FACE SHIELDS SA PAGAMUTAN NA LANG SA LIPA, BATANGAS

NAGLABAS ng special ordinance ang konseho ng Sangguniang Panlungsod ng Lipa, Batangas na tanging sa mga pagamutan na lamang magiging mandatory ang pagsusuot ng faces shields. Nirebisa ang kanilang ordinansa No.312-2021 bilang pagsunod sa public health protocol sa kanilang lungsod na requirement ang pagsusuot sa mga pagamutan at klinika ng face shields. Napagkasunduan ng mga awtoridad na upang maipagpatuloy ang pagbaba ng mga kaso ng coronavirus sa kanilang lugar, kinakailangan na panatilihin ang pagsunod sa alituntunin. Kailangan ding maglagay ng mga signage sa mga establisyimento upang sundin ang patakaran ng…

Read More

FOOD SECURITY DAPAT TUTUKAN

SAN PABLO, Laguna – Kung mayroon mang dapat asikasuhin ang pamahalaan, iyon ay ang isang komprehensibong programang magbibigay kasiguruhang may sapat na pagkain para sa bawat mamamayan. Sa kanyang konsultasyon sa hanay ng mga coconut farmers na nakabase sa Laguna, partikular na inilatag ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang Food Production Strategic Plan na siyang magiging sandigan at batayan sa paglalaan ng karampatang pananalapi sa mga ahensyang may mandatong kaugnay sa sakahan at pangisdaan. Aniya, hindi sumasapat ang produksyon ng mga pangunahing pagkaing dapat sana’t pinopondohan ng mga kagawarang…

Read More

US, EU NABAHALA SA BAGONG OMICRON COVID-19 VARIANT

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si U.S. President Joe Biden hinggil sa natuklasang Omicron COVID-19 variant na kumakalat ngayon sa Southern Africa kaya ipinag-utos na magkaroon sa Amerika ng air travel restriction mula South Africa at pito pang bansa kasabay ng panawagan sa kanilang mamamayan na fully vaccinated na magpa-booster shot at magpabakuna naman ‘yung mga hindi pa nakatatanggap ng COVID-19 jabs. Ito ay kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization na ang Omicron o B.1.1.529 variant na nakita sa South Africa bilang isang SARS-CoV-2 na “variant of concern,” ay maaaring kumalat nang…

Read More

GINANG SINILBIHAN NG WARRANT SA MCJ

POSIBLENG magtagal pa sa loob ng kulungan ang isang 50-anyos na ginang makaraang silbihan siya ng warrant of arrest sa loob ng Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng tanghali. Kinilala ang suspek na si Evelyn Miguel, residente ng 14-A Victoria De Manila sa Taft Avenue, Malate. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Ramon Nazario, commander ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-11:00 ng tanghali, iniutos niya ang pagsisilbi ng arrest warrant sa ginang sa loob ng Female Dormitory sa MCJ dahil sa…

Read More

4 TULAK ARESTADO SA P5-M SHABU

NATIMBOG ng mga awtoridad ang apat na indibidwal, kabilang ang isang babae, makaraang painan ng boodle money sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Manila noong Biyernes ng hapon. Swak sa selda ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, ang apat na mga suspek na kinilalang sina Jose Dantes Raymundo, 44; Robert Justiniani Jr., 30; Rommel Ortilano, 28, driver; at Malyn Alexisse On. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD-Station 7, bandang ala-1:00 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation sa tabi ng…

Read More

VALENZUELA, BINIGYAN NG TB CARE MEDICAL TOOLS NG USAID

TUMANGGAP ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng medical tools para sa mga may tuberculosis (TB) mula sa United States Agency for International Development (USAID) at Stop TB Partnership. Ang donasyong medical tool package ay makatutulong sa higit 19,000 pasyente, maging sa sistemang pangkalusugan ng lungsod upang epektibong masuri, matutukan, magamot at maiwasan ang TB. Kabilang sa ibinigay na medical tools ang 38 portable rapid diagnostic machines, walong ultra-portable chest x-ray machines na maaaring magamit sa labas ng ospital, at Video Observed Treatment (VOT) na kayang mag-monitor ng gamutan ng pasyente gamit ang…

Read More

MATANDA’T BATA INAARUGA SA MALABON

INANYAYAHAN ang lahat ng senior citizens sa Lungsod ng Malabon na mag-update ng record sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) para maiwasan ang pagkaantala o pagkaabala sa mga serbisyong hatid ng pamahalaang lungsod sa mga senior citizen. Ang record updating ay gaganapin mula Nobyembre 25, 2021 hanggang Enero 31, 2022. Matatagpuan sa Facebook page ang “100% Pusong Malabon” at numero ng telepono ng OSCA ladies na magsasagawa ng profiling sa iba’t ibang barangay na maaaring tawagan o i-text para sa mga katanungan. Samantala, idinaos dakong alas-3:00 ng hapon noong…

Read More

ACTIVE COVID CASES SA NAVOTAS, 9 NA LANG

SIYAM na lang ang active COVID cases sa Navotas City noong Nobyembre 26 matapos na isa ang nahawaan at apat naman ang gumaling. Pumalo na sa 17,618 ang total cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 17,065 na gumaling at 544 ang namatay. Kaugnay nito, hinimok ni Navotas Congressman John Rey Tiangco ang nasasakupan na suportahan ang mga lokal na negosyo at tulungang makabangon ang ekonomiya ng lungsod na inilugmok ng pandemya sa pagbubukas ng Christmas Bazaar ng lungsod sa Navotas  Citywalk and Amphitheater. Bukas ang Christmas Bazaar mula…

Read More

PAGLILIPAT KAY ONG AT DARGANI SIBLINGS SA CITY JAIL, DEPENDE SA PAGHAHANAP NG MGA DOKUMENTO SA PHARMALLY

KINUMPIRMA ni Senate Sgt At Arms Rene Samonte na dedepende sa aksyon nina Pharmally executives Mohit Dargani at Lincoln Ong ang paglilipat sa kanila sa Pasay City Jail mula sa custodial center ng Senado. Sinabi ni Samonte na kailangang maibigay ni Dargani sa Senate Blue Ribbon Committee ang financial documents na hinihiling sa imbestigasyon. Tiniyak ni Samonte na handa ang Senate security team na samahan si Dargani upang makuha ang mga kahong-kahong dokumento. Gayunman, hindi pa rin nagdedesisyon si Dargani kung magtutungo sa warehouse ng Pharmally o sa kanilang opisina…

Read More