Defensor nababahala sa made-delay na second dose NATURUKAN NG ASTRAZENECA NGANGA

0

“WHAT happens to those with first dose of AstraZeneca?”

Ito ang ibinatong tanong ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa mga kinauukulan dahil made-delay umano ang second shipment ng naturang bakuna at posibleng mabawasan pa ang ipinangakong karagdagang donasyon mula sa World Health Organization (WHO).

“I am sure this is also the question many of the more than 500,000 healthcare workers and senior citizens who chose the British-Swedish vaccine have in mind,” ani Defensor.

Ayon sa mambabatas, inaaasahan na lalo pang magkakaproblema sa supply ng AstraZeneca dahil sa desisyon ng India na ipatigil ang pag-export ng nasabing gamot na ginagawa sa kanilang bansa.

Sinabi ng mambabatas na sa inisyal na advisory ng vaccine makers, kailangan ang pangalawang dose sa loob ng 28 araw matapos mabakuhahan ng unang dose.

“If we follow the 28-day dosing interval, they should get their second dose before the end of this month, at the latest. But the second shipment of AstraZeneca is expected to be delivered next month or in June yet because of short supply,” ayon sa mambabatas.

Dahil dito, kailangang linawin aniya ng Department of Health (DOH) kung ano ang mangyayari lalo na sa mga nabakunahan na ng unang dose, kapag hindi dumating ang panibagong doses sa itinakdang panahon.

“Would they still have to receive the booster shot or would they have to repeat the first shot?” tanong pa ni Defensor.

Noong Marso ay natanggap ng Pilipinas ang 487,200 doses ng AstraZeneca mula sa COVAX facility ng WHO at sinundan ito ng 38,000 doses noong Marso 7, kaya umaabot ito sa 526,000 doses.

Sa inisyal na plano, gagamitin ito sa 262,000 health workers at senior citizens para sa dawalang shots, subalit dahil sa pagtaas ng COVID-19 case ay iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin, maging ang nakareserbang second doses upang maprotektahan ang may 526,000 katao.

Gayunpaman, noong Lunes, sinabi ng kinatawan ng WHO sa Manila na made-delay ang second shipment ng AstraZeneca at malamang na mabawasan pa ang ipinangakong supply dahil sa nabanggit na problema sa India.

Ang AstraZeneca ang piniling bakuna ng mas nakararaming medical frontliners at senior citizens kumpara sa Sinovac ng China na umaabot sa 2.1 million doses kung saan 1.1 ang donasyon ng nasabing bansa habang ang 1 milyon ay binayaran ng gobyerno. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

Mga pasyenteng nasa tent sinisingil ng P1K kada oras BANGUNGOT SA OSPITAL

0

(BERNARD TAGUINOD)

“DYSTOPIAN nightmare.”

Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang sitwasyon ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na nasa tent na lamang dahil punuan ang mga ospital subalit sinisingil pa ang mga ito ng P1,000 kada oras.

“This is a manifestation of the Duterte era’s dystopian nightmare. Letting patients suffer in tents is one thing, but charging them Php1,000/hour and saying that this is not part of the PhilHealth coverage is just plain evil,” ani Brosas.

Unang isiniwalat ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na may mga ospital na sinisingil ang mga pasyente ng P1,000 kada oras kahit nasa tent lamang ang mga ito dahil wala silang lugar sa loob.

Ayon kay Brosas, walang sinoman ang nakaisip na mararanasan ng mga Pilipino ang ganitong uri ng bangungot dahil hirap na hirap na sila sa kanilang kalagayan ay sinisingil pa ng isang libo kada oras sa loob ng tent.

Hindi inilibre ng mambabatas ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bangungot na ito dahil matapos ang isang taong pandemya ay kahit isang ospital ay wala itong naipatayo gayung kailangang kailangan ito.

“If only President Duterte prioritized building COVID-19 hospitals instead of non-essential infrastructure projects in the national budget, patients wouldn’t have to suffer and die in tents. Pero mahigit isang taon na ang nakalipas mula noong nagdeklara ng lockdown, ni isang ospital walang ipinatayo ang gobyernong ito,” anang mambabatas.

Kasabay nito, pinarerebyu ng mambabatas sa Philippine Health Insurance Corporation (PhiHealth) ang kanyang Circular No. 2020-009 upang isama ang mga pasyente kahit sa tent lamang sila ginagamot.

“PhilHealth must stop frantically fanning the flames of public outrage with mere empty words. The Filipino people deserves more than that. They should release a new set of guidelines for the implementation of COVID-19 benefits and include patients who were forced to stay in non-accredited Community Isolation Unit tents,” ani Brosas kasabay ng paggunita sa World Health Day kahapon.

Read More

Health workers malalagay sa peligro COVID SA PINAS TATAWID NA SA ‘RED LINE’

0

INILABAS ng isang mataas na opisyal ng World Health Organization (WHO) ang pagkadismaya nito sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito’y dahil nangangahulugang naging depektibo ang sistemang pangkalusugan ng Pilipinas, pahayag ni Dr. Takeshi Kasai, direktor ng WHO Western Pacific Region.

“We are concerned with the situation in the Philippines. We are concerned because the surge [in COVID-19 cases] is really continuing and moving towards the so-called red line — the number of cases exceeds the capacity of healthcare [system],” paliwanag ni Kasai.

Idiniin niya na inilalagay sa mapanganib na kalagayan ang healthcare workers kapag narating ang red line.

Tinumbok ni Kasai na kapag dinapuan na rin ng nasabing sakit ang healthcare workers ay pihadong babagsak ang kapasidad ng sistemang pangkalusugan.

Simula noong Marso 5 ay tumaas nang tumaas ang bilang ng mga Pilipino na tinatamaan ng COVID-19.

Ang nasabing araw ay siyang simula ng programang baksinisasyon ng administrasyong Duterte. (NELSON S. BADILLA)

Read More

‘PANGGIGIPIT’ NG DOH SINOPLA NI DEFENSOR

0

SA halip makatulong ngayong panahon ng pandemya ay nanggigipit pa ang Department of Health (DOH).

Ito ang banat ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa nasabing ahensya at sa Food and Drug Administration (FDA) matapos balaan ng DOH ang publiko na maaaring kasuhan ang mga ito dahil sa “dispensing” ng Ivermectin bilang lunas sa COVID-19.

Sa pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang distribusyon at pagbebenta ng nasabing gamot ay paglabag sa Republic Act (RA) No. 9711 or the Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009.

Pinalagan naman ito ni Defensor.

Sa Facebook page ng kinatawan ng Anakalusugan, nag-post ito ng: “Grabe talaga! Hindi na nga nakakatulong ginigipit pa ang IVERMECTIN na gamot na maaring makatulong sa ating mga kababayan. Eh kung kayo kaya DOH at FDA ang kasuhan ko for RECKLESS IMPRUDENCE

RESULTING TO HOMICIDE FOR THE 13,817 COVID DEATHS!”

Nauna nang inihayag ng mambabatas na pinayagan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang produksyon ng Ivermectin, kaya legal na ito at walang dahilan para ipagbawal sa mga pasyenteng may COVID-19 at bilang proteksyon sa nasabing virus.

Kasabay ito ng anunsyo ng mambabatas na mamimigay siya ng libreng Ivermectin sa mamamayan ng Quezon City na isa sa may pinakamataas na kaso sa National Capital Region (NCR).

“Pinayagan na ng FDA to produce so legally allowed siya,” ani Defensor sa mga mamamahayag sa Kamara.

“Yung FDA approval is to register your brand. Parang sa rubber shoes – Adidas. Pero Ivermectin is not hard to make. Even YouTube has a video on it,” ayon pa kay Defensor.

Isa si Defensor sa mga masugid na nagtutulak sa nasabing gamot dahil kabilang siya sa mga uminom na nito noong tamaan siya ng COVID-19.

Aniya bukod sa malaking posibilidad na nakagagamot sa nasabing sakit ay mura ang Ivermectin kaysa ibang inirereseta sa kasalukuyan.

Read More

GATCHALIAN, TUTOL SA ACADEMIC BREAK

0

NANINDIGAN si Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na hindi kailangan ng academic break sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region at apat pang lalawigan.

Sinabi ni Gatchalian na mas maluwag na mga polisiya naman ang umiiral sa ilalim ng ECQ sa NCR plus bubble.

“Itong ECQ na tinatawag eh hindi naman talaga ECQ. Ito ay parang MECQ, ang ibig sabihin ang tao ay pwedeng lumabas, pwede naman silang magtrabaho at pwede naman silang pumasok sa kanilang pinagtatrabahuhan. May ilang industriya na hindi pinayagan magbukas pero ito ay iilan lang,” paliwanag ni Gatchalian.

“Ibig sabihin ang tao ay may trabaho at ang tao ay may pinagkakakitaan. Kaya ako hindi po ako sang-ayon dito sa academic break na tinatawag dahil ang bata kailangan natututo,” diin pa ng senador.

“Kung matatandaan natin, isang taon nang hindi pumapasok ang bata at kapag ang bata ay patuloy na bibigyan ng break at hindi sila mag-aaral ay talagang makakalimutan na nila ang kanilang pinag-aralan,” pagpapatuloy pa ng mambabatas.

Ipinaliwanag pa nito na ang ngayong school year ay hindi naman maituturig na full school year.

“Kung makikita natin ang curriculum, hindi naman ho siniksik ng DepEd ang kanilang pag-aaral. Mahaba rin, sa isang araw mahaba na ang apat o limang oras sa pag-aaral. Yung ibang oras ginagamit sa ibang bagay,” diin ng senador.

Sa mga kolehiyo naman, sinabi ni Gatchalian na nasa administrasyon na kung nais nilang magpatupad ng academic break.

“Dito po sa mga kolehiyo, kasama po doon sa guidelines na hindi na ho sila papapasukin ng face-to-face. Ibig sabihin lahat po ng nasa kolehiyo, wala na pong face-to-face classes. Ngayon marami sa ating kolehiyo ang ginagawa po nila ay ang tinatawag nating online. At since nasa bahay lang naman ho sila ay pwede nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral,” diin ni Gatchalian.

“Ngayon, depende na sa kolehiyo ngayon kung tingin nila ay mas kakailanganin pa ng mas mahabang break para sa kanila,” dagdag nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

SINITA SA CURFEW TIMBOG SA SHABU

0

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng umano’y shabu makaraang masita ng mga pulis na nagbabantay sa Quarantine Control Point sa Malabon City noong Martes ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police chief, P/Col. Joel Villanueva ang arestadong suspek na si Rafael Molleda, 30, ng Bulacan, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at Art. 151 ng Revised Penal Code.

Ayon kay Col. Villanueva, alas-10:30 ng gabi, nagbabantay sa Quarantine Control Point sa kahabaan ng MH Del Pilar, Arkong Bato, Brgy. Santulan ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 3 nang makita nila ang gumagalang suspek.

Nang tanungin kung authorized person outside residence at hanapan ng identification card ang suspek ay pumalag ito at tinangkang tumakbo ngunit agad siyang napigilan ng mga pulis.

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang P8,160 ang halaga. (FRANCIS SORIANO)

Read More

P5K MULTA SA WALANG VALID ID SA NAVOTAS

0

NAG-ISYU ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng tatlong ordinansa na magpapatupad ng mas mahigpit na mga hakbang upang makatulong na mapigilan ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

Nakasaad sa City Ordinance No. 2021-19 ang pagpapataw ng multang P5,000 sa mga lalabag sa 10 pm–5 am curfew hours, sa obligasyong magsuot ng face mask at 24-hour curfew para sa mga menor-de-edad, at hindi makapagpapakita ng valid government identification cards.

Ipinasa ang ordinansa bunsod ng mga report na may mga lapastangang nagbibigay ng pekeng impormasyon sa barangay enforcers kaya’t hindi sila maitala para sumailalim sa libreng mandatory COVID-19 swab test na iniutos ng pamahalaang lungsod bilang parusa sa mga lalabag sa safety protocols.

Samantala, ang City Ordinance No. 2021-20 naman ay nagmamandong maglagay ng transparent plastic o acetate barrier para sa driver at sa pagitan ng mga upuan ng jeep. Nararapat na panatilihing maayos ang barriers at kapag nasira ay dapat na palitan.

Hanggang kalahati rin lang ng kapasidad ng pasahero sa jeep ang pwedeng punuin. Ang mga susuway ay pagmumultahin ng P500 sa unang paglabag, P750 sa ikalawa, at P1,000 sa pangatlo at susunod pang ‘di pagtalima. Sakop ng ordinansa ang operators at drivers ng jeep na bumibyahe sa lungsod.

Inamyendahan naman ng City Ordinance No.2021-21 ang Section 6 ng City Ordinance No. 2020-40 o ang “Wear Your Face Shield Ordinance of Navotas City” at nakasaad dito na ang mahuhuling walang suot na face shield habang nasa pampublikong transportasyon, nasa lugar ng trabaho, palengke at iba pang enclosed na pampublikong lugar o establisimyento sa lungsod, ay papatawan ng kaukulang parusa.

Isasailalim sa mandatory RT-PCR test na iiskedyul sa loob ng isang linggo mula sa oras ng pagkakahuli at sa pasya ng City Health Office, ang lalabag sa unang pagkakataon.

Sa ikalawang paglabag ay pagbabayarin na ang pasaway ng P500 o 16 oras na community service sa ilalim ng pangangasiwa ng anumang tanggapan ng gobyerno ng lungsod kung mahuli sa loob ng 14 na araw mula sa kanilang unang paglabag. Kung lumipas ang 14 na araw, isasalang uli sila sa free mandatory swab testing.

Kung hindi available ang RT-PCR test, ay P500 multa o 16 oras na community service ang parusa, at kung ang mga lumabag ay menor de edad, ang kanilang magulang o guardian ang isasailalim sa swab test o magbabayad ng multa.

Muling nanawagan si Mayor Toby Tiangco sa nasasakupan na sumunod sa minimum safety protocols upang makapagligtas ng buhay at matuldukan na ang pandemya. (ALAIN AJERO)

Read More

AYUDA NG US SA PINAS UMABOT NA SA PHP 247.5-B

0

UMAABOT sa $5.1 billion dollars o katumbas ng Php 247.5 bilyon ang ayudang naipagkaloob ng America sa Pilipinas sa pamamagitan ng USAID simula taong 1961.

Base ito sa foreign assistance portfolio ng United States na inilabas ng US Embassy in Manila matapos lumagda ang mga nangungunang development agencies ng United States at Republic of Korea kahapon sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para isulong ang development cooperation sa Pilipinas.

Sina U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law at Korean Ambassador to the Philippines Inchul Kim kasama sina USAID Philippines Mission Director Lawrence Hardy II at Acting KOICA Philippines Country Director Jasesang Hwang ang mga kumatawan para sa MOU signing sa US Embassy sa Manila.

“The United States is proud to partner with the Korean government on projects to promote mutual development goals in the Philippines.

Together, we are supporting the Philippine government in creating a more prosperous, sustainable society for all Filipinos,” ayon kay Chargé d’Affaires Law.

Layunin ng nasabing MOU na mapalakas ang US-Korean partnership para sa tuloy-tuloy na development sa bansa.

Nabatid na nakapaloob ito sa global MOU for development cooperation na nilagdaan ng USAID sa Washington, DC at ng Korean Ministry of Foreign Affairs nuong 2019.

Sa ilalim ng ng nasabing kasanduan, ang USAID at KOICA ay magsasagawa pa ng mga karagdagang pag-aaral hinggil sa areas of cooperation at posible pang development program sa ibang sector sa bansa. (JESSE KABEL)

Read More

MIYEMBRO NG DRUG GROUP PATAY SA SHOOTOUT

0

CAVITE – Patay ang isang ang isang miyembro umano ng Villar drug group at itinuturing na no. 2 most wanted person, nang nanlaban sa mga awtoridad habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya sa bayan ng Naic.

Kinilala ang napatay na si Ricky Caponpon, alyas “Ricky,” 32, ng Brgy. Timalan, Concepcion, Naic.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Richard Atienza ng Naic Police Station, dakong alas-9:45 noong Martes ng umaga nang isilbi ng mga operatiba ng Naic MPS ang warrant of arrest sa suspek sa kanyang bahay sa Brgy Timalan, Concepcion, Naic, sa kasong robbery with violence o Intimidation of persons, robbery in an inhabited house or public building or edifice devoted to worship.

Ngunit imbes na tumalima, pumalag ang suspek at nagpaputok ng baril. Gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Ayon sa record ng pulisya, ang suspek ay miyembro ng Villar drug group na nag-o-operate sa naturang bayan at no. 2 most wanted person (MWP) sa nasabing pulisya. (SIGFRED ADSUARA)

Read More