DAHIL daw sa matamlay, o malamya, na pangangasiwa ng Governor’s Office, o ni Quezon Gov. Danny Suarez sa paglaban sa nakakamatay na COVID-19, sa lalawigan? Kawawa ang mga Quezonian. Gov., abay mayroon pang panahon upang matugunan n’yo ‘yang pangamba, o reklamo, ng mga Quezonian na diumano’y hindi ninyo inaalam ang tunay na estado ng lalawigan at wala, o malamya ang kilos ng Governor’s Office sa kinakaharap nating pandemya? Sa pinakahuling datos na nakalap ng Pro Hac Vice, eh halos 600 na ang nasawi sa kabuuan, sa lalawigan dahil sa COVID-19,…
Read MoreDay: June 15, 2021
DOBLE DAGOK ANG DINARANAS NG OFW SA RIYADH
SOBRANG sakit sa kalooban ang pinag-daaraan ng OFW sa Riyadh dahil sa mala-pelikulang pangyayari sa kanyang buhay. Si James Stroup ay nagtatrabaho sa Consolidated Contractors Company simula noong Nobyembre 5, 2014. Isa siyang construction worker na nagkaroon ng pagkakataong makakuha ng driver’s license sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Noong April 21, 2021, dahil sa pangangailangan sa pera ay nagmaneho siya patungo sa kanyang kaibigan upang mangutang ng pera. Nakipagtagpo siya sa kanyang kaibigan sa Manila Plaza sa Batah, Riyadh. Paghinto ng kanyang sasakyan sa isang parking area ay may…
Read MoreCOVID-19 DEATH SA PINAS BUMABA
(RENE CRISOSTOMO) INIULAT ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng COVID-19 deaths sa bansa ngayong Hunyo. Sa isang online forum, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Alethea de Guzman na mula Hunyo 1 hanggang 14 ay nakapagtala sila ng kabuuang 720 deaths, na may daily death average na 51. Ito ay mas mababa aniya kumpara sa kabuuang 3,000 kaso na naitala noong Mayo 2021 na may average na 97 deaths araw-araw. Ayon kay de Guzman, umaasa silang mas mapapababa pa ang naturang bilang sa mga susunod na araw. “We…
Read MorePanibagong 6 buwan sa buhay ng VFA PANABLA SA CHINA
PANABLA ng Pilipinas ang panibagong anim na buwan sa buhay ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) na patuloy na inaangkin at sinasakop ng China. Ito ang paglalarawan ni House committee on national defense and security vice chairman Rep. Ruffy Biazon, matapos palawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buhay ng VFA. “This is significant in the light of the issues in the South Sea/West Philippine Sea involving Philippine interests,” ani Biazon. Unang pina-terminate ni Duterte ang VFA noong Pebrero 2020 matapos kanselahin ng Estados…
Read MoreWalang katapat na parusa sa hindi susunod – Duque FACE SHIELD ‘DI REQUIRED SA OUTDOOR
INAMIN ni Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t minamandato ng Inter-Agency Task Force ang paggamit ng face shields ay wala namang katapat na parusa ang hindi pagsunod dito. Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, nanindigan si Duque na may scientific basis ang pagpapatupad nila ng paggamit ng face shield. Subalit tiniyak ng kalihim na kanilang pag-aaralan ang posibleng pagpapahinto na ng paggamit nito. “Meron pong scientific basis po ito. Ito pong pag-aaral sa India, at dito po sa Pilipinas…Kapag malaki-laki na ang coverage ng bakuna, baka pwede…
Read MoreKahit dedmahin ang ICC PANININGIL KAY DUTERTE TULOY – SOLONS
TULOY ang pagpapanagot kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga pagkamatay na naganap sa ilalim ng ikinasang giyera kontra droga ng kanyang administrasyon. Ganito ang tugon ng ilang militanteng mambabatas kasabay ng kanilang pagbubunyi sa kahilingan ni outgoing International Criminal Court Prosecutor Fatou Bensouda na magsagawa ng full investigation sa drug war-killings sa Pilipinas. Ayon kina ACT party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, isang hakbang ang request ni Bensouda, para mapanagot si Duterte at mga kasabwat nito sa kanilang nagawa umanong crime against humanity. “We welcome…
Read MoreSATELLITE-BASED TECHNOLOGY ISUSULONG SA SENADO
INIHAYAG ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan ng paggamit ng satellite technology bilang alternatibong solusyon sa pagkakaroon ng mas maaasahang internet connection lalo na sa malalayong lugar sa bansa na walang imprastraktura ng telecommunications companies. Sa pagsusulong ng Senate Bill No. 2250 o ang panukalang “Satellite-Based Technologies for Internet Connectivity Act of 2021,” ipinaliwanag ni Gatchalian na maaaring magamit ang satellite upang makakuha ng internet signal mula sa Internet Service Provider (ISP) na magkokonekta sa mga gumagamit ng internet. Sa kanyang paglalarawan, ang ISP ang magpapadala ng fiber internet signal…
Read MoreHirit ni Villanueva sa IATF: MALINAW NA PANUNTUNAN SA ‘PROOF OF VACCINATION’
HINILING ni Senator Joel Villanueva na linawin ng gobyerno ang tila nakalilitong panuntunan nito pagdating sa “proof of vaccination” na hihingin sa mga Pilipinong nabakunahan na, lalo na sa OFWs. Ayon sa senador, na chairman ng Senate labor committee, nakatakda sa isang panuntunan ng IATF na maliban vaccination card, kailangan rin ipakita bilang patunay na fully vaccinated ang isang tao gamit ang sertipikasyon mula sa Department of Information and Communications Technology o mula sa Local Health Officer. “Hindi po ba ito dagdag na red tape?” tanong ni Villanueva sa pagsisimula…
Read MorePAGLANTAD SA SUPPLY AGREEMENT SA PAGBILI NG BAKUNA PINABORAN
BAGAMA’T pabor si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na ilabas ang kopya ng supply agreements na nilagdaan ng bansa sa manufacturer ng COVID-19 vaccines sa ngalan ng transparency, nilinaw niya na may mga kailangang sundin ang bansa sa kasunduan upang hindi makompromiso ang pagdating ng bakuna. Sa pahayag, nilinaw rin ni Go na kung lalabag ito sa kasunduan at makakaantala sa vaccination rollout ang hirit na ito ng iilan, hindi niya ito papaboran. Sinabi ni Go na gusto rin naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging bukas sa lahat at…
Read More