1 pang murder suspect nabitag 3 PULIS MAYNILA INARESTO SA PAGPATAY SA KOREANO

ARESTADO ang tatlong kasapi ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa umano’y pagpatay sa isang Koreano sa Valenzuela City. Ayon kay MPD P/Brigadier General Leo Francisco, ang tatlong pulis na kinilalang sina P/Cpl. Darwin Castillo, P/SSgt. Carl Legazpi at P/Cpl. Samruss Inoc, mga miyembro ng Roxas Blvd. PCP ng Malate Police Station 9, ay isinangkot sa umano’y pagpatay sa isang Koreano noong Pebrero 15 sa Maysan, Valenzuela City. Ang nasabing tatlong pulis ay inaresto ng kanilang mga kabaro sa ikinasang hot pursuit operation dakong alas-3:00 ng hapon, anim na araw makaraan…

Read More

P10K TULONG SA BAWAT PAMILYA SA PAROLA FIRE

HALAGANG P10,000 bawat pamilya ang ipinagkaloob ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso makaraang aprubahan ng lokal na pamahalaan ang tulong-pinansyal para sa 600 pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog sa Parola Compound sa Tondo, Manila. Magugunitang limang magkakamag-anak ang namatay sa nasabing sunog, kabilang ang ama ng tahanan, na pawang natagpuang patay sa loob ng banyo, habang lima pang biktima ang dumanas ng 2nd degree burns sa nasabing insidenteng nangyari sa nasabing lugar dakong alas-6:00 ng umaga at umabot sa ika-apat na alarma. Bukod sa pinansiyal na tulong sa mga…

Read More

Med certificate, ‘di na rin kailangan ng local travelers TRAVEL AUTHORITY WALA NANG SILBI

INGINUSO ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang plano nitong tanggalin na ang travel authority at medical certificate sa pagtungo ng mga Filipino sa kani-kanilang mga lalawigan mula sa Metro Manila (MM) dahil hindi na ito kailangan sa kasalukuyan. Sinabi ni Undersecretary Epimaco Densing III, nakarating sa DILG na mayroong mga pulis na ang ‘clearance’ sa pagbiyahe ang inaatupag sa mga presinto. Bago magbigay ng travel authority ang mga pulis, kailangang magpakita sa kanila ng mga biyahero ng medical certificate galing sa doktor ng barangay center. Ayon…

Read More

18 PNP OFFICERS POSITIBO SA DROGA

UMABOT sa 18 police officials ang kumpirmadong positibo sa paggamit ng ilegal na droga, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP). Ang bilang na ito ay mula noong Enero hanggang ngayong buwan, saad ng PNP-Crime Laboratory na nakabase sa Camp Crame, Quezon City. Batay sa rekord ng PNP, 463 na ang mga opisyal at kasapi ng pambansang pulisya na nagpositibo sa ilegal na droga. Ang 18 opisyal ay kinabibilangan ng apat sa Rehiyong Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), apat sa Rehiyong Bangsamoro, tig-dalawa sa Gitnang Luzon at…

Read More

COVID-FREE CERTIFICATE PAIIRALIN SA PASAY

NAGLABAS ng resolusyon at mas naghigpit ang mga barangay sa lungsod ng Pasay bilang pag-iingat laban sa COVID-19. Nakasaad sa resolusyon na kinakailangan ng barangay ID o quarantine pass ang mga hindi residente ng lungsod. Kailangan din ng covid-free certificate sa bawat barangay. Naglagay rin ng checkpoint sa mga barangay na may pinaka-aktibong kaso ng COVID-19. Duda ni Punong Barangay Ruth Cortez, nagmumula sa labas ng kanilang komunidad ang virus ng COVID-19 kung kaya’t mas mahigpit ang paiiraling “preventive measures” ng lungsod. (MARINHEL T. BADILLA) 61

Read More

24/7 VACCINATION HUBS SA TAGUIG DINAGDAGAN

MAGIGING 42 na ang 24/7 vaccination hubs ng lungsod ng Taguig dahil dalawa pa ang idadagdag ng administrasyon ni Mayor Lino Cayetano. Ang dalawang karagdagan ay nakapuwesto sa Bonifacio Global City (BGC) sa Barangay Fort Bonifacio at malapit sa isang mall sa Barangay Calzada-Tipas. Ang 24-hour vaccination hubs ay siguradong magiging mas convenient sa mamamayan ng lungsod at higit na magiging accessible sa mga residente, paliwanag ni Cayetano. Binanggit ni Cayetano na “our target here is not only speed but safety and efficiency and accessibility. Our 24-hr hubs and our…

Read More

METRO MAYORS PUMABOR SA ‘NO VACCINE, NO MGCQ’

NIRERESPETO ng mga mayor sa Metro Manila ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi muna ilagay sa ilalim ng MGCQ ang kabuuan ng Kalakhang Maynila hanggang walang bakuna kontra COVID-19 na available sa bansa. Ito ang tiniyak kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos makaraang ianunsyo ng pangulo sa kanyang lingguhang pulong na ‘No Vaccine No MGCQ’. Tiniyak ni Chairman Abalos na ang mga Metro Manila mayor ay laging nakabase sa anomang desisyon ng pangulo at tutugon nang mabilis at maayos sa kautusan ng Punong Ehekutibo.…

Read More

GLOBE MAS PINALAWIG ANG 5G NETWORK SA BANSA

NANGUNGUNA pa rin ang Globe sa pagkakaroon ng 5G sa Filipinas kung saan 1,069 na lugar na ang may access sa pinakabagong henerasyon ng wireless technology. Sa kasalukuyan, ang Globe ang may pinakamalawak na 5G footprint sa bansa dahil sa agresibong pagtatayo nito ng mga network at cell tower. Ang 5G coverage ng Globe ay available na sa 848 na lugar sa Metro Manila at Rizal; at sa 221 na lugar naman sa Visayas at Mindanao. Ang 5G ang pinakabagong wireless technology na mas mabilis, mas malaki ang bandwidth at…

Read More