Sa magandang performance ng mga atleta sa Tokyo Olympics MALAKANYANG NAKIISA SA PAGBUBUNYI NG MGA PINOY

0

NAKIISA ang Malakanyang sa sambayanang Filipino na nagbubunyi sa magandang performance ng mga atleta na sumasabak ngayon sa Tokyo Olympics.

Binati ni Presidential spokesperson Harry Roque sina Nesthy Petecio sa pagkapanalo nito sa women’s boxing featherweight semifinals ng Tokyo Olympics at nakasungkit ng second Olympic medal para sa Pilipinas; EJ Obiena para sa paglundag nito sa finals ng Men’s Pole Vault; at Carlo Paalam para sa pagkakapasok nito sa quarter finals ticket sa men’s boxing flyweight class.

Ang buong bansa aniya ay nagdarasal para sa mga atleta na patuloy na nakikipagsapalaran at nakakapit sa pag-asang makapag-uuwi ng gintong medalya para sa bansa.

“Go for gold!,” ang sigaw ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

Read More

GUIDELINES SA AYUDA PWEDENG BAGUHIN NI PRRD

0

MAAARING sundin ng pamahalaan ang P1,000 kada indibidwal na may maximum na P4,000 kada pamilya na cash aid template para sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, pwede ring baguhin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang guidelines at gumawa ng panibagong kautusan.

“‘Yung ginawa natin last time, I don’t think na magbabago pa rin ‘yan. The same pa rin unless may advice galing kay pangulo. Otherwise, ‘yun ang ipa-follow natin.

Kung ano ang template nung nakaraan, ‘yun din ang gagamiting template,” ayon kay Nograles.

Nitong Biyernes, sinabi ng Malakanyang na ang guidelines para sa pamamahagi ng ayuda ay ipalalabas sa lalong madaling panahon.

Sa ulat, ilalagay sa mas mahigpit na ECQ classification ang Metro Manila mula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021 dahil sa banta ng Delta coronavirus variant.

“Mapait na desisyon ito pero ito ay para sa kabutihan ng lahat,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Idinagdag ni Roque, na simula sa July 31 hanggang Agosto 5, nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions” ang Metro Manila.

“No need for panic buying because we have one week to prepare,” sabi pa ng opisyal.

Tiniyak din ni Roque na makatatanggap ng pinansiyal na ayuda ang mga maaapektuhang manggagawa.

Ilalabas umano ang patakaran tungkol dito at sa usapin ng transportasyon sa mga susunod na araw.

Sa ilalim ng ECQ, tanging “essential” na serbisyo at manggagawa ang papayagan lumabas at mag-operate. Bawal ang indoor at al fresco dining.

Kaugnay nito, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na daang bilyong piso ang mawawala sa ekonomiya ng bansa sa panibagong pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila.

Nagpasya ang Malakanyang na aprubahan ang rekomendasyon ng government inter-agency task force (IATF) na isailalim ang NCR sa ECQ matapos umapela ang mga alkalde sa Metro Manila na higpitan ang quarantine classification dahil sa tumataas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa OCTA Research, posibleng pumalo sa 2,000 bawat araw ang COVID-19 cases sa Metro Manila sa susunod na linggo.

Noong Biyernes, nasa 1,100 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, indikasyon ng pagtaas ng COVID-19 transmission rate sa lungsod.

Ito na ang ikatlong beses na isasailalim sa ECQ ang Metro Manila mula nang magkaroon ng pandemya. Una ay noong March 16 hanggang May 14, 2020 at sumunod noong March 29 to April 11, 2021.

Sa ilalim ng patakaran tungkol sa pandemya, kapag ipinatupad ang ECQ ay magkakaloob ang pamahalaan ng cash aid sa mga apektadong residente ng P4,000 hanggang P8,000 sa bawat tahanan. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Agri at road infra damage sa Bulacan umabot sa P157-M STATE OF CALAMITY SA MALOLOS AT CALUMPIT

0

UMABOT na sa mahigit P157 milyon ang halaga ng napinsalang agrikultura at road infrastructure dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Fabian at sinamahan pa ng high tide mula sa Manila Bay sa lalawigan ng Bulacan.

Dahil dito, isinailalim sa state of calamity ang siyudad ng Malolos at munisipalidad ng Calumpit.

Apektado ng high tide at patuloy na pagtaas ng tubig baha ang mga barangay sa bayan ng Calumpit kaya sa ilalim ng Resolution No. 112-2021 ay idineklara itong under the State of Partial Calamity habang base sa inaprubahang Resolution No. 02-2021, ang lungsod ng Malolos ay under the State of Calamity.

Base sa report ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) chief Liz Mungcal, dahil sa habagat at high tide ay nalubog sa baha ang nasa 106 low-lying barangays mula sa 5 bayan at isang lungsod sa Bulacan maliban pa ang 7 bayan na hindi nai-report sa PDRRMO.

Ayon kay Mungcal, ang Malolos City at Calumpit ang siyang pinaka-nasalanta ng tubig baha na umabot hanggang 5 talampakan ang taas at 29 barangay sa Malolos City at 22 barangay naman sa Calumpit ang naapektuhan.

Kabilang sa mga bayan na nalubog sa baha ang Hagonoy, Bocaue, Paombong, Guiguinto, Balagtas, Sta. Maria, Meycauayan City, Pulilan, Obando at Bulakan.

As of 5 p.m. noong Biyernes, nasa 1,350 Bulacan farmers at 471 fishermen ang naapektuhan ng baha kabilang na ang 1,147.60 ektaryang bukid na mayroong apektadong 907 farmers: 1,562.19 ektarya ng fishpond na mayroong 471 fishermen: 67.79 ektarya ng gulayan na mayroong 441 farmers at cornlands.

Ang rice crop worth of damages ay umabot sa P20,643,227.18 million; fishery sector P53,407,828.26 million; vegetables P15,791,910.80 million at corn farm P5,214.00 habang P294,800 naman sa livestock industry.

Base naman sa report mula sa First District Engineering Office at Provincial Engineer’s Office (PEO), ang damaged to infrastructure ay umabot sa P62,050,000 sa road section at P3,200,000 naman ang provincial government buildings.

Ayon kay First District Engineer Henry Alcantara, nagsagawa agad ang kanyang tanggapan ng palliative measures sa various road sections sa mga pangunahing national highway na nasira.

Inatasan din ni Alcantara si Engr. Erning Daos, chief of the Maintenance Division na magsagawa ng immediate patching sa potholes para matakpan pansamantala ang mga damaged road sections ng aspalto at masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.

Kasabay nito ay hiniling ni Alcantara ang malalim na pang-unawa ng mga motorista sa mga lugar na hindi pa naaayos dahil sa patuloy na pag-ulan. (ELOISA SILVERIO)

Read More

DRUG GROUP MEMBER, 21 PA HULI SA CAVITE BUY-BUST

0

CAVITE – Arestado ng Cavite police ang isang miyembro umano ng Guites robbery/drug group at 21 iba pa sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Kinilala ang arestadong miyembro umano ng Guites robbery/drug group na si Michael Tabana, alyas “Zuma,” nasa hustong edad, ng Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite.

Ayon sa ulat ni Corporal Michael Semania ng Noveleta Police Station, dakong alas-7:00 noong Biyernes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Noveleta MPS sa Brgy. Magdiwang Noveleta, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska ang walong pirasong hinihinalang sachet ng shabu at buy-bust money.

Ang Guites robbery/drug group ay responsable umano sa serye ng robbery at drug pushing sa Cavite at karatig na mga probinsiya.

Samantala, sa isinagawang magdamagang buy-bust operation, 21 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip sa pagitan ng alas-12:45 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw nitong Sabado sa tatlong lungsod at apat na bayan ng lalawigan.

Nanguna sa may pinakamataas na bilang ng arestadong mga tulak ang Dasmariñas City, 8; sumunod ang Bacoor City, 4; tig-tatlo sa Cavite City at Naic; at tig-isa sa Kawit, Alfonso at Rosario. (SIGFRED ADSUARA)

Read More

SENADO, POSIBLENG MAGSUSPINDE NG SESYON

0

IKINUKUNSIDERA ng liderato ng Senado na suspindihin ang kanilang plenary sessions sa gitna ng pagpapatupad muli ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula August 6 hanggang 20.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, posibleng hindi sila magsagawa ng sesyon mula August 9 hanggang 11.

“Sessions pa rin kami (next week) pero baka mag-suspend kami nang Aug. 9-11,” pahayag ni Zubiri sa mensahe sa Senate Reporters.

Sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na magdedesisyon pa sila sa susunod na linggo.

“We will have sessions next week then we will decide therefter,” diin ni Sotto.

Samantala, suportado naman ni Senador Panfilo Lacson ang desisyon ng gobyerno na isailalim uli ang National Capital Region (NCR) sa ECQ.

“Health comes first. The Delta variant is here and it’s spread could mean thousands of lives lost before we even realize it,” diin ni Lacson.’

“While the country’s economy will surely take another round of beating, we should all support this move by the national government,” dagdag pa ng senador. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

TRAFFIC ENFORCER NIRATRAT NG MOTORISTA

0

MAPALAD na hindi napuruhan sa apat na tama ng bala sa katawan mula sa 9MM pistol, ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) makaraang pagbabarilin ng isang sinitang motorista sa Tondo, Manila noong Biyernes ng tanghali.

Bagama’t ligtas na sa kapahamakan, patuloy pa ring inoobserbahan sa Tondo General Hospital ang biktimang si Mark Macmelan, nasa hustong gulang.

Samantala, patuloy ang pangangalap ng testigo sa ikalulutas ng kaso. Hinihinalang karnaper ang suspek dahil iniwanan ang dala nitong sasakyan na brown Mitsubishi, at sinakyan ang motorsiklo ng traffic enforcer na ginamit na get-away vehicle.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District Station 1, bandang 11:30 ng tanghali nang mangyari ang insidente nang sitahin ni Macmelan ang suspek sa Juan Luna St. sa Tondo kung saan ito naka-duty.

Habang nagmamando ng trapiko ang biktima ay nakita nito ang sasakyan ng suspek na lumabag sa batas trapiko kaya sinita ito.

Huminto naman ang suspek ngunit nang lalapit na ang traffic enforcer ay biglang pinaharurot nito ang sasakyan kaya hinabol ni Macmelan.

Bunsod nito, napilitang ihinto ng suspek ang kanyang sasakyan sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 malapit sa Skyway,

Dito na umano pinagbabaril ng suspek ang biktima at pagkaraan ay sinakyan ang motorsiklo ng traffic enforcer saka mabilis na tumakas.

Hinala ng pulisya, karnaper ang suspek dahil nagawa nitong iwanan lamang ang dala nitong sasakyan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pakikipagkoordinasyon sa Highway Patrol Group (HPG) at inaalam na sa LTO kung sino ang may-ari ng sasakyan habang nagsasagawa ng manhunt operation laban sa suspek. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

DRIVE-THRU VACCINATION SITE SA MAYNILA BINUKSAN NA

0

IPINABABATID sa publiko na binuksan na nitong Sabado ang COVID-19 drive-thru vaccination site sa Pres. Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila, na nasa tabi lamang ng COVID site at ng Manila COVID-19 Field Hospital.

Mismong si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nanguna sa pagbubukas ng naturang pinakabagong vaccination site ng lokal na pamahalaan, na ang layunin ay higit pang mapabilis ang pagbabakuna sa mga Manilenyo at mabawasan ang pila sa vaccination centers.

Kasama ng alkalde sa paglulunad ng vaccination site sina Manila Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan, Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, National Task Force (NTF) against COVID-19 Deputy Chief Implementor Secretary Vince Dizon at Department of Health (DOH) Assistant Secretary Elmer Punzalan.

Ayon sa alkalde, maaaring magpabakuna dito ang mga indibidwal na may sasakyan na may apat na gulong, gaya ng jeep o kotse.

Hindi naman pwedeng pumila ang mga nakamotorsiklo o bike sa ngayon.

Paglilinaw naman ni Domagoso, kailangan din munang mag-register online at magpa-schedule sa kanilang website.

May matatanggap aniyang text message na nagsasabi kung pasok sa drive-thru vaccination.

Dahil nasa loob lamang ng sasakyan, nabatid na hindi lang isang tao ang pwedeng magpabakuna.

Maaaring apat na tao ang magpabakuna habang sakay ng isang sasakyan basta’t rehistradong lahat ang mga ito samanilacovid19vaccine.ph website ng Manila City government at kahit isa lang sa kanila ang naka-schedule.

Kahit hindi taga-Maynila ay maaari rin umanong mag-register at sumama sa drive-thru vaccination.

Nabatid na may 400 doses ng bakuna ang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa unang araw ng naturang vaccination site nitong Sabado.

Samantala, bukod sa drive-thru vaccination site, may first dose vaccination din sa University of Santo Tomas (UST) nitong Sabado na may 2,500 doses, at second dose vaccination naman sa ibang piling mga paaralan at mall sa lungsod. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

COVID-19 Delta variant cases tumaas MASS SWAB TESTING INIUTOS SA CALABARZON

0

INUTOS ng Department of Health (DOH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) noong Huwebes, Hulyo 29, ang mass swab testing matapos nitong kumpirmahin ang pagkakarooon ng kabuuang 36 kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay DOH Regional Director Eduardo C. Janairo, nag-deploy na ng epidemiology at health emergency team upang matutukan ang mga komunidad sa pagsasagawa ng swab test sa mga residente.

“Kailangan nating kilalanin kaagad ang mga dahilan ng virus, kung paano ito nagsimula at paano ito nailipat upang pigilan ang pagkalat nito sa mga komunidad,” aniya.

“Ang mga sample na kinuha mula sa mga contact ng mga positibong kaso ay ipinadala na sa Philippine Genome Center para sa validation.

Ang mahalaga ngayon ay para sa lahat na huwag mag-panic at patuloy na sumunod sa health protocols at ang pinakamahalaga ay ang mabakunahan laban sa COVID-19 virus,” aniya pa.

Kabilang sa mga lalawigan na napaulat na may mga kaso ng Delta variant ay ang Cavite na may 9 kaso, partikular sa Imus, Cavite City, General Trias, Silang at Carmona.

Sa Laguna ay may 17 kaso sa mga bayan ng Bay, Los Baños, San Pedro, San Pablo at Calamba City.

Samantala, nakapagtala naman sa Batangas ng 6 kaso sa mga munisipalidad ng Bauan, Lemery, San Juan at Lipa City.

Si Rizal ay may apat na kaso sa Cainta at Rodriguez, habang ang lalawigan ng Quezon ay nanatiling ligtas sa COVID-19 delta variant.

Gayunman, sa 36 kaso, 21 ay naka-recover na, 11 ang under verification, tatlo ang aktibong kaso at isa ang may pending test result.

“Kahit ano pang brand ang mayroon sa ating mga lokal na pamahalaan, magpabakuna po tayo. Ang importante ay magkaroon tayo ng karadagang proteksyon upang kung tayo man ay mahawa at magkaroon ng virus, hindi po tayo makararanas ng severe COVID condition,” pahayag pa ni Janairo.

Ang isang taong infected ng Delta variant ay makararamdam ng mga sintomas katulad ng sipon ngunit walang ubo, pagkawala ng pang-amoy, lagnat at pagkapagod.

Ang mga taong may comorbidity o tulad ng mataas na presyon ng dugo o high blood pressure, mga may problema sa puso o may diabetes, senior citizens, at maliliit na mga bata ay kabilang sa mga posibleng mahawa at magkaroon ng Delta variant.

“Ang DOH regional office, kasama ang mga lokal na pamahalaan ng apektadong komunidad ay patuloy na nagtatrabaho at nagsasagawa ng pagsusuri sa kalusugan, case investigation at contract tracing upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Doblehin po natin ang pag-iingat lalo na po sa ating paglabas ng ating mga tahanan. Pangalagaan po natin ang ating kalusugan at mga sarili upang tayo ay maging ligtas kasama ang ating mga mahal sa buhay,” ayon pa kay Janairo. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

3 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA

0

MULING nakapagtala ng tatlong namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hulyo 30, habang patuloy sa paglobo ang active cases sa nasabing mga lungsod.

Napag-alaman, isang pasyante ang binawian ng buhay sa Caloocan City at umakyat sa 1,124 ang total pandemic deaths sa lungsod, habang sumirit sa 496 ang active cases matapos na 66 ang bagong nagpositibo sa virus.

Pumalo na sa 39,652 ang mga tinamaan ng COVID sa siyudad at sa nasabing bilang ay 38,032 na ang gumaling.

Isa ring dinapuan ng COVID ang nalagutan ng hininga sa Malabon City at pumanhik na sa 463 ang bilang ng mga namatay dahil sa pandemya sa lungsod.

Habang 58 ang nadagdag na confirmed cases at 14,139 ang positive cases sa Malabon City, 404 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (2), Baritan (6), Bayan-bayanan (2), Catmon (5), Concepcion (2), Dampalit (3), Flores (1), Hulong Duhat (11), Ibaba (3), Longos (4), Niugan (4), Potrero (3), San Agustin (1), Santulan (2), Tinajeros (6), at Tugatog (3).

Sa kabilang banda, 13 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Bayan-bayanan (1), Concepcion (2), Niugan (2), Potrero (5), at Tinajeros (3). Sa kabuuan ay 13,272 ang recovered patients ng siyudad.

Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling sa Barangays Acacia, Baritan, at Flores dahil muling nagpositibo ang swab test ng tatlo sa mga ito sa ikalawang pagkakataon. Mula 349 ay magiging 348 na lamang ang mga gumaling sa Barangay Acacia, samantalang mula 609 ay 608 na lamang ang mga gumaling sa Barangay Baritan. Mula naman 377 ay magiging 376 na lamang ang mga gumaling sa Barangay Flores.

Isang may taglay na COVID din ang binawian ng buhay sa Navotas City kaya’t umakyat na sa 381 ang pandemic death toll sa lungsod, habang umalagwa sa 324 ang active cases makaraang 43 ang mahawaan at 33 lamang ang nakarekober. Umabot na sa 11,549 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital at 10,844 na sa mga ito ang gumaling.

Wala pang inilalalabas na COVID-19 cases update ang Valenzuela City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)

Read More