Kakayahan sa pagbili ng shares sa Malampaya kwestyonable UDENNA LUBOG SA UTANG?

(ESTONG REYES) HINDI pa man tapos ang pagsusuri sa kakayahan ng Udenna Corporation na bilhin ang controlling stakes ng Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX) sa Malampaya gas field, kinuwestyon ni Senador Win Gatchalian ang pinansyal na estado ng kumpanya matapos suspendihin ng PH Resorts Group Holdings Inc., na pag-aari rin ng Udenna, ang casino project nito sa Clark dahil sa pagkalubog sa utang. “Maliwanag na red flag ito sa tunay na estado ng Udenna. Paano natin mapagkakatiwalaan ang kumpanyang lubog sa utang? Una, nabili ng Udenna ang 45% stake ng…

Read More

Para lang sa mga immunocompromised THIRD DOSE SA NATURUKAN NG CHINA VAX

INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO) nitong Huwebes ang pagbibigay ng third dose ng COVID-19 vaccine sa mga taong may immunocompromised condition o hindi kayang makapag-develop ng full immunity matapos ang dalawang doses. “We are now in a position to say that for people with immunocompromised conditions who have been unable to develop full immunity, WHO is supporting a third dose as an extended primary course,” ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque. “Even if they are less…

Read More

Ngitngit ng netizens sumabog sa social media BONGBONG DINAYA SA RAPPLER SURVEY

MAKARAANG maglabasan ang isang viral video ng pagmamaneobra sa isinasagawang online survey, kinastigo ng iba’t ibang grupo ng mga vlogger at netizens ang Rappler dahil umano sa garapalang manipulasyon sa hangaring ikondisyon ang isipan ng publiko pabor sa kanilang isinusulong na kandidato para pangulo. Partikular na tinukoy ng mga vlogger at netizens ang pinakahuling online survey ng Rappler kung saan nagtalaga ang digital news organization ng kanya-kanyang emoticons na kakatawan sa bawat kandidato para sa 2022 presidential derby – wow emoticon para kay dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, puso naman…

Read More