INDUSTRIYALISASYON NASAAN NA?

ISA sa pangako ng ­gobyernong Duterte ay ang magtayo ng ­sariling industriya sa Pilipinas dahil marami naman tayong mga raw materials na makukuha mula sa ating mga likas na yaman o natural resources. Walang bansa kasi ang yumaman na hindi isang industrial country o walang sariling industriya at umaasa lang sa mga supply mula sa ibang bansa, kasama na ang Pilipinas dyan. Wala tayong maipagmamalaking produkto at kung meron man kayong mabiling mga bagay sa ibang bansa na “made in the Philippines” ay karaniwang mga produkto na dito lang ginawa…

Read More

LABAN O BAWI NI USEC DIÑO

SOBRA nang nakatatawag ng pansin ang mga pulitiko na may planong tumakbo sa eleksyon sa 2022. Panay na kasi ang pagsakay nila sa mga isyu partikular na rito sa mga nagsulputang community pantries. Isa sa mga sumakay itong si Undersecretary Martin Diño ng DILG. Umaani siya ngayon ng mga batikos dahil gusto niya na kumuha muna ng permit o clearance mula sa lokal na pamahalaan ang mga nagsasagawa ng community pantries. Katawa-tawa ang hirit ni Usec kaya pinuputakte tuloy siya ngayon ng mga PUNA lalo na ng ating mga netizens.…

Read More

SEXUAL HARASSMENT SA FEU HS, KINONDENA

KINONDENA ni Senador Win Gatchalian ang mga sinasabing sexual harassment na kinasasangkutan ng ilang guro sa Far Eastern University (FEU) high school. Ito ay matapos ilahad ng ilang mag-aaral sa Twitter ang kanilang naging mga karanasan bilang biktima ng pang-aabusong sekswal sa kamay ng kanilang mga guro. Ilan sa mga insidenteng ito ay nangyari bago pa sumiklab ang pandemya. Bagama’t hinimok ni Gatchalian ang pamunuan ng FEU high school na panagutin ang mga nang-abuso sa mga mag-aaral, nanawagan din ang mambabatas sa mga paaralan na tiyakin ang maigting na pagpapatupad…

Read More

PAGBABAKUNA SA SENIORS, GAWING BAHAY-BAHAY O SA DRIVE-THRU CENTERS

INIREKOMENDA ni Senador Joel Villanueva sa gobyerno na dagdagan pa nito ang proteksyon sa lahat ng senior citizens sa bansa sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay ng bakuna kontra COVID-19 o sa pamamagitan ng pagtatalaga ng “drive-thru centers.” Sinabi ni Villanueva na ang mga seniors ang pinakamataas sa listahan ng “at-risk” na bahagi ng populasyon sa pandemyang kinakaharap, at ang mungkahing house-to-house at drive thru centers ang pinakaligtas na paraan para sila ay mabakunahan kontra COVID-19. “Marami po sa ating seniors ang may sakit o may kahirapan sa paggalaw. Malaking kaginhawaan po…

Read More

Briones pinagre-resign sa DepEd ANOMALYA NASILIP P4.2-B MODULES

(BERNARD TAGUINOD) PINAGBIBITIW ng isang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng Self-Learning Modules (SLMs). Bukod kay Briones, nais ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na mag-resign din ang mga key official ng kalihim dahil wala itong nakikitang pagbabago sa ahensya. “They have neither reformed nor learned their lessons,” ani Marcoleta dahil mula nang isiwalat nito sa kanyang privilege speech noong Marso 15, 2021 na walang learning modules para sa 3rd quarter ng school year ay walang ginawa…

Read More

‘FISHING AGREEMENT’ SA CHINA ITINANGGI

PINABULAANAN ng Malakanyang ang espekulasyon na mayroong “verbal fishing agreement” sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Chinese President Xi Jin Ping. Wala ring katotohanan ang di umano’y paghikayat sa mga Chinese vessel na manatili sa West Philippine Sea sa kabila ng diplomatic protests at matatapang na salita na pinakawalan ng mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas. “This is without basis and is quite simply, conjecture,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Ang kasunduan sa pangingisda sa ilalim ng domestic laws ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng treaty o tratado.…

Read More

VACCINATION PROGRAM MARARAMDAMAN SA OCT.-NOV.

TINIYAK ni Vaccine czar at Chief Implementer Secretary Carlito Galvez na mararamdaman ang lubhang pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 kapag nabakunahan na ang mayorya ng mga nasa highly urbanized cities gaya ng Metro Manila. Sinabi ito ni Galvez sa gitna ng inaasahan pang pagdating ng mga bakuna sa bansa at ginagawang vaccination program. “Ang nakikita natin kapag once nabakunahan natin majority ng mga affected na tinatawag nating highly urbanized cities like Metro Manila, kapag nakuha natin iyan nakikita natin na siguro by October or November nakikita natin iyong epekto…

Read More

Pinoy pwede nang maging choosy 7 BRANDS NG COVID VAX MAGAGAMIT SA AGOSTO

MAAARI nang makapamili ang mamamayan kung anong brand ng bakuna laban sa COVID-19 ang nais nilang iturok sa kanila pagdating ng buwan ng Agosto hanggang Disyembre. Siniguro ni vaccine czar at Chief Implementer Secretary Carlito Galvez na may pitong vaccine brands na ang nasa bansa sa mga nasabing buwan. Sa kasalukuyan ay tanging Sinovac at AstraZeneca pa lamang ang nasa bansa at inaasahan naman ang pagdating ng Gamaleya ng Russia. Bukod dito, tatanggap din aniya ang Pilipinas ng Moderna, Novavax, at Johnson & Johnson gayundin ng Pfizer. “Halos lahat po…

Read More

DOH, DOST kinalampag sa Ivermectin CLINICAL TRIALS BILISAN – DEFENSOR

HINILING ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) na bilisan ang clinical trial sa Ivermectin at huwag nang paabutin ng ilang buwan upang mailigtas ang buhay ng mga tao sa COVID-19. “Lives are at stake here. We could save many lives with the use of this popular P35-per-tablet experimental drug. The results of the trials ordered by President Duterte should be available soon,” ani Defensor. Ayon sa mambabatas, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-utos na isailalim sa…

Read More