WANTED SA MAYNILA, TIKLO SA CAVITE

NALAGLAG sa mga operatiba ng Manila Police District ang isang 59-anyos na wanted sa kasong attempted rape makaraang maispatan sa Dasmariñas, Cavite, iniulat ng pulisya nitong Miyerkoles. Kinilala ang suspek na si Tirso Pacheco y Alba, nanunuluyan sa Barangay Salitran, Dasmariñas, Cavite, number 8 most wanted person sa MPD. Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Regional Director na si National Capital Region Office, P/Major General Vicente Dupa Danao Jr., nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ni P/Lt. Col. Evangeline Cayaban, commander ng MPD-Station 5, at natunton si…

Read More

3 ARESTADO SA P183K SHABU

SYUT sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal makaraang makumpiskahan ng halos P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City noong Martes ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong mga suspek na sina Jonathan Soriano, alyas “Atan,” 31, ng Tulay 9, Brgy. Daang Hari, Navotas City; Allan Ruthirakul, 49, at Irene Flores, 42, kapwa ng Esguerra St., Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City. Ayon kay P/SSgt. Jerry G. Basungit, dakong alas-11:00 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba…

Read More

COVID-19 Delta variant tumataas NCRPO NAKAALERTO VS MASS GATHERINGS

INALERTO ni Philippine National Police–National Capital Region Police Office Director P/Maj. Vicente Danao ang lahat ng district directors at unit commanders hinggil sa mas mahigpit na pagbabantay sa mass gatherings bunsod nang biglang paglobo ng mga kaso ng Delta variant ng coronavirus. Ito ay matapos na paalalahanan ni Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office na mahigpit na ipatupad ang quarantine rules at palaging nakaalerto laban sa mga pagtitipon sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant. Nabatid…

Read More

DATING DH, 3 PA HULI SA BUY-BUST

BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District-Station Drug Enforcement Team ng Sta. Cruz Police Station 3, ang isang babaeng dating domestic helper, na target ng inilatag na buy-bust operation, at tatlo pang sangkot sa ilegal droga sa Sta. Cruz, Manila nitong madaling araw ng Miyerkoles. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si Anisa Sandad y Sambilan alyas “Sarah,” 24, tubong Lagao, Maguindanao, may asawa, isang dating domestic helper at residente…

Read More

CAMANAVA COVID DEATH TOLL UMAKYAT SA 2,514

UMABOT na sa 2,514 ang COVID death toll sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hulyo 27 matapos na dalawang pasyente ang namatay sa Valenzuela City sa nasabing araw, habang lumobo na sa 1,215 ang active cases sa nasabing mga lungsod. Umakyat na sa 557 ang mga namatay dahil sa pandemya sa Valenzuela City, habang 341 ang active cases sa lungsod matapos na 78 ang nagpositibo sa virus habang 38 lamang ang gumaling. Pumalo na sa 21,546 ang confirmed cases sa lungsod, at 20,648 na sa kanila ang nakarekober.…

Read More

8 NABITAG SA P.5-M DROGA SA PAMPANGA

WALO katao ang nadakip habang tinatayang P530,000 ang kabuuang street value ng nakumpiskang hinihinalang marijuana at shabu sa magkasunod na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III at Criminal Investigation and Detention Group sa lungsod ng Angeles sa lalawigan ng Pampanga noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, unang sinalakay ang isang hinihinalang drug den sa Claveria Street sa Barangay Santa Trinidad kung saan nakuha ang iba’t ibang drug paraphernalia at mahigit sa 25 gramo ng hinihinalang shabu na P170,000…

Read More

NAPATAY NA 2 AKTIBISTA SA ALBAY, IPINASISIYASAT

IPINASISIYASAT ni Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang hinggil sa pamamaril ng dalawang pulis na ikinamatay ng dalawang aktibista na nag-spray paint sa pader ng kanilang protest slogan sa Albay. Ayon sa ulat, kinilala ng grupong Defend Bicol ang mga biktimang sina Jemar Palero, 22, at Marlon Naperi, 38, na nakasagupa umano ng mga elemento ng Albay Police sa Barangay Lower Bonigsacan sa Guinobatan, noong Lunes ng umaga. Ayon sa police report, armado umano ang mga aktibista at pinaputukan ang mga pulis naging dahilan upang…

Read More

DRUG SUSPECT NALAMBAT NG PNP-ZAMBALES

“WE are always ready for a fight that never ends,” ani PNP-Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño matapos madakip ang isang drug personality sa ikinasang law enforcement operation sa Subic, Zambales. Ayon kay Col. Cardiño, itinuturing na provincial most wanted person ang nadakip na si Farida Oles Asara ng Brgy. Calapacuan, sa bayan ng Subic, sa nasabing lalawigan. Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Roline M. Gines-Jabalde ng RTC Branch 74, 3rd Judicial Region, Olongapo City, dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous…

Read More

GORDON, POSITIBO SA COVID-19

KINUMPIRMA ni Senador Richard Gordon na nagpositibo siya sa COVID-19 kahit fully vaccinated na siya ng Astrazeneca. Gayunman, iginiit nito na asymptomatic siya o walang nararamdamang kahit anong sintomas. “Regular nagpapa-test ako. Asymptomatic ako. Kaagad nag-isolate na ako. Ako ay nasa bahay ngayon,” saad ni Gordon sa panayam ng DZXL RMN Manila. Sinabi ni Gordon na naka-dalawang dose na siya ng Astra Zeneca kaya’t tiwala siyang hindi na lalala ang kanyang sitwasyon. Gayunman, pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpa-check up upang matiyak ang lagay ng kanyang kalusugan lalo na’t…

Read More