MGCQ POSIBLE SA MARSO

KUMPIYANSA ang Department of Trade and Industry (DTI) na malaki ang positibong epekto sa ekonomiya ng pagsisimula ng vaccination program ng pamahalaan sakali’t dumating na sa Pilipinas ngayong buwan ang COVID-19 vaccine kaya maaring lumuwag na rin ang quarantine classification partikular sa Metro Manila. Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, nakasisiguro siyang muli nitong mapalalakas ang kumpiyansa ng mga konsyumer at kasunod na ang tuluyang pagbabalik sigla ng pagnenegosyo sa bansa. Ani Sec. Lopez, kapag nakita ng publiko na matagumpay ang vaccination plan ng pamahalaan kontra COVID-19, tiyak na magiging…

Read More

PAWNSHOP MUNTIK MATANGAYAN NG P27K

CAVITE – Muntik nang matangayan ng P27,000 cash ang isang pawnshop sa Kawit makaraang may magsangla ng pekeng singsing at hikaw. Bago pa man nakalayo, nahabol ang suspek na si Rosalindo Lojo, nasa hustong edad, ng mga empleyado ng GRJ-Jaro Pawnshop sa Brgy. Tramo, Kawit, Cavite. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Erwin Clerigo ng Kawit Municipal Police, dakong alas-4:30 ng hapon noong Martes nang magsanla ang suspek ng isang set ng gintong hikaw at dalawang pirasong singsing sa halagang P27,000. Nang matanggap ang pera ay agad na umalis ang suspek…

Read More

SUGATANG MIYEMBRO, INIWAN NG NPA

QUEZON – Natagpuan ng mga awtoridad ang isang sugatang miyembro ng NPA makaraang iwanan ito ng kanyang mga kasama matapos ang pakikisagupa sa mga tropa ng gobyerno sa Brgy. San Roque Agro sa bayan ng Catanauan, sa lalawigang ito. Nilapatan ng lunas ng mga tropa ng gobyerno si alyas Marco nang matagpuan ito noong nakaraang Linggo sa nabanggit na lugar. Sinabi ni Captain Jayrald Ternio, tagapagsalita ng 2nd Infantry Division, kabilang si alyas Marco sa grupong nakasagupa ng militar sa Sitio Pung-Uy, Barangay Masaya noong Linggo. “Ganun pala ‘pag wala…

Read More

MAGKAKAPATID NALUNOD SA ILOG

ANTIQUE – Nalunod ang tatlong menor de edad habang nakaligtas ang isa nilang kapatid habang tumatawid sa ilog sa Brgy. Culyat sa bayan ng Valderrama sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng Valderama PNP, kinilala ang mga nalunod na sina Maricel Canja, 17; Maria, 15, at Ruben, 11, habang mapalad namang nakaligtas ang trese anyos nilang kapatid na si Victor. Ayon kay P/Capt. Narciso Sables, hepe ng Valderrama PNP, pauwi na ang apat na magkakapatid sa kanilang bahay ngunit habang tumatawid sa ilog ay biglang rumagasa…

Read More

Alamat ni Manny Pacquiao (Ika-6 na Bahagi) BALIK TANAW: Pacquiao-Marquez 1 at 2

ISANG istorya ng pagbabago ang dalawang unang laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Nagbago kapwa ang ­dalawa sa loob ng halos apat na taong pagitan mula nang sila ay ­unang nagsagupa bilang ­featherweight hanggang junior lightweight kung saan pareho silang ­nagdagdag ng apat na libra. Mula sa isang kilalang halimaw sa ibabaw ng lona gamit ang isang kamay sa kanilang inisyal na pagtatapat kung saan ay pinabagsak niya si Marquez ng tatlong beses sa unang round pa lamang, si Pacquiao ay naging boxer-puncher gamit ang dalawang…

Read More