Sen. Manny Pacquiao sa Karahasan Laban sa Asyano

HANDA na ang maalamat na boksingerong Pilipinong si Manny Pacquiao na bumalik sa ibabaw ng ring, ang kanyang naging tahanan sa loob ng nakalipas na 26 taon, para muling lumaban makaraan ang dalawang taong pagkabakante. Subalit hindi para harapin si Terence Crawford, ang huling napabalitang gustong makipagbasagan sa kanya ng mukha. Hindi rin si dating kampeon sa UFC na si Conor Mcgregor. Ang gustong makasagupa ngayon ng senador nang Pambansang Kamao ay kahit sino sa mga tinatawag na “fighting racists who’ve been targeting Asians” lalo’t dumarami ang krimen laban sa…

Read More

MABUHAY KA SECRETARY LORENZANA

ISANG Secretary Delfin Lorenzana lang pala ng Department of National Defense ang magpapakita ng tapang laban sa bully sa West Philippine Sea. Pero alam natin hindi siya nag-iisa. Marami sa mga Filipino maging sa mga opisyal ng gobyerno ang atat na atat na sa pakikipagbakbakan sa usapin ng teritoryong harap-harapan ay gustong agawin sa atin. Sinimulan ni Secretary Lorenzana, tiyak marami na ang susunod na magpapamalas na rin ng tapang. Sana lang ay maging consistent!!! Baka naman kapag si Presidential Spokesman Harry Roque na ang bumitaw ng pahayag ay lelembot-lembot…

Read More

DOH, FDA AT IVERMECTIN

ALAM nyo po sa Japan kapag may pag-alinlangan sa kakayanan ng isang namumuno o public officials kaagad silang nagreresign. Ganyan po kataas ang kredibilidad ng mga naitatalagang opisyal sa bansang Japan. Pero dito po sa Pilipinas, sobrang kakapal ng mukha ng ilang mga government officials. Kapit-tuko sa kanilang puwesto kahit marami na ang nananawagan upang magbitiw sila sa kanilang puwesto dahil sa kanilang mga kapalpakan. Gamitin ko lang yung salita o pahayag ng dating walang silbing Pangulo ng bansa, ito po yon ” SAAN KAYO KUMUHA NG KAPAL NG INYONG…

Read More

BENEPISYO NG HEALTH WORKERS, TULOY-TULOY

TINIYAK ni Senador Sonny Angara na magpapatuloy ang paggagawad ng benepisyo sa mga frontline health worker sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) kahit mag-expire ang batas sa June 30. Sinabi ni Angara, chairman ng Senate Committee on Finance na malinaw sa batas na tuloy lang ang mga benepisyo sa mga frontline health worker, kabilang ang kompensasyon kapag tinamaan ng COVID-19 sa kanilang line of duty hangga’t nasa ilalim ng state of national emergency ang bansa. Alinsunod sa Bayanihan 2, ang mga magkakasakit na health workers ay…

Read More

POE SA BSP: BIKTIMA NG ONLINE SCAM TULUNGAN

HINIMOK ni Senador Grace Poe ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ipaglaban ang karapatan ng mga consumer at gamitin ang kanilang impluwensya upang maibalik sa mga fraud victim ang kanilang mga salapi. “Financial regulators are keen on throwing banks a line when they are deemed to be too big to fail. Equally, individuals deserve proper and timely support. People should be at the core of what government does and no one should be too small to ignore,” saad ni Poe, chairperson ng Senate committee on banks, financial institutions and…

Read More

PAGGAMIT SA HOTELS BILANG TEMPORARY HOSPITAL PINABORAN

SUPORTADO ni Senadora Nancy Binay ang rekomendasyon ng Philippine College of Physicians na i-convert ang ilang hotel bilang temporary hospital facilities para sa mga mild hanggang moderate Covid-positive patients. “The projected increases and the recent surge in COVID-19 cases have already weakened the entire healthcare system, causing many hospitals in Metro Manila to reach full capacity. Our health workers already feel overwhelmed and many facilities are already overly packed with people seeking immediate medical care,” pahayag ni Binay. Sinabi pa ng mambabatas na ang panawagan ay makatutulong upang mabawasan ang…

Read More

Sa medical, economic frontliners RT-PCR TEST SAGOT NG PHILHEALTH

TUTUSTUSAN ng state-run Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang halaga ng RT-PCR COVID-19 test ng isang indibidwal subalit kailangan na ma-meet nito ang ilang kondisyon. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa ilalim ng testing protocol ng bansa, ang PhilHealth ang siyang magbabayad ng RT-PCR test ng medical frontliners, economic frontliners, iyong mga na-expose sa pasyenteng may COVID-19 patient at iyong mga may sintomas ng COVID-19. “At most, ang babayaran ay P300. Hindi naman po tama na sabihìn natin na hindi tayo nakakapagbigay ng libreng testing,” ani Sec. Roque.…

Read More

HEALTH WORKERS SA MGA PROBINSYA TUTULONG SA NCR

NAKAPAG-RECRUIT na ang gobyerno ng mga health personnel mula sa ibang rehiyon na magsisilbing augmentation force ng mga health worker sa National Capital Region (NCR). Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pag-uusap nila ni Senador Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at DOH Undersecretary Leopoldo Vega. Ani Sec. Roque, sa nasabing pag-uusap ay nabanggit ni Usec. Vega na nasa 60 porsiyento na ng kanilang target ang na-recruit para makatuwang ng mga taga Metro Manila. “I don’t know the exact number. But last Saturday, we had…

Read More

Utos sa PhilHealth PAGBABAYAD SA HOSPITALS BILISAN

INATASAN ni Executive Secretary Salvador Medialdea si PhilHealth President Dante Gierran na bilisan ang pagpoproseso ng pagbabayad sa mga ospital. Ito’y sa harap na rin ng pahayag ng Private Hospital Association of the Philippines na napipilitan na silang magbawas ng mga tao bunsod na rin umano ng kakulangan ng kanilang pondo dahil hindi pa bayad ang ibang claims. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, naging malinaw naman ang mensahe ni Medialdea kay Gierran lalo’t 70 porsiyento ng healthcare capacity ay nasa kamay ng mga pribadong ospital. Lalabas aniya na kung…

Read More