MGA PROGRAMA PARA SA ECONOMIC RECOVERY, SUPORTADO NG SENADO

TINIYAK ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na susuportahan ng Senado ang lahat ng programa ng gobyerno na may kinalaman sa economic recovery. Sinabi ni Sotto na tututukan nila sa 3rd regular session ng 18th Congress ang mga programa para labanan ang COVID 19 at ang vaccination program. Sa pagbubukas ng sesyon nitong Lunes, kabuuang 21 senador ang dumalo kabilang na ang 13 na physically present habang 8 ang virtually present. Sa kanyang speech sa pagbubukas ng sesyon, sinabi ni Sotto na patuloy na maglalaan ang Senado ng pondo…

Read More

EDUKASYON AT DAGDAG AYUDA, PINATUTUTUKAN SA ADMINISTRASYON

UMAASA si Senador Grace Poe na tututukan ng gobyerno sa huling 11 buwan ng panunungkulan ang kapakanan ng mga estudyante at guro upang magpatuloy ang pagkatuto sa gitna ng kinakaharap na Covid19 pandemic. Sinabi ni Poe na umaasa siyang bago ang pagsisimula ng klase sa Setyembre ay mabibigyan na ng bakuna ang lahat ng mga guro at ibang estudyante.’ “Magpapasukan itong Setyembre ang ating mga estudyante. Sana at least ang mga teachers natin lahat mabakunahan na. At ‘yung ibang mga estudyante din naman ay mabigyan ng proteksiyon,” pahayag ni Poe.…

Read More

PARANG KAMPANYA LANG ANG SONA

HABANG isinusulat ko ito umaga ng Lunes, nakatakda pa lamang sa hapon, alas-kuwatro to be exact, ang ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maaga ang deadline ng Opinion Section, kaya kailangang maisulat ko na itong kolum ko dahil hindi ko na mahintay ang sasabihin at ipapangako ng ating pangulo (sa ayaw at sa gusto n’yo) na kanyang gagawin sa natitirang 11 buwan mula ngayon. Siguro napapansin n’yo, walang ipinagkaiba ang SONA ng pangulo ng bansa sa panahon ng kampanya. Hindi lang ito nangyayari…

Read More

HINDI INIMBESTIGAHAN NG PACC ANG KORAPSYON SA DA AT BAI

PIHADONG masayang-masaya ang pinuno ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na si Greco Belgica dahil isa siya sa mga nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng tumakbong senador sa tiket ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP – Laban). Siyempre, malaki ang bentahe kapag tumakbong senador sa tiket ng administrasyon dahil posibleng manalo kahit tablado at kinamumuhian ng mamamayan ang kandidato. Hindi ba’t mayroong mga nanalo noong halalang 2019 na kakampi ng administrasyong Duterte kahit hindi karapat-dapat na maging senador? Pokaragat na ‘yan! Kasama na sa PACC si Belgica…

Read More

HISTORIC OLYMPIC GOLD KAY HIDILYN DIAZ

SA wakas, matapos ang 96 taon, nanalo na rin ng gintong medalya ang Pilipinas sa Olympics sa pamamagitan ni weightlifter Hidilyn Diaz. Pinatunayan ng 30-anyos na si Diaz na hindi lang siya weightlifter queen ng Pilipinas kundi ng buong Universe nang kanyang makopo ang gold medal sa 55kg sa Tokyo 2020 Olympics weightlifting competition, Lunes (Hulyo 26) sa Tokyo International Forum. Bumuhat si Diaz ng 97kg sa snatch at 127 kg sa clean and jerk para sa total 224kg para sa kauna-unahang ginto ng bansa mula sa Olimpiyada. Si Diaz…

Read More

IMBITASYON NG HNP, TINANGGAP NA NI ZUBIRI

KINUMPIRMA ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na tinanggap na niya ang imbitasyon ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) para mapabilang sa kanilang senatorial slate sa 2022 elections. “Yung HNP, kinausap din ako ni Speaker Lord (Allan) Velasco and I’ve accepted also their invitation to be part of their slate. Lalo na’t taga-Mindanao ako,” saad ni Zubiri sa press briefing sa Senate Media. Sa kabilang dako, sinabi rin ni Zubiri na nakikipag-ugnayan na rin sa kanya ang 1Sambayan subalit hindi pa anya ito tinatanggap dahil ayaw nilang mabigyan siya ng…

Read More

Achievements unang ibinida sa SONA 2021 DUTERTE BIGO SA DROGA, KORAPSYON

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nananatiling namamayagpag ang illegal drugs at korapsyon sa bansa sa kabila ng ginawang reporma ng pamahalaan. “While we were busy instituting reforms between ogres of illegal drugs and corruption laid low for a while only to resurface as still with us and make no mistake about it,” ani Pangulong Duterte sa kanyang pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa kahapon. “Corruption is but another term of stealing people’s money dashing in its way in nation’s…

Read More

SONA 2021 TUMAGAL NG HIGIT 2 ORAS

INABOT ng dalawang oras at 45 minuto ang pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng hapon. Kabilang sa mga present sa SONA sina: DOTr Sec. Arthur Tugade, Papal Nuncio Archbishop Charles Brown, DOT Sec. Bernadette Puyat, DILG Sec. Eduardo Año, DOH Sec. Francisco Duque III, PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, maging ang mga aktor na sina Robin Padilla at Philip Salvador. Isa sa mga ibinida ng pangulo ang paghabol o pagtugis sa water concessionaires na kanya umanong maipagyayabang sa kanyang mga anak.…

Read More

Solon sa P63-B ‘underspending’ sa Bayanihan 2 SAMPAL SA MGA PINOY

DALAWANG malalakas na sampal ang tumama sa mga Pinoy sa panahon ng pandemya dahil sa mahigit P63 bilyong hindi ginamit na pondo sa Bayanihan 2 – kasama ang P46.397 bilyon na “undisbursed” at P17.23 bilyong “unobligated,” ayon kay Senador Panfilo Lacson nitong Lunes. Isiniwalat ito ni Lacson matapos ang pagsasaliksik ng mga naturang datos bunga ng unang akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinabi umano ng mambabatas na mababa ang paggugol ng pamahalaan sa mga pondo nito ngayong pandemya. “We should keep in mind that underspending is determined not by…

Read More