PAGDALAW SA PUNTOD GAWIN NANG MAAGA

patay

INABISUHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na agahan ang pagbisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa Manila North at South Cemetery para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao. Sa pamamagitan ng Executive Order No. 33, inanunsiyo ni Moreno na mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, ang lahat ng pampubliko at pribadong memorial parks, cemeteries at columbaries sa lungsod ay isasara. Sa nasabing petsa ay paglilibing at cremation lamang ng mga nasawi na hindi dahil sa COVID 19 ang papayagan. Samantala, pinuri ng alkalde si administrator Yayay…

Read More

Walang patawad PATI DUGO INI-SCAM SA VALENZUELA

NAGBABALA ang Philippine Red Cross (PRC)-Valenzuela City Chapter hinggil sa mga scammer na pati ang transaksyon sa dugong pandugtong ng buhay ng mga may karamdaman, ay hindi pinatatawad at pinapasukan ng modus para makapanlamang. Ayon sa post sa social media ng PRC-Valenzuela noong Oktubre 19, dakong 11:39 ng umaga kamakailan, mayroong delivery rider sa isang courier app ang na-scam. Isang kliyente umano ay nagpa-book at sinabing may “reservation” siya ng dugo sa pasilidad ng PRC-Valenzuela na dadalhin sa ospital. Pinakisuyuan ang rider na abonohan muna ito at bayaran sa pamamagitan…

Read More

MARIJUANA IPINASOK SA MP3 SPEAKERS, BUKING

NASABAT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang pitong bloke ng marijuana na tinatayang P354,000 ang halaga, sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Tondo, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Judem Alleck Padilla, residenre ng CM Recto Avenue sa Brgy. 14 sa Tondo. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng MPD-Station 2, bandang alas-2:00 ng hapon, habang nagsasagawa ng “Oplan Sita” ang kanyang mga tauhan sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Asuncion St. sakop ng Tondo, nang mamataan…

Read More

1 sa Malabon 48 PATAY SA COVID SA VALENZUELA

UMABOT sa 48 katao ang namatay sa Valenzuela City dahil sa COVID-19 noong Oktubre 19, ayon sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Bumaba naman sa 469 ang active COVID cases sa lungsod matapos na 83 ang nagpositibo sa virus at 49 naman ang gumaling. Pumalo na sa 34,994 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 33,712 na ang gumaling at 813 ang namatay. Samantala, isang pasyente naman ang namatay sa Malabon City noong Oktubre 19 habang siyam ang nadagdag na confirmed cases.…

Read More

BI NAGBABALA VS ILLEGAL RECRUITERS

NAGPALABAS ng babala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga gustong maging overseas Filipino workers (OFWs) na mag-ingat sa illegal recruiters na nagbibigay ng mga pekeng dokumento. Ang babala ni Morente ay matapos na may dalawang pasahero na nagpanggap na mga turista ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kamakailan. Ayon kay Morente, ang mga pasahero ay pinigil para sa kanilang proteksyon, na nagtangkang sumakay sa Emirates Airlines flight patungong Dubai noong Oktubre 17. “We are currently in a pandemic, and it is disheartening…

Read More

Para sa proteksyon ng riders, pasahero MOTORCYCLES-FOR-HIRE ACT APRUB NA SA KAMARA

motor

INAPRUBAHAN na sa Committee Level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang isailalim sa regulasyon ng gobyerno ang operasyon ng motorcycles-for-hire sa bansa. Walang tumutol nang isalang sa Committee Approval ng House Committee on Transportation, na pinamumunuan ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ang Motorcycles-for-Hire Act. “This would be a perfect Christmas gift for our thousands of motorcycle-for-hire riders. This law would surely free them from worries caused by possible policy shifts and law enforcement abuse,” ani Sarmiento. Ayon sa mambabatas, hindi maitatanggi na ang motorcycle taxis at motorcycle delivery services…

Read More

MAGKAPATID NA DARGANI HINDI NA MATAGPUAN

BIGO ang Senate security officers na maaresto sina Pharmally Pharmaceutical Corporation officials Mohit Dargani at kapatid na si Twinkle sa kanilang tatlong condominium units sa Greenhills, San Juan City at Bonifacio Global City sa Taguig. Una nang ipinag-utos ng Senate Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Senador Richard Gordon ang pag-aresto sa dalawa makaraang i-cite for contempt sa pagtanggi na isumite ang mga hinihinging dokumento hinggil sa kontrobersyal na deal ng korporasyon sa gobyerno. Sinabi ni Retired General Rene Samonte, Senate sergeant-at-arms, na pinuntahan ng kanilang mga tauhan ang tatlong…

Read More

SARA LAGLAG SA PDP-LABAN

HINDI na bahagi si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng prosesong isinasagawa ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kaugnay ng paghahanap ng isang malakas na kandidato para sa 2022 presidential derby. Ayon mismo kay Energy Secretary Alfonso Cusi na tumatayong Pangulo ng partido ng administrasyon, patuloy silang naghahanap ng posibleng standard bearer ng PDP-Laban, na tila pahiwatig sa posibleng substitusyon kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na una nang naghain ng kanyang kandidatura bilang Pangulo sa ilalim ng administration party. Aniya, malabo nang maging presidential bet ng kanilang partido…

Read More

Suporta sa unifying leader TRANSPORT GROUPS NAGKAISA KAY BBM

SA gitna ng kawalang direksyon ng administrasyon sa sektor ng transportasyon, mas piniling suportahan ng iba’t ibang transport groups ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang pangulo sa May 2022. Sa isang pulong na dinaluhan ng iba’t ibang transport groups sa himpapawid, karagatan at maging sa mga pangunahing lansangan, inihayag ng mga delegadong kinatawan ang suporta sa anila’y tahimik na tumulong sa kanilang hanay sa mga panahong wala silang anomang natatanggap na suporta sa administrasyon. Sa pinag-isang pahayag ng mga…

Read More