Philippine Charity Sweepstakes Office (ANNOUNCEMENT)

0

The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) would like to inform the public that lotto and digit games operations covering the selling and conduct of draws shall be suspended from March 29-31, 2021 pending approval of PCSO’s request to conduct draws at the PCSO Main Office in Mandaluyong City.

STL and Keno draws and selling of Instant Sweepstakes tickets in areas not covered by the declaration shall be maintained unless otherwise superseded by subsequent issuances pertaining to quarantine classifications.

Futhermore, we wish to inform the public that all PCSO gaming operations shall be suspended nationwide from April 1-4, 2021 in observance of the Lenten Season except for our Small Town Lottery (STL), in areas with approved request to conduct selling and draw activities. Kindly visit our website and social media accounts for guidance.

We encourage everyone to STAY HOME AND STAY SAFE.

Read More

AYUDA INIHAHANDA NA

0

MAGBIBIGAY ng tulong o ayuda ang pamahalaan sa mamamayan na ang lugar ay nasa ilalim ng ECQ.

“Dahil naintindihan po ni Presidente na habang tayo’y naka-ECQ eh walang pupuwedeng magtrabaho, magkakaroon po tayo ng tulong na ipamimigay sa ating mga kababayan,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa katunayan, ani Sec. Roque ay isinasapinal na ang pagbibigay ng assistance o ayuda.

Ngayong Lunes, ay nag-commit ang economic team na ilahad sa publiko kung saan kukunin ang assistance at pangalawa ay kung magkano ang ibibigay at kung ano ang pamamaraan para ma-distribute ito.

Ang pakiusap naman ni Sec. Roque ay ang mga hindi lang makapagtrabaho ang kumuha ng financial aid dahil iyon naman aniya ang intensyon ng pamahalaan.

“Well, ‘assistance’ po ang tinatawag natin ngayon diyan. There will be assistance given, but it will be given to individuals na hindi po nakapagtrabaho during this one week ECQ,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

Read More

AERIAL PATROL SA WPS AARAW-ARAWIN – DND

0

“I assure our people that we are addressing the situation. We stand by our position calling for the immediate withdrawal of Chinese vessels in the Julian Felipe Reef, which was communicated to the Chinese Ambassador.”

Ito ang inilabas na pahayag ng Defense department kasunod ng patuloy na pagmamatigas ng China na alisin ang may 200 Chinese vessel sa Julian Felipe Reef na ngayon ay nakatawag pansin na rin sa maraming bansa.

Kasunod nito, kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na palalakasin ng Pilipinas ang kanilang presensiya sa West Philippine Sea sa gitna ng kanilang panawagan para sa pagpapaalis sa Chinese vessels mula sa sa disputed waters.

“We are ready to defend our national sovereignty and protect the marine resources of the Philippines,” ayon pa kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa kanilang inilabas na pahayag nitong nakalipas na Sabado ng gabi.

“There will be an increased presence of the Philippine Navy and Philippine Coast Guard ships to conduct sovereignty patrols and protect our fishermen in the West Philippine Sea,” pahayag pa ng DND.

Bukod dito ay araw-araw magsasagawa ng aerial patrol ang mga jet aircraft ng Philippine Air Force. (JESSE KABEL)

Read More

‘DIRTY BANKS’ INAASAHANG LILINISIN NI ARCH ADVINCULA

0

SA pagtatalaga ni Pope Francis kay Cardinal Jose Fuerte Advincula bilang bagong Roman Catholic Archbishop of Manila (RCAM), nabuhayan at muling nagpahayag ng pag-asa ang Green energy group na matutuldukan na ang ‘coal financing’ sa bansa.

“We are thrilled to hear that Cardinal Advincula will be taking on this new role as Archbishop of Manila, and we wish him blessed beginnings. As one who is known to be a leader that listens to his flock, we look forward to how he would embrace the poor and vulnerable especially as this time of unprecedented crisis lingers,” ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, na humalili kay Cardinal Advincula bilang obispo ng San Carlos noong 2013.

Ayon kay Bishop Alminaza, na siya ring convenor ng Withdraw from Coal (WFC) na sa pamamagitan ni Cardinal Advincula ay makakasama nila ito sa kanilang krusada at pananagutin ang mga sumisira sa kalikasan.

Si Alminaza, kasama ang iba pang grupo na kontra sa karbon ay matagal nang aktibo na nakikipaglaban at humihiling sa mga lokal na bangko na ihinto na ang kanilang suportang pinansiyal sa mga ‘coal developer’ at mga proyekto nito sa bansa.

Nabatid na nitong December 2020, ang RCAM ay may 7.26% total shares sa bangko at 5th biggest stockholder.

Ang kasalukuyang Apostolic Administrator na si Bishop Broderick Pabillo, ay isa ring matapang na tagapagtaguyod laban sa ‘dirty coal.’ (TJ DELOS REYES)

Read More

Rep. Nograles pinasalamatan si Duterte RIZALEÑO PANALO SA DAGDAG DISTRITO

0

PINASALAMATAN ni Rizal 2nd District Congressman Juan Fidel Nograles si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong lagdaan ang Reapportionment Act na kanyang inakda upang hatiin sa tatlong distrito ang kanyang lugar na kinakatawan sa Kamara.

“Sa ngalan ng mga residente ng Ikalawang Distrito ng Rizal, nais kong pasalamatan ang pangulo sa kanyang paglagda sa Reapportionment Act na naglalayong hatiin ang ating distrito sa tatlong legislative districts. Bilang punong may-akda ng House Bill No. 6222, alam natin na malayo pa ang tatahakin nito patungo sa pagsagot sa mga isyu ng hindi pagkakapantay-pantay sa ilalim ng kasalukuyang set-up o kalagayan, at para tiyakin na sa nalalapit na hinaharap ay magkakaroon ng mas mahusay na access ang lahat ng Rizaleños sa mga resources ng gobyerno,” ani Nograles.

Ngayong pirmado na ni Duterte ang nasabing batas, ang bayan ng San Meteo ang magiging 3rd District habang ang Rodriguez (Montalban) ang ikaapat na distrito ng lalawigan.

Ang mga nabanggit na bayan ay nasa ilalim ng ikalawang distrito na kinakatawan ni Nograles sa Kamara subalit magkakaroon na ng hiwalay na distrito ang mga ito na malaking tulong umano sa mga Rizaleño para magkaroon ang mga ito ng karagdagang pondo.

Mananatili naman sa ikawalang distrito ang bayan ng Cardona, Baras, Tanay, Morong, Jalajala, Pililla at Teresa.

“Lubos ko pong ikinagagalak na ang ‘pet legislation’ na ipinangako natin sa mga Rizaleño ay matutupad na. At nangyari ito sa napakagandang tiyempo, sapagkat magbibigay ito ng sapat na oras para sa lahat ng kinauukulan na maghanda upang ang mga bagong pinuno ay mabigyan ng mandato na maglingkod sa halalan sa 2022,” ani Nograles.

Ayon sa Harvard-trained lawyer na si Nograles, dahil sa laki ng distrito at bilang ng mga taong nakatira sa ikalawang distrito, nagkaroon ng hadlang sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao lalo na sa panahon ng pandemya.

“It is a good challenge to be able to serve more than one million constituents. But it is a challenge that does not need to continue existing in the future, and I’m glad that the country’s leaders recognize the urgent need for more equitable distribution of resources as we try to recover from the pandemic,”ayon pa sa mambabatas.

Tiniyak nito na itutulak agad ang implementasyon ng reappointment law na ito sa lalong madaling panahon.

“Huwag pong mag-alala ang mga malilipat sa ibang distrito, hindi ko po kayo bibitawan. Sisiguruhin po natin na maaayos nating mailalatag at maisasakatuparan ang layunin ng batas na ito. Makatitiyak po kayo na ako’y inyong maaasahan sa lahat ng oras sa anomang kaparaanan, bahagi pa ng mensahe ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

LEONEN MASISIBAK NA SA SC?

0

(NELSON S. BADILLA)

NAPAKALAKI ng posibilidad na matatapos na ang kontrata ni Associate Justice Marvic Leonen sa Korte Suprema ngayong taon dahil nakahanda ang Kamara de Representantes na talakayin ang impeachment complaint na inihain laban sa mahistrado noong Disyembre 10.

Ito ang prediksyon ng Filipino League of Advocates for Good Governance – Maharlika (FLAG-Maharlika) makaraang mabalitaan ang utos ni Speaker Lord Allan Jay Velasco na isama na sa “order of business” ng Kamara ang impeachment complaint laban kay Leonen sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Mayo.

Nabatid na Marso 25 inilabas ni Velasco ang kanyang memorandum hinggil sa iskedyul ng impeachment.

Ayon kay FLAG – Maharlika Secretary General Edwin Cordevilla, ang nakatakdang talakayan ng mga kongresista sa mga kasong isinampa laban kay Leonen ay positibong pangyayari ng krusada ng nasabing samahan laban sa mga opisyal ng pamahalaan na sagad-saring suwail sa Konstitusyon at mga batas ng bansa katulad ng mga reklamo laban kay Leonen na halos apat na buwang nakapila sa tanggapan ni Speaker Velasco.

Banggit ni Cordevilla, sa press statement, na ang FLAG-Maharlika ay “optimistic that our duly elected representatives in Congress will do their sworn duty to review and vote on the merits of our complaint against Associate Justice Marvic Leonen”.

Ang higit na mahalaga, ayon kay Cordevilla, ay ang matatapos na ang maliligayang araw ni Leonen sa mataas na korte ngayong taon batay na rin sa napakayaman at napakalakas ng mga ebidensiya na kanilang inihain laban sa senior magistrate.

Naitalaga si Leonen sa Korte Suprema noong Nobyembre 21, 2012 ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III nang putulin nito ang maiksing trabaho ng una bilang pinuno ng peace making offer ng pamahalaan sa isang pangkat ng mga rebeldeng Muslim.

Inakusahan ng FLAG-Maharlika si Leonen ng “culpable” na paglabag sa mahahalagang probisyon ng Konstitusyon at iba pang nagawang krimen sa ilang mga batas, kabilang ang Republic Act 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Official and Employees.

Ang punto ng reklamo ng FLAG-Maharlika ay nakagawa umano si Leonen ng pinakamasahol na krimen dahil sa tahasang paglabag sa Konstitusyon, ang pangunahing batas ng bansa.

Nagpahayag si Cordevilla ng “tiwala” na ang pinakamalaking bilang ng mga kongresista ay boboto pabor sa impeachment complaint “given the precedent set forth in similar past rulings regarding our Supreme Court Justices for far lesser offences that Justice will prevail”.

“God-willing should the majority of our representatives find our complaint with merit, let this serve as warning to those in the Judiciary that as the one who serves as our Judge that they should be exemplary in their compliance with all laws and for those who purposely delay Justice that Justice delayed is Justice Denied,” patuloy ni Cordevilla.

Panghuli, nagpasalamat si Cordevilla at umaasa na “The scale of Lady Justice, side with what is right for our country, may it side with us”.

Read More

Pagtutol ng gobyerno sa Ivermectin bubusisiin ni Defensor PANDEMYA O ‘CORONA’?

0

DESIDIDO ba ang gobyernong supilin ang pandemya sa COVID-19 o sadyang pinababagal nila ang pagsugpo rito para sa kapakinabangan ng kanilang mga kaalyado sa halalan sa 2022?

Isa lamang ito sa mga katanungang umiikot ngayon sa ilang Viber groups kasunod ng inaaning suporta ng paggamit ng Ivermectin bilang isa sa mga posibleng lunas sa COVID-19.

Sa Kamara, maghahain ng resolusyon ngayong araw si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor upang alamin ang mga dahilan ng gobyerno lalo na ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) sa pagtutol sa Ivermectin na sinasabing nagpapagaling sa mga COVID-19 positive.

“We need to hear the experts most especially the DOH and the FDA as the regulatory agencies on this matter and ask why the inflexibility against Ivermectin,” ayon kay Defensor.

Ayon sa mambabatas, sinusubaybayan nito ang debate hinggil sa paggamit ng Ivermectin na sinasabing nakalulunas umano sa mga COVID-19 patient at nagpoprotekta sa mga tao laban sa nasabing virus.

“I kept my peace knowing that the subject matter is best left to the experts as any policy pro or against may have dire effects on our people,” ayon sa mambabatas, dating vice chairman ng House committee on health.

“However, I want to relate my personal experience on the matter as I was infected by COVID three weeks ago and is now fortunately negative on the virus. I have remained quarantined to this day as there are still three people in my household that will have to be tested next week. I thank God that none of us turned out to be severe and our 4-year old Juliana was not affected,” ani Defensor.

Inamin ni Defensor na uminom siya ng Ivermectin dalawang beses sa loob ng 14 araw kasabay ng multi-vitamin na Lin Hua sa loob ng pitong araw, zinc at fish oil vitamins.

Regular aniya ang pag-inom niya ng multi-vitamin at fish oil kahit walang sakit at umiinom siya ng Ibuprofen at paracetamol sa unang pitong araw kapag nakararamdam ng sakit na normal na lamang aniya dahil sa kanyang yearly flu kaya hindi siya masyadong nag-aalala sa COVID-19 subalit nagpositibo pa rin siya sa nasabing virus.

“There is really no prescribed cure as for the moment but the meds and vitamins I took helped me endure and recover from the sickness which brings me to my point. Why is the FDA and the DOH gung ho about putting IVERMECTIN out of the market when there is no proven cure? Will they also ban ibuprofen and paracetamol when people with COVID also take them during sickness?,” tanong pa ni Defensor.

“The vaccines do not necessarily prevent COVID and we still don’t have a cure. Why the aggression and tenacity against Ivermectin? Several friend doctors have asked us for supply and they intimated that a number more are looking albeit secretly,” dagdag pa nito.

Maraming doktor umano ang gustong gumamit ng nasabing gamot kaya posibleng nag-research din ang mga ito subalit hindi matanggap ni Defensor na ipagbawal ito ng FDA at DOH.

“As for creating a new variant because of Ivermectin, who are we to say so? For all we know, the vaccines may also result to such situation,” ayon pa rito kaya siya magpapatawag ng imbestigasyon.

“I took Ivermectin. To be honest, I do not know if it helped along with the other meds and vitamins I took. But I am negative for the COVID virus now and that is all that matters. God guide us,” dagdag pa ni Defensor.

Noong isang taon, isang grupo ng mga manggagamot ang sumulat kay Pangulong Duterte para hilingin na payagan silang gamitin ang nasabing gamot subalit hindi pa ito tinutugunan ng pangulo.

Dahil dito, nagkaroon ng pagdududa na sinasadya ng ilang nakapaligid kay Duterte na pabagalin ang pagsugpo sa pandemya upang maging dahilan ito sa posibleng pagsuspinde sa susunod na halalan na papabor sa mga kasalukuyang nakaupo at magiging dahilan din ng pananatili nila sa paghawak ng ‘corona’.

Read More

SA CAMANAVA: 10 PA PATAY, ACTIVE COVID CASES – 4,386

0

SAMPUNG muli ang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 27 at umabot na sa 4,386 ang active cases.

Ayon sa ulat, apat ang patay sa Malabon City, 64 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 9,025 ang positive cases sa lungsod, 1,092 dito ang active cases.

Habang 82 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 7,623 ang recovered patients ng siyudad at 310 na ang death toll.

Tatlo naman ang patay sa lungsod ng Valenzuela at 854 ang active cases makaraang 286 ang gumaling at 193 naman ang magpositibo.

Umabot na sa 12,313 ang confirmed cases sa lungsod, 11,145 ang recovered at 314 ang pandemic fatalities.

Dalawa ang namatay dahil sa pandemya sa Navotas City at mula sa dating pinakakaunting aktibong kaso sa CAMANAVA, ito na sa kasalukuyan ang nangunguna sa bilang ng active cases na umakyat sa 1,244.

Umabot na sa 8,011 ang tinamaan ng COVID-19 sa Navotas, kung saan 6,534 na ang gumaling at 233 ang namatay hanggang noong Marso 27.

Samantala, isa ang patay sa Caloocan City dahil sa pandemya at 1,196 na ang active cases sa lungsod.

Umakyat na sa 17,186 ang tinamaan ng COVID-19 sa Caloocan, kung saan 15,455 na ang gumaling at 535 ang namatay. (ALAIN AJERO)

Read More

HIGIT 100 PULIS MAYNILA POSITIBO SA COVID

0

UMABOT na sa 188 miyembro ng Manila Police District ang kumpirmadong positibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco makaraang 12 pulis sa Del Pan Police Station 12 at Barbosa Police Station 14 ang naitalang bagong positibo.

Sa Malate Police Station 9 ay sampu ang naitala habang sa Raxabago Police Station 1 ay naitala ang 10 positibo.

Samantala, sa Binondo Police Station 11 at sa headquarters ng MPD sa D-7 ay 14 ang kumpirmadong naitalang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Gen. Francisco, kasalukuyang nasa quarantine facilities na ang lahat ng mga nagpositibo sa COVID-19 at nagpapagaling.

Samantala, pinaalalahanan ng heneral ang mga pulis na higpitan ang pag-iingat lalo na’t napakabilis ng pagkalat ng virus.

Nagsasagawa na ng disinfection sa MPD Headquarters at sa iba’t ibang himpilan ng pulisya. (RENE CRISOSTOMO)

Read More