang negosyo ay iyong pasok sa negosyo ng drug trafficking, smuggling, illegal gambling, human trafficking at iba pang ilegal na negosyo.

Lahat ng mga taong pasok sa negosyong ‘yan ay naglilinis ng limpak-limpak nilang kinita mula sa napakarumi at napakasamang negosyo.

Kaya, siguradong sadyang linalabag nila ang AMLA.

Ngunit, hindi lang ang mga taong ilegal ang negosyo ang lumalabag sa AMLA, kundi maging ang mga negosyanteng lehitimo at ligal ang ­negosyo.

Pokaragat na ‘yan!

Kaya ko nasabing linabag nila ang AMLA ay dahil ­nilalabhan din nila ang kinita nilang pera na sinadya nilang hindi ideklara sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Hindi porke, legal ang negosyo ay literal na legal na kumikita ang negosyo.

Hindi porke legal ang negosyo ay literal na hindi nandadaya sa BIR, hindi dinudugasan ang pamahalaan.

Kasama rin ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kabilang iyong mga nakapuwesto sa iba’t ibang yunit sa mga pamahalaang lokal, ang maaaring sampahan ng kaso dahil sa paglabag sa AMLA.

Kahit ang mga senador at kongresista kung saan dumaan ang pagpapalakas at pagpapatapang ng AMLA ay hindi dapat exempted sa batas na ito.

Kung kumita at ­nagpayaman ang mga opisyal ng pamahalaan at ang mga miyembro ng Kongreso habang nasa puwesto ay nararapat lamang silang habulin, kasuhan, ikulong at parusahan sa krimeng nagawa nila dahil sa paglabag sa AMLA.

Pokaragat na ‘yan!

Dito sa ating bansa ay napakaraming taong ubod nang yayaman dahil sa ilegal nilang negosyo tulad ng drug t­rafficking, illegal gambling, smuggling at iba pa.

Ngunit, bihirang maibalita sa media na hinabol, kinasuhan at ipinahuli sila sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Ngayon, magkakasubukan tayo kung totoo ang ipinagyayabang ng ilang senador at kongresista na malakas at matapang na ang AMLA.

Abangan natin kung makakasuhan hanggang ­tuluyang ‘manirahan’ sa New Bilibid Prison (NBP) ang mga kilalang drug lord mula sa Leyte at Cebu.

Sabi ng pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Wilkins Villanueva, napakarami pang drug syndicate dito sa ating bansa.

Idiniin ni Villanueva na magandang napalakas at napatapang na ang AMLA dahil siguradong magagamit ito laban sa mga pinuno at miyembro ng mga drug syndicate.

Pokaragat na ‘yan!

Abangan natin kung totoo ang inihayag niya.

Malalaman din natin kung gagalawin ngayon ang mga gambling lord sa Ilocos Sur, Pangasinan, Pampanga, ­Bulacan, Rizal, Cavite, National Capital Region at iba pa na napakatagal nang namamayagpag.

Tingnan din natin kung tuluyang masusukol at ibabayahe sa NBP ang mga matitikas pagdating sa katiwalian, korapsyon at pandarambong sa maraming kagawaran at ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), BIR, Department of Health (DOH), Philippine Health ­Insurance Corporation (PhilHealth), Bureau of Immigration (BI), Bureau of

Customs (BOC) at napakarami pang iba.

Pokaragat kayo!

Siyempre, mahirap na trabaho ito dahil nagpakadalubhasa ang mga nabanggit kong nabubuhay at nagpasasa sa maruming pera.

Lahat ng paraan ay matagal na nilang ginagawa upang hindi sila natukoy, matumbok, masukol at mapatunayang nakagawa ng krimen.

Kaya nga, obligadong ­paghusayan din ng mga ­opisyal ng pamahalaan na aatasang habulin at kasuhan ang “money launderers”.

Kung gugustuhin, kung paghuhusayin at kung gagawin ang lahat ng diskarte ay pihadong makapagpakulong ng money launderer at tax evader.

Pero, kung hindi kikilos at matatakot sa kanila, tiyak na patuloy silang mananalo, mamamayagpag at magpapasasa sa napakaraming pera.

Tiyak, walang saysay ang AMLA at iba pang mga batas na kanilang linabag.

Kung ganyan din lang ang mangyayari ay nasayang lang ang pinaghihirapan ng mga senador at kongresista na magpalakas at magpatapang ng mga umiiral na batas laban sa mga masasamang nilalang.

Nasayan lang ang ipinasahod at ibinigay na mga benepisyo sa mga senador at kongresista.

Kung nasasayang ang pera ng pamahalaan na galing sa buwis ng mamamayan, ano pa ang saysay ng pagkakaroon natin ng Kongreso?

Kaya, nararapat lamang na ipatupad ang AMLA laban sa lahat ng mga taong sangkot sa paglalalaba at paglilinis ng maruming pera.

Read More

HOTEL, PINAPATAGAL ANG QUARANTINE?

0

NAGSASAMANTALA nga ba ang mga hotels na ginagamit na quarantine facilities para sa mga paying ­customers?

Ang mga OFWs ay libre ang bayad ng hotel maging ang kanilang pagkain at transportasyon pauwi sa kani-kanilang probinsiya.

Kung dati-rati ay paglabas pa lamang ng eroplano ay kukunan na ang mga pasahero ng kanilang swabtest, sa bagong patakaran ng IATF ay ihahatid na muna sa mga hotel ang mga pasahero at makalipas ng 6 na araw ay saka pa lamang magsasagawa ng swab test.

Ito ay dahil sa report mula sa WHO na ang bagong ­variant ng COVID 19 Virus ay nagpapakitang lakas o pagkahawa matapos ng limang araw na incubation period.

Sakaling mag-negatibo sa swab test ay mabilis na mapapauwi ang mga mga balik-bayan.

At kung sakali naman na mag-positibo ang resulta ng swab test ay agad na itong ipapasa sa pangangalaga ng ­Bureau of Quarantine na kung saan ay ililipat na ang pasyente sa kanilang itinalagang

quarantine facilities. ­Kinakailangan na tapusin ang 14 na araw na mandatory quarantine bago muling isagawa ang panibagong swab test.

Subalit nitong nakakaraang mga araw ay sunod-sunod ang reklamo na aking natatangap mula naman sa mga Overseas Filipinos. Sila yung mga balik-bayan na hindi mga OFW sa ibang bansa.

Hindi sila sakop ng libreng Hotel ng OWWA kung kaya sila ay kailangan na magbayad mula sa kanilang sariling bulsa para sa hotel at pagkain.

Sumbong ng ating mga balik-bayan na mistulang sinasamanta sila ng mga hotel na kanilang binabayaran, dahil kahit na mayroon na silang negative result certificate ng kanilang swab test ay ayaw pa rin silang palabasin ng kanilang mga hotel.

Hinala pa nga nila ay nakikipagsabwatan ang mga taga Bureau of Quarantine upang hindi agad sila makapag-check out dahil sa sila ang malimit na tinutukoy ng mga tauhan ng mga hotel.

Malaking halaga ang araw-araw na bayad sa hotel kung kaya nakikiusap ang mga balik-bayan na iparating sa kinauukulan ang kanilang mga sumbong.

Nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of ­TOURISM (DOT) ang mga hotels na ginagamit bilang ­quarantine ­facilities. Kung kaya ang AKO OFW ay makikipag-ugnayan sa DOT upang silipin ang hinihinalang pagsasamantala ng ilang hotels upang matagal na manatili sa kanila ang mga balik-bayan na sumasailalim sa mandatory quarantine.

Hindi katanggap-tanggap ang ganitong pagsasamantala sa ating mga Kababayan na ang tanging hangarin lamang ay makauwi sa kanilang mga pamilya. Malimit pa nga sa mga nagsisi-uwing balik bayan ay dahil may mga emergencies sa kanilang pamilya.

Ang isyung ito ay aking tututukan at muling paguusapan sa ating programa sa radyo DWDD 1134 KHz na Bantay OFW tuwing Biyernes ng alas-6 ng gabi at sa UP UP Pilipinas tuwing Miyerkoles ng alas 3 ng hapon.

Read More

FOOD PACKS, CASH IBINIGAY SA MGA BINAGYO SA ALBAY

0

UMABOT sa kabuuang P669,285 at 1,300 packs ng relief goods ang inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ginanap na turnover ceremony sa New NDRRMC Building, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City nitong Martes ng umaga.

Tinanggap ni Undersecretary Ricardo Jalad ng NDRRMC ang mga seremonyal na tseke na nagkakahalaga ng P500,000 mula sa Bulacan government at P169,258 na nakolekta mula sa donation drive na tinawag na “Tulong Bulakenyo para sa Nasalanta ng Bagyo” mula Nobyembre 9, 2020 hanggang Enero 11, 2021; at food packs.

Sa kabila ng pagiging apektado rin ng mga nagdaang bagyo, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman at Gob. Daniel R. Fernando na nag-aalab ang pagbabayanihan ng mga Bulakenyo para sa kanilang mga kapwa Pilipino.

“Ito pong mga tulong na inihatid natin sa ating mga kababayan sa Albay ay hindi mula lamang sa Pamahalaang Panlalawigan. Ito po ay pinagsama-samang tulong ng mga Bulakenyo na nagmamalasakit sa ating mga kapatid sa Albay. Tanggapin ninyo po ito kalakip ang aming mga panalangin na sama-sama tayong babangon mula sa unos na pinagdaan at patuloy nating pinagdadaanan sa ngayon,” anang
gobernador.

Pinasalamatan din niya ang mga Bulakenyong indibidwal, grupo at asosasyon na nagbigay ng donasyon sa kabila ng kani-kanilang pagsubok at pangangailangan dahil sa kasalukuyang pandemya. (ELOISA SILVERIO)

Read More

KAHANDAAN SA PAGBABAKUNA SA LAS PIÑAS SINURI NG DOH

0

HANDA na ang Las Piñas City sa nalalapit na pagsasagawa ng malawakang pagbabakuna kaugnay ng inaasahang pagdating ng COVID-19 vaccines sa bansa ngayong buwan.

Ito ay matapos ang pagbisita sa lungsod ng COVID-19 Vaccine Code Team sa pangunguna ni Inter-Agency Task Force (IATF) Chairperson and Department of Health (DOH) Secretary Francisco T. Duque III nitong Pebrero 9.

Tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar kasama si Vice-Mayor April Aguilar, ang grupo na kinabibilangan din nina DOH Regional Director Ma. Paz Corrales, Department of the Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Marcelo C. Morales, Department of Svience and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevarra, Assistant Bureau Director National Barangay Operations Office (NBOO-DILG) Director Debbie T. Torres, CESO V; at iba pang kinatawan ng DOH at Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Iprinisinta naman sa team ni Dr. Juliana Gonzales, ng City Health Office, ang local COVID-19 Situation Report ng Las Piñas City at COVID-19 Vaccination Plan bilang patunay na handang-handa na sa mass vaccination program ang lungsod.
Binigyang-diin ni Mayor Aguilar na ligtas at epektibo ang mga bakunang papasok sa lungsod kaya hinikayat ang mga taga-Las Piñas na makiisa sa vaccination program ng gobyerno lalo na’t inaasahang darating sa bansa ang vaccines ngayong Pebrero. (DAVE MEDINA)

Read More

P5-M PAUTANG SA SAMAHAN NG MEAT VENDORS

0

NAKAHANDA ang Department of Agriculture na magkaloob ng P5 milyong loan para sa mga meat vendors association.

Sinabi ni DA Sec. William Dar, layon nitong matulungan ang mga tindera ng baboy na magkaroon ng sapat na kapital ngayong panahon ng krisis.

Aniya, magsisilbing zero interest ang pautang na ito na bahagi ng loan support program ng ahensya sa mga nagtitinda ng baboy.

Sinabi ni Sec. Dar na naiintindihan ng gobyerno na marami sa mga meat vendor ang naapektuhan ang kita ngayong panahon ng pandemya at nagkaroon pa ng kaso ng African Swine Fever.

Marami rin aniya sa mga ito ang may utang sa mga wholesaler kaya’t umaasa ang DA na makatutulong nang malaki ang loan support program na ito ng pamahalaan. (CHRISTIAN DALE)

Read More