P500-M, INIHANDA NG DOLE PARA SA UUWING OFWs

NAKAHANDANG maglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng hanggang P500 milyon upang mabigyan ng ayuda ang mga pabalik sa bansa na overseas Filipino workers (OFWs). Inamin ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na mayroong 40,000 hanggang 50,000 OFWs ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang makabalik sa bansa dahil sa patuloy na negatibong epekto ng COVID- 19 sa ekonomiya ng mga bansang pinagtatrabahuan nila. Batay sa dalawang batas tungkol sa Bayanihan, P10,000 ayudang pinansiyal ang ibibigay sa bawat OFW na mawawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Nakasaad din sa parehong…

Read More

PAGTANGGAP SA CORONAVAC SA CALOOCAN HOSPITAL, MATUMAL

WALA pang 33% sa staff ng Caloocan City Medical Center (CCMC) ang pumayag magpabakuna ng CoronaVac, ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac. Isang araw bago ang nakatakdang vaccination rollout sa nasabing ospital na nakatakda sa Marso 5, nabatid kay CCMC Administrator Dr. Fernando Santos, sa kabuuang 457 hospital staff, 149 lamang ang pumayag na magpabakuna ng Sinovac vaccine, o 32.6% Gayunpaman, tiwala ang administrador na dadami ang magpapaturok kapag mayroon nang mga naunang magpabakuna “Inaasahan natin na tataas pa ang bilang ng mga papayag magpabakuna kapag may mga nabakunahan…

Read More

DUMAYO SA TONDO PINAGBABARIL NG TANDEM

KRITIKAL sa pagamutan ang isang 36-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Huwebes. Base sa ulat ni P/Major Carlo Lañosa, block commander ng Manila Police District-Tayuman Police Community Precinct, sakop ng Station 7, lumapit sa biktima ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at kinausap ito. Ngunit nagtalo ang mga ito hanggang sa habulin ng mga suspek ang biktima patungo sa Fullon St. sa Tondo saka ito pinagbabaril. Ang biktima ay tinamaan sa ulo at dibdib ng mga bala mula sa 9mm…

Read More

TULAK, 2 KASABWAT TIKLO SA P.5-M SHABU

AABOT sa mahigit kalahating milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa isang hinihinalang tulak, kasama ang dalawang kasabwat kabilang ang isang babae, sa Sta. Cruz, Manila, iniulat ng pulisya nitong Huwebes. Dahil sa ipinaing marked money, natimbog ang target sa operasyon na kinilalang si Aldrin Florano y Cascaño, 21, residente ng #3730 F. Aguilar St., Makati City. Samantala, arestado rin ang umano’y kasabwat nito na kinilalang sina Jericho Osorio y Manarapaac, 33, ng #132 Binhagan St., Caloocan City, at Eloisa Reyes y Tiglao, ng nasabi ring lugar. Base…

Read More

Kahit ‘di tiyak na epektibo sa SAV PASAY NAGHIHINTAY SA 275K DOSES NG ASTRAZENECA

UMAASA ang pamahalaang lungsod ng Pasay na makatatanggap ito ng mahigit 275,000 doses ng AstraZeneca dahil higit itong epektibo at mura ang presyo. Ang 275,000 doses ng bakuna ay resulta ng “tripartite agreement” ng pamahalaang lokal, pambansang pamahalaan at sa AstraZeneca na pinagkasunduan na ipantuturok sa mga residente ng lungsod nang walang bayad, pahayag ni Mayor Emi Calixto-Rubiano. Pag-aari ng kumpanyang British-Sweden ang AstraZeneca. Naniniwala si Rubiano na higit na gagana ang bakunang AstraZeneca upang mapuksa ang South African variant (SAV) ng COVID-19 dahil sa napakataas na efficacy rate nito,…

Read More

ANTI-TRAFFICKING LAW HIHIGPITAN SA QC

BILANG bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month, inaprubahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ordinansa na naglalayong bumuo ng council para matiyak ang implementasyon ng Republic Act 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012. Nilagdaan ni Belmonte ang Ordinance No. 2999 S-2020, o ang Quezon City Anti-Trafficking in Persons Ordinance Act, para mapagtuunan ng pansin ang problema sa ‘trafficking in persons, especially women and children, at the local level through policies and programs to prevent, protect and rehabilitate trafficked persons’. Ang ordinansa ay ipinakilala ng…

Read More

Sa magpaparehistro ng negosyo ONLINE ONE-STOP SHOP INILUNSAD NG BIR

MAPADADALI ang pagrehistro ng mga korporasyon sa Securities and Exchange Commissioner (SEC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-IBIG ngayon matapos na ilunsad ng gobyerno ang first phase ng kanilang Central Business Portal (CBP) noong Enero 28. Ang CBP ay isang online system, na maa-access sa https://business.gov.ph. Ito ay nag-aalok ng single site/one-stop shop para sa lahat ng business-related information at transactions, maging sa pagrehistro ng ‘corporation, registering business and securing business permits/certificates, licenses’ mula sa nasabing mga ahensiya. Para sa initial implementation (Phase 1),…

Read More

ALERT LEVEL 1 ITINAAS SA MT. PINATUBO

MULING nagpakita ng abnormalidad ang Mt. Pinatubo, bunsod ng mga narehistrong “persistence seismic activity,” 30 taon matapos ang nangyaring major eruption na nakaapekto sa buong Luzon at Metro Manila. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula sa alert level 0, itinaas ito sa alert level 1. “This means that there is low-level unrest that may be related to tectonic processes beneath the volcano and that no imminent eruption is foreseen,” ayon sa inilabas na bulletin ng Phivolcs nitong Huwebes. Sa kasalukuyan, wala pa umanong indikasyon na may…

Read More

1 MILYON PANG SINOVAC INAASAHAN NGAYONG MARSO

INAASAHANG paparating na rin ngayong buwan ang isang milyong bakuna ng Sinovac na babayaran na ng gobyerno. Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng aniya’y tuloy-tuloy na pagdating ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa. Aniya, sa unang plano ay 50,000 ang inaasahan sana nitong nakalipas na Pebrero at 950,000 naman ngayong Marso. “Tuluy-tuloy na po iyan dahil may inaasahan po tayong isang milyon galing po sa Sinovac, ito na po iyong bibilhin natin. Ang ginagamit natin ay iyong donated lamang ‘no. Pero kung matatandaan ninyo, February,…

Read More