VAN SUMALPOK, PASAHERO PATAY

PATAY ang isang 45-anyos na babae nang sumalpok ang sinasakyan niyang delivery van sa isang sa poste, habang malubhang nasugatan ang driver nito, noong Biyernes ng madaling-araw sa Caloocan City. Idineklarang patay ng medical personnel ng Caloocan North Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) ang biktimang si Margie Guardo, ng #3 Dhaka St., Vista Verde, Brgy. 167, habang ang driver ng Suzuki Carry Cab na may plakang NGJ-4926, na si Candar, 26, ng parehong address, ay itinakbo sa Caloocan City Medical Center. Ayon sa pulisya, humaharurot ang sasakyan ng mga…

Read More

25 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS

UMABOT sa 25 ang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area sa pinakahuling ulat ng city health offices ng nabanggit na mga lungsod. Ayon sa ulat, 15 ang patay sa Caloocan City noong Abril 16 at lumobo sa 1,793 ang active cases. Pumalo na sa 22,617 ang total confirmed cases. Sa bilang na ito ay 20,168 na ang gumaling at 656 na ang namatay. Apat naman ang namatay sa Navotas noong Abril 15 at 1,060 ang active cases makaraang 109 ang nagpositibo at 96 ang gumaling.…

Read More

P1.2-B TAKLOBO NASABAT NG COAST GUARD SA PALAWAN

AABOT sa 200 toneladang taklobo na tinatayang P1.2 bilyon ang halaga, ang nasabat ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), PCSD, PNP-Maritime Group Palawan, AFP Intelligence Operatives at Bantay Dagat sa ikinasang operasyon sa Sitio Green Island, Barangay Tumarbong, Roxas, Palawan. Base sa ulat ni PCG District Palawan commander, Commodore Genito Basilio, ito ang pinakamalaking huli ng ilegal na taklobo sa lugar. Arestado ang mga suspek na kinilalang sina Rey Cuyos, 54; Rodolfo Rabesa, 48; Julius Molejoa, 48, at Erwin Miagao, 40-anyos. Dinala ang apat sa Palawan…

Read More

Sotto umaming umiinom ng Ivermectin MGA EMPLEYADO NG SENADO, MABABAKUNAHAN NA

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na maging siya ay gumagamit ng Ivermectin upang makaiwas sa COVID-19. “Ako umiinom din ako once every two weeks,” saad ni Sotto sa panayam ng DWIZ. Inihayag ni Sotto na ang kanyang ginagamit na Ivermectin ay gawa na mismo sa Pilipinas. “Oo preventive yun. Sa pagkakaalam ko ganun, kahit dito sa atin ganun. Meron akong mga kakilala tinamaan ng covid tumira ng tatlong araw ng Ivermectin pagdating ng pang-apat na araw tanggal na symptoms,” paliwanag pa ni Sotto. Muli ring hinimok ni…

Read More

GLOBE TINIYAK NA HANDA ANG MGA PASILIDAD SA PAGHAGUPIT NG BAGYONG BISING

NAKAHANDA na ang Globe para sa pagtulong sa mga residente ng Eastern Visayas, Bicol Region, Caraga at iba pang lugar kung saan inaasahang mararanasan ang paghagupit ng bagyong Bising. Bahagi ng mas pinaigting na pagtugon at kahandaan sa mga kalamidad, nakaantabay na ang mga technical support personnel at maging ang mga kagamitan gaya ng mga generator para ipadala sa mga lugar kung saan malaki ang magiging epekto ng bagyo. Naka-standby na rin ang mga Libreng Tawag, Charging at WiFi Services ng Globe na maaaring i-deploy anumang oras sa mga lugar…

Read More

COVID-19 VACCINATIONS AABUTIN DAW HANGGANG 2025?

SA sobrang bagal daw ng isinasagawang pagbabakuna ng Pilipinas ay baka abutin daw ito ng hanggang taong 2025 bago matapos. Napakarami raw kasing proseso na ipinatutupad ng mga namumuno sa pagbabakuna bago maturukan ang mga dapat bakunahan. Tulad na lamang ng mga dapat ay may apps sa celphone, pagpapa-schedule sa pagbabakuna at iba pang proseso na masalimuot at kumplikado ang pagda­danan ng sinumang karapat-dapat bakunahan. Hindi rin daw pupwede ang magwalk-in sa iba’t ibang mga vaccination area. Inihahalimbawa tuloy ng iba na ang proseso ng pagbabakuna sa COVID-19 ay tulad…

Read More

BAKIT HINDI GINAGASTOS?

NAKAKATUWA kapag ang isang pamilya ay nagtitipid dahil meron silang mahuhugot na pondo kapag panahon ng kagipitan at meron silang magagamit sa mas mahalagang bagay kesa sa mga kapritso lang sa katawan. May pag-asa namang mas lumago pa ang isang kumpanya kung meron silang natitipid sa kanilang income at iwasan ang mga gastusin na hindi naman importante sa kanilang negosyo. Pero kapag ang gob yer no ang nagtipid, hindi nakakatuwa dahil kapag nagtipid sila, parang pinagkakaitan nila ng serbisyo ang taumbayan at hindi sila nakakatulong sa paglago ng ekonomiya. Matagal…

Read More

SANDRA CAM, 6 PA PINAKAKASUHAN NG MURDER

PINAKAKASUHAN ng Department of Justice (DOJ) ng murder si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam at anim na iba pa kaugnay sa pagpatay sa vice mayor ng Batuan, Masbate noong 2019. Nabatid na nakitaan ng “probable cause” ng DOJ para kasuhan si Cam, kanyang anak na si Marco Martin Cam, gayundin ang mga indibidwal na sina Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna, at Rigor dela Cruz. Kaugnay ito sa pagkamatay ni Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson. Matatandaan na inambush at napatay si Yuson…

Read More

PANDEMYA SA PINAS MAGTATAGAL

MATAGAL pa ang laban ng Pilipinas kontra coronavirus pandemic dahil sa patuloy na pagsirit ng bilang ng kaso nito sa bansa. Sa kanyang Talk To The People, pinaalalahanan ng pangulo ang publiko na ang buong mundo ay nahaharap sa hindi nakikitang kalaban kaya’t ang laban sa virus ay hindi pa magtatapos “anytime soon.” “You know we are facing an enemy that cannot be seen. We are facing an opponent where there is no sight at end,” ayon sa pangulo. “We are facing a turmoil not only in the Philippines but…

Read More