ANONG HIWAGA MERON SA FACE SHIELD?

HINDI ko alam kung anong meron at bakit ayaw bitawan ng ilang opisyal ng gobyerno ang face shield? Pero may idea na ang mga tao kung bakit at sinasabi nila ‘yan sa social media. Katakot-takot na rin ang negatibong komento ng netizen sa face shield at ginawa na itong simbolo ng katiwalian sa Duterte ­administration pero ayaw pa ring bitawan ng ilang opisyal? Walang maipakita ang Department of Health (DOH) na nakatutulong ang face shield para maprotektahan ang mga tao sa COVID-19 pero ayaw pa ring bitawan kaya lalong nagdududa…

Read More

TULOY NA KAYA ANG BBM-INDAY SARA TANDEM?

UMANI ng samu’t ­saring reaksyon mula sa ­milyun-milyong mga Pinoy sa buong mundo ang gina­wang pag-atras ni Mayor Inday Sara Duterte sa pagtakbo sa pagka-alkalde ng siyudad noong nakaraang Martes, ­Nobyembre 9, 2021. Nagtungo si Inday Sara sa Commission on Election (Comelec) sa Davao City para iatras niya ang kanyang kandidatura sa pagka-alkalde at naging kapalit niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Baste Duterte. Sa pangyayaring ito ay marami ang natuwang Pilipino at naging mainit ang usap-usapan sa mga pagtitipon. Marami ang umaasa na matutuloy na ang BBM-INDAY SARA…

Read More

SA NGALAN NG AYUDA

DUMATING na sa sukdulan ang pamahalaan sa aspeto ng panghihikayat para sa malawakang bakunahan laban sa nakamamatay na karamdaman. Lahat ng paraan sinusubukan – polisiyang tila maglalagay sa alanganin sa mamamayang diskumpyado sa bisa at kaligtasan ng mga bakuna, maging yaong ayaw sa gawa ng Tsina. Kung tutuusin, maraming gimik para makumbinsi ang mamamayan na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19. May mga sangay ng gobyernong nagbibigay insentibo, mayroon din namang ang diskarte ay magpa-premyo. Pero kakaiba ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang estilong gamit sa…

Read More

Pwedeng hindi i-hire o bigyan ng bonus PAGTANGGI SA UNVACCINATED LEGAL – DUTERTE

MAY karapatan ang mga employer na tanggihan ang mga aplikante na hindi bakunado. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng diskusyon na hindi pagbibigay ng insentibo sa mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19 sa kabila ng maayos na vaccine supply. “You have the right to refuse or to accept as an employee somebody who is not vaccinated and will go and join the rest of employees and the factory or the place or whatever you have as your business [then] this guy would start to contaminate…

Read More

PDuterte sa Comelec MAAYOS NA REGULASYON SA KAMPANYA ILATAG

PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Elections (Comelec) na magpalabas ng mas maayos na regulasyon para sa nalalapit na campaign season para sa 2022 polls. Ang opisyal na campaign season para sa May elections ay magsisimula sa Pebrero ng susunod na taon. “I’d like to remind the Comelec that you must give the candidates really the space and the whatever modality there, because there can never be an election without a campaign,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi. Inamin ng Pangulo…

Read More

HIGIT 1M VOTERS NAIHABOL

NADAGDAGAN ng mahigit isang milyon ang botante sa 2022 election sa tatlong linggong ekstensyon sa voters registration noong Oktubre. Ito ang report ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdinig ng House committee on suffrage and electoral reform na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Juliet Marie Ferrer kaugnay ng paghahanda ng komisyon sa eleksyon. Ayon kay Comelec Director Divine Blas-Perez, mula October 11 hanggang 30 ay umabot sa 1,198,350 ang nakapagrehistro na kinabibilangan ng 899,122 na bagong botante, 171,755 reactivation at ang iba naman ay mga Pilipinong nagrehistro sa kinaroroonang bansa…

Read More

JOB APPLICANTS PINABIBIGYAN NG LIBRENG BAKUNA

HINILING ni Senador Grace Poe sa pamahalaan na bigyan ng libreng bakuna ang lahat ng aplikante sa trabaho na bukod sa makatutulong sa kanilang pagbabalik-trabaho, mahalaga ang kanilang papel sa pagbabangon ng ekonomiya. Sa pahayag, sinabi ni Poe na dapat maabot sa lahat ang pagbibigay ng proteksyon sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan, maging sa mga naghahanap ng trabaho ngunit hindi pa bakunado. “Hindi sila kailangang itaboy, sa halip, dapat silang tulungan,” giit ni Poe. Hinihikayat din ni Poe ang pamahalaan ang paglalatag ng mga akmang mekanismo upang sa…

Read More

DILG HUGAS-KAMAY SA NO VAX, NO AYUDA

HUGAS-KAMAY ang Department of Interior and Local Government sa kontrobersyal na polisiyang “No Vax, No Ayuda” sa mga benepisaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan para sa maralitang mamamayan. Ayon kay DILG spokesperson Jonathan Malaya na tumatayong tagapagsalita ng nasabing ahensya, hindi umano sila ang nagsusulong ng nasabing patakaran kundi ang mga local government units (LGUs) na nangangasiwa sa pamamahagi ng buwanang ayudang laan bilang agapay sa pag-aaral ng mga estudyanteng mula sa mga maralitang pamilya. “Let me just emphasize, it’s not just the DILG that…

Read More

EPEKTO NG SIGALOT NG BENECO-NEA IIMBESTIGAHAN

NAGHAIN ng resolusyon si Senador Win Gatchalian upang siyasatin ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Benguet Electric Cooperative Inc. (BENECO) at ng National Electrification Administration (NEA). Kahit napabalitang bumalik na sa normal ang serbisyo ng BENECO, matapos magambala ang operasyon nito noong Oktubre 10 hanggang 20 nang sapilitang mag-take-over ang mga hinirang na opisyal ng NEA, wala pa ring pinal at malinaw na proposisyon ang dalawang panig. Nalaman ni Gatchalian na nahihirapan ang BENECO sa proseso sa bangko dahil ayaw umanong kilalanin ang pirma ni Engr. Melchor S. Licoben bilang…

Read More