GLOBE NAGBIGAY NG LIBRENG TAWAG, CHARGING AT WIFI SA MGA RESIDENTENG TINAMAAN NI ‘AURING’ SA TANDAG CITY

0

NAGSIMULA na ang Globe na magbigay ng libreng tawag, charging at wifi sa mga residente ng Tandag City, Surigao del Sur na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Auring.

Ang mga libreng serbisyo ay maaaring matanggap sa Telaje Covered Court, Capitol Road (sa harap ng Capitol Building), Tandag City. Ito ay bukas hanggang Pebrero 23 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Nagsimula ang Globe na ialok ito Pebrero 22, mula ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon. Handa rin ang Globe na magbigay ng mas maraming mga libreng serbisyo sa iba pang mga lugar na apektado ng bagyo kung kinakailangan.

Patuloy ring hinihikayat ng kompanya ang publiko na kumuha ng mga update at balita tungkol sa bagyo mula sa mga awtoridad at mga lehitimong website lamang para maiwasan ang mga fake news.

Bilang tulong, ginawang libre ng Globe ang data access sa website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa http://ndrrmc.gov.ph/ para sa mga customer ng Globe at TM.

Nagbigay rin ang Globe sa pamamagitan ng mga distributor partner nito ng relief packs para sa 200 pamilyang tinamaan ni Auring.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.

Read More

MAHIGPIT NA HEALTH PROTOCOLS PANATILIHIN

0

NANINIWALA si Senador Win Gatchalian na dapat manatili ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa na nasa ilalim ng general community quarantine (GQC) sakaling ipatupad ang mas mababang antas ng quarantine o modified general community quarantine (MGCQ) pagdating ng Marso.

“Kung ako ang tatanungin, sang-ayon ako na mag-MGCQ na tayo. Mayroon na tayong kakayahan at alam na natin ang gagawin kung mayroong nagkasakit o may nag-positive sa COVID-19. Mayroon na tayong kakayanan. Sanay na tayo,” ani Gatchalian.

Ipinunto ni Gatchalian ang kakayahan ng local government units (LGUs) na matugunan ang hamon ng COVID-19 pandemic na nagsimulang manalasa noong nakaraang taon. Dumami na rin aniya ang mga testing center sa bansa pati na rin ang pagkakaroon ng software application program kung saan napadadali na ang contact tracing.

“Ang pinaka-importante dito sakaling mag-MGCQ na tayo ay tuloy pa rin yung social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield. Hindi pwedeng tanggalin yan. Pero pwede nang buksan nang dahan-dahan ang ating ekonomiya dahil isa lang ang gamot para umangat ang ekonomiya natin–buksan natin para pwede nang makapagtrabaho ang marami nating mga kababayan. Pero hindi naman natin pwedeng biglain. Kaya itong MGCQ, mula 50% gawin nating 70% at tingnan muna natin doon kung ano ang epekto,” saad ni Gatchalian. (ERNIE REYES)

Read More

Aksyon ni Marcos sa poll protest tama lang LENI SINOPLA NI TEDDYBOY

0

BINATIKOS ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr. ang napansin niyang kapulpulan ni Bise – Presidente Maria Leonor Robredo hinggil sa pag-uugnay nito sa desisyon ng Korte Suprema sa protestang elektoral ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa kanya at ng mga demokratikong institusyon sa bansa.

Sa kanyang tweet, tumutol si Locsin sa ideya ni Robredo na sinisira ni Marcos ang mga demokratikong institusyon ng bansa nang tumanggi itong tanggapin ang pagkatalo sa halalan.

Sinabi ni Robredo ang kanyang pananaw sa kanyang programa sa DZXL nitong Linggo.

Ani Locsin, dapat lumaban si Robredo kung tingin niyang dinaya sa eleksyon.

Idiniin ni Locsin na isa sa mga “democratic duty” ni Robredo na protektahan ang proseso ng halalan sa bansa laban sa mga sumisira nito.

Ang pagkakaroon ng eleksiyon ay isa sa mga patunay na umiiral ang demokrasya sa bansa.

Ilang oras makaraang ianunsiyo ng tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Brian Keith Hosaka ang desisyon ng mataas na korte bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ibinasura nito ang protestang elektoral ni Marcos laban kay Robredo, agad inihayag ni Atty. Vic Rodriguez na hindi pa nababasa ni Marcos ang kopya ng hatol.

Anang abogado at tagapagsalita ni Marcos, hangad nilang mabasa ang desisyon upang makita nila kung lahat ng aksiyon ni Marcos laban kay Robredo ay ibinasura ng PET, o hindi.

Isa sa importanteng aksiyon ni Marcos ay ang ikatlo na humihiling sa PET ng “annulment of votes” sa tatlong lalawigan sa Mindanao.

Kakaiba at napakalayo nito sa “failure of election” dahil walang
ganitong kahilingan si Marcos sa PET simula pa man nang ihabla niya si Robredo noong Hunyo 2016 sa mataas na korte ng malawakang pandaraya sa eleksyon.

Ang halos limang taong pag-aabang sa desisyon ng Korte Suprema ay malinaw na katibayan na napakataas ng antas ng pagkilala, paggalang at pananalig ni Marcos sa proseso ng eleksyon sa bansa, sa Commission on Elections (Comelec), sa Korte Suprema at sa buong proseso ng protestang elektoral kahit na umabot ito ng halos limang taon, sapagkat dinaanan ni Marcos ang lahat ng ito.

Kahit ganito ang sinapit ni Marcos, partikular sa ponente ng protesta na si Associate Justice Marvic Leonen na kilalang sagad-saring kalaban ng pamilya at mga kaibigan ni Marcos, ay handa pa rin ang dating senador na lumahok sa halalang pampunguluhan sa Mayo 2022.

Tiniyak ni Rodriguez na lalahok si Marcos sa eleksyon sa 2022, ngunit hindi niya inamin kung sa pagkapangulo na ang tatakbuhang posisyon si Marcos.

Ang pangalan ni Marcos ay isinasama sa mga presidential survey kung saan pumangalawa siya sa naunang dalawang sarbey nitong 2020. (NELSON S. BADILLA)

Read More

DIGONG PABOR MAGPATUROK NG SINOPHARM VACCINE

0

MAS pipiliin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maturukan ng China-based drugmaker Sinopharm’s COVID-19 vaccine.

“He (President Duterte) has said that his preference is for Sinopharm,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas pipiliin niya na maturukan ng bakuna mula sa Chinese vaccine manufacturers.

Gayunpaman, hindi siya matuturukan ng Sinovac’s COVID-19 vaccine dahil hindi ito inirerekomenda sa mga senior citizen.

Ang Food and Drug Administration (FDA), na nagbigay ng emergency use authorization sa Sinovac vaccine ay nagpahayag na ang nasabing bakuna ay maaari lamang ibigay sa mga clinically healthy individual sa pagitan ng 18 hanggang 59 taong gulang.

Si Pangulong Duterte ay 75 taong gulang na ngayon.

Matatandaang may mga close-in security detail si Pangulong Duterte na binakunahan ng Sinopharm vaccine noong nakaraang taon sa kabila ng kawalan nito ng emergency use authorization mula sa FDA, na inamin ni Presidential Security Group commander Brig. Gen. Jesus Durante III.

Ang nasabing bakuna ay donasyon lamang umano. (CHRISTIAN DALE)

Read More

CINEMA REOPENING TULOY NA

0

WALANG nakikitang problema si Presidential spokesperson Harry Roque kung muli nang magbukas ang mga sinehan sa Metro Manila.

Pinagbasehan nito ang pagbubukas muli ng sinehan sa mga lalawigan na aniya’y wala namang naiulat na aberya.

“Every other seat” naman aniya ang set-up sa mga sinehan na siyang sistemang ginagawa sa mga probinsiya.

“As we speak po, bagama’t tayo sa Metro Manila ay parang ang hirap isipin na mayroon nang sinehan at mayroon nang mga Time Zone, eh sa mga probinsiya po na under MGCQ ay mayroon na po sila ‘no at pinapatupad naman po nila iyan every other seat din ang upuan nila at mukhang wala naman pong problema,” ayon kay Sec. Roque.

Maging ang mga arcade, ayon kay Sec. Roque ay muli na ring nakapag-o-operate at tanging dito lang aniya sa Metro Manila mahirap isipin na mayroon nang sinehan at mayroon nang libangan gaya ng gaming zones.

Sa kabila na nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) ay una nang napagkasunduan sa Inter-Agency Task Force (IATF) na muling makapagpalabas ng pelikula sa mga sinehan subalit ito naman ay tinutulan ng mga alkalde sa Kalakhang Maynila.

Samantala, sa modified general community qaurantine (MGCQ) guidelines ay sinabi ni Sec. Roque na talagang may mahalagang pagkakaiba na mararamdaman ang mamamayang Pilipino kapag naipatupad na ito.

Una na aniya rito ay ang mass gathering. (CHRISTIAN DALE)

Read More

IMPEACHMENT NI LEONEN IPINATUTULOY

0

(BERNARD TAGUINOD)

KINALAMPAG ng isang mambabatas ang mababang kapulungan ng Kongreso sa mistulang usad-pagong na impeachment case laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Mariano Victor “Marvic” Leonen dahil kahit lagpas na ang 10 session days simula nang iendorso ito ni Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba ay hindi pa ito iniendorso ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco sa House committee on justice.

Sa parliamentary inquiry ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa plenaryo ng Kamara, lumalabas na matagal pa bago iendorso sa nasabing komite ang impeachment complaint na inihain ni FLAGG secretary general Ed Cordevilla laban kay Leonen.

“Gusto ko lang malaman Mr. Speaker, not only for myself but for Honorable Barba, what is the status of the impeachment case filed before the House of Representatives, ” ani Defensor.

Ginawa ni Defensor ang pagtatanong dahil mula nang ihain ni Cordevilla at iendoroso agad ni Barba ang impeachment complaint laban kay Leonen noong Disyembre 7, 2020 ay wala nang narinig sa nasabing reklamo.

Ayon sa mambabatas, malinaw sa Rules of Impeachment ng Kamara na kailangang iendorso ng Speaker of the House ang impeachment complaint na inendorso ng isa o higit pa nilang miyembro sa Justice committee sa loob ng 10 session days.

Inayunan naman ito ni Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla.

“However, we’re only on our 3rd session days as we have not adjourn or we are only adjourned twice before this session day. So we are only on our 3rd session day,” pahayag ni Remulla.

Gayunpaman, sinabi ni Defensor na simula noong Disyembre 7, 2020 ay lagpas na sa 10 session days ang Kongreso.

“I thank the explanation of the Majority leader on that. But I will not debate on it but this impeachment case was filed by Honorable Barba since December. Lumagpas na po tayo sa 10 session days. But I will debate on that. We can look on our record,” ani Defensor.

Si Leonen ay sinampahan ni Cordevilla ng betrayal of public trust at culpable violation of the constitution na kapag umakyat sa Senado, malitis at mapatunayang guilty ay matatanggal ito sa puwesto.

Nag-ugat ang reklamong culpable violation of the constitution dahil sa mabagal umanong pagpapalabas ni Leonen ng desisyon sa mga pending case sa kanyang tanggapan sa Korte Suprema at maging sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) kung saan siya chairman.

Pasok din umano si Leonen sa kasong betrayal of public trust dahil sa kabiguan nitong ihain ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) noong 2004, 2005, 2006, 2007, 2010, 2011 na pagbalewala sa Saligang Batas at Republic Act (RA) 6713 o “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees”.

Read More

Para sa mga makararanas ng negatibong epekto ng covid vaccine P500-B INDEMNITY FUND PINAGTIBAY NG KONGRESO

0

TULAD ng inaasahan, pinagtibay na ang panukalang batas na magpapabilis sa pagbili ng bakuna kasama na ang paglalaan ng P500 billion para ipagamot at kompensasyon sa mga makararanas ng negatibong epekto ng COVID-19 vaccines.

Sa botong 225 pabor, walang tumutol at 6 naman ang hindi bumoto o nag-abstain, tuluyang pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8648 na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ay agad itong isasalang sa ikatlo at huling pagbasa.

Ang orihinal na layon ng nasabing panukala ay payagan ang mga Local Government Unit (LGU) na bumili nang direkta sa mga vaccine manufacturer ng mga bakuna upang mapabilis ang proseso.

Sa pinagtibay na panukala, maaaring tumanggap ng donasyong bakuna ang mga LGU mula sa pribadong sektor o bumili ng katumbas ng 50% sa kanilang populasyon subalit ipinagbabawal sa mga ito na bumili sa mga hindi otorisadong vaccine dealers maliban lamang sa mga direct manufacturer.

Maari rin bumili ang pribadong sektor ng mga bakuna subalit kailangang makipag-ugnayan ang ito sa Department of Health (DOH) at National Task Force at ang bibilhing bakuna ay kailangang gamitin sa kanilang mga empleyado at bawal ibenta.

Malilibre naman sa kaso o pananagutan ang mga public official, employees, contractor, volunteers at mga kinatawan ng private sector at maging ang mga vaccine manufacturer kapag may nangyaring masama sa mga taong kanilang binakunahan.

Gayunpaman, hindi pababayaan ang mga magkakaroon ng negatibong epekto sa bakuna dahil naglaan ang mga mambabatas ng P500 billion ng Indemnity fund.

“The COVID-19 National Vaccine Indemnity fund which shall be administered by the PhilHealth, is hereby establish to compensate any person inoculated through the COVID-19 vaccination program, in case of death, permanent disability or hospitalization confinement for any SAE,” ayon sa panukala.

Hindi itinakda sa nasabing batas kung magkano ang ibibigay na kompensasyon sa mga magkakaroon ng negatibong epekto sa COVID-19 vaccines dahil pagpapasyahan ito sa gagawing Implementing Rules and Regulations (IRR) subalit maaaring maghain ang sinoman ng indemnity sa loob ng 5 taon simula nang mabakuhanan ito. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

MGA REKLAMO VS DITO PINAIIMBESTIGAHAN SA KONGRESO

0

HINILING ng isang kongresista na miyembro ng tinaguriang ‘Balik saTamang Serbisyo’ bloc ang pag-iimbestiga sa dumaraming reklamo laban sa DITO Telecommunity Corp.

Ayon kay dating Deputy Speaker at Laguna 1st Dist. Rep. Dan Fernandez, hindi maaaring magpikit-mata ang Kamara sa umano’y hindi matapos-tapos na sumbong at akusasyong paglabag sa batas, kasama na ang paglabag sa karapatan ng ilang homeowners’ association sapul nang mabigyan ng permit to operate ng pamahalaan ang DITO bilang third telco player ng bansa.

“Mula sa hindi pa masagot na isyu na may banta sa ating national security itong network rollout nila, paglabag sa ilang mandato ng local government units (LGUs) at barangay at reklamo ng iba’t ibang komunidad, masasabi nating seryoso at dapat lang masiyasat ng Kongreso ang mga reklamong ito laban sa DITO telco,” tahasang sabi ni Fernandez.

“As soon as possible, I will file a resolution to formally ask the House leadership to direct the appropriate committee, which is most likely the committee on information and communications technology, to immediately conduct an investigation,” dagdag pa ng Laguna lawmaker.

Sinabi ni Fernandez na dahil nagkukumahog na ang DITO na maabot ang target na 1,600 cell towers bago ang commercial rollout nito sa Marso 8, maaaring nagiging bara-bara na ang kompanya, na kahit lumabag sa batas, huwag lang sumablay sa deadline sa kanila ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

“Sa Bayanihan Law 2, particularly under Sec, 6.8.2 of its Implementing Rules and Regulations (IIR), dalawa na nga lang ang requirements, na dapat mayroong building permit in accordance to the National Building Code at height clearance from the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa construction, installation, operation, etc. ng telecom and internet infrastructures. Kaya sana naman itong DITO Telco huwag maging pasaway, ipakita nila na worth it sila na mabigyan ng Certificate of Public Convenience and Necessity at may respeto at sumusunod sila sa ating batas,” ayon sa kongresista.

Ibinigay na halimbawa ni Fernandez ang napaulat na pag-iisyu ng Office of Building Official ng Bacolod City ng 1st Notice of Violation sa DITO dahil sa umano’y illegal construction ng cell site sa Purok Himaya, Brgy. Alijis o paglabag sa Section 301 ng Presidential Decree 1096 o ang National Building Code of the Philippines.

Nauna rito ay inalmahan ng mga residente ng Purok Himaya, gayundin ng Purok Paghigugma sa Brgy. Alijis din, ang pagtatayo ng cell tower ng DITO sa kanilang lugar kung saan naghain pa sila ng petition letter sa City Council na humihiling ng pagpapatigil sa nasabing konstruksiyon ng cell site.

Noong nakaraang Disyembre ay nagsampa naman ng reklamo ang Malabon City government sa City Prosecutor’s Office laban din sa third telco player dahil sa pagtatayo rin ng cell site sa Brgy. Tinajeros na walang kaukulang permit.

Bago ang pormal na paghahain ng reklamo, tatlong beses umanong inisyuhan ng notices ng Malabon LGU ang kompanya subalit binalewala lamang ito kaya kinasuhan na ito.

Kasong paglabag din sa PD 1096 o ang National Building Code of the Philippines ang inihain laban sa DITO personnel na sina Engineers Hue Jidong at Jockey Mediola at anim na iba pa.

Read More

BAON SA UTANG

0

KAPAG ang isang pamllya ay baon sa utang, ang kasunod nun ay paghihirap dahil tiyak na iilitin ng bangko na kanilang pinagkakautangan ang kanilang mga ari-arian para sila makabayad kahit konti.

Kaya kinakabahan ako sa pagkakabaon natin sa utang dahil tinatayang aabot sa mahigit P13.7 Trillion ang iiwanang utang ng Duterte administration na sasaluhin ng sinumang mananalong Pangulo sa 2022.

Ngayong taon ay tinatayang aabot sa P11.98 Trillion ang utang ng Pilipinas at magiging P13.7 Trillion sa 2022 kaya kung may 110 Million ang populasyon ng Pilipinas, nangangahulugan na ang bawat isa sa atin ay may utang na P127,000.

Lalo tayong nabaon sa utang dahil sa pandemya sa covid-19 na itinago ng China kaya kumalat sa buong mundo na naging dahilan ngayon nang paghihirap ng mga bansang labis na naaapektuhan kasama na ang Pilipinas.

Hindi pa naipapanganak ang susunod na henerasyon, mayroon na silang babayarang utang mula sa buwis na kanilang binabayaran sa gobyerno kapag sila ay nakapagtrabaho na.

Tiyak na lolobo pa ang mga utang na ito dahil malamang sa hindi ay mangungutang ulit ang susunod na gobyerno para makabangon ang bansa sa pandemyang ito.

Mangangahulugan din ito na sa mga susunod na mga taon at henerasyon, lalong tataas ang buwis na babayaran ng mga Filipino upang makabayad sa mga pagkakautang na ito.

Walang ibang pagkukunan ng pambayad sa utang na ito kundi sa buwis dahil bukod sa principal na utang ay kailangang magbayad ang gobyerno ng interes na maliit lang naman ang porsyento pero dahil trilyon-trilyon ang pinag-uusapang utang ay napakalaki na nito.

At dahil palaki ng palaki ang utang, palaki ng palaki rin ang binabayarang buwis ng mamamayan kaya malaking dusa ito sa mga susunod na henerasyon ng ating lahing kayumanggi.

Ngayon pa lamang ay ramdam na ramdam na natin ang utang na ito dahil napakaraming sistema ng pagbubuwis ang isinusulong sa ­Kongreso na dagdag pabigat sa ­ating mga ordinaryong tax payers.

Unang nadagdagan ang krus na pasan natin sa ating balikat noong ipatupad ang Tax Reform ­Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law noong Enero 1, 2018 na kunwari ay binawasan ang buwis sa ating income tax return (ITR).

Pero ang balik noon ay pagpapataw naman ng mas mataas na buwis sa mga produktong petrolyo at yung mga exempted noon sa Value Added Tax (VAT) ay pinatawag na buwis.

Kasama rin sa mga nagkaroon ng dagdag na buwis ang mga pagkain na yung unang P250,000 na inilibre sa buwis mula sa ating kita taon-taon ay wala ring silbi dahil binabawi sa atin ng higit pa.

Inilibre nga sa buwis ang mga minimum wage earners pero yung nalibre nilang buwis ay hindi naman nila naipon dahil lalong tumaas ang presyo ng pagkain at serbisyo publiko. Naisahan tayo.

Hindi titigil ang mga economic managers ng gobyerno kahit sino pa ang uupo dyan sa Malacanang sa pagpapataw ng mas malaking buwis sa mga susunod na mga tao dahil kailangang sumunod sila sa dikta ng mga nagpautang sa atin.

Hindi tayo kasi pauutangin kung walang katiyakan sa pagkukunan natin ng ating ibabayad sa kanila kaya sa ayaw at sa gusto ng mga economic managers, kailangan nilang magsulong ng mga karagdagang buwis.

 

Read More