3 TRADITIONAL HOLIDAYS IDINEKLARANG SPECIAL WORKING DAYS

LABAN-BAWI ang Malakanyang sa tatlong tradisyunal na holiday sa bansa base na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Layon nito na makarekober na ang ekonomiya mula sa epeko ng COVID-19 pandemic. Sa Proclamation 1107, inanunsyong “special working days” ang mga sumusunod: Nov. 2, 2021 – All Souls’ Day Dec. 24, 2021 – Christmas Eve Dec. 31 – New Year’s Eve “For the country to recover from the adverse economic impact of the COVID-19 pandemic, there is a need to encourage economic productivity by, among others, minimizing work disruption…

Read More

PAHAYAG NG DOT HINGGIL SA UNIFORM TRAVEL PROTOCOLS

Sinusulong ng Deparment of Tourism ang ligtas na muling pagbubukas ng mga patutunguhan ng turista dahil pinapayagan tayo nitong muling simulan ang ating ekonomiya at tulungan ang ating mga manggagawa sa turismo na mabawi muli ang kanilang trabaho. Samakatuwid tinatanggap ng Kagawaran ang pag-apruba ng magkakatulad na mga protocol sa paglalakbay para sa lahat ng mga local government unit (LGUs) ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) upang mapabilis ang kilusang paglalakbay at itaguyod ang lokal na turismo. Kinukunsidera ng DOT ang pagpapagaan ng mga…

Read More

Interconnection deal para sa mobile calls, SMS nilagdaan ng GLOBE, DITO

SA layuning mapaghusay ang customer experience at services, lumagda ang Philippine telecommunications players Globe at DITO Telecommunity Corp. sa isang interconnection deal na nagkokonekta sa mga subscriber ng dalawang telcos. Saklaw ng interconnection agreement ang domestic mobile calls at SMS na nagbibigay-daan sa mga customer ng Globe na makatawag at makapagpadala ng SMS sa mga customer ng DITO nang walang dagdag na charges. Ang interconnection ay inaasahang magsisimula sa susunod na buwan. “Globe’s collaboration with DITO Telecommunity is part of our commitment to improve customer services by enhancing connectivity among…

Read More

PNP AT PDEA, KINUWESTYON SA PAGLALAGAY SA PANGANIB SA BUHAY NG MGA MANGGAGAWA AT SIBILYAN

KINUWESTYON ni Senator Joel Villanueva ang bigong operasyon ng mga awtoridad sa isang fastfood chain sa Quezon City noong isang linggo na naglagay sa peligro sa mga manggagawa, inosenteng bystanders at mga tumatangkilik, maging ang mga delivery personnel. Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate labor committee, sinusuportahan niya ang pagdinig ng Senado sa operasyon ng pulis at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil nais niyang matukoy ang anomang pagkukulang ng mga awtoridad upang hindi na maulit ang insidente na naglagay sa panganib ng inosenteng mamamayan. “Hindi po natin basta-basta…

Read More

SUPLAY NG ASTRA ZENECA DARATING NA SA LUNES

KINUMPIRMA ni Senador Bong Go na darating na rin sa bansa ang suplay ng bakuna ng Astra Zeneca na mula sa Covax facility. Sinabi ni Go na sa Lunes darating ang 525,600 doses ng bakuna mula sa Astra Zeneca. “Another good news, ang inaantay natin ang bakuna mula sa Covax, sabi nila itong Sinovac yung iba po ay alanganin, ang importante may darating din po na bakuna sa darating na Lunes, magkakaroon na po ng pagpipilian dahil ito pong darating sa Lunes ay galing sa Astra Zeneca. Nagkausap kami ni…

Read More

SOTTO: FACE TO FACE CLASSES, MULI NANG SIMULAN

INIREKOMENDA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pagsisimula nang muli ng face-to-face classes upang makahabol ang Pilipinas sa mga kapitbahay sa South East Asia. Inihain ni Sotto ang Senate Resolution No. 663 kasabay ng paggiit na walang ibang kapalit ang face-to-face classes na pinakamabisang paraan upang maiangat ang kalidad ng edukasyon at mabigyan nang maayos na kakayahan ang mga mag-aaral. “There are deep concerns that while countries whose students had performed well in the past international assessments are already back on track, the Philippines is still lagging behind…

Read More

BODYGUARD NG MAYOR, PAMANGKIN WANTED SA PAMAMARIL

CAVITE – Pinaghahanap ng Cavite police ang bodyguard ni Rosario Mayor Voltaire Ricafrente at pamamangkin nito matapos pagbabarilin ang isang pulis na naka-destino sa Bacoor City Police Station (CPS), at ang ama nito sa harapan ng bahay ng mga biktima sa nasabing bayan sa lalawigang ito. Isinugod sa St. Martin Hospital ang mag-amang sina Pat. Jerome Carlo Pamaran, 31, at Jose Edgardo Pamaran, 54, kapwa residente ng Rosario, Cavite ngunit namatay ang pulis habang nilalapatan ng lunas dahil sa tama ng bala sa ulo habang kritikal ang ama nito. Tinutugis…

Read More

‘DOKTORA’ TIKLO SA P.2-M SHABU

NADAKIP ang isang “doktora” nang makumpiskahan ng P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa Caloocan City makaraang tumakbo nang tangkain ng mga pulis na paalalahanan ito na magsuot ng facemask. Kinilala ang suspek na si Janice Espiritu y De Guzman, 37, dalaga, istambay, ng Hosea St., Gen. Malvar, Bagong Barrio, Brgy. 143, Caloocan City, nadakip dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Magaling St., Brgy. 145 sa nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat, napuna ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad, ang suspek na may dalang medicine kit at tila…

Read More

NBI PASOK SA QCPD-PDEA SHOOTOUT PROBE

UMABOT sa 20 tauhan mula sa iba’t ibang unit ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kabilang sa magsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring mis-encounter sa pagitan ng District Special Operation Unit ng Quezon City Police District at ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City kamakailan. Ito ang napag-alaman mula kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin makaraang suyurin ang lugar na pinangyarihan ng insidente sa nabanggit na lugar. Mayroong hawak na tatlong testigo ang NBI at kinumpiska ang lahat ng cellphone ng mga pulis at…

Read More