PPO MAY VIRTUAL POCKET PERFORMANCES NGAYONG MARSO

0

Ang Philippine Philharmonic Orchestra ay magkakaroon ng kanilang seryeng online concerts na tinawag na The PPO Spotlight: Virtual Pocket Performances at ito ay gaganapin sa Marso 5 at Marso 19, 2021 ganap na alas-8:00 ng gabi, Biyernes, sa pamamagitan ng website ng Cultural Center of the Philippines.

Ang program para sa concert sa Marso 5, na nakatuon sa Movie Themes, tampok ang mga sumusunod na mga piyesa tulad ng “What A Wonderful World” ni Bob Thiele at George David Weiss na patutugtugin ni Edgardo Silangcruz (Flute), “Pie Jesu” ni Andrew Lloyd Webber na itatanghal ni Ma. Angelica Uson (Violin) at Glober Calambro (Trumpet); “Bella Ciao – Italian Protest Song” na ipamamalas nina Hernan Manalastas (Clarinet), Edwin Matias (Trumpet), Ramon Alcantara (French Horn) at Arnel Jacinto (Contrabass); “Moon River” ni Henry Mancini at Johnny Mercer na i-interpret ni Ayesa Cruz (Violin) at Madeline Jane Banta (Harp).

Ang PPO Online Pocket Performance Series, na nagsimula noong nakaraang buwan at magtatapos sa Hulyo ngayong taon, ay isang programa ng Philippine Philharmonic Orchestra na mapapanood mula sa PPO FB page at sa CCP YouTube bilang platforms.

Read More

WALANG PILITAN SA BAKUNA – DUTERTE

0

WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No vaccine, no work” policy na una nang inilutang ng ilang kumpanya.

Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan sa publiko na ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa o mag-alinlangan sa mga bakuna dahil hindi naman ito ibibigay kung hindi napatunayang ligtas at epektibo.

Naniniwala naman si Cabsec Nograles na tumataas na ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

Bukod aniya sa medical health workers tulad ng mga nurse at doktor maging ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan na naunang nabakunahan ay wala namang major adverse event na naitala.

Samantala, umapela si CabSec Nograles sa publiko na sa oras na dumating na ang kanilang panahon para magpabakuna ay buong puso nila itong tanggapin upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.

 

BABALA
SA EMPLOYERS

Kaugnay nito, nagbabala ang ilang senador laban sa mga employer na magpapatupad ng diskriminasyon dahil lamang sa bakuna.

Giit nina Senador Joel Villanueva at Senador Francis “Tol” Tolentino, dapat linawin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang “no vaccination, no work”policy na nais ipatupad ng ilang employers sa mga manggagawa nito.

Sinabi ni Villanueva, chairman ng Senate labor committee, na kailangang maglabas agad ang DOLE ng malinaw na panuntunan sa nasabing usapin upang maiwasan ang sigalot sa pagitan ng mga ito.

“A worker can be late for work and be penalized with salary deduction. But a government guilty of vaccine tardiness faces no such reprimand, even it causes the nation P2.8 billion in economic losses daily. A worker who is not yet immune from virus shouldn’t lose his immunity from being fired arbitrarily,” sabi nito.

Giit pa ng senador na hindi kasalanan ng mga manggagawa kung tumanggi itong magpabakuna lalo na at duda ang nasa 47% ng mga Pilipino kung ligtas ang bakuna.

Sinabi naman ni Tolentino na malaking tulong ang COVID-19 vaccine cards, bilang bahagi ng National Vaccination Program, na hindi ikokonsiderang mandatory requirement sa trabaho.

 

PARUSA

Samantala, maglalabas ng kautusan si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga negosyante na magbabawal sa kanilang ituloy ang patakarang “no vaccine, no work” dahil labag ito sa batas.

Ani Bello, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay “magsi-set ng order para sa pagbabawal ng COVID-19 vaccinations bilang panuntunan sa pagtatrabaho”.

Tiniyak ng opisyal na mahaharap ang mga negosyante na magpapapataw ng no vaccination, no work policy sa “administrative penalty” dahil walang legal na batayan ang nasabing requirement.

“Ito ay ikokonsidera bilang isang ilegal na suspensyon o illegal dismissal, [kung] anong aksyon ng employer sa employee na hindi mabakunahan,” patuloy pa ni Bello.

Maging si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ay hindi pabor sa no vaccine, no work policy na nais ng ilang kumpanya.

Binanggit ito ni Duque nang tanungin siya sa press conference na ginanap sa East Avenue Medical Center (EAMC) nitong Miyekoles kung saan binigyang-linaw ng opisyal na walang ganitong panuntunan ang Inter- Agency Task Force (IATF).

“Masyadong discriminatory ‘yong no vaccine, no work policy,” ayon naman kay Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers (FFW).

Isinaad naman ni Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng Partido Manggagawa (PM) na: “Ilegal po ‘yon na gawing kondisyon ang bakuna sa trabaho, boluntaryo dapat ang bakuna at dapat lang hikayatin para rito ang mamamayan”.

 

IDINULOG SA DOLE

Nauna nang idinulog ng pamunuan ng Associated Labor Unions (ALU) Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa DOLE ang reklamo laban sa nasabing polisiya.

May mga natanggap umanong karaingan ang ALU-TUCP mula sa mga empleyado ng BPO companies, hotel at mga restaurant na nag-oobliga sa kanila na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, idinulog na nila sa DOLE ang naturang isyu kahit hindi nila mga kasapi ang mga nagrereklamo.

Sa kanilang pagpupulong kasama ang ilang business group, labor officials at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay napagkasunduan umano na maglalabas ng department order kaugnay dito ang DOLE.

“Maglalabas na sila anytime this week ng isang department order, kautusan sa DOLE na ipinagbabawal ‘yung discrimination o coercion sa mga manggagawang natatakot pang magpabakuna bago pumasok sa trabaho,” sabi ni Tanjusay. (CHRISTIAN DALE/NOEL ABUEL/MARINHEL T. BADILLA/JESSE KABEL)

Read More

Solon sa ‘no vaccine, no work’ policy TAKTIKA SA ‘LEGAL’ NA SIBAKAN

0

(BERNARD TAGUINOD)

NANINIWALA si ACT party-list Rep. France Castro na posibleng taktika lamang ng mga kumpanya ang ‘no vaccine, no work’ policy para magtanggal ng mga empleyado kaya dapat pigilan aniya ito ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“That is outright discriminatory and anti-labor practice. Paano nila ire-require ‘yan sa mga manggagawa? Sa kakuparan at inutil na pangangasiwa ng programa ng bakuna, manggagawa ang kawawa,” ani Castro.

Malabo aniyang mabigyan ng bakuha ang mga manggagawa dahil sa ngayon ay puro donasyon lamang ang ginagamit ng gobyerno sa medical frontliners at limatado pa.

Alam aniya ito ng mga employer subalit mistulang ginagamit nila ito para maglabas ng polisiya upang maging legal ang pagtatanggal nila ng obrero sa gitna ng pandemya.

“Isa ring iskema ito sa palagay ko para magtanggal o magbawas ng manggagawa,” ayon pa sa lady solon.
Samantala, kinondena ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran ang “no vaccine, no work policy’ ng ilang kumpanya sa bansa sa harap ng pagsisimula ng mass vaccination laban sa COVID-19.

Ayon sa mambabatas, hindi dapat pilitin ng mga employer ang kanilang mga empleyado na magpabakuna bago sila payagang pumasok sa kanilang trabaho dahil hindi ito ang polisiya ng national government.

“There is no basis for the ‘no vaccine, no work’ policy. The President himself said that nobody can be forced to be inoculated. Each person has the right to refuse to be vaccinated,” ani Taduran.

Bukod dito, imposible rin aniyang mabakunahan ang lahat ng mga manggagawa dahil sa mga nasa priority list pa lang ay kulang na ang dumarating na bakuna sa bansa.

Sa ngayon ay inuuna pa ang medical frontliners sa pagsisimula ng mass vaccination at isusunod sa mga ito ang senior citizens, sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel.

Inaasahan na kabilang ang mga manggagawa sa mga huling makakakuha ng bakuna laban sa COVID-19 kaya hindi aniya makatuwiran ang polisiyang ito ng ilang kumpanya sa bansa.

“Although I am encouraging everyone to erase the fear being attributed to the new vaccine, I still believe that vaccination against COVID-19 should be voluntary. Walang pilitan,” ani Taduran.

Read More

Kung ‘di naawat ng mga opisyal -solon PNP-PDEA NAGKAUBUSAN

0

(BERNARD TAGUINOD)

NAKAPANLILIIT para sa isang mambabatas sa Kamara ang inasal ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) dahil posibleng mas marami sa mga ito ang namatay sa kanilang engkwentro kung hindi nakialam ang kani-kanilang mga opisyal.

Hindi lang kahiya-hiya kundi kasuklam-suklam din para kay House committee on dangerous drug chairman Rep. Robert Ace Barbers ang nangyaring engkwentro ng mga operatiba ng dalawang ahensya noong isang linggo sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sa kanyang privilege speech kaugnay ng nasabing insidente, sinabi ni Barbers na sa unang bahagi pa lamang ng putukan ay alam na ng mga ahente na kapwa sila nasa panig ng gobyerno subalit umabot pa aniya ng mahigit isang oras ang putukan.

“What was more disgusting and very embarrassing Mr. Speaker is that it went on for more than an hour while the ensuing news report repeatedly and clearly state that the fighting was between the police and the PDEA agents.

Base sa mga footage ng mga CCTV ay nagpakilala na ang mga ahente ng PDEA pero tuloy pa rin ang pagpapaputok sa kanila ng mga pulis.

“Not only that, the news and footages show a clear indication that one side are police officers, and the other side belongs to the PDEA, because many of them were visibly wearing uniforms. What was worse, Mr. Speaker, is that the PDEA agents were discriminately targeted,” ayon pa sa mambabatas.

Sa isa pang video na ipinakita ni Barbers sa plenaryo ng Kamara, hinalughog ng mga pulis ang comfort room ng fast food restaurant kung saan nagtago ang mga tao kasama ang ilang PDEA agent.

“It can be seen from the footage that when someone voluntarily submitted and identified herself a female PDEA agent, who even presented her PDEA identification documents, she was harshly treated like an enemy as she was required to crawl flat on the floor with both hands behind her head,” ani Barbers.

Taliwas ito sa maayos na pagtrato ng mga pulis sa isang lalaki na nagpakilalang pulis at hindi na hinanapan ng ID habang ang mga PDEA agent aniya na inaresto ay trinatong kriminal.

“Mr. Speaker, the police and PDEA agents involved must have known and identified each other that they both belong to the government, but they did not bother to initiate efforts to immediately cease the exchange of gunfire. As reported in the news, the contending parties finally stopped the shooting only when their respective high-ranking officials personally interceded, which happened more than an hour after it started,” ani Barbers.

Read More

PAGTAKBO NI SARA PINAKUKUMPIRMA

0

SA programang Kaya Mo Yan sa DZRH noong Sabado, inudyukan ni dating Tourism asec Ricky Alegre at kanyang co-host na si Lester Codog si HNP (Hugpong Ng Pagbabago) Secretary General Anthony Del Rosario na mag-guest at sabihin kung ano ba talaga ang totoong plano ni Mayor Sara Duterte-Carpio para sa susunod na halalan.

Ang Hugpong Ng Pagbabago ang official political party ni Mayor Sara. Nabuo ito kasama si former governor Anthony del Rosario.

Palakas nang palakas ang panawagan para tumakbo si Mayor Sara at kumakalat na ang napakaraming posters at billboard sa bansa. Kahit paulit-ulit na sinabi ni Mayor Sara na hindi sya tatakbo sa 2022, at ilang beses na rin sinabi ng ama niyang si Pangulong Duterte na hindi ito sang-ayon na tumakbo sa pagkapresidente ang babaeng anak. Pero mukhang hindi naniniwala ang mga tao.

Matatandaang ganito rin ang naging eksena bago naging pangulo si Duterte.
Dahil dito, marami ang nagtatanong, ano nga ba ang totoo?

Paunlakan din kaya ni former governor and HNP Secretary General Del Rosario ang pang-uudyok na ibuking niya ang totoong plano?

ANG DZRH anchors na sina “Kaya Mo Yan” Lester Codog, Asec. Ricky Allegre at Direk Nancy Irlanda. (Ibabang larawan) HNP Secretary General Anthony Del Rosario, Mayor Sara Duterte-Capio, Kristopher Peralta

Read More

OFW NA SENIOR CITIZEN, NANAWAGAN NG TULONG

0

NATANGGAP ng AKOOFW ang isang panawagan ng ating kabayani na isa nang senior citizen.

Siya ay si Tatay Pepito Siaton, 60 taong gulang at kasalukuyang nasa Jeddah Saudi Arabia.

Dokumentadong OFW na nakarating sa bansang Saudi Arabia si Tatay Pepito noong Abril 26,2007. Ngunit sa tagal ng panahon ng kanyang panunungkulan sa kanyang kumpanya, hindi nagtagal ay nagsara ito.

Dahil sa pagsasara ng kumpanya ay tuluyan na siyang naging undocumented at nawalan na ng trabaho at employer.

Doble dagok ang nangyari kay Tatay Pepito, dahil bukod sa kawalan ng trabaho ay inatake pa ito ng mataas na presyon ng dugo at naging dahilan ng pagkaparalisa ng kanyang kalahating katawan.

Hindi pa rito natatapos ang kanyang kalbaryo, dahil matapos na maparalisa, ay nabulag din ang kanyang kanang mata at ang kanyang labis na ikinababahala ay malamang na mabulag na rin ang kanyang kaliwang mata kung hindi ito maooperahan.

Dahil sa kawalan ng regular na dokumento o residency visa, ay hindi ito makapunta sa mga pampublikong ospital para man lamang makapagpa-check up.

Expired na ang lahat ng kanyang papeles pati na rin ang kanyang pasaporte ngunit hindi niya magawang magpa-renew nito dahil sa kanyang kalagayang medikal.

Labis-labis ang panawagan ni Tatay Pepito na tubong Cordova, Cebu na siya ay matulungan ng ating gobyerno upang siya ay makauwi na sa Pilipinas at makapiling ang kanyang pamilya.

Ang AKOOFW ay nanawagan sa Department of Foreign Affairs upang matulungan na maasikaso ang kanyang repatriation.

Sa hanay naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay aking hiniling sa ating Welfare Officer sa Jeddah na masuportahan si Tatay Pepito sa kanyang mga pangangailangan katulad ng pagkain at gamot.

oOo

Sa mga nais dumulog at humingi ng tulong sa ating kolum na AKOOFW ay maari kayong magpadala ng inyong email aa drchieumandap@yahoo.com.

Read More

BI-POD AT TCEU OFFICIALS, INUTIL?

0

LAGING paalala pa rin ng mga health official ang paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa COVID-19 kung kaya’t ito rin ang ginagawa ng ilang mga opisyal ng Bureau of Immigration sa NAIA matapos mabuking ang kanilang raket kasabwat ang ilang maimpluwensyang travel agencies kagaya ng Huayi Group Inc. na siyang lumakad umano ng papeles sa main office upang mabawi ang Exclusion Order o pagharang sa mga nahuhuling dayuhan partikular ang mga Chinese national na bitbit ang isang endorsement galing DFA.

Kamakailan ay 17 Chinese nationals umano ang hinarang ng mga tauhan ng Port Operations Division (POD) at Travel Control Enforcement Unit sa NAIA dahil sa nakakadudang dahilan ng mga ito sa pagpasok sa bansa kahit mayroon silang endorsement mula sa Department of Foreign Affairs?

Hmm.. Pero bakit kaya ang nangyari ay tila holdap na ginawa ng Huayi Group Inc. sa 7 Chinese na hiningan diumano ng P350k kada isa o may total na P2.4M para maglabas ang Office of the Commissioner ng Recall of Exclusion Order o pagbawi sa kanilang pagharang sa mga dayuhan at payagan ang mga ito na makapasok.

Sabagay sino ba naman ang bugok na opisyal ng POD at TCEU ang iimbestigahan ang kanilang Boss? Eh di sinipa kayo sa tumbong.

Matapos ang ating pambibisto sa raket ng mga tiwaling opisyal ng BI-POD, TCEU ay isang nagpakilalang kaibigan umano ni Candy Tan ang tumawag sa inyong lingkod upang sabihin na ang nangyaring pagpapalusot umano ng mga tauhan ng TCEU sa mga OFW na kulang ang travel permits sa Cebu airport ay wala na sa kapangyarihan ni Tan at isinisi sa main office na siyang may hawak sa mga ito.

Idinagdag pa ng isang nagpakilalang kaibigan ni Tan na maaaring nalusutan nga sila sa Mactan Airport dahil walang CCTV sa lugar nang mangyari ito? Aba eh kahit nga may CCTV nalulusutan kayo kaya nga nahuli ang isang Marsalek.

Matapos ang issue ng Pastillas scheme na halos puro naman hearsay ang alegasyon ng mga whistleblower ay nanlamig muna ang kalokohan ng mga demonyong tauhan ng BI sa airport na daig pa ang inyong mga dyowa sa panlalamig.

Ngunit bumalik naman ang init matapos ang ilang buwan nang magkaroon ng re-shuffle sa NAIA.

Samantala, Ano na kayang nangyari sa imbestigasyon ng NBI sa pagkakahuli sa entrapment operation sa isang liaison officer ng law firm na si Vivian Lara sa loob ng Legal Division ng BI upang lakarin ang pagpasok ng 3 Chinese nationals sa bansa kapalit ang P900k na nakuha umano sa kanya bilang entrapment money. Mayroon pa kayang involved dito na opisyal ng Legal Division at bakit dito ginawa ang transaction. Matagal na kaya itong nangyayari kung hindi ito nabuking? Kaya ba ng kontak nito sa Legal na magparating ng Chinese sa airport?? Abangan!!

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.

Read More

NAPAKABULOK NG IDEYA NG INQUIRER COLUMNIST TUNGKOL KAY ROBREDO (2)

0

NAPAKARAMING pag-aaral ang nagsasabing lumala nang husto ang katiwalan, korapsyon at pandarambong sa panahon ni Gloria Arroyo.
Ganoon din ang paglabag sa karapatang pantao.

Nagpatuloy at tumindi ang mga suliraning ito ng ating bansa nang maging pangulo si Noynoy Aquino.

Napakaraming nakakaalam nito, ngunit hindi ko alam bakit ignorante si Ginoong Richard Heydarian sa mga bagay na ito.

Tapos, binigwasan ni Heydarian si Duterte dahil winasak daw ng pangulong ito ang mga nagawa nina Arroyo at Aquino laban sa katiwalian, korapsyon at pandarambong at paglabag sa karapatang-pantao ng mga Filipino.

Hindi ko alam kung paano ang estilo ni Heydaraian kapag nag-iisip para isulat ang ­kanyang kolum sa Inquirer.

Ang alam ko, kailangang hindi nakatuntong ang ulo sa simento, o lupa, dahil kapag ganito ay pihadong napakabulok ang ideyang lalabas sa isipan ng isang tao.

Kung palpak ang pagkilala ni Heydarian sa pananaw ng World Bank sa Pilipinas noong panahon nina Arroyo at Aquino, mali na rin ang pagsusuri niya laban kay Duterte.

Walang winasak si Duterte!

Ang nangyari ay nagpatuloy ang paglabag sa karapatang pantao sa panahon ni Duterte.

Itanong pa ni Heydarian kay Bise – Presidente Leni Robredo.

Itanong din niya sa human rights group na Karapatan.

Kung katiwalian, korapsyon at pandarambong naman ang pag-uusapan, walang dudang hindi rin winasak ni Duterte ang mga nangyari laban sa mga ito noong panahon nina Arroyo at Aquino dahil unang-una ay napakasahol sa kanilang panahon ang nasabing mga krimen.

Ngayon, babalikan ko ang iwinasiwas ni Heydarian na si Robredo ang magsasakatuparan ng Edsa Dream.

Ano ba ang natupad sa panahon nina Arroyo at Aquino tungkol sa pangako ng Edsa Uno na kailangang muling isulong, ipaglaban at kamtin ni ­Robredo kung maging pangulo ito mula Hunyo 30, 2022 ­hanggang Hunyo 30, 2028?

Sa kanyang kolum, binanggit ni Heydarian ang hiniram niyang isa sa mga importanteng ideya ni Karl Marx tungkol sa pag-aalsa ng mamamayan.

Ganito ang isinulat ni Heydarian: “The upshot was worse than irony — a living and breathing mockery of the spirit and goals of the Edsa revolt. For almost three decades, Philippine elections resembled what Karl Marx described as a political circus, whereby the “oppressed are allowed once every few years to decide which particular representatives of the ­oppressing class are to represent and repress them.”
Hindi naintindihan ni Heydarian ang aral ni Marx na noong Ika-19 na Siglo pa niya itinuro at ipinalaganap.

Sa pagsipi ni Hedarian kay Marx, dapat matalas na naisip at natuklasan ng kolumnista ng Inquirer na si Richard ­Heydarian na masama ang tunay na nilalaman at layunin ng Edsa Uno na pinamunuan ni Corazon Aquino.

Kung hindi niya alam at hindi naintindihan ang pangyayaring naganap noong Pebrero 1986, ang nasabing pag-aalsa ay pag-agaw ni Juan Ponce Enrile sa pampulitikang kontrol sa pamahalaan mula kay ­Ferdinand Marcos.

Kaya, hindi ‘yan pag-aalsa ng mga “oppressed” na sinabi ni Marx.

Ang Edsa Uno ay pag-aalsa ng mga naghaharing – uri kung saan ginamit ang mga ­napagsamantalahang mamamayan.

Pumayag at sumuporta ang mamamayan sa pag-aakalang interes at kagalingan nila ang isinulong at ipinaglaban nina Enrile at Fidel Ramos.

Ipaalala ko kay Heydarian ang sinapit ng pangkat ni Enrile nang mapalibutan sila ng mga sundalo habang nasa loob ng Camp Emilio Aguinaldo, dahilan upang kumbinsihin ni Enrile si Ramos na sumanib sa kanya.

Nang mabisto ni Marcos ang kudeta nina Enrile at Ramos, naobliga ang dalawa na gawing pag-aalsa ng mga napagsamantalahan ang kanilang sinimulan.

Nakumbinsi nila si Corazon Aquino dahil pabor na pabor ito sa kanyang uri na panginoong maylupa.

Syempre, pabor na pabor din sa mga oligarko at ­kapitalista.

Dahil dito, naging ­pangulo si Aquino at pangalawang ­pangulo naman si dating Senador Salvador “Doy” Laurel.

Itanim ni Heydarian sa kanyang isipan na kailanman ay huwag niyang gamitin si Karl Marx Marx upang isulong ang ideyang si Leni Robredo, o sinuman, ang magpapatuloy, makikipaglaban at magkakamit ng mga pangarap at layunin ng Edsa Uno, sapagkat napakalaking kalapastanganan at pambababoy ito kay Marx.

Hindi porke nagsusulat si Richard Heydarian sa Inquirer ay absoluto ang kalayaan niyang talakayin at ipakalat ang ideyang napakabulok tungkol kay Robredo, o kanino man.

Hindi porke ingles ang gamit niyang lenggwahe ay gagamitin niya si Karl Marx upang palabasing matalas at mahusay siyang mag-isip.

Tandaan ng sinuman na ang pagsusulat ay hindi pagpapasikat sa mga taong marurunong ng ingles.

Ito ay pamamahagi ng mga ideya at pagsusuri na pawang wasto, napapanahon, ­makabuluhan at mayroong mapakikinabangan ang pinakamalaking bilang ng mamamayan, lalo na ang mga pangkaraniwang tao. (Itutuloy)

Read More

MISTER NG SUICIDE BOMBER, SUMUKO

0

NAPILITANG sumuko ang isang kasapi ng Abu Sayyaf Group, sa mga tauhan ng Joint Task Force Sulu matapos na maaresto kamakailan ang kanyang asawa na pinaghihinalaang inihahahanda para maging isang suicide bomber.

Kinilala ang sumukong terrorist member ng ASG na si Jaber Binuri, mister ng naarestong si Nudsza Ismanu Aslun, na kinasuhan ng paglabag sa pag-iingat ng mga pampasabog.

Ayon kay Joint Task Force-Sulu (JTF-S) at 11th Infantry Division commander, MGen. William N. Gonzales, limang Abu Sayyaf Group (ASG) members, kabilang si Binuri, at dalawang supporters, ang sumuko sa government forces noong Miyerkoles ng umaga.

Ang pagsuko ay inilatag ng 15th Civil Military Operations Battalion (15CMO Bn), Metro Jolo Inter Agency Task Group, at intelligence units ng JTF-S.

Si Binuri ay isang hardcore member ng ASG, sa ilalim ng pamumuno ng napatay na si ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan, simula noong taong 2013, at sumanib sa pangkat ni ASG sub-leader Ben Wagas.

“Mga 31 na encounter, o higit pa siguro, ang nasalihan ko. Dati umaabot sa tatlong beses kami nakakasagupa ng sundalo. Madalas K3 machine gun ang dala ko pero naghawak din ako ng M14 at armalite,” ani Binuri.

“Noong nalaman ko na naaresto ang asawa ko, nagpaalam ako kay Ben Wagas na magbakasyon para kunin ko ‘yung mga anak namin at dalhin sa Zamboanga. Ang totoo, nakatawag na ako sa kaibigan ko na sundalo na gusto ko na bumaba,” dagdag pa nito.

Magugunitang si Nudsza Aslun ay nadakip kasabay ng walong iba pang mga babae noong Pebrero 19 kasunod, ng isinagawang joint law enforcement operation ng militar at pulis laban sa mga suspected lady suicide bomber na binubuo ng mga asawa o anak ng mga namatay na ASG members.

Sinasabing sa pagkaka-alam ni Nudsza, napatay na si Binuri sa labanan.

“Jaber and Nudsza’s story is a stark example of how terrorism has put its claws on the integrity of a family. Fortunately, Jaber’s duties as a father won over his loyalty to the ASG. I commend his guts for coming forward. I personally assured him that his trust on us will not be put to waste,” ani MGen Gonzales.

Kabilang sa mga nagsalong ng sandata sa pamahalaan sina Jupihar Alih, 25, dating kasapi ng disbanded ASG urban group ‘Ajang-ajang’; Hassan Albain, 25; William D. Janatol, 38; Rajik L. Alih, 34; Kaisal H. Maddan, 22; at Ibin H. Hapas, 57, dating kasapi ng ASG, sa pamumuno ni Radulan Sahiron. (JESSE KABEL)

 

Read More