Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika 8 Bahagi) MAS MASAKIT NA PAGKATALO KAY BRADLEY

0

WALONG taon makaraang mabigong mahubaran ng korona si Juan Manuel Marquez sa kanilang una sa apat na pagtutuos, napagkaitan na naman ng panalo ang idolo ng mga Pilipinong si Manny ­Pacquiao nang siya ay mapatalsik bilang kampeon ng WBO welterweight, muli dahil sa maling hatol ng mga huwes.

Noong tablahan siya ni Marquez sa una nilang sagupaan, mas higit ang pagkabigla ni Pacquiao at libo-libong nasa loob ng MGM Grand Arena sa Las Vegas at milyon pang nanood sa telebisyon nang ang kamay ng Amerikanong si Timothy Bradley ang itinaas ng reperi matapos ang 12 round na sagupaan.

Mas masakit na karanasan ang natikman ng ating si Manny sa labang idinaos noong Hunyo 9, 2012 sa dahilang matapos ang madugong paghaharap, wala na ang 147 librang koronang nakapatong sa ulo niya mula pa noong Nobyembre 14, 2009.

Sa nabanggit na petsa nakuha ng Pambansang Kamao ang sinturon sa pamamagitan ng 12 round TKO.

Sobrang sakit dahil halos lahat ng mga nakasaksi sa laban, maliban sa tatlong hurado na tinawag ni Top Rank top honcho Bob Arum na “Three Blind Mice,” ay naniwalang si Pacquiao ang tunay na nagwagi.

“I’ve never been as ashamed in the sport of boxing as I am tonight,” pahayag ni Arum ­matapos ang resulta ng laban sa gitna ng sigawan ng mga nanood, na gaya niya ay hindi sumangayon sa kinalabasan ng desisyon.

Ang mga huwes na sina ­Duane Ford at C.J. Ross ay kapwa humusgang si “Desert Storm” ang nangibabaw sa score na 115-113. Si Judge Jerry Reese ay bumoto para kay Pacquiao sa mas malaking lamang na 117-111.

Punching stats ay nagpakitang mas maraming pinatama si Pacman, 253 kontra sa 159 lamang ng kalaban. Ang Compubox stats ay nakapagtala ng mas marami ring patama ni Pacquiao sa 10 at 12 round.

Katunayang bugbog sarado ang Amerikano ay ang ­huling paglabas ni Bradley sa ­kinaugaliang post fight interview sa media. Lamog ang mukha niya at nakasuot ng salaming may kulay para itago ang maga niyang mga mata at nakasakay sa wheelchair dahil sa pilay sa paa na resulta ng pagiwas sa malalakas na suntok ni Manny sa buong laban.

Bukod sa pag-boo ng mga manonood, katakot-takot na puna rin ang ibinato ng media sa naging desisyon ng mga huwes.

Tinawag ng mga eksperto ang desisyon na isang halimbawa ng korapsyong umiiral sa sport ng boksing. Ang ESPN.com ay umiskor ng 119-109 pabor kay Manny. Halos lahat ng media sa ringside ay pumanig din kay Pacquiao.

Makaraan ang apat na araw, bilang tugon sa mga negatibong puna, si WBO president Francisco “Paco” Valcarfcel ay bumuo ng lima-kataong lupon ng mga independiyenteng hurado na nagkakaisang nanindigan na dapat ay si Pacquiao ang ipinahayag na nagwagi sa botong 117-111, 117-111, 118-110, 118-112 at 118-113.

At sapagkat ang WBO ay walang kapangyharihang baligtarin ang resulta, si Bradley ay nanatiling kampeon ng welterweight hanggang sa mabawi ito ni Pacquiao mismo sa kanilang pangalawang paghaharap.

Read More

VACCINATION BILL APRUBADO SA SENADO

0

TULUYAN nang pinagtibay ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukala na magpapabilis sa pagbili at administrasyon ng bakuna laban sa COVID-19 para sa mamamayang Pilipino.

Sa botong 22 pabor, inaprubahan ng Senado sa hybrid plenary session ang Senate Bill No. 2057 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

Sinabi Senador Sonny Angara, chairperson ng Committee on Finance at isponsor ng panukala, na mapabibilis nito ang pagbili at administrasyon ng COVID-19 vaccines upang wakasan ang pandemya nang mas maaga at simulan ang pagpapasigla sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Pinagsama sa SBN 2057 ang SBN 2056 o ang Vaccine Indemnification Fund bill na inawtor ni Senate President Vicente C. Sotto III, na konsolidasyon ng panukalang batas at resolusyon nina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel “Migz” F. Zubiri, Sens. Angara, Pia Cayetano, Imee R. Marcos, Grace Poe, at Ramon Bong Revilla Jr.

Sa sponsorship speech, sinabi ni Angara na layunin ng panukala na mapabilis ang pagbili ng administrasyon ng bakuna sa pamamagitan ng mga sumusunod na programa:

• By authorizing the Department of Health (DOH) and the National Task Force against COVID-19 to undertake negotiated procurement of COVID-19 vaccines and the needed supplies and services for their storage, transport and distribution;

• By allowing provinces, cities, and municipalities to purchase COVID-19 vaccines and needed supplies and services;

• By allowing private entities to purchase vaccines subject to similar restrictions and conditions set for local government units and only for the sole and exclusive use of these private entities;

• By exempting from customs duties, value-added tax, excise tax, donor’s tax and other fees and charges levied on the procured COVID-19 vaccines and the necessary supplies for their storage, transport and distribution.

“Through the aforementioned steps, we hope to break down some regulatory barriers. We hope to free up some resources and empower as many government instrumentalities as we can towards the fast procurement and expeditious roll out of COVID-19 vaccinations,” ayon kay Angara.

Ayon pa kay Angara, kabilang sa panukala ang safeguards tulad ng awtoridad na ibinigay sa Health Technology Assessment Council (HTAC) na magbigay ng rekomendasyon sa Department of Health at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hinggil sa COVID-19 vaccines.

Naglaan din ang Senado ng halagang P500 milyon indemnity fund na gagamitin upang bayaran ang taong nabakuhan na makararanas ng seryosong epekto o side effect, o mamamatay. Kukunin ang pondo sa Contingent Fund at pamamahalaaan ng PhilHealth.

“The bill also mandates the issuance of COVID-19 vaccination cards, which could be digital or printed, to serve as record of all COVID-19 vaccinations received,” ayon kay Angara. (ESTONG REYES)

Read More

DUTERTE INIUTOS ANG AGARANG PAMAMAHAGI NG LUPA SA REBEL RETURNEES

0

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang gabinete na bilisan ang pamamahagi ng lupain sa rebel returnees.

Sa virtual presser ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay sinabi nito na nakatakdang mamahagi ang pamahalaan ng 6,406.6 ektarya ng lupain sa mga dating rebelde.

“Gusto natin mapabilis ang pag-distribute nito. Alam nating napakalaki ng role nito para sa ating peace efforts,” ayon kay CabSec Nograles.

Nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kanyang Gabinete, Lunes ng gabi.

Magugunitang, noong nakaraang linggo ay nagbigay ng amnestiya si Pangulong Duterte sa ilang miyembro ng mga rebeldeng grupo.

Batay sa Proclamations No. 1090 to 1093 na nilagdaan ng Pangulo nitong Pebrero 5, binigyan ng kapatawaran ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF); Moro National Liberation Front (MNLF); Rebolusyonaryong Partidong Manggagawang Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade Tabara Paduano Group (RPMP-RPA-ABB); Communist Terrorist Group.

Kabilang sa sakop ng amnestiya ang mga krimen tulad ng rebellion o insureksyon, Conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection; Disloyalty of public officers or employees; Inciting rebellion or insurrection; sedition; conspiracy to commit sedition; Inciting to sedition; Illegal assembly; Illegal association; Direct assault at indirect assault,

Gayundin ang resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person; Tumults and other disturbances of public order; Unlawful use of means of publication and unlawful utterances; Alarms and scandals; Illegal possession of firearms, ammunition or explosives kung saan kapag ginawa ang kirmen ay may kaugnayan sa krimen o insureksyon.

Kabilang din dito ang mga nakaditine at mga nasasakdal dahil sa krimeng political na paniniwala, su­balit hindi saklaw ang mga nakasuhan sa ilalim ng Human Security Act of 2007 o Anti Terror Act of 2020.

Hindi kasama sa amnestiya ang mga may kasong kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism at iba pang labag sa Revised Penal Code, paglabag sa comprehensive Dan­gerous Drugs Act of 2022 at ang mga kasong kinilala ng United Nations bilang paglabag sa huma­nity tulad ng giyera, torture at paglabag sa karapatang pantao. (CHRISTIAN DALE)

Read More

DUTERTE NAG-INSPEKSYON SA PINSALA NG BAGYONG AURING

0

NAGSAGAWA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Tandag, Surigao del Sur.

“Weather-permitting, the President intends to visit para mabilis din iyong aksyon kapag may nakita siya na mga gaps or kailangan pang gawin over and above what is already being done by government,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Based on the briefing and the reports and his visual observation on the ground ay magbibigay naman po ng mga direktiba si pangulo. Abangan na lang po natin,” dagdag na pahayag ni CabSec Nograles.

Base sa situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council “as of Tuesday afternoon”, naapektuhan ni bagyong Auring ang mahigit 121,000 indibiduwal sa Region 10, 11 at Caraga.

Sa nasabing bilang, 77,811 katao ang dinala sa evacuation centers.

Nag-iwan naman ng limang flooding incidents at anim na landslides ang bagyong Auring sa Regions 5,7, 8 at 11. (CHRISTIAN DALE)

Read More

KALIGTASAN MAS PAHALAGAHAN KAYSA PAGLULUWAG SA NEGOSYO

0

DAPAT manaig ang pagtiyak sa kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino mula sa banta ng coronavirus 2019 (COVID-19).

Ito ang binigyang-diin ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso bagaman sinusuportahan umano niya ang unti-unting pagbubukas ng mga negosyo upang maibalik sa normal ang paghahanapbuhay ng marami at iba’t ibang economic activities.

Giit ni Deputy Speaker for Trade and Industry at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, sa inaasahang pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines at agarang pagtuturok nito, dapat tandaan ng lahat na hindi pa rin nito ginagarantiyahan na magiging ligtas na ang sambayanan mula sa naturang nakamamatay na sakit.

“It is better to err on the side of caution because should another surge in cases occur, we might needlessly flood our almost in full-capacity hospitals to the detriment of the whole health care system,” sabi pa ng Valenzuela City lawmaker.

“We have to ensure that the COVID-19 cases in the country first stabilize to manageable levels before we began easing quarantine restrictions nationwide,” dugtong niya.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag bunsod na rin ng tila pagtatalo ng mga health expert at government economic managers hinggil sa nararapat na ipatupad na quarantine restrictions sa iba’t ibang lugar sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Matatandaan na inirekomenda ng National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa mas mababang paghihigpit na modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa pagpasok ng Marso at nais din ng ahensiya na ibaba ang age restrictions sa mga papayagan lumabas ng bahay, pagluluwag sa public transport operations at pagkakaroon ng face-to-face classes sa itinuturing na ‘low risk areas’.

Subalit kinontra at nagbabala naman dito ang UP-OCTA Research sa pagsasabing ngayong unti-unti na rin dumarami ang kaso ng mas nakahahawang COVID-19 variants sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng maluwag na quarantine restriction lalo na sa highly-urbanized areas gaya ng Metro Manila ay magreresulta lamang sa paglaganap o paglobo pa ng bilang ng mga maaaring magpositibo sa nasabing sakit.

Kaya naman ang panawagan ni Gatchalian, unahin ang kalusugan at kaligtasan ng taumbayan at gawing balanse ang pagnanais na muling palakasin ang ekonomiya ng bansa sa kaparaanang hindi malalagay sa peligro ang publiko. (CESAR BARQUILLA)

Read More

IMPLEMENTASYON NG BATAS SA MGA PAPUTOK, DAPAT I-EVALUATE

0

IGINIIT ni Senador Joel Villanueva na kailangan nang magsagawa ng ebalwasyon sa pagpapatupad ng batas kaugnay sa pagbebenta, paggawa, distribusyon at paggamit ng firecrackers at iba pang pyrotechnic devices.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Villanueva na sa unang pagsusuri ay may problema sa pagapapatupad ng batas na posibleng dahilan kung bakit may ilang manufacturer ang hindi sumusunod dito.

“We are here to listen and to help in any way we can. Hopefully, the PNP could provide us information on how we are doing with the implementation of RA 7183, because at the end of the day, even if we pass another law, it still will not be effective if we will not implement it properly,” saad ni Villanueva.

Samantala, naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na kinukunsinti ng ilang lokal na opisyal at enforcers ang ilang backyard producers na nagbebenta ng unlicensed fireworks.

“The standards are supposed to make the firecrackers safe or the manufacturer of firecrackers safe? Tama po ba?” tanong ni Gatchalian kay Trade Undersecretary Ruth Castelo sa pagdinig sa Senado.

“So if that’s the case, how come we still have a lot of accidents? Because if we have standards to make products safe for our consumers to use, so why then do we have accidents every New Year?” dagdag na tanong ng senador nang sumagot si Castelo nang oo.

Sinabi ni Castelo na ilang backyard producers ng paputok ay walang approval mula sa DTI.

“Well obviously Usec, we all know that it’s being tolerated by the local officials as well as the local enforcement agencies there. Because we all know that if they don’t have any licenses or certifications, they can’t operate, they should be closed down,” diin ni Gatchalian. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

PROTEKSYON NG FOOD DELIVERY RIDERS, ISINUSULONG

0

NANAWAGAN si Senador Lito Lapid sa kanyang mga kasamahan sa Senado na aprubahan ang kanyang panukala na nagsusulong ng proteksyon sa mga delivery rider ng pagkain.

Sa kanyang Senate Bill 1677 o ang proposed Food and Grocery Delivery Services Protection Act, nais ni Lapid na bigyang atensyon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kaso ng cancellation ng food deliveries na kadalasang pinababayaran sa mga rider.

Binigyang-diin ni Lapid na maraming cusyomer ang tumangkilik sa food deliveries dahil sa pandemya.

“Ito ay napapanahon at maraming nanloloko sa ating mga consumer lalong-lalo na itong mga driver. Hindi naman pala totoong umo-order, kawawa naman. Napeke sila, ititinda na lang sa mga kanto-kanto para mabili,” diin ni Lapid.

“Siguro dapat mabigyan ng pansin ito dahil ang mga Grab rider natin ay kawawang-kawawa naman sila. Sila ay naghahanap-buhay at kokonti lang ang kinikita,” dagdag nito.

Bilang tugon, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na nagpalabas na sila ng mga advisory sa publiko upang resolbahin ang mga insidente.

“We made advisories to make sure to take screenshots of the calls that were made or the text messages that were sent to them by the purported buyer.

Tapos if they are willing and ready to execute a sworn affidavit to this effect, they can bring it to the DTI,” paliwanag ni Castelo.

Sinabi naman ni Grab spokesperson Nicka Hosaka na simula noong August 2020, nagpatupad na sila ng polisiya na hindi na kailangan ng mga rider na mag-advanced payment.

“Nag-start kami, gradual yan, wherein our merchant partners or yung mga restaurants, diretso na ang payment sa kanila ng mga nag-oorder, wala nang nilalabas na pera ang ating mga riders,” saad nito.

“In fact, in the event merong, for example, hindi nag-claim ng kanilang order or yung tinatawag natin no-show, itong mga users na ito ay nagkakaroon sila ng penalty because we acknowledge, iba talaga yung service na ginagawa ng ating mga rider-partners,” dagdag pa ni Hosaka.

Binigyang-diin naman ni FoodPanda public affairs manager Rose Romero na hindi nila pinagbabayad ng cash ang mga rider sa order ng customer.

“Sa Food Panda, the system is we have an established device that is provided to our partner establishments and yun ang kumukuha ng orders na binibato ng app from customers. From there, diretsong pine-prepare. So hindi na kailangan pumunta ng rider doon para mag-order or even magbayad,” paliwanag nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

INDUSTRIYA NG PAPUTOK HIHIGPITAN NG SENADO

0

INIHAYAG ni Senador Roland “Bato” Dela Rosa na mas hihigpitan ng Senado ang regulasyon sa pagbebenta, pagmamanupaktura at paggamit ng anomang uri ng paputok upang mas maging epektibo ang umiiral na batas.

Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, sinabi ni Dela Rosa na sa kabila ng pagkakaroon ng ilang panukalang batas na may titulong “total ban”, ay wala pang panukala na nakasalang ngayon na naghihimok na tuluyang ipagbawal ang paggawa, pagbebenta o paggamit ng paputok.

Kasunod nito, ipinakita ni Dela Rosa sa komite ang ilang larawan ng mga doktor at nars sa mga pagamutan na gumagamot sa mga biktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon kabilang ang mga bumbero na inaapula ang sunog sanhi ng paputok.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit naisabatas ang Republic Act 7183. “It was enacted to regulate the sale, manufacture, distribution and use of firecrackers and other pyrotechnic devices to ensure public safety, as well as for the ‘enhancement of cultural traditions’.”

“While this may be a good piece of legislation, there have been several appeals to Congress to revisit the twenty-eight (28) year old law, that it should effectively serve its purpose. Public health, public safety and environmental issues surround the proposed amendments to the law,” ayon kay Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na noong unang taon ni Pangulong Duterte sa Palasyo, ipinalabas ang Executive Order No. 28 na pinapayagan ang paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic devices sa inilaang lugar ng local government units (LGUs) na pamumunuan lamang ng sanay at propesyunal.

“On the other hand, we are not discounting the role of firecrackers and other pyrotechnic devices in our Filipino tradition of celebration and festivities. Kaya naman po, ang mga panukala natin sa araw na ito ay nagmumungkahi na magkaroon ng designated place at trained individuals na magpapaputok nang ligtas. Katulad po ito ng taunang ginaganap na Philippine, International Pyromusical Competition na sinasalihan ng major fireworks makers galing sa iba’t ibang bansa,”ayon kay Dela Rosa.

Iginiit pa ni Dela Rosa na habang isinusulong ng komite ang epektibong regulasyon sa paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic device, hindi dapat kalimutan ang mga manggagawa na nakadepende sa pagbebenta nito. (ESTONG REYES)

Read More

Sa ‘half-baked’ EUA sa Sinovac PUBLIKO LALONG TINAKOT NG FDA

0

INILARAWAN ni House minority leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano na “half-baked” ang inisyung Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Sinovac.

Bukod dito, lalo lang umanong nagdulot ng pangamba sa publiko ang mga deklarasyon ng FDA kaugnay sa pagiging epektibo ng nasabing bakuna.

Ginawa ni Paduano ang pahayag matapos sabihin ni FDA director general Eric Domingo, na bagama’t aprubado na ang EUA ng Sinovac ay hindi ito inirerekomendang gamitin sa medical frontliners at mga senior citizen dahil sa mababang efficacy nito.

“This only indicated that the EUA issued to Sinovac was half-baked,” ani Paduano kaya dapat aniyang linawin ito ni Domingo sa lalong madaling panahon dahil posibleng tanggihan ng publiko ang nasabing bakuna.

Nalito umano ang mambabatas dahil sinabi ni Domingo na base sa pag-aaral sa naturang bakuna, ito ay 91% ang efficacy sa Turkey, 65.3% sa Indonesia subalit sa Brazil ay umaabot lamang ng 50.4% subalit inisyuhan pa rin ito ng EUA kasabay ng babala na hindi ito puwedeng gamitin sa medical frontliners.

Dahil dito, posibleng lalong matakot aniya ang publiko na magpabakuna lalo na kung ang Sinovac na gawa sa China, ang ituturok sa kanila.

“Rather than shed light on the use of the vaccine, the FDA has further eroded public trust and confidence in inoculation,” aniya.

Hindi lingid sa lahat na halos 70% ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 dahil sa mga naririnig at nababasa ng mga ito na negatibong epekto sa mga nabakunahan na sa ibang bansa.

Samantala, ikinatuwa naman ni Deputy Speaker Bernadeth Herrera ang inisyu ng FDA na EUA sa Sinovac na puwede aniyang gamitin sa mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnels sa bansa.

 

INENDORSO
NG PALASYO

Kaugnay nito, inirekomenda ng Malakanyang sa publiko partikular na sa non-healthcare worker population ang paggamit ng bakunang Sinovac.

Ito’y sa kabila na nasa 50.4 percent lamang ang efficacy rate ng nasabing bakuna na gawa sa China.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagsalita na ang mga eksperto sa bansa gaya nina Dr Lulu Bravo, Dr. Salvaña at iba pa na pawang nanindigan na sapat na ang 50% efficacy rate para makaiwas sa kamatayan at seryosong mga karamdaman.

Maging ang World Health Organization ay nagsasabi na rin aniya na ang 50% efficacy rate ay sapat na para hindi na magpa-ospital pa ang isang nagkasakit at kung tamaan man ay asymptomatic ang mga ito.

Naniniwala rin si Sec. Roque na tatanggapin ito ng taumbayan.

Samantala, walang sinisisi si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines.

Naniniwala kasi ang pangulo na ang pagpapadala sa bansa ng mga bakuna ay responsibilidad ng manufacturers.

Ang pahayag na ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung may dapat bang panagutin ang pangulo sa pagkakaantala ng pagdating ng Pfizer-BioNTech mula COVAX at Sinovac na may unang itinakdang petsa na Pebrero 15 at Pebrero 23. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

Read More