COVID-19 VACCINATION PROGRAM ACT PIRMADO NA NI DUTERTE

0

TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 o “An Act Establishing the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Vaccination Program Expediting the Vaccine Procurement and Administration Process, Providing Funds Therefor, and for other purposes”.

Layon nitong mapabilis ang pagbili ng COVID-19 vaccines at paglalaan ng indemnity fund na P500 million.

Makikita sa mga larawan na ipinamahagi ni Senador Bong Go sa media ang pagpirma ng pangulo sa nasabing panukalang batas upang maging ganap na batas.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat ipag-alala ang publiko dahil talagang nagkaisa ang presidente at Kongreso para mapabilis ang pagsasabatas ng COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

Matatandaan na noong Martes in-adopt ng House of Representatives ang bersyon ng Senado sa panukala.

Sa ilalim nito, binibigyan ng kapangyarihan ang Department of Health at National Task Force Against COVID-19 na sumailalim sa negotiated procurement ng COVID-19 vaccines maging sa ancillary supplies at services para sa kanilang storage, transport, at distribution. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Nograles sa QCPD-PDEA shootout DAPAT MAY MANAGOT

0

SINUPORTAHAN ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang inuumang na imbestigasyon ng Kamara hinggil sa shootout sa pagitan ng PNP at PDEA.

“How did this happen and how can incidents like these be prevented?” ang nais malaman ni Nograles sa isasagawang imbestigasyon sa Marso 1.

Tulad ng marami, dismayado si Nograles sa insidente na ikinamatay ng dalawang pulis at dalawa rin sa hanay ng PDEA at ikinasugat ng iba pa.

“Sana’y magkaroon ng liwanag sa isyu. As it is, there are a lot of unanswered questions that could cast a shadow on the administration of justice in the country,” dagdag pa ni Nograles.

Hindi aniya dapat hayaan na lumamig na lamang ang isyung ito na walang mananagot dahil kung hindi ay tuluyang mawawalan ng tiwala ang publiko sa mga law enforcer.

“Kailangan makita ng mga kababayan natin na may mananagot pagkatapos ng imbestigasyon at kailangan ding magsikap ng mga law enforcement natin na ipakitang matututo sila sa pagkakamaling ito,” ayon pa kay Nograles. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

HUWAG MAWALAN NG PAG-ASA

0

PINAGLALARUAN sa social media ang kapalpakan ng ­gobyerno sa pagbili ng sapat na bakuna laban sa COVID-19 at kung bibigyan mo ng kahulugan ito, ang kanilang pang-aasar sa pamahalaan ay parang nawawalan na sila ng pag-asa.

Tulad ng lamang ng mga kumalat na message sa social medial na nagsasabing dumating ang COVID-19 vaccines sa Indonesia noong Disyembre 6, 2020, sa Singapore ay noong December 21, 2020, ­Myanmar ay January 22, 2021 at Cambodia ay February 7, 2021.

Dumating naman ang bakuna sa Laos noong February 8, 2021, sa  Brunei noong February 11, 2021, Malaysia ay February 20, 2021, Thailand noong February 24, 2021 at Vietnam ay February 24. 2021 din.

Pagdating sa Pilipinas, ang nakalagay ay February 31, 2021 darating ang covid-19 vaccines. Sa unang tingin, darating na pero, walang 31 ang Pebrero dahil hanggang 28 lang.

Ibig sabihin, parang nawawalan na ng pag-asa ang mga Pinoy na darating sa lalong madaling panahon ang mga bakunang kailangan para makasabay tayo sa pagbangon ng iba pa mula sa Southeast Asia.

Kung maiiwan tayo sa pagpapabakuna, maiiwan din tayo ng ating mga kapitibahay na bansa sa pagbangon. Iniiwan na tayo sa larangan ng ekonomiya, lalo tayong mapag-iiwanan kapag nagteka-teka ang gobyerno.

Isa pa sa mga meme ng mga netizen ay ang mga tarpaulin ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte na nagsasabing “Run Sara Run” pero ang vaccine wala pa.
Inuuna pa raw ang pulitika kesa sa kalusugan ng mamamayang Filipino dahil mas nauna pang kumalat ang tarpaulin para hikayatin si Mayor Sara na tumakbong pangulo sa 2022 kesa sa COVID-19 vaccine.

Dapat daw naunang kumalat ang COVID-19 vaccine bago ipinakalat ang tarpaulin ni Mayor Sara lalo na sa Metro Manila pero baliktad ang nangyari kaya parang lalong nawawalan ng pag-asa ang mga Filipino.

Pero sabi ko nga sa ating titulo, huwag mawalan ng pag-asa. Darating at darating din ang bakuna para labanan ang COVID-19 pandemic na kumalat sa buong mundo dahil naging iresponsable ang China.

Sabi nga ni Presidential spokesman Harry Roque darating ang bakuna sa Linggo at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang sasalubong. Yun nga lang, Sinovac vaccines ang darating na gawang China.

Wala pang impormasyon kung kailan darating ang Astrazeneca, Pfizer, Moderna at iba pang bakuna na hindi gawang China pero ang sigurado darating na raw ang unang batch ng bakuna… ang Sinovac.

Pero nakakabahala kung papaano kukumbinsihin ng gobyerno ang mga tao na magpabakuna ng Sinovac lalo na’t sinabi ni Director General Eric Domingo na hindi niya inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito sa mga medical frontliners at senior citizens dahil mababa ang efficacy.

Kahit ano pang paglilinaw ni Domingo, nasabi na niya ang kanyang sinabi kaya masisisi mo ba ang mga tao kung aayawan ang Sinovac dahil kumpara sa ibang bakuna siya ang lumalabas na may pinamakababang efficacy?

Anong mangyayari kung ayaw tanggapin ng mga tao ang Sinovac, ipipilit sa ayaw at sa gusto dahil sabi nga noon ni ­Secretary Roque, huwag mamili dahil libre naman itong ibibigay?

Gagamitin daw muna ang darating na Sinovac sa mga pulis, sundalo at iba pang armed personnels, pero ang tanong, lahat ba sila ay gustong magpaturok ng Sinovac o gagamitin ang ­sistema sa mga ito na “sumunod na muna, saka na magtanong.”

Read More

Security ni DG Villanueva kasama sa shootout QCPD OPS LABAN SA PDEA NINJAS?

0

(BERNARD TAGUINOD)

MAGIGING bahagi ng mga imbestigasyong isasagawa kaugnay ng madugong engkwentro ng mga tauhan ng Quezon City Police District at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa ang anggulong ‘sell-bust’ at ang posibilidad na ‘ninja’ o otoridad na sangkot sa droga ang totoong target sa operasyon.

Bukod dito, nabatid ng SAKSI Ngayon mula sa isang source na humiling na huwag siyang pangalanan dahil wala siya sa posisyong magsalita kaugnay sa insidente, na nakatalaga umano bilang security ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang isa sa mga kasama sa shootout.

Biniberipika pa ang nasabing ulat dahil tikom ang bibig ng ilang opisyal mula sa dalawang ahensya lalo pa’t nag-isyu ng gag order si PNP Chief Gen. Debold Sinas upang maiwasan umano ang alitan.

 

NINJAS SA PDEA

Hindi rin isinasantabi ng chairman ng House committee on dangerous drugs na may mga tinaguriang “ninja” sa PDEA na siyang target ng operasyon ng mga pulis sa ‘buy-bust at sell-bust’ sa Commonwealth, Avenue, Quezon City na nauwi sa madugong engkuwentro.

“Oo posibleng-posible yan,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng nasabing komite nang tanungin ng SAKSI Ngayon kung may posibilidad bang may mga ninja sa PDEA.

Ito aniya ang isa sa mga titingnan sa imbestigasyon ng kanyang komite sa madugong engkuwento na ikinamatay ng dalawang pulis, isang ahente ng PDEA at isang informant.

Wala pang legal na report na nakuha ang mambabatas kung mayroong PDEA agent ang nangungupit ng drogang nahuli ng mga ito at saka ibebenta kundi “puro mga kuwento lang”.

Sa ngayon ay mayroong tinaguriang Ninja cops at marami na umano sa mga ito ang nahuli na at ang iba naman ay napatay sa operasyon ng kanilang mga kasamahan.

Base sa mga report, nagsasagawa umano ng buy-bust ang mga pulis sa parking lot ng isang fastfood chain sa tabi ng Ever Gotesco sa Commonwealth noong Miyerkoles ng hapon habang ang PDEA agents ay nagse-sell-bust operation naman.

Unang sinabi ni Barbers na bawal sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang sell-bust operation.

“If PDEA adopts “sell-bust” as its policy, then it would appear that this organization is like a drug syndicate for practicing and allowing drug trafficking,” ayon sa mambabatas.

Kapwa sinabi ng PNP at PDEA na mayroong koordinasyon ang mga ito sa nasabing operasyon subalit mistulang ayaw itong paniwalaan ni Barbers dahil kung totoo aniya ito ay hindi sana nauwi sa madugong engkuwentro.

 

SAKIT NG DROGA

“Sino ba talaga d’yan ‘yung talagang nanghuhuli at sino ‘yung involved sa droga? So, is it a misencounter between the Police and the PDEA? Or talagang hinahabol lang ba ang pusher? Or 1 of 2 of them is involved di ba?,” ang tanong naman na nais masagot ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano kapag nagsimula na ang imbestigasyon ng Kamara.

Kaya hindi umano dapat ipaubaya lamang sa PDEA at PNP ang pag-iimbestiga bagkus sa independent body dahil tiyak na pagdududahan ng mga tao anoman ang maging resulta ng kanilang imbestigasyon.

“Kasi malalim ‘to. Malalim ‘yan. Sintomas ‘yan ng mas malalim na sakit sa droga at law enforcement sa ating bansa,” ani Cayetano.

 

DRUG SYNDICATE

 

May hinala naman si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na napaglaruan ng sindikato ng droga ang mga operatiba ng PDEA at PNP.

“Sa suspetsa natin sana naman hindi ito ang totoong nangyari baka they are being played by syndicate. Sila na ang pinag-aaway. Baka diskarte ito ng sindikato,” saad ni dela Rosa.

Nanindigan naman ang senador na kapag ganito na ang sistema ng sindikato ay maituturing na epektibo ang kampanya laban sa droga dahil nasasaktan na ang mga ito.

Hindi rin naman inaalis ni dela Rosa ang anggulo na may tiwaling opisyal sa loob ng PDEA o PNP na maaaring sangkot sa ilegal na aktibidad.

“That is also one of the things I suspect. I’ve been an operative before and I’m familiar with such operations. That even if both sides claim they were doing legitimate buy-bust operations, I have suspicions that someone from, or somebody or one from each side is involved in selling,” pahayag ng senador.

Gayunman, sinabi ni dela Rosa na mas makabubuting hintayin na lamang ang kanilang pagdinig sa Martes, Marso 2 para malinawan ang insidente.

Samantala, tiwala si Senate President Pro Tempore Ralph G. Recto na madaling malalaman ng mga senador ang totoong dahilan sa barilan.

Ayon sa senador, bukod sa may karapatan ang Senado na mag-imbestiga sa nasabing insidente, magiging madali aniya na maungkat ang katotohanan sa naturang misencounter dahil sa dalawang miyembro ng Senado ang naging pinuno ng PNP sa katauhan nina Senador Panfilo Lacson at Senador Dela Rosa.

“An investigation is in order, as there have been alarming cases of friendly fire casualties of late—the Jolo killing of Army soldiers by policemen, to cite one. People are demanding answers on why a supposedly coordinated operation ended up as a circular firing squad,” dagdag pa nito.

 

IPINASA SA NBI

Ngayong Biyernes, inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Ipinag-utos din ng pangulo sa binuong joint panel ng PNP at PDEA na itigil na ang isinasagawa ng mga itong imbestigasyon.

“This is to ensure impartiality on the Quezon City shootout incident,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Nabatid na inilagay na umano sa restrictive custody sa Camp Crame ang 10 pulis at pitong ahente ng PDEA na sangkot sa engkwentro.

Ang mga ito ay dinala sa custodial investigation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame subalit hindi pa matukoy kung mananatili sila roon ngayong ipinasa na ng pangulo sa NBI ang pag-iimbestiga.

 

BAYANI

Iginigiit pa rin ng mga ahente ng PDEA na lehitimo ang kanilang operasyon.

Katunayan, maituturing anilang bayani ang namatay nilang ahente na si Rankin B. Gano, 43-anyos.

Sa isang mensahe ni PDEA Spokesman Director Derrick Carreon sa mga mamamahayag, inilabas nito ang profile ni Agent Gano. “Para sa mga naghahanap ng profile ni (late) Agent Rankin Gano. Ito po. Patunay na siya ay talagang mandirigma at bayani.”

Nagpasya naman sina PNP chief P/General Debold Sinas at PDEA Director General Wilkins Villanueva na huwag na munang magsalita hangga’t hindi nakukumpleto ang imbestigasyon hinggil sa insidente pero sinabing sumunod sa tamang procedures ang kanilang mga tauhan.

Matapos ang engkuwentro ay kani-kanyang labas ng depensa at kapwa nagsabing may prior coordination o pre-operational plan, buy-bust money at mga asset sa operation ang dalawang kampo upang patunayan na lehitimo ang kani-kanilang tinatrabaho.

Subalit nang patahimikin sila para hindi makagulo sa imbestigasyon ay mas maraming anggulo ang hindi agad nalinawan gaya ng isyu ng coordination, buy-bust ba o sell-bust ang naganap, sino ang target, magkanong buy-bust money ang involved at dami ng droga na target bilhin, dahilan para pumasok na sa eksena ang NBI maging ang Senado at Kongreso.

Naniniwala naman ang hanay ng mga militanteng grupo na ang misencounter ang rurok ng kapalpakan ng madugong War on Drugs ng rehimeng Duterte.

Ayon sa Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), “naniniwala rin kami na hindi sasapat at walang saysay ang isasagawang Joint Investigation ng PNP-PDEA sa naturang insidente, magreresulta lamang ito sa higit na pagtatago ng katotohanan at paghuhugas-kamay ng dalawang panig”.

Nanawagan din ang grupo na magtatag ng independent investigating body para bigyang-linaw ang publiko sa nangyaring madugong insidente at ang paggamit ng body camera ng lahat ng yunit ng law enforcement agencies sa kanilang mga operasyon. (DANG SAMSON-GARCIA/NOEL ABUEL/CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL)

Read More

IMBESTIGASYON SA BI OFFICIALS, IKINASA NI BELGICA

0

NANGINIG sa takot at nagtago raw sa kanilang opisina ang ilang tauhan ng Bureau of Immigration makaraang may namataan na tatlong ahente ng NBI ang ­umaaligid sa ahensya na tila ­nagmamasid umano sa paligid at nagtungo sa Legal Division kung saan may nahuling Liaison officer ng law office na matagal na umanong nakikipag­transakyon sa ilang opisyal ng legal division na nasa 4th floor.

Bukod sa mga NBI agent’s ay umugong din na darating ang Director General ng Anti Red Tape Authority na si Atty. Jeremiah Belgica kung kayat dinaga ang dibdib ng ilang lawyers sa legal division na sila’y ma iimbestigahan sa nangyaring entrapment operation kamakailan.

Dapat din sigurong imbestigahan ni Director ­Belgica ang talamak na ginagawa umano ng Huayi Group Inc. at mga kasabwat nito sa BI makaraang nagawa nilang ­baliktarin ang exclusion order ng pitong tsekwa sa NAIA ­Terminal 1 upang maglabas ang Office of the ­Commissioner ng Reclusion of Exclusion Order upang makapasok sa bansa ang pitong Chinese nationals na nauna nang ­hinarang ng immigration officers at siningil ng P350k bawat isa taliwas sa ­naunang usapan na P250k kada ulo.

Bakit kaya nagpatong pa ng P100k ang Huayi sa Pitong Intsik na nagtiis ng anim na araw sa NAIA, mayroon pa kayang opisyal ang member ng Korean o Magkanukorean?

Kaugnay nito, may nagbigay ng impormasyon sa ­Bistador na sangkot din ­umano ang Huayi sa paggamit ng mga pekeng endorsement galing DFA upang makapasok sa bansa ang mga Intsik na fake investors at papasok ­bilang employee ng POGO.

Samantala, Abangan ang ating pasabog kaugnay sa 200 to 300 Chinese ­nationals na nahuli umano noong nakaraang taon ng BI na karamihan ay pinaniniwalaang pinayagang makapagpiyansa

imbes na ipa-deport at ­kumita ng halos 30M ang mga ­sangkot. Sino kaya ang mga nakinabang dito? Abangan!!

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.

Read More

BAKIT HUMANTONG SA PATAYAN ANG PNP AT PDEA?

0

MARAMING mga naglabasan na PUNA sa naganap na barilan sa pagitan ng mga kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nababalot ito ngayon ng kontrobersiya at maraming katanungan kung bakit daw humantong sa barilan ang magkabilang panig.

Bakit nga ba?

Sinasabi ng PDEA sa pamamagitan ni PIO chief Derreck Carreon na ang kanilang operasyon ay legit.

Ito naman ang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major ­General Vicente Danao, “we have a very unfortunate incident that happened. This is a legitimate operation on

both sides coming from PDEA and Drug Enforcement Unit of QCPD. A very unfortunate incident that happened.

Whoever is at fault and whatever the reason will still be investigated.

Kung sinasabi ng magkabilang panig na pawang lehitimo ang kanilang mga operasyon laban sa sindikato ng ilegal na droga, bakit sila-sila ay nagbarilan?

Tanong tuloy ng marami, sino ang nagsasabi ng totoo sa kanila?

Sino raw ang mga suspek na nagbebenta ng ilegal na droga?

Malaking katanungan pa, saan napunta ang mga suspek?

Ang kanilang huhulihin ba ay nasa panig ng PDEA o nasa PNP?

Dapat maipaliwang ng magkabilang panig yan sa taumbayan.

Ang PNP ay may  ipinakikitang dokumento na mayroon silang koordinasyon sa PDEA.

Sinabi naman ni Carreon na ang kanilang mga tauhan ay may baong buy-bust money na gagamitin sana sa operasyon.

Noong isang gabi ay ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang matataas na opisyal ng PDEA na nasasangkot daw sa katiwalian na may kinalaman sa mga nahuhuling suspek sa ilegal na droga.

Galit na galit ang pangulo na nagbitiw ng salita na ayaw niya ang mga ganitong klaseng tao na nasa gobyerno at ­nakikipagsabwatan sa sindikato.

Balik po tayo sa nangyaring barilan sa pagitan ng PDEA at PNP, sino ngayon ang inyong isasakripisyo at sasabihin nyong may pagkakamali?

Hindi po pangkaraniwan ang nangyari sa magkabilang panig dahil nalagasan sila ng mga kabaro.

Hindi po matutuwa ang mga anak, kapatid at mga magulang ng mga namatay sa insidente.

Hindi pa man tuluyang nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na sundalong miyembro ng Army’s 6th Intelligence Service Unit sa pangunguna ni Major Marvin Indamog na nangyari

noon pang Hunyo sa Sulu ay ito na naman ang PNP, muling nalalagay sa kontrobersya.

Namatay si Major Indamog at tatlo pa niyang kasama, ­ngayon ay apat na naman uli ang namatay sa barilan sa pagitan ng pulis at PDEA.

Halos ayaw ilabas ng  magkabilang panig ang mga pangalan ng mga namatay.

Alam kasi nilang makakaladkad na naman ang kanil-kanilang organisasyon dahil sa pangyayaring ito.

Ang ipinagtataka lang ng PUNA, ang lead agency sa ­usapin ng ilegal na droga ay ang PDEA at ang kanilang partner ay PNP. Bakit pa may ­nangyayaring ganito?

May naghudas kaya sa PNP o sa PDEA?

O mismo na nasa loob ang suma-sideline sa pagbebenta ng ilegal na droga?

Yan ang dapat mahubaran ng maskara sa isinasagawang imbestigasyon.

Nakakagalit kasi na malalaman natin na meron mula sa mga awtoridad ang ­nakikipagsabwatan sa mga iligalista, hindi na nakuntento sa kanilang sweldo, buwisit!

Gustong-gusto ba ng PNP na sila ay napag-uusapan lagi?

Sa totoo lang ayaw rin ng PUNA na ganito ang tinatalakay natin sa ating panulat, kaya lang nakikita natin na may problema.

Yan kasi ang reaksyon ng taumbayan sa kanilang nakikita. Hindi lang buhay ang nalagas sa pangyayari sa pagitan ng PNP at PDEA. Naperhuwisyo rin ang maraming tao sa paligid ng

pinangyarihan at nagdulot din ito ng matinding trapik.

Hindi rin maganda ang magiging imahe ng Pilipinas sa ibang bansa na mismong mga awtoridad ay nagpapatayan dahil sa pera o sa mga ilegal na aktibidad nila gaya ng pakikisangkot sa droga.

Dapat bang may baguhin sa mga umiiral na batas para hindi na muling maulit ang ganitong patayan sa pagitan ng law enforcement? Bahala na ang mga mambabatas natin kung ano ang nararapat.

                                                                                                                                                                         oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com o mag-text sa 0919-259-59-07.

Read More

PGH HINDI ‘CHOOSY’ SA BAKUNA

0

HANDA ang Philippine General Hospital (PGH) na tumanggap ng kahit anong brand ng coronavirus vaccine.

“Kung anoman ang unang bakunang darating ay tatanggapin namin at ang aming batayan sa pagtanggap nito ay ang EUA (emergency use authorization) na ibibigay ng ating FDA (Food and Drug Administration),” ayon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi.

“We all know that if the FDA gives any vaccine the EUA, the safety and efficacy are assured,” dagdag na pahayag ni Dr. Legaspi.

Nauna rito, sinabi ni Dr. Legaspi na 94% ng PGH personnel ay nagpahayag na ng kahandaan na mabakunahan. (CHRISTIAN DALE)

Read More

DEAL SA SINOVAC APRUB SA PALASYO

0

IKINATUWA ng Malakanyang ang ulat na lumagda ang ilang grupo ng negosyante ng kasunduan sa Sinovac para umangkat ng bakuna.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala siyang ideya sa umano’y signing of agreement sa pagitan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry at Sinovac subalit nakatutuwa aniya itong hakbang.

Sa kasalukuyan ay nasa 25 milyon ang vaccine allocation subalit kung mas madaragdagan pa aniya ay mas maigi.

Isa rin aniyang welcome development kung mas maraming supply ang makukuha pa sa Sinovac na uubra naman talaga sa pamamagitan ng pagpirma rin sa tripartite agreement.

Tinatayang 15 bansa ang sinasabing umangkat na ng Sinovac sa China at nakapagtabi ng 300 million dosage para sa vaccine for export. (CHRISTIAN DALE)

Read More

PINSALA NG BAGYONG AURING SINURI

0

PINANGUNAHAN ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang ginanap na 1st quarter meeting ng Caraga Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) noong Miyerkoles, upang masuri ang pinsalang dulot ng Bagyong Auring at alamin din ang kahandaan ng LGUs sa pagpapatupad ng vaccination program ng gobyerno at iba pang kagyat na suliraning pang-lokal.

Si Nograles ang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) na nakatalaga sa Caraga region.

Ang pagpupulong, na isinagawa via teleconference, ay dinaluhan nina NSC Deputy Director General Damian Carlos, Agusan del Norte Governor and RDC Caraga Chairperson Dale Corvera, Surigao del Sur Governor and RPOC Caraga Chairperson Ayec Pimentel, Agusan del Sur Governor Santiago Cane, Surigao del Norte Governor Francisco Matugas, Mayor Roxanne Pimentel of Tandag City, DILG Regional Director Beth Famacion, OCD Regional Director Liza Mazo, local chief executives, regional directors, government officials at kinatawan mula sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan. (CHRISTIAN DALE)

Read More