MERALCO, NAGPAMAHAGI NG ENERGY EFFICIENCY TIPS SA MGA CUSTOMER

0

MERALCO, NAGPAMAHAGI NG ENERGY EFFICIENCY TIPS SA MGA CUSTOMER

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan, karaniwang tumataas ang konsumo sa kuryente ng 10% hanggang 40% tuwing papasok ang panahon ng tag-init kumpara sa karaniwan nating konsumo sa mga malalamig na buwan gaya ng Enero at Pebrero. Habang tumataas ang temperatura ng panahon, ang mga kagamitang de kuryente na mayroong compressor gaya ng aircon at refrigerator, ay kinakailangang mas magtrabaho upang makapaglabas ng lamig. Mas matagal ding ginagamit ang mga bentilador, at karaniwan din itong nasa pinakamataas na setting.

Ayon kay Meralco FVP and Chief Commercial Officer Ferdinand O. Geluz, ngayong panahon ng tag-init, ang mga customer ng Meralco ay may kakayahang kontrolin ang kanilang konsumo sa pamamagitan ng ginagawang paghihikayat ng kompanya na ugaliin ang matalino at masinop na paggamit ng kuryente.

Dagdag ni Geluz, “these simple everyday activities include cleaning your aircon filters every 2 weeks to ensure optimal performance, setting your aircon’s thermostat to 25oC to maximize efficiency, making sure you use the right aircon size for your room, making sure your refrigerator’s air vents are not blocked to keep its compressor from working harder, unplugging appliances when not in use to avoid phantom load, using a power strip to make it easier and more convenient to turn appliances off simultaneously with just one switch, and maximizing natural light during daytime.”

ILAN SA MGA TIP NA MAAARI RING MATAGPUAN SA WEBSITE NG ME­RALCO AY ANG MGA SUMUSUNOD:

TELEBISYON. Kung iisa lamang ang pinapanood na palabas, manood na lamang ng sama-sama sa halip na hiwa-hiwalay na telebisyon pa ang gumagana. Kung hindi ginagamit ang telebisyon, ugaliing bunutin ito sa pagkakasaksak. Ang isang TV na may laking 21” ay maaaring makadagdag ng P15-P20 sa inyong bill kada buwan kung ito ay naka-standby mode. Gaya rin ng bentilador, mahalaga rin ang pagpili ng tamang laki ng telebisyon na naaangkop sa laki ng kwartong paglalagyan nito. Maaari ring makatipid ng 27% hanggang 67% sa konsumo kung gagamitin ang energy saving mode ng mga telebisyon. Mas matipid din ng 77% sa konsumo ang mga LED TV kumpara sa mga CRT (cathode-ray tube) at Plasma na telebisyon.

BENTILADOR. Sa paggamit ng bentilador, napakahalaga ng pagpili ng tamang uri ng bentilador na naaakma sa laki ng kwartong paglalagyan nito. Ang pagpili ng setting ukol sa bilis ng bentilador ay nakaaapekto rin sa konsumo. Kung mataas ang setting ng bilis, mataas din ang konsumo. Ayon sa pagsusuri ng Meralco Power Lab, maaaring makatipid ng P32.04 sa isang buwan kung ang 16” na bentilador ay gagamitin ng siyam na oras sa isang araw nang nasa mababang setting kumpara kung ito ay nasa pinakamataas na setting. Mahalaga rin ang regular na paglilinis ng bentilador upang maging mas maayos ang konsumo nito.

AIRCON. Ang aircon ang isa sa pinakamalakas pagdating sa konsumo sa kuryente ang pag-uusapan. Tinatayang maaaring nasa 40% hanggang 50% ang kontribusyon nito sa kabuuang konsumo sa kur­yente. Napakahalaga ng pagpili ng tamang uri ng aircon na naaangkop sa laki ng kwartong paglalagyan nito. Upang makatipid din sa konsumo ng aircon, i-set ang thermostat nito sa 24 o 25 degrees Celsius. Ayon ulit sa pagsusuri ng Meralco Power Lab, kapag ginamit ng walong oras ang 1.0 window-type na aircon na may thermostat na 25 degrees Celsius, maaaring makatipid ng humigit kumulang P991 kada buwan kumpara kung ito ay gumagamit ng thermostat na 18 degrees Celsius. Ugaliin din ang regular na paglilinis ng aircon at ang pagpapalit ng filter nito kung kinakailangan. Maaaring makatipid ng P334 kada buwan kung mapa­panatiling malinis ang filter ng mga aircon. Mas mati­pid din sa konsumo kung inverter technology na aircon ang gagamitin.

PLANTSA. Ang pagpaplantsa ay isa sa mga gawaing bahay na karaniwang tumatagal ng ilang oras bago matapos. Upang makatipid sa konsumo sa paggamit ng plantsa, ugaliing magplantsa ng damit nang maramihan. Mas matipid ito sa konsumo kaysa paulit-ulit na pagsasaksak at paggamit para sa iilang damit lamang. Natukoy din ang katapusan ng linggo bilang araw na mababa ang demand sa kuryente kaya’t mainam na sa mga araw na ito itakda ang pagpaplantsa ng mga damit. Suriin ding mabuti ang mga damit na binabalak plantsahin dahil maaa­ring ang ilan sa mga ito ay hindi na kailangan pang plantsahin.

REFRIGERATOR. Sa pagpili ng refrigerator, ugaliing tingnan ang yellow na sticker na nakakabit dito. Ang mga mayroong mataas na E­nergy Efficiency Factor ay tinatayang mas mababa ang konsumo. Piliin din ang tamang laki base sa laki ng pamilyang gagamit nito. Ang 7-10 cubic foot na refrigerator ay karaniwang may kapasidad ng pagkain na pandalawang tao. Magdagdag ng isa pang cubic foot para sa kada isang miyembro ng pamilya upang malaman ang tamang laki ng refrigerator na naaangkop para sa inyo. Siguraduhin ding mayroong sapat na espasyong hindi bababa sa dalawang pulgada sa loob ng regrigerator upang mas makaikot ang hangin nito. Ayon din sa pagsusuri ng Meralco Power Lab, maaaring makatipid ng hanggang 50% kung inverter na refrigerator ang gagamitin.

RICE COOKER. Ang mga rice cooker ay mayroong ‘Keep Warm’ na setting. Pinananatili nito ang init na kinakailangan ng kanin matapos itong maisaing. Sa halip na dumepende sa setting na ito, maaaring i-adjust ang oras ng pagsasaing ng mas malapit sa aktwal na oras ng pagkain upang hindi na kailanganing gamitin ang nasabing setting. Gaya ng ibang kagamitang de kuryente, makatutulong din kung ugaliin na tanggalin sa pagkakasaksak ang rice cooker kung hindi naman ito ginagamit. Piliin din ang tamang laki ng rice cooker nang naaayon sa laki ng pamilyang gagamit nito.

Ilan lamang ito sa mga tip na maaaring gamitin ng mga konsyumer upang makatipid sa konsumo sa koryente lalo na ngayong panahon ng tag-init. Bagamat, lalo pang bumaba ang presyo ng kuryente para sa buwan ng Marso, hinihikayat pa rin ng Meralco ang mga customer nito na

Read More

OPM ICON CLAIRE DELA FUENTE PUMANAW NA

0

KINUMPIRMA ng anak na si Gigo de Guzman ang pagpanaw ng tinaguriang “Jukebox Queen” at OPM icon na si Claire dela Fuente, Martes ng umaga.

Ayon kay Gigo, nagpositibo sa COVID-19 ang ina at dumanas din ng cardiac arrest na siyang dahilan ng kamatayan nito.

Pumanaw ang singer sa edad na 62.

Nakilala si Claire bilang Asia’s Sweetest Voice at Jukebox Queen at kabilang sa mga awitin niyang tumatak sa publiko ang ‘Sayang’, ‘Minsan Minsan’ at ‘Nakaw na Pag-ibig’.

Tumatak din sa marami ang boses niya dahil sa pagkakahawig kay Karen Carpenter, ng American vocal and instrumental duo na The Carpenters.

Bukod sa pagkanta, si Claire ay isa ring negosyante. (JULIET Q. PACOT)

Read More

ECQ EXTENSION HIRIT NG DOH

0

HINILING ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na pahabain ng isa pang linggo ang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig probinsya katulad ng Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite.

Ito ay upang mapigilan ang posibleng pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang milyon, banggit ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Sobrang iksi ng isang linggo, kung kaya’t nirekomenda natin ang extension. Pero syempre, kailangan natin balansehin ito sa ekonomiya kaya kailangan nang sapat na basehan para sa extension na ito,” paliwanag ni Vergeire.

Nagsimula ang ECQ sa NCR plus noong Marso 29 na tatagal hanggang Abril 4.

 

‘LAST RESORT’

Inihayag naman ng Malakanyang na “absolute last resort” ng pamahalaan ang i-extend ang implementasyon ng ECQ.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, magpupulong sa darating na Sabado de Gloria, Abril 3 ang IATF—ang policy making body ng pamahalaan sa COVID-19 response— para magdesisyon kung ie-extend ang ECQ protocol sa NCR Plus areas o hindi.

“Another week or two weeks of MECQ, ‘yun po ay magiging absolute last resort,” ayon kay Sec. Roque.

Ang ECQ protocol ay nagbabawal sa non-essential trips at non-essential services at businesses na mag-operate.

“Inaasahan po natin na ang isang linggong ECQ at isang linggo ng NCR Plus bubble, kasama ang mask, hugas, iwas, at pagbabahay-bahay sa paghahanap ng may sintomas at pinaigting na testing and isolation, umaasa po tayo na sana po, hindi na kinakailangan mag [extend ng] ECQ,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Althea de Guzman, bahagyang babagal ang kaso sa one-week ECQ pero muling tataas ito kapag niluwagan ang restrictions. (MARINHEL T. BADILLA/CHRISTIAN DALE)

Read More

Paalala ng BIR sa taxpayers eSYSTEM PWEDENG GAMITIN SA PAGBABAYAD NG BUWIS

0

PINAYAGAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang taxpayers na magsumite ng income tax returns at magbayad ng kanilang buwis sa anomang sangay ng ahensiya hanggang Abril 30.

Nakasaad ito sa Revenue Memorandum Circular No. 41-2021 na inisyu ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay noong Marso 22.

Ipinaliwanag ni Dulay na gagawin ito ng mga taxpayer na nakatakdang magbayad at magpasa ng income tax returns mula Marso 22 hanggang Abril 30 upang makaiwas sa pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Binanggit ni Dulay sa parehong memorandum na ang mga taxpayer na hindi mandato na gumamit ng eFPS at eBIR Forms System ay hinihikayat na “electronically file their returns through the BIR Forms Facility”.

Sa pamamagitan din ng “ePayment channels” magbabayad ng kanilang buwis, dagdag ni Dulay. (NELSON S. BADILLA)

Read More

OPERASYON NG NLEX-SCTEX TULOY KAHIT ECQ

0

SA kabila ng pinaiiral na ECQ sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna, ipinahayag ng NLEX Corporation na tuloy pa rin ang kanilang operasyon sa NLEX-SCTEX.

Isinasagawa ng nasabing tollway company ang lahat ng mga hakbang upang maitaguyod ang kalusugan at kaligtasan ng mga empleyado kasabay ng pagtiyak sa pagpapatuloy ng serbisyo sa mga motorista.

“We recognize the critical role of our company in providing vital infrastructure for the unimpeded flow of goods and services. Our team commits to comply with government guidelines and directives, and continue to protect our employees and motorists, ayon kay J. Luigi L. Bautista, president at general manager ng NLEX Corporation.

24/7 ang operasyon ng NLEX at SCTEX upang masiguro na hindi mahihinto ang paggalaw ng essential goods at biyahe ng mga frontliner, workers, at Authorized Persons Outside of Residence (APOR).

Lahat ng toll plazas ay bukas ngunit sa limited capacity lamang base sa tagubilin ng Inter-Agency Task Force (IATF) habang ang Balintawak, Bocaue, at Mindanao toll plazas ay nananatiling bukas ng 50% to 60% ng mga linya nito para serbisyuhan ang mga motorista. (ELOISA SILVERIO)

Read More

P1K AYUDA IPAMAMAHAGI NA

0

MAGSISIMULA nang ipamahagi ng pamahalaan ang ayudang P1,000 bawat pamilya ng 22.9 milyong apektado ng panibagong ECQ sa tinawag ng gobyerno na NCR plus (National Capital Region, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan).

Nilinaw ni Budget Secretary Wendell Avisado na maaaring ibigay ito ng “in – kind”, o “in – cash”, depende sa desisyon ng local government units (LGUs).

Ngunit, tiniyak ni Avisado na hindi pupunta ang mga benepisyaryo sa mga pamahalaang lokal kundi ang kinatawan ng huli ang magsisitungo sa kanila.

Ibinatay ang ayuda sa ideyang maraming nawalan ng pagkakakitaan sa loob ng isang linggong ECQ. (NELSON S. BADILLA)

Read More

UTANG NG PH, P10.4 TRILYON NA

0

TUMAAS sa P10.405 trilyon ang utang ng pambansang pamahalaan nitong Pebrero.

Ito ang pinakamataas na utang ng pamahalaan sa mga dayuhan at lokal na pampinansiyang institusyon at bangko.

Nitong Pebrero, P78.37 bilyon ang naidagdag sa kabuuang utang noong Enero.

Pinakamalaki rito ay inilaan sa mga hakbang at proyekto ng administrasyong Duterte laban sa COVID-19.

Inaasahang tataas ang utang ng pamahalaan sa higit P10 trilyon ngayong 2021 dahil tinatrabaho na ng mga dalubhasa sa pananalapi ng administrasyong Duterte na makautang ng panibagong P3 trilyon. (NELSON S. BADILLA)

Read More

FDA binalaan ni Defensor sa pagharang sa Ivermectin COVID DEATHS DADAMI PA

0

(BERNARD TAGUINOD)

MADARAGDAGAN pa ang mga masasawi sa COVID-19 kung hindi bibilisan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kilos nito upang mapahintulutan ang paggamit ng Ivermectin laban sa nasabing sakit.

Kaya naman kinastigo kahapon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang FDA dahil sa patuloy na pagkontra ng mga ito sa Ivermectin imbes na tulungan ang mga doctor at aprubahan na ang aplikasyon nito sa compassionate use.

“Dr. (Eric) Domingo, Im warning you,” ani Defensor dahil desperado na ang mga tao lalo na’t walang available na gamot sa merkado para mapadali ang paggaling ng COVID-19 patients.

Ibinuko rin ni Defensor na sinasabihan umano ng Department of Health (DOH) ang mga doktor na huwag ireseta ang Ivermectin kaya imbes na tulungan ay nagiging hadlang ang mga ito sa paggaling ng mga tao.

“Imbes na kayo ang hadlang sana pro-active kayo. Tulungan nyo ang mga tao,” ayon pa kay Defensor.

Sa pagdinig ng House committee on health, tinawag ng mga doktor mula sa grupong Front Line COVID-19 Critical Care Alliance (FLCCC) na wonder drug ang Ivermectin dahil epektibo umano ito sa COVID-19 kaya hindi dapat ipagbawal na gamitin.

Sa nasabing pagdinig, sinabi nina Dr. Allan Landrito na “wonder drug” ang Ivermectin.

Ayon kay Landrito na dating nagtrabaho sa City Health Department ng Muntinlupa City, kinikilala na ng World Health Organization (WHO) bilang essential drug ang Ivermectin na inimbento ng isang Japanese doctor noong 1975.

Inamin ni Landrito na ginamit nito sa may 8,000 pasyente ang nasabing anti-parasite drug at pawang gumaling umano ang mga ito sa COVID-19.

“This is life saving medicine,” deklara naman ni Dr. Pierre Kory, presidente ng FLCCC at noong Mayo 2020 ay inirekomenda na umano niya ito bilang gamot sa COVID-19 sa isang pagdinig sa Senado subalit pinagtawanan at inalipusta lamang umano ito.

Sinabi ni Kory na sa Peru ay ginagamit na ang nasabing gamot kaya hindi lumala ang kaso ng COVID-19 doon.

Sa ngayon ay Remdesevir ang ipinagagamit ng DOH sa COVID-19 patients subalit umaabot ito sa P28,000 kada vial kumpara sa Ivermectin na P35 lang ang halaga kada tableta at tatlong tableta lang ang kailangan.

Read More

INSPECTOR NANAKSAK SA BUS TERMINAL

0

LAGUNA – Nauwi sa saksakan ang masayang inuman ng magkaibigan sa loob ng bus terminal nitong Martes sa Biñan City sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Col. Giovanni Martinez, chief of police ng Binan City, ang suspek na si Alberto Teano y Andaya, 50, bus inspector.

Habang ang biktima ay kinilalang si John Albenda y Bombani, 26, nanunuluyan sa Jac Liner Bus Terminal sa Brgy. Sto. Domingo, Biñan City.

Base sa kwento ng nakasaksi sa pangyayari na si Welfredo Makig-angay, nag-inuman sina Teano at Albenda sa loob ng bus terminal na umabot ng hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

Ngunit bunsod ng sobrang kalasingan, nagkapikunan ang dalawa na humantong sa mainitang pagtatalo.

Kumuha umano ng kutsilyo si Teano at pinagsasaksak si Albenda na mabilis na isinugod sa Ospital ng Biñan City.

Mabilis namang inaresto ng mga awtoridad ang suspek na kasalukuyan nang nakakulong. (CYRILL QUILO)

Read More